"PAPA!" sigaw ko pagkapasok ko ng bahay namin. Nagtaka naman ako dahil hindi ako sinalubong ng aking ama sa labas ng bahay namin. Lagi niya kasing ginagawa 'yon. Ngayong araw lang yata hindi.
"Alex nasaan si papa? At saka si mama? Bakit wala dito?" tanong ko sa sumunod kong kapatid nang makitang nakaupo ito sa tapat ng telebisyon namin."Hindi ko po alam ate eh. Kanina po kasi narinig nalang namin na sumigaw si papa tapos ginigising si mama tapos maya-maya po dumating sila Kuya Dante tapos tinulungan si papa na buhatin si mama palabas." tila wala sa sarili na sagot ng kapatid ko sa akin. Na para bang nagkekwento lang siya ng binili niyang candy sa tindahan.Shit anong nangyari? Kailangan kong tawagan si Papa. Baka ano nang nangyari kay mama.Hindi pa man ako nakakabihis ay agad ko lang nilapag ang bag ko at agad kinuha ang cellphone ko para tawagan si Papa. Ilang ring lang ay sumagot na agad si papa."Pa anong nangyari? Bakit sabi ni Alex binuhat nyo daw si Mama palabas ng bahay? May masama po bang nangyari?" tanong ko agad kay Papa. At tila pinapakalma ang sarili."Anak oo eh, pumunta ka nalang agad dito sa ospital dito sa bayan kung gusto mo, hindi ko kasi mapaliwanag ng maayos sayo eh. Ihabilin mo nalang muna iyang mga kapatid mo.""Sige po Pa, hindi na po ako magpapalit. Pupunta na po ako ngayon dyan. Kailangan niyo po ba ng gamit dyan? Damit po? Para makapagdala ako.""Iyong sa nanay mo nalang anak. Baka uuwi din muna ako para makapaghanap ng pera."Bakit parang sobra ang nangyari kay mama. Naaawa naman ako kay papa."Sige po Pa. Hintayin niyo po ako. Mag-aayos lang ako ng gamit ni Mama.""Sige anak, mag-iingat ka."Iyon lang ang huling sinabi ni Papa bago niya binaba ang tawag. Agad kong tinawag ang kapatid ko na si Alex."Bakit po ate?" tanong ni pagkalapit."Bantayan mo muna iyang mga maliliit na kapatid natin ha. Pero sasabihin ko din na samahan muna kayo nila Ate Martha dito." habilin ko sa kanya na patango-tango lang habang hawak ang laruan niya."Sige po Ate." iyon lang ang sinagot niya at bumalik na sa tapat ng telebisyon.Agad akong nagtungo sa kwarto nila Papa at kumuha ng ilang damit ni Mama. Sinalansan ko ito sa malaking bag na nakita ko rin dito sa kwarto nila. Pagtapos noon ay lumabas na ako at nagpunta muna kanila Ate Martha para ihabilin ang mga kapatid ko. Sumakay na agad ako sa jeep na pinara.Habang nasa byahe ay taimtim akong nagdadasal. Mabuti na nga lang at Sabado ngayon. Mayamaya lang ay narating ko na agad ang ospital na sinasabi ni Papa."Analiza Ricaforte po." sabi ko sa nurse nasa reception. Agad naman nitong tingnan ang record at hinanap ang pangalan ni Mama."Room 318 po. Third floor." iyon lang ang sinabi ng nurse at agad ko na siyang iniwanan. Gumamit ako ng elevator para mapabilis ang pagpunta sa kwarto ni Mama."Pa..." tawag ko kay Papa nang makita itong nakatayo sa harap ng isang kwarto at tila malalim ang iniisip."Aliyah anak, andito kana pala. Hindi ko namalayan. Iniisip ko kasi kung saan ako kukuha ng pera pambayad sa mga bill ng mama mo dito sa ospital." mahabang saad ni Papa habang inaaya ako maupo sa mga upuan na nakahilera hind kalayuan."Huwag na po muna kayo mag-isip Papa. Malaki po ang kinita kong tip kagabi sa club. Ako na pong bahala." pag-aalo ko sa aking ama, parang hindi ko kakayanin kung kay papa naman may mangyaring hindi maganda."Pasensya kana anak ha, sagutin mo na nga ang pangaraw-araw nating pamilya pati pag-aaral mo tapos ganito pa ang mangyayari. Pati pa yata sa bayarin ng mama mo sayo pa rin aasa. Pasenya kana Aliyah anak, nahihiya na ako sayo." litanya ni Papa habang pinupunasan ang mga luhang hindi na niya napigilang ilabas. Agad ko siyang niyakap at pinatahan."Pa okay lang po 'yon. Panganay ako at pamilya tayo. Normal lang na magtulungan tayo. Huwag po kayo mag-alala, malalagpasan po natin 'to."Ilang minuto pa ang lumipas bago tuluyang tumahan si Papa. Maya-maya lang din ay may lumabas na doctor at hinahanap si Papa."Mrs. Ricaforte relatives?" tanong niya kaya't agad kaming tumayo ni Papa."Ako po ang asawa niya." wika ni Papa."Please come to my office. I will discuss the situation of your wife." iyon lang ang sinabi nito at nauna nang pumasok sa kanyang opisina."Aliyah anak, ikaw muna magbantay sa mama mo ha. Kakausapin ko lang ang doctor.""Sige po Pa."Nang makitang wala na si Papa ay pumasok na ako sa loob ng kwarto ni mama. Tulog ito at may nakakabit na tubo sa kanyang bibig, para yata sa kanyang oxygen.Ilang minuto lang ay naramdaman kong bumukas ang pinto ng kwarto ni Mama kaya agad akong lumingon doon. Si Papa pala ang pumasok."Kamusta Pa? Anong sabi ng doctor?" agad kong tanong."Anak kasi ano eh, over fatigue daw kaya nawalan ng malay ang mama mo.""Ganoon po ba. Eh di pahinga lang po pala ang kailangan ni mama-""Anak hindi eh. May nakita ring iba iyong doctor." putol ni papa sa sinasabi ko."Po? Paanong iba po?""Nakitaan daw nila ng sintomas ang mama mo ng leukemia. Kakailanganin niyang mag undergo sa mga chemo. Anak mahal 'yon eh. Gustuhin ko man pero anak parang kahit yata magtrabaho ako buong buhay ko kukulangin pa rin para matapos ang session ng chemotherapy ng Mama mo -""Pa, ako na pong bahala doon. Saglit po dito muna kayo. Ako po maghahanap ng paraan." saad ko sabay tayo ay labas ng kwarto ni mama.Isang bagay nalang ang naiisip kong magsasalba kay mama. Hindi ko na kailangang mag-isip pa ng matagal. Ayaw ko man ay kailangan. Para sa pamilya ko.Agad kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa at tinawagan si Ate Elsa. Wala akong number ng taong hihingian ko ng tulong pero siguro naman meron si Ate Elsa."Oh Aliyah napatawag ka?" bungad niya sa akin."Ate Elsa, may contact number ka ba ni Mr. Saavedra?" akala ko ay naputol na ang tawag namin nang mapansin na ilang segundo na ay hindi pa rin sumasagot si Ate Elsa sa kabilang linya."Ate Elsa? Nandyan ka pa?" tanong ko ulit."H-ha? O-oo Aliyah, sorry. Namali yata ako ng rinig.""Hindi po kayo namali ng rinig. Talaga pong hinihingi ko ang number ni Mr. Saavedra." sagot ko ulit sa kanya."G-ganoon ba? Sige teka lang. Itetext ko nalang sa iyo." iyon lang ang sinabi ni Ate Elsa at binaba na rin ang tawag.Para sa pamilya ko, papayag na ako sa proposal ni Mr. Saavedra. I will do everything to lessen my family's burden. I am ready and willing to be sold to Mr. Saavedra.HI EBRIWAAAN! THANK YOU SO MUCH SA WALANG SAWANG PAGKALAMPAG PARA MATAPOS ANG STORY NILA ALIYAH AT ROCCO! SOBRANG TAGAL NA KASI NITONG DRAFT NA TO NA HALOS PAIBA IBA NA ANG PLOT PERO YUN NGA NAITAWID PA RIN KAYA MARAMING SALAMAT SA INYO. NAGBABALAK AKONG SUMALI SA CONTEST KAYA LANG BAKA HINDI KO NA NAMAN MATAPOS AGAD KAYA DI KO PA ALAM PERO THANKFUL AKO SA INYO ALWAYS, YUNG MGA NAGAGALIT DYAN SORRY HUHU, ILALAGAY KO NALANG KAYO SA SUNOD NA STORY KAYO YUNG MGA MAGPAPAHIRAP KAY FEMALE LEAD EME HAHAHA BAKA MAY MALITO SA MGA CHARACTERS SA DULONG PART HA, NASA STORY PO YAN NI ASHTON (Just a Contract) MAGANDA DIN AY SI PROMOTE HAHAHA YOWN LANG TENKS AGAIN, MAHAL KO KAYO LAHAT! MABUHAY PA SANA KAYO NANG MATAGAL đ¤đ¤đ¤
ALIYAH POVâALIYAH!â Agad akong napalingon sa pinto nang marinig ang sigaw na iyon. Halos manlaki ang mga mata ko nang makitang si Mae iyon na hingal na hingal. âM-mae?! Anong ginagawa mo dito? Delikado dito at saka paano ka napunta dito? Kinidnap ka din ba nila?â âSa susunod ko na ipapaliwanag sayo ang lahat, for now, kailangan muna nating makalabas sa lugar na ito at makalayoâââAnd what do you think youâre doing Mae? Bakit mo pinapakawalan ang pain ko?â Halos sabay pa kaming napalingon ni Mae sa pintuan nang marinig ang boses na iyon. It was Mr. Perez having a smirk in his face. âWhat is wrong with you dad?! Hindi mo ba kilala kung sino tong babaeng kinidnap niyo?! It was Aliyah, my best friend. Hindi ko hahayaan na saktan niyo ang mahalagang tao sa buhay ko!âHalos madurog ang puso ko nang isang malakas na sampal ang agad na lumipad sa pisngi ni Mae. Shit, ama pala ni Mae si Mr. Perez. Anong kinalaman ng pamilya nila kay Richard? âWow, I never knew you could be this ruthle
