Hello 😍
Malamig ang simoy ng hangin na dumadampi sa balat ni Eleanor kaya't naimulat niya ang kan'yang mga mata. Madilim parin ang paligid, mag aalas kuwatro palang ng umaga. Tumayo siya, napagpasyahan niyang uminom ng tubig dahil nakakaramdam siya ng uhaw. Maingat siyang tumayo, medyo maliwanag pa naman ang buwan na pumapasok sa bintanang bahagya niyang binuksan kaya hindi na siya nag-abala pang magbukas ng ilaw. Lumabas na siya ng pinto. Sa di kalayuan sa sala, na nasa harap mismo ng pinto niya. Isang bulto ng tao ang nakita niyang nakaupo sa upuan. Hindi niya masyadong naaninag ang mukha nito dahil madalim sa parteng iyon ng bahay. Sa isip niya'y baka si Niro lang din ito, pero ang ipinagtataka niya bakit nakaupo ito sa upuan na nakaharap sa pinto ng kwarto niya. At isa pa, anong oras palang. "N-Niro..." mahina niyang saad. Umaasang si Niro nga lang ang taong nasa harap pero ginagapang siya ng kaba, kinukutuban siya. Narinig iyon ni Knight kaya nag-igting na naman ang panga niya,
Humugot ng malalim na paghinga si Niro habang nakangiti, inabot ang likod ng ulo nito papalapit sa kan'ya at ginawaran ng halik sa may noo."Of course, binilhan kita. I told you, I'll do everything for you— so I'll buy everything you wants." Tuluyan ng namula ang pisnge ni Eleanor, lalo pa't ang lapit ng pagitan nila ni Niro at ang baba nito ay nakapatong sa ulo niya. Ramdam na ramdam niya ang mabilis na tibok ng puso nito, maging ang kan'ya."Pumasok na tayo, mahamog na." saad muli ni Niro, inabot ang kamay niya at agad na naglakad pabalik sa loob ng bahay. Hindi maintindihan ni Eleanor ang nararamdaman niya, mabilis ang kabog ng puso niya. Ang init ng palad ni Niro na nakahawak sa kamay niya kaya hindi siya mapakali, hindi niya maintindihan— ang nasa isip niya lang kasi ay isang kahilingan na sana gano'n din ang trato sa kan'ya ni Knight. Pero hindi. Ibang-iba si Knight. Imbes na paro-paro sa t'yan ay daga sa dibdib ang laging pinapadama nito sa kan'ya. Pero mabuti na iyon, lalo
Winisik-wisik ni Knight at kamao niyang may dugo. Ilang beses nang dumapo ng malakas ang suntok niya sa matandang si Don Rafael na ngayon ay putok ang labi at kilay."This is not enough! Hindi sapat 'tong putanginang suntok na 'to. You. fucking. Killed. Fara." madiin niyang saad habang hawak hawak ang panga nito bago maharas na binitawan.Naiyuko nalang ng matanda ang kan'yang mukha. Damang dama ang sakit ng mga sugat at ang galit na pinapakawalan ngayon ni Knight."You'll rot here, old man." asik niya pa bago tuluyang lumabas sa isang silid. Tumingin muna siya sa mga pulis, na agad na nagsiyuko. He paid for this. Nagbayad siya ng malaking halaga para lang masuntok si Don Rafael.Mabibigat ang hakbang niyang lumabas sa presinto, sumakay sa kotse na agad namang pinatakbo ng butler niya.Kinuha niya ang puting panyo sa bulsa niya at pinahid sa dugo sa kamao niya bago muling bumulyaw, "Fuck!"Humugot siya ng malalim na paghinga, pilit kinakalma ang sarili. Pilit na pinapamanhid ang dibd
"K-Knight..." narinig ni Knight ang tila tarantang boses ni Flor, kaya sandali siyang tumingin sa rearview mirror. Nanlaki ang mata niya, binalot ng takot at gumapang ang matinding kaba sa dibdib niya, "Fuck! Bakit may dugo?" tarantang tanong niya. Dahil do'n mas binilisan pa niya ang pagpapatakbo. Kinukutuban siya ng masama. Hindi simpleng mga pasa lang ang inaabot ni Fara sa kamay ni Don Rafael. "M..may dugo.. lumalabas sa tainga niya, Knight! Bilisan mo!" naiiyak na saad ng nanay ni Fara. Bakas din sa mukha nito ang takot sa nangyayari sa anak niya. Fuck. Fuck! Mura ng mura si Knight sa isip niya, dinadaga ang puso niya sa sobrang kaba. 'What the fuck is happening? Ba't nagkagano'n si Fara?' tanong niya sa isip niya. Hindi nagtagal ay nakaabot din sila ss ospital, agad silang sinalubong ng mga nurses at doctor. "Kami na po ang bahala, dito lang po kayo!" pigil ng doctor sa kanila ni Flor kaya naiwan silang nakatayo sa labas ng pinto ng emergency room. Natutop niya
He kissed her, he kissed her softly. Puno ng pagmamahal, puno ng pag-iingat. Kagaya ng dati, kagaya ng nagmamahalan pa sila. Mainit. Malumalay. Isang segundong pagdampi ng labi nila, hanggang sa mismong si Fara ang kumalas dito. Ngumiti ito ulit ng mapakla. "I want to rest na, love, gusto ko ng magpahinga..." anito at yumuko. Pero kitang-kita ni Knight ang pagdausdos ng mga luha nito. 'Magpahinga...' sa isip ni Fara. Sa lahat. Sa lahat ng sakit. "Love... I'm s-sorry..." utal niyang paghingi ng tawad. "I wish, I could just see her—" hindi natapos ni Fara ang sasabihin niya. Napatigil siya ng maramdaman na naman niya ang pag-ikot ng paningin niya, sinapo niya ang sintido niya. Agad naman siyang hinawakan ni Knight sa balikat, "Love, are you okay?" nag-aalalang tanong nito. Hanggang sa unti-unting nagdilim ang paligid. Mabuti nalang at mabilis si Knight, nasalo niya ito bago pa man ito mawalan ng malay. "Fuck!" usal niya. Agad na tumawag ng saklolo si Knight, duma
"Talagang hindi Kit— o Knight! O sino ka man." binitawan nito ang kwelyo niya, tumalikod at itinutop ang kamay sa pader. "Papanagutan mo ang anak ko, pakakasalan mo siya!" Bumuntong hininga si Knight, he knows this will happen, "Gagawin ko po," magalang niyang saad. "Papakasalan ko po si Eleanor," sunod niyang pahayag ng walang pag-aalinlangan. Nakapagpasya na siya, aayusin niya ang gusot sa kaso ni Fara. Babawiin si Eleanor at yayain itong magpakasal— sa ayaw at sa gusto nito. Making sure she won't run away again. "Marami lang akon kailangan pang ayusin, kailangan asikasuhin. Babalik po ako ulit. Isasama ko po siya sa pagbalik ko, pormal ko pong hihingiin ang kamay niya sa inyo." Mahabang saad nito. Kasunod noon ang paglunok niya ng laway, handa siyang pakasalan si Eleanor pero si Fara, paano niya ipapaliwanag kay Fara. Paano niya sasabihin na imbes ito, ay iba ang papakasalan niya, na iba ang bubuuin niyang pamilya. Kumirot saglit ang puso niya, iniisip kung gaano masasakt