Share

Chapter 55

Author: London Bridge
last update publish date: 2026-04-28 09:05:57

"Shall we order?" untag ni Tyler sa isang malamig na boses. Halos marinig ko ang pagtatagis ng kanyang mga ngipin habang pilit na pinapanatili ang pormalidad.

Muling ngumiti si Jimmy Ferrer at doon lang niya sa wakas binitawan ang kamay ko, pero hindi roon natapos ang pagkailang ko. Sa halip na umupo sa bakanteng silya sa dulo, pinili niyang tumabi sa akin. Ngayon, nasa harapan namin si Tyler na tila isang bulkang malapit nang sumabog. Ang kanyang mga mata ay matalim na nakatitig kay Jimmy, na
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 146

    Ang puting kisame ang unang bumungad sa akin nang dahan-dahan kong imulat ang aking mga mata. Napapikit ako nang mariin habang pilit na kinikilala ang paligid. Hindi ito ang kwarto namin ni Tyler.Nasa ospital na naman ako.Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago ko ibinaling ang aking tingin sa may pintuan. Bahagya itong nakasiwang, sapat para matanaw ko ang likod doon. Nakatalikod si Tyler sa pinto, at mula sa labas ng kwarto ay may kausap siya. Dahil sa katahimikan ng paligid, malinaw na umabot sa aking pandinig ang bawat salitang binibitawan ng kaniyang kausap."Goodness, Tyler. Hindi ba't sinabi ko sa'yo na huwag na huwag mo siyang bibigyan ng stress?" pangaral ni Chloe. Kahit mahina lang ang kaniyang boses. "Kung noong mga nakaraang buwan ay malakas pa ang kapit ng bata, ngayon ay hindi na. I can barely hear the heartbeat. Humihina ang kapit ng bata."Hindi sumagot si Tyler. Mula sa puwesto ko, nakita ko ang bahagyang pagbaba ng kaniyang mga balikat."Hindi ko a

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 145

    MARIELNatuptop ko ang aking bibig gamit ang dalawang palad. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko habang nakadikit ang mukha ko sa salamin ng kotse ni Rowan. Mula sa madilim na sulok ng parking lot kung saan kami nakapark, kitang-kita ko kung paano dumanak ang dugo. Kitang-kita ko kung paano bumagsak si Glory sa semento matapos barilin ng pulis nang akma nitong babarilin si Tyler mula sa likod.Napakurkrap ako, pilit na inaalis ang imahe ng duguang katawan ni Glory sa isip ko. Dahan-dahan kong nilingon si Rowan na nasa driver's seat.Walang emosyon ang kaniyang mukha. Para sa kaniya, ang karahasang katatapos lang naming masaksihan ay parang isang normal na palabas lang sa telebisyon."Did you... do this on purpose?" hindi ko napigilang itanong, halos mapiat ang boses ko sa pinaghalong takot at pagtataka. "Dinala mo ba siya doon sa bahay nina Sophia dahil alam mong mahuhuli siya ng mga pulis? Dahil alam mong ganito ang mangyayari sa kaniya?"Hindi sumagot si Rowan. Sa halip, marii

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 144

    Nakaupo ako sa passenger seat habang mariing nakahawak ang mga kamay ko sa seatbelt. Sa harap namin, natatanaw ko ang unt-unting pag-usad ng mobile patrol ng mga pulis, kung saan lulan si Glory.Nang sa wakas ay makarating kami sa tapat ng police headquarters, ipinarada ni Tyler ang sasakyan sa gilid. Sabay kaming bumaba. Pagkabukas ko ng pinto, agad na sumalubong sa balat ko ang malamig na simoy ng hangin ng gabing iyon. Dahil manipis lang ang suot kong dress na inilaan ko pa naman para sa naudlot naming dinner date, hindi ko napigilang yakapin ang sarili ko at bahagyang haplusin ang aking mga braso.Napansin agad iyon ni Tyler. Lumapit siya sa akin, ang mga mata ay puno ng lambing at pag-aalala. "Are you cold, love?"Hindi na niya hinintay ang sagot ko. Agad niyang hinubad ang kaniyang suit jacket at maingat iyong ipinatong sa mga balikat ko.Tumingala ako sa kaniya at ngumiti. "Thank you."Lumingon ako sa direksyon ng mobile patrol na huminto hindi kalayuan sa amin. Binubuksan na n