ALIYAH POVâMIGO ANO âTO?! Anong ibig sabihin ng lahat ng to?!â Pinilit kong palakasin ang loob ko. Gusto kong magalit kay Migo, anong ginagawa niya dito?! Bakit siya nandito?âMigo ano?! Tangina kasabwat ka nila?! They are looking for Richard, tapos⌠tapos makikita kita dito? Tangina Migo tinatraydor mo ako! Tinatraydor mo si Richard!â Gusto kong sampalin, gusto kong sipain, gusto kong saktan si Migo. Paano niya to nagawa? Paano niya to nagawa sa amin? Kay Riley? Tangina, hindi ko maisip. Bakit sa lahat lahat ng tao? Sya pa, sya pa talaga na halos pinagkatiwala ko na ang buong buhay ko. âCan you please leave us?â Tanong ng binata sa mga lalaking nakabantay sa amin. Umalis na yung matanda na sa pagkakarinig mo ay si Mr. Perez. Mukhang nag alinlangan pa yung mga nakabantay at nagbubulungan. Mahigpit kasing bilin ng matanda kanina na huwag akong iiwanan ng tingin. âItâs just a few minutes, bumalik kayo agad pagtapos ng limang minuto.â âTara na nga! Sya naman mananagot pag nakata
ROCCO POVPAKIRAMDAM ko ay biglang gumuho ang mundo ko nang wala akong nadatnan sa bahay ko. Walang Aliyah at walang Riley.Shit, ito na nga ba ang sinasabi ko. Ito na nga ba ang kinakatakot ko, ang iwan ako ulit nila Aliyah. Tangina ano nang gagawin ko?! Halos mapasalampak ako sa sahig nang masiguro kong wala na nga sila Aliyah sa pamamahay ko. Iâve searched everywhere. Sa kwarto, sa kusina sa banyo kahit sa garden ay wala! Wala na silang dalawa ni Riley. Imbes na mag iiiyak ay kinuha ko ang cellphone ko at mabilis na hinanap ang number ni Aliyah. I immediately called her and I wasnât surprised at all nang hindi ko na iyon ma-contact. Of course, sino bang umalis ang gustong mahanap siya. Tinigilan ko ang pagcontact kay Aliyah at si Paul nalang ang tinawagan. Halos dalawang ring lang ang lumipas at agad na rin niya iyong sinagot. âWhat nowâââAliyah was missing, iniwan niya na akoâââKahit din naman ako ay ganoon ang gagawin pagtapos ng ginawa mo.â âFuck you Paul, hindi ngayo
ROCCO POVâWHAT are you doing here, Rocco? Wala ka bang buhay na dapat sirain?â I immediately show Paul my middle finger while walking towards his liquor alley. Kumuha ako ng bote roon at basta na lamang tinungga. âHey what the fuck?! That cost our lives! Alam mo bang mas matanda pa sa atin yang alak na yan tapos basta basta mo nalang tutunggain? Ano na naman bang problema mo?â Nahiga ako sa sofa na nandito lang din sa loob ng office ni Paul at tumunganga. What the fuck did I do? Imbes na mapalapit sa akin sila Aliyah ay parang mas lalo lang lumalayo ang loob nila sa mga ginagawa ko. Fuck, all I want is just a fucking chance. One chance. Please, bigay mo na sakin yun Lord. Hindi ko alam na umiiyak na pala ako kung hindi pa ako tapikin sa balikat ng pinsan ko. âI donât know what youâre going through right now, Rocco. Pero advice ko lang sayo, balikan mo, kausapin mo.â âNasasaktan ko lang sila, Paul. And only God knows that is the least thing I want them to experience. Tangina,
âJUST stay still there okay, Riley? Tatawagan lang ni mommy yung friend niya.â âOkay po.â Agad ko na ngang tinawagan ang numero ni Mae at ilang ring pa ang narinig ko bago niya iyon sagutin. âHey, Aliyah, Iâm really sorry, nandyan na ba kayo?â Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Akala ko pa naman ay nandito lang siya sa malapit kaya nagmadali agad akong nagpunta rito. But to my surprise, nauna pa rin kami ni Riley. âYes, nasaan kana ba? Kung matatagalan ka pa I think i-reschedule nalang muna siguro natin âto or maybe we can catch up through phones nalangâââNo no! I almost there, nasa escalator na ako. Sorry talaga!â Naiinis na binaba ko ang cellphone ko at nilingon si Riley. He was holding a toy that was given to him by Rocco, as far as I can remember, iyan yung laruan na binigay ng binata kay Riley noong unang beses naming pumunta sa bahay niya. A monster truck. âRiley, do you want something to eat? Or drinks maybe?â Alok ko sa anak ko. âNo mommy, Iâm not h