PAGKATAPOS nga ng naging pag-uusap namin ni Mr. Saavedra sa opisina niya ay tumigil na ako sa pagtatrabaho sa club ni Ate Elsa. Tanging school, bahay at ospital nalang ang pinupuntahan ko. Halos linggo-linggo rin ito nagbibigay ng pera panggastos ko at ng pamilya ko. "Aliyah anak, matanong ko nga. Bakit parang hindi kana pumupunta kanila Elsa para hintaying sabay kayong pumasok?" tanong ni Papa isang araw nang makitang hindi ako nag-aayos o naghahanda para sa pagpasok sa trabaho. Kagagaling ko lamang ng university n'on kaya naman itinabi ko muna ang ilang gamit ko. "Hindi na ako nagtatrabaho sa kanya Pa." simpleng sagot ko kay papa. Nang magpaalam ako kay ate Elsa na aalis na ako sa trabaho ay hindi na ito nagtanong pa. Dinahilan ko nalang na kailangan ko nang magfocus sa pag-aaral. Hindi nalang ito kumibo at tanging tango lang ang sinagot. "Ah ganoon ba? Eh saan ka kumukuha ng panggastos natin dito sa bahay kung umalis ka na pala sa club ni Elsa?" tanong ulit ni papa habang kuno
BUMUTI-buti na ang kalagayan ni mama at bumabalik na ang dati niyang lakas matapos ang ilang buwan niyang pagtetherapy at madalas na check up sa kanya ng doctor. Pero sa ospital pa rin siya nakatigil, pwede naman na daw siyang umuwi pero mas maganda daw na nasa ospital siya para mabilis siyang maoobserbahan ng mga doctor hanggang sa wala nang madetect na cancer cells sa katawan niya. Malungkot man ay pumayag nalang kami ni Papa dahil alam naman naming mas makabubuti iyon sa kondisyon ni mama. Totoo nga ang sinabi Mr. Saavedra, lahat gagawin niya para lang gumaling at lumakas si mama. Na malaking pinagpapasalamat ko sa matanda.Pagkatapos ng huling punta niya sa bahay namin nang walang pasabi ay hindi na ito muling nagpakita sa akin. Kay Allan niya nalang idinadaan ang perang ibinibigay. Tumatawag-tawag lamang ito sa akin upang mangamusta at tanungin kung may iba pa ba akong kailangan o gusto. "Aliyak anak..." tawag ni mama sa akin kaya naman agad akong tumingin sa kanya at lumapit s
MABILIS nga lamang lumipas ang araw. Ngayong araw na ang graduation day namin. Pinayagan ng mga doctor si mama na makalabas at makadalo sa espesyal na pangyayaring ito sa buhay ko ngunit kailangang nakasakay lamang siya sa kanyang wheelchair. Silang dalawa lang ni Papa ang kasama ko dahil ayaw rin magpaiwan ng iba ko pang kapatid kung sasama raw si Alex, wala nalang siyang nagawa at mas pinili nalang na manatili sa bahay. Mga kaklase ko ang katabi ko habang sila mama at papa naman ay nasa bandang likuran kasama rin ng ibang magulang. Hinihintay pa naming matapos magspeech ang summa cum laude ng aming university bago tuluyang tawagin ang mga estudyante isa-isa. "Aliyah? Matagal pa kaya 'to? Nabobored na ako eh." wika ni Mae sa tabi ko kaya naman napalingon ako sa kaibigan. "Siguro hindi naman na. Kanina pa 'yan nagsasalita 'di ba?" sagot ko sabay ngiti sa kanya. "Oo nga eh, hindi ko nga alam kung pinapakinggan pa ba ng ibang estudyante." dagdag pa nito sabay lingon sa iba pa namin
MATAPOS nga ng naging pag-uusap namin ni Mr. Saavedra sa labas ng venue ay agad na akong bumalik sa loob. Pinilit ko ang sariling alisin muna ang negatibong pakiramdam dahil ayoko naman na hanggang dito ay masama pa rin ang loob ko at naiinis. "Aliyah, okay ka lang?" tanong agad ni Mae nang saglit niya akong tapunan ng tingin. "Ha? O-oo naman. Bakit?" tanong ko rin at pilit na ngumiti. Ayokong malaman niya na pagkatapos ng masayang pangyayaring ito sa buhay ko ay may naghihintay nang tila sumpa pagkauwi ko. Gusto ko nalang sulitin ang mga oras na ito. "Parang ang lungkot mo. O baka naman pagod kana? Nagduty ka pa ba kagabi?" tanong ulit ni Mae na agad ko namang inilingan bilang sagot. Hindi niya pa nga rin pala alam na tumigil na ako sa pagtatrabaho sa club ni Ate Elsa. "Hindi ano ka ba. Naiinip lang ako. Ano na bang course ang tinatawag?" pag-iiba ko ng usapan para naman matigil na ang paninitig sa akin ng kaibigan. "Ah hindi ko alam kung anong course eh, pero sabi nila last n
"SERYOSO po ba kayo? Itong malaking bahay na ito ang regalo niyo kay Aliyah?" gulat na gulat at tila hindi makapaniwalang tanong ni papa kay Mr. Saavedra ngayon. Bago niya nga ihatid sila mama at papa sa bahay ay may dinaanan muna kaming isang private subdivision. Ilang ikot lang ang ginawa niya bago siya tumigil sa isang bahay at ipinababa kami doon. "Yes, since this is the first work of Aliyah in my company, I want to congratulate her and give her a gift. This house." sagot ni Mr. Saavedra at kinuha ang isang susi sa kanyang bulsa at maya-maya nga lamang ay binuksan ang pintuan ng bahay. "Wow! May gamit na din dito sa loob. Eh di bigay mo na din ito sa kanya?" tanong ulit ni papa patungkol sa mga gamit sa bahay. Tila manghang-mangha ito.Kumpleto na ang bahay na ito sa gamit. Mula sa living room na may malaking flat television at chandelier sa kisame hanggang sa dining room na may tila kabinet na refrigerator at mahabang lamesa. "Eh hindi ba stay in ang anak ko sa kompanya mo, p
"ALIYAH we're here." magkakasunod na tapik at mahinang usal ni Mr. Saavedra ang nakapagpagising sa akin. Agad akong napadilat ng mga mata at mabilis na inikot ang aking paningin. Hindi ko na alam ang lugar na ito. Madilim sa labas ngunit kitang-kita ang malaki at magarbong pintuan ng bahay dahil sa dalawang ilaw na nakapalibot dito. "Gising kana ba? We're already at my house. Let's go, sa loob mo na ituloy ang pagtulog mo." saad pa nito at siya na ang nagkusang nagtanggal ng seatbelt ko. Tumango lamang ako bilang sagot. Hindi ko kasi alam kung gaano na ako katagal nakatulog, baka mamaya bumaho na ang hininga ko tapos kung magsasalita pa ako ay baka maamoy pa ni Mr. Saavedra, nakakahiya.Kinuskos ko muna ang mga mata ko at sinuklay ng mabilis ang mahabang buhok bago tuluyang bumaba at sumunod sa matanda. Ito na ang nagbitbit ng dala ko na tanging isang maleta lamang. Sabi niya kasi kanina bago kami umalis sa bahay ay kahit huwag na raw ako magdala ng madaming gamit, mamimili nalang
ROCCO POV"Hey dude." agad nabaling ang atensyon ko sa pinsan kong si Paul nang tumabi ito sa akin. Agad ko itong inalok ng alak ngunit mabilis lamang itong lumayo at iniwas ang mukha. "Fuck you." saad ko at ako na lang ang uminom n'on. Ano bang ginagawa ng taong 'to dito?"I'm with someone right now, ayokong uminom. Gusto ko pang enjoyin ang gabi ko." agad lumukot ang mukha ko sa sinabi ng magaling kong pinsan. Eh halos gabi-gabi naman talaga na may kasama itong babae. Ang malala pa d'on, paiba-iba! "Another fuck you Paul. You're always with someone every night so what's new?" panunuya ko sa pinsan ko sabay tawa ng mahina. Totoo naman, mas madalas pa nga yata na magbago ito ng babae kaysa magpalit ng brief niya eh."Dude iba 'to ngayon. She's kinda cute and innocent. Alam mo naman na ganoong mga tao ang tipo ko 'di ba. Innocent cat in their face but a wild tiger in bed!" kwento nito sabay akbay sa akin "Your hands. Puputulin ko 'yan pag hindi mo inalis 'yan." pagbabanta ko kaya n
Warning! This chapter is R18, or for mature readers only.Mabilis ko na ngang hinigit iyong babae at dinala sa condo ko. Nasa elevator palang kami ay hindi na kami parehas makapagpigil. I really want to be inside of her now.I pushed her against the wall of the elevator as I slid my hands into her thighs. Nakasuot lang ito ng hapit at maikling dress kung kaya naman agad kong naipasok ang kamay ko sa loob ng damit niya.I circled my fingers while trying to reach for her middle part. I heard her moan when I finally touched her. She's now wet and I also feel like she's ready.Agad kong inalis ang kamay at daliri ko sa kanya nang biglang bumukas ang elevator, mabuti nalang at walang taong nakaabang kaya naman hanggang sa pagbubukas ko ng unit ay naghahalikan kami.Fingerprint lang ang kailangan at bumukas na ang pinto.I slightly push her on the couch as I remove my clothes one by one. She is still in her clothes.Amazed was seen in her eyes when she saw my big, thick, and hardened manho