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 143

    Nakaupo kami sa gilid ng kama ni Tyler. Katatapos ko lang gamutin ang sugat na sintido ni Tyler. Habang si Glory naman ay nananatiling walang malay sa sahig, mukhang matindi ang nabitawang suntok ni Tyler sa mukha nito.May hawak na cold compress si Tyler, dahan-dahang itinatapat sa namamagang bahagi ng mukha ko. Bakas sa mga mata niya ang labis na pag-aalala, na para bang kahit anong oras ay mababasag ako sa harap niya."Aray!" Napakagat-labi ako nang medyo madiin ang pagkakalapat niya sa sugat ko.Agad na napaatras ang kamay ni Tyler, gulat at natatarantang tumingin sa akin. "I'm sorry... napalakas, love.""O-Okay lang," bulong ko, kahit ang totoo ay kumikirot talaga ang buong mukha ko.Hinawakan niya nang banayad ang panga ko, bahagyang iniharap ang mukha ko sa kaniya. Lumapit siya nang kaunti at marahang hinihipan ang namumulang pisngi ko. Ang mainit na hininga niya na humahaplos sa nasaktang balat ko ay tila sandaling nagpatahimik sa magulong paligid. For a moment, it was just hi

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 142

    Mabilis na tumayo si Tyler. Lumapit siya sa may veranda at marahas na hinila ang mahaba at makapal na kurtina doon. Pinunit niya iyon nang pahaba, bago hinati sa apat na piraso daily wala siyang makitang lubit dito sa loob ng kwarto.Lumapit siya sa walang malay na katawan ni Glory na nakasubsob pa rin sa sahig. Pinigilan niya ang mga kamay nito sa likod bago sinimulang itali nang mahigpit."Higpitan mo pa... maging ang mga paa niya," pabulong kong paalala. "Napakalakas niya. Daig pa niya ang lalaki. Huwag mo siyang bibigyan ng pagkakataon na makawala o makasipa kapag nagising siya.""I know. She was a former Taekwondo player," seryosong sagot ni Tyler habang marahas na hinahatak ang buhol ng kurtina sa mga pulso ni Glory. "Kahit sakal-sakal ko na siya kanina bago ako mawalan ng malay, nagawa pa rin niya akong siko-sikuhin at makawala sa akin. Mabilis siyang nakatakbo sa gilid at nakuha pa niya ang binili mong flower vase. Iyon ang ipinamalo sa ulo ko. She’s very capable of harming an

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 141

    Agad na ipinatong ni Glory ang kanyang palad upang takpan ang aking bibig, binubura ang anumang tunog na lumalabas sa aking lalamunan."Tumahimik ka!" gigil niyang singhal bago itinaas ang kanyang kamao at walang awa na isinapak diretso sa gilid ng aking ulo.Nanghina ang buo kong katawan at tila ba unt-unti nang umiikot ang aking paningin sa tindi ng sakit at sa dami ng sapok at sampal na natamo ko mula sa kanya. Subalit sa halip na maawa, isang nakalolokong tawa lang ang pinakawalan ni Glory habang nakapatong pa rin sa ibabaw ko."I'm going to give you an option, Sophia. Ayaw ko naman na ang tingin mo sa akin ay napakasalbahe kong tao," may panunuya sa kanyang boses habang dahan-dahang inilalapit ang kanyang mukha sa akin. "Hahayaan kitang mabuhay ngayon... kung aalis ka, magpapakalayo-layo, at hinding-hindi ka na muling babalik pa sa buhay ni Tyler kailanman. Iiwan mo sa akin ang lahat."Nanlilisik ang aking mga mata sa tindi ng galit habang nakatitig sa kanya. Sobra-sobra na ang k

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 84

    TYLERPabalik na ako sa kwarto ni Sophia nang matigil ako sa gitna ng pasilyo. Isang matinis at galit na sigaw ang bumasag sa katahimikan ng VIP floor, na sinundan ng ingay ng mga gamit na nagbabagsakan. Kumunot ang noo ko at mabilis na hinanap ang pinanggalingan ng gulo."Baliw ka! You're out of y

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 83

    TYLER"Her body is surprisingly strong. Isang araw pa lang ang lumipas, pero nakikitaan na namin siya ng mga positibong senyales. Her vital signs are stabilizing faster than we expected."Mas lalo akong nabuhayan nang sabihin iyon ng doktor ni Sophia."Talk to her as often as possible. Kahit nasa c

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 82

    AMESYL Inis akong naglakad pababa ng hagdan nang marinig ko ang ingay na nanggagaling sa baba. Sino ba namang hindi maiirita? Napakaaga pa para sa ganitong kaguluhan. Naabutan ko sina Manang Loring at ang iba pang mga kasambahay na nagkukumpulan sa tapat ng telebisyon, tila may mahalagang pinag-uu

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 79

    "Where are they? It's been fucking thirty minutes since you called them, Axel!" galit na singhal ko kay Axel sa loob ng sasakyan. "Bakit hanggang ngayon ay wala pa rin sila?!"Halos hindi ko na marinig ang sarili kong boses dahil sa ingay ng malakas na ulan na humahampas sa windshield, kasabay ng n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status