LOGINROWANIsang malakas na sampal ang lumagapak sa pisngi ko na nagpabalikwas sa akin mula sa malalim na pagkakahimbing. Halos mag-spark ang paningin ko sa tindi ng sakit. Pagdilat ko, tumambad sa akin ang galit na galit na mukha ni Mariel sa gitna ng dilim.Napahilamos ako sa sariling mukha, pilit na iniinda ang hapdi habang ang kabilang kamay ko ay malakas na humampas sa kama sa sobrang inis."What the fúck is wrong with you, Mariel?! Bakit mo ako sinampal?" bulyaw ko, ang boses ko ay paos pa dahil sa kagigising lang.Imbes na matakot, mas lalong nanlisik ang mga mata niya. Buong pwersa niyang hinampas ang braso ko kaya napapitlag ako. "You were whispering Sophia's name in your dream, Rowan! Anong gusto mong gawin ko? Hayaan lang kitang panaginipan siya habang katabi mo ako?!"Napakurap ako. Nawala bigla ang antok ko at hindi agad ako nakasagot. Nananaginip ako? Bakit wala akong maalala? At sa dinami-dami ng pwedeng lumitaw sa panaginip ko, bakit si Sophia pa?"Baka nagkakamali ka lang
Nakatuon ang buong atensyon ko sa doktor habang sinusuri niya ang aking mga mata gamit ang isang maliit na penlight."It’s truly a miracle, Sophia," manghang saad ng doktor habang tinitingnan ang aking chart. "After what happened yesterday, your heart stopping and that flatline... it's rare for a patient to regain consciousness this quickly. Only those with a very strong will to live and a resilient body can do that."Bahagya akong tumango, pero sa loob-loob ko ay tila sasabog ang dibdib ko sa kaba. Nag-aantabay ako. Hinihintay ko ang susunod niyang sasabihin, ang tungkol sa pagbubuntis ko. Imposibleng hindi niya iyon alam. He’s a doctor, lahat ng test results at physical exams ko ay nasa harap niya. Pero lumipas ang ilang minuto at wala siyang binanggit."What other tests do we need to perform, Doc?" tanong ni Tyler na nakatayo sa tabi ko, hindi pa rin bumibitaw sa pagkakahawak sa aking balikat. "I want to make sure everything is 100% fine before we even think about leaving this hosp
Mabigat ang aking mga talukap, tila ba may mga batong nakadagan sa mga ito na pilit akong ibinabaon sa isang madilim at walang katapusang panaginip. Gusto kong idilat ang aking mga mata, gusto kong makakita ng liwanag, ngunit bawat pagsubok ko ay tila nauuwi sa wala. Pagod na pagod ang aking buong katawan.Sa gitna ng kadilimang iyon, naramdaman ko ang isang pamilyar na init sa aking kanang kamay. May kung anong mabigat na nakapatong doon, isang mahigpit at nanginginig na hawak na tila ba natatakot na pakawalan ako.Pinilit kong igalaw ang aking mga daliri. Isang maliit na kislot lang. Kasabay ng paggalaw ng aking kamay, isang boses ang bumasag sa katahimikan, isang boses na kilalang-kilala ng puso ko."Sophia?"Doon ko kinuha ang lahat ng natitirang lakas ko para tuluyang imulat ang aking mga mata.Sa unang sandali, hiningal ako nang malalim, tila ba kakalabas ko lang mula sa ilalim ng tubig. Nanlalabo ang lahat. Ang puting kisame, ang mga makina sa paligid, at ang anino ng isang tao
TYLERHatinggabi na nang bigla akong maalimpungatan. Hindi dahil sa kung anong ingay sa labas, kundi dahil sa isang matinis at nakakapanindig-balahibong tunog ng alarm mula sa mga aparato ni Sophia.Mabilis akong napabalikwas mula sa sofa. Nanlalamig ang mga kamay ko nang makita ko ang kalagayan niya. Sophia was seizing, nangingisay ang kanyang buong katawan at ang kanyang mga daliri ay tila naninigas. Sa monitor, ang kaninang regular na tibok ng puso niya ay biglang naging magulo bago ito naging isang diretso at mahabang linya."Sophia!" sigaw ko habang mabilis na lumalapit sa gilid ng kama niya. Hinawakan ko siya sa braso, pilit na pinapakalma ang kanyang katawan. "Sophia, anong nangyayari sa'yo? Sophia!"Nataranta ako. Sa sobrang takot, pakiramdam ko ay hihinto rin ang puso ko. "Tulong! Nurse! Doc! Tulungan niyo kami!"Halos liparin ko ang distansya patungo sa telephone sa loob ng suite. Nanginginig ang mga daliri ko habang pilit na dinidial ang emergency station sa lobby."Emergen
TYLERPabalik na ako sa kwarto ni Sophia nang matigil ako sa gitna ng pasilyo. Isang matinis at galit na sigaw ang bumasag sa katahimikan ng VIP floor, na sinundan ng ingay ng mga gamit na nagbabagsakan. Kumunot ang noo ko at mabilis na hinanap ang pinanggalingan ng gulo."Baliw ka! You're out of your mind!" singhal ng isang boses na hinding-hindi ko mapagkakamalan. Kay Amesyl ang boses na iyon."N-Nasasaktan ako! Please, tama na! Wala naman akong ginagawang masama!" Dinig ko naman ang gumaralgal na iyak ni Glory.Sunod-sunod akong napamura sa isip ko habang mabilis na tinatahak ang pasilyo. Anong nangyayari? Ilang minuto pa lang akong nawala para sumagot ng tawag, pero tila naging war zone na ang kwarto ni Sophia.Halos sipain ko ang pinto sa pagmamadali at doon ay tumambad sa akin ang isang eksenang hindi ko inaasahan. Duguan ang ilong ni Glory at tila hirap siyang huminga habang pilit na kumakawala sa mahigpit na pagkakasabunot ni Amesyl sa kanyang mahabang buhok. Gigil na gigil si
TYLER"Her body is surprisingly strong. Isang araw pa lang ang lumipas, pero nakikitaan na namin siya ng mga positibong senyales. Her vital signs are stabilizing faster than we expected."Mas lalo akong nabuhayan nang sabihin iyon ng doktor ni Sophia."Talk to her as often as possible. Kahit nasa comatose state siya, research shows that patients can sometimes hear and process the voices of their loved ones. Direct communication can serve as a powerful stimulus for her recovery.""You mean... naririnig niya ako?" tanong ko, umaasa."It's a possibility we shouldn't ignore," sagot ng doktor. "Tell her stories, encourage her, or simply let her know you're there. It creates a sense of safety and connection that helps the neurological healing process. Every word counts."Tumango ako nang mariin. "I'll do everything, Doc. Hinding-hindi ko siya titigilan sa pagsasalita hanggang sa magising siya.""Good. For now, just keep the environment positive. Her physical recovery is on the right track,
"Mariel!"Isang pamilyar na boses ang dumagundong mula sa men's wear section. Agad akong napalingon at doon ay nakita ko si Rowan na galit na galit habang malalaki ang mga hakbang na papalapit sa amin. Dali-dali niyang dinaluhan si Mariel at ingat na ingat na itinayo ito na tila ba isang mamahaling
"Get everything you want," seryosong sabi ni Tyler habang nakatingin sa akin.Napaangat ako ng tingin sa kanya, tila hindi makapaniwala sa narinig. "Kahit ano?""Anything," sagot niya na para bang wala sa kanya ang pera kung magkano man ang gastusin ko.Inabot ni Tyler ang isang black card sa akin.
"Aren't you going inside?" tanong ni Tyler sa akin. "Kailangan pa ba kita buhatin papasok dito sa loob?"Napalunok ako at dahan-dahang sumakay sa sasakyan. Naupo ako sa tabi niya pero tila may malaking pader sa pagitan namin dahil ilang dangkal ang layo ko sa kanya. Hindi ko magawang tumingin nang
EIGHT YEARS AGO.Akala ko ang pagiging bankrupt ng kumpanya namin ang pinakamasaklap na balitang matatanggap ko. Pero kagabi lang nang sabihin ni Daddy na bata pa lang ako ay naipagkasundo na akong ipakasal sa isang lalaking nagngangalang Tyler Santibañez. Apo siya ng isa sa mga pinakakilalang busin







