LOGINKaia's POV:
“Paalam na, Pa.” Iyon ang huling saad ko nang umalis ang pari na nagbasbas sa puntod niya. Nang makauwi ako ay may iilang kapitbahay at kamag-anak ang tumulong sa ‘kin makapagligpit. Nandito ako ngayon, nakatayo sa harap ng maliit naming bahay. Dala-dala ko ang larawan ng ama ko habang tahimik na pinagmamasdan ang mga upuang unti-unting nililigpit na. Hindi ko alam kung ano ang mas masakit. Ang pagkawala niya… O, ang katotohanan, kami na lang ulit ni Luna ang magkasama. Napabuntong-hininga ako dahil marami pa akong kailangang isipin. Ang gastusin sa ospital at ang mga naiwang utang. At kung paano ko bubuhayin ang kapatid kong ako na lang ang natitirang sandalan. Papasok na sana ako sa loob ng bahay nang huminto ang isang itim na mamahaling sasakyan sa tapat namin. Napakunot ang noo ko. Hindi ito karaniwang sasakyan at malabo namang may kamag-anak kaming mayaman. “Baka naman naliligaw lang?” Bulong ko sa sarili ko. Unti-unting bumukas ang pintuan. Isang lalaking nakasuot ng itim na suit ang bumaba at diretso akong nilapitan. "Miss Kaia Wynter?" "Ako nga po. Bakit po?" Alangan kong sagot sa kanya habang nakakunot-noo. Magalang siyang yumuko bago niya inilabas ang isang makapal na brown envelope. "Nandito po ako sa utos ni Mr. Tristan Sarmiento." “Tristan Sarmiento? At sino naman iyon?” Bulalas ko habang napapakamot pa ng ulo. “Malalaman niyo po dito,” sambit nito at inabot sa akin ang envelope. "Ano ito?" Tanong ko at inabot iyon. "Mas mabuti pong basahin ninyo ang nilalaman para po malaman ninyo ang ipinunta ko dito." Napangiwi ako sa sagot niya. Hindi ba puwedeng sagutin niya na lang ako nang diretso kung para saan ito? Dahil hindi naman niya sinasagot nang diretso ang tanong ko, binuksan ko ang envelope na hawak ko. Isang makapal na dokumento ang nilalaman nito sa loob. Nang mabasa ko ang unang pahina, pakiramdam ko ay tumigil ang mundo ko. DEBT ACKNOWLEDGMENT AND SETTLEMENT AGREEMENT DEBTOR: Kristofer Sarmiento ₱100,000,000.00 “A-Anong kalokohan ’to?” Tanging nasambit ko at halos maistatwa sa kinatatayuan ko. Nakatitig ako ngayon sa makapal na kontratang hawak ko. Hindi ko namalayan kung gaano na ako katagal nakatayo roon. Ang tanging naririnig ko lang ay ang malakas na pagtibok ng puso ko at ang mabilis kong paghinga. Muli kong binasa ang dokumento. Napaatras ako dahil nanginig ang tuhod ko sa nabasa ko. Isang daang milyon? Ganito kalaki ang utang ni Tatay? “Paanong naging ganito kalaki ang utang ni Tatay?” Halos pumiyok ako nang sabihin ko iyon, ngunit wala akong nakuhang sagot sa taong kaharap ko. Muli kong binasa ang dokumentong hawak ko. May mga listahan iyon ng mga halagang hiniram, mga petsa, interes, at mga kasunduang pinasok ng ama ko. “Saan ko pupulitin ang pambayad dito?” Unti-unting nanubig ang mga mata ko at napasabunot sa buhok ko. Bakit hindi nagsabi si Tatay na ganito na kalaki ang utang niya? Kung may ganito pala siyang kalaking utang, bakit hindi niya napagamot si bunso? Paano ko babayaran ito? Nanlalabo na ang mga mata ko pero sinikap ko pa rin na mabasa ang mga nakasaad sa papel na hawak ko. Settlement Terms. Mabilis kong binasa iyon. Umaasa na kaya kong mapanindigan ang mga nakasulat, pero lalo akong nanlambot sa nabasa ko. KAIA WYNTER. Bakit nandito ang pangalan ko? Anong ibig sabihin nito? Mabilis kong binuklat ang susunod na pahina. Nakasulat doon ang isang kasunduan na kapag hindi nabayaran ni Tatay ang halagang nakasaad sa papel ay ako ang kukunin bilang kabayaran. Sunod-sunod na tumulo ang luha ko at hindi ko na napigilan pa ang paghikbi nang makita ko ang pirma ni Tatay sa papel. Hindi ako maaaring magkamali. Pirma ni Tatay ito. Pinilit ba nila si Tatay na pumirma dahil hindi nakapagbayad? Kaya ba inatake si Tatay dahil sila ang dahilan? Nanginginig ang kamay kong hawak ang papel, saka iyon ipinakita kay Adrian. "Pinilit niyo ba si Tatay na pirmahan ang pesteng dokumentong ito?" Basag ang boses ko ng sabihin ko iyon "Ang Tristan na iyon ba ang pumilit sa Tatay ko? Ang lalaking iyon ba ang dahilan kung bakit inatake sa puso ang tatay?" Sigaw ko sa lalaking nasa harapan ko. "Si Sir Tristan na lang po ang kausapin niyo." Napapikit ako. Isang luha ang tuluyang pumatak sa pisngi ko. "Anong pinangako ni Tristan na iyon para pumirma ang tatay ko?" May halong galit ang saad ko. Ilang segundo siyang nanahimik bago siya nagsalita. "Ang pagpapagamot sa inyong kapatid kung papayag kayong magpakasal sa kanya" Saglit akong natigilan dahil hindi ko siya maintindihan. "Kasal?" Tumango siya. "Sa pagitan ninyo at ni Mr. Tristan Sarmiento." Halos mawalan ako ng balanse kaya inalalayan ako ng estrangherong nasa harap ko at pinaupo. “Pwede bang bigyan mo muna ako ng oras kahit na isang araw lang?” Iyon lang ang tanging lumabas na salita sa aking bibig. “Ano na naman ba itong kalokohang iniwan ng tatay ko?” Hindi makapaniwalang saad ko at napaluha ako. Nanlalabo ang mga mata ko habang paulit-ulit kong binabasa ang bawat pahina. Umaasa akong may mali… Na baka hindi ito legal… Na baka may bahagi akong hindi naintindihan. Na baka hindi talaga ako ang tinutukoy. Pero habang binabasa ko ang bawat salita, lalo lamang luminaw ang katotohanang pilit kong itinatanggi. Wala na kaming ari-arian kahit na ang maliit na lupang tinitirhan namin ngayon ay nabenta na. Hindi lang iyon dahil kahit ako na anak niya ay ipinambayad sa utang niya. Napahigpit ang hawak ko sa kontrata hanggang sa halos malukot ang mga papel. "Paano mo nagawa 'to, Tay? Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin?" mahinang saad ko. Pakiramdam ko, muli akong nawalan ng magulang. Una, nang tuluyang pumanaw siya. At pangalawa, nang malaman kong bago siya mawala ay isinuko na pala niya ang kinabukasan ko. Napalunok ako, saka marahas na pinunasan ang sunod-sunod kong luha. Sa kabila ng lahat ng pagkakamali niya, pinilit kong panghawakan ang paniniwalang mahal niya pa rin kaming magkapatid. Na ang lahat ng pangako niyang magbabago siya ay totoo. Darating ang araw na pipiliin niya kami kaysa sa bisyo niya, pero mali pala ako. Hanggang sa huling pagkakataon, pagsusugal pa rin ang pinili niya. Na kahit ako ang ipambayad niya ay wala siyang pakialam. - Inabutan ako ng liwanag na dilat na dilat pa rin sa sala. Hindi ako nakatulog nang maayos dahil sa mga nalaman ko. Halos mabasa na ang kontrata na hawak ko dahil sa walang tigil kong pag-iyak. Kagat-labi akong nag-isip nang masinsinan saka pinunasan ang mga luha ko. “Wala na akong panahon para umiyak. Meron pa akong kapatid na kailangang iligtas. Kung magagamit ko ang sitwasyon na ito para iligtas siya, ay tatanggapin ko ito.” Napatingin ako sa pintuan ng kwarto ni Luna. Alam kong tulog pa siya hanggang ngayon. Mas mabuti nang hindi niya malaman ang bagay na ito para mas makapag-focus siya sa pagpapagaling niya. Tok. Tok. Tok. Napapitlag ako nang marinig ang tatlong mababagal na katok. Parang bawat katok ay nagsasabing tapos na ang oras ko. Huminga ako nang malalim bago ko pinunasan ang mga luha sa pisngi ko. Saka dahan-dahan akong lumapit sa p***o. Pagkabukas ko, nakita ko ang pamilyar na lalaking nakita ko kahapon. Mukha siyang nasa trenta anyos na. Maayos ang gupit ng buhok at walang mababasang emosyon sa kanyang mukha. "Miss Kaia Wynter?" Seryosong sambit nito kaya agad akong tumango. "I'm here on behalf of Mr. Tristan Sarmiento." Nanlamig ang buo kong katawan. Tristan Sarmiento. Ilang beses kong hinanap ang pangalan niya sa internet at ang tanging lumalabas lang ay Sarmiento Holdings. Isang negosyanteng madalas makita sa telebisyon at sa mga magazine. Isang lalaking sinasabing kayang pabagsakin ang isang kumpanya sa isang pirma lamang. Makapangyarihan, mayaman, at halos imposibleng lapitan. Hindi ko kailanman naisip na darating ang araw na magkakaroon ako ng kaugnayan sa isang katulad niya. "Mr. Sarmiento is waiting for you," magalang na saad ni Adrian. Hindi ako sumagot. Sa halip, mas hinigpitan ko ang hawak sa kontrata. "Kung may utang ang ama ko..." nanginginig kong saad, "Wala na siyang sisingilin. Patay na ang tatay ko." "Hindi po ako ang dapat ninyong kausapin tungkol diyan, Miss Wynter." "Nakasaad dito na ako ang kabayaran." Itinaas ko ang kontrata. "Paano nangyari 'to?" Nanatiling kalmado si Adrian. "Mas mabuting si Mr. Sarmiento na lamang po ang sumagot sa mga tanong ninyo." Napatawa ako nang mapait. "Ano'ng gusto niyang mangyari? Sumama ako sa kanya dahil lang sa papel na 'to?" "May pagpipilian po kayo." Napatingin ako sa kanya. "Sinasabi mong puwede akong tumanggi?" "Opo." Unti-unting nabuhayan ng pag-asa ang dibdib ko. Ngunit agad din iyong nawala sa mga sumunod niyang sinabi. "Pero kapag tumanggi kayo..." Bahagya siyang yumuko. "Hindi na sasagutin ng Sarmiento Holdings ang lahat ng gastusin para sa pagpapagamot ng kapatid ninyo." Parang may kung anong humampas sa dibdib ko. "Ano?" "Kasama po iyon sa kasunduan. Sinabi ko na po iyon sa inyo kahapon." Hindi ako makapagsalita at nagsimulang manginig ang buo kong katawan. At talagang ginamit Napatingin ako sa kwarto ni Luna. Naalala ko ang doktor. Kung hindi siya maaoperahan sa lalong madaling panahon… Unti-unti siyang manghihina. Hanggang sa dumating ang araw na wala na kaming magagawa. Ginawa ko na ang lahat. Humiram ako ng pera, humingi ng tulong sa mga kamag-anak, at saka nagbenta ng gamit. Halos araw-araw na rin akong nag-o-overtime sa trabaho. Pati ang huling alahas na naiwan ni Mama ay ibinenta ko na rin, pero hindi pa rin sapat. Huminga ako nang malalim. "Bigyan niyo pa ako ng ilang minuto." "Of course, Miss Wynter." Tahimik siyang umatras. Pumasok ako sa silid ni Luna. Mahimbing pa rin siyang natutulog. Yakap-yakap niya ang lumang stuffed toy rabbit na halos kupas na ang kulay. Dahan-dahan akong umupo sa tabi niya, at marahan kong hinaplos ang buhok niya. "Ate..." Sambit niya. Pagkamulat ng mga mata niya, kaya nginitian ko siya. "Sorry... nagising ba kita?" Napatingin siya sa mukha ko. "Umiiyak ka po ba?” Tanong nito, kaya agad akong umiling. "Hindi." "Promise po? Hindi ka nagsisinungaling? Bad po iyon kapag nagsinungaling ka." Mahina akong natawa, kaya natawa rin siya. Ang tawa niyang iyon ay napalitan ng pag-ubo niya. "Luna..." Sabi ko at mahigpit na hinawakan ko ang kamay niya. "Po?" "Aalis muna ako. Ibibilin muna kita kay Nanay Ising." "Trabaho na po kayo?" "Oo." "Kailan ka babalik?" Napatigil ako kasi hindi ko rin alam ang sagot. Hindi ko alam kung gaano katagal akong mawawala. Hindi ko alam kung anong klaseng buhay ang naghihintay sa akin. Pero alam kong kailangan kong umalis… Para sa kanya. "Babalik ako." Sambit ko saka ngumiti sa kanya "Promise?" "Oo, promise." Sabi ko at hinalikan ko siya sa noo. "Pagbalik mo… okay na ako?" Napapikit ako sandali bago ngumiti. "Oo. Magaling ka na." "Lalabas po tayo?" Inosente niyang tanong. "Oo." "Kakain tayo ng ice cream?" "Hangga't gusto mo." Nagsimulang mangilid ang mga luha ko. "At manonood tayo ng mga bituin?" Tumango ako. "Kahit buong gabi pa." Masaya siyang ngumiti. "Mahal kita, Ate." Mahigpit kong hinawakan ang kamay niya. "Mahal na mahal din kita." At sa sandaling iyon, ginawa ko ang pinakamahirap na desisyong kailangan kong gawin. Hindi para sa sarili ko kundi para sa kanya. Makalipas ang ilang minuto, isinara ko ang zipper ng maliit kong backpack. Kinuha ko ang wallet ko at ang wallet-sized na family picture namin… Ang litrato bago tuluyang nagbago ang lahat. Matapos iyon ay lumabas na ako ng bahay at nakita ko doon si Adrian sa tabi ng itim na sasakyan. Binuksan niya ang pintuan sa likod. Huminto ako sandali. "Isa na lang." Napatingin siya sa akin. "Bakit ako?" Sa unang pagkakataon, tila nag-alangan siyang sumagot. "Si Mr. Sarmiento lamang po ang makakasagot niyan." Napabuntong-hininga ako sa sagot niya habang sumasakay ng sasakyan. Pagkasara ng pintuan. Pakiramdam ko tuluyan na ring nagsara ang pintuan ng dati kong buhay. Habang unti-unting umaandar ang sasakyan palayo sa bahay namin, hindi ko inalis ang tingin ko sa bintana. Hanggang sa tuluyan na itong naglaho sa aking paningin. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng landas na pinasok ko. Hindi ko alam kung anong klaseng lalaki ang naghihintay sa akin, pero isang bagay ang sigurado. Ang buhay na iiwan ko ngayon… Hindi ko na kailanman mababalikan."Tell me where she is."Iyon ang huling salitang narinig ko mula kay Tristan kanina. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maalis sa isip ko iyon.Nag-iba talaga ang tono ng pagsasalita niya kanina nang pabalikin niya ako dito sa kwarto ko. Hindi ko alam kung sino ang kausap niya sa telepono, pero sigurado akong nasira niya ang araw ni Tristan.Sigurado akong nakakita ako ng takot sa mga mata ni Tristan kanina.Takot.Sa isang taong tulad ni Tristan? Hindi ko alam kung ano ang mas nakakatakot. Ang makita siyang galit o ang makita siyang natatakot.Sino ba siya?Bakit parang takot na takot si Tristan na may mangyaring masama sa kanya?Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama nang makapasok ako sa kwarto. Baka nag-iisip lang talaga ako masiyado. Maybe its about business or what? Saka dapat wala akong pakialam sa kanya, right? Kasi dapat nakafocus ako kung paano siya mababayaran at paano mapapagaling ang kapatid kong si Luna.Gusto kong mag-focus isipin iyon pero nilalamon ako ng kuryusidad kong si
Wala sa sariling napatango na lang ako saka tumingin sa sarili kong plato. Nawalan na tuloy ako ng gana kumain. Ikaw kasi Kaia. Pabida ka pa kasi! Iyan ang napapala mo.Gusto mo pa kasi sinasampal ka ng katotohanan na kaya ginagamot ang kapatid mo ay dahil pumayag kang maging kasal sa papel at sa kontrata.Napakagat labi na lang ako habang pinipigilan a ng pagtulo lang luha ko.Mas mabuti pang pilitin ko nalang kumain at lunukin ang emosyon na lumalamon sa akin. Lunukin na din pati ang kahihiyan na nadarama ko ngayon.Ano ba kasing inaasahan mo, Kaia? A little humanity from him? Nahihibang ka na ba?That was too much to expect from a man everyone in this mansion seemed afraid of.Muli akong sumulyap kay Tristan. Nagbabasa na siyang muli ng kung ano mula sa kanyang tablet. Sa tingin ko… Para sa kanya lahat ay may kapalit.Huwag mong kalimutan na tinitiis mo ang lahat ng ito para kay Luna, Kaia.Kaya mong tiisin iyan. Habang napapagamot siya kaya ko ito. Makakayanan ko ito.Napatigil ak
Kinabukasan maaga akong nagising. Nanibago pa nga ako ng bumungad sa akin ang hindi pamilyar na kisame.“Oo nga pala. Dito na ako nakatira sa mansiyon ni Tristan,” naiiling na saad ko sa sarili saka bumangon.Yeah, right. Kasal na nga pala ako at pinambayad sa isang estranghero ng sarili kong ama. “Kamusta na kaya si Luna sa ospital?”Simula kasi ng sumam ako dito at pinitmahan ko ang kontrata ay hindi ko na napuntahan pa si Luna. Nakausap ko naman si Luna ng dalhin siya ng isa sa tauhan ni Tristan sa ospital pero hindi pa rin ako pinapayagan na puntahan siya.Marami pa daw kasi akong dapat malaman at ayaw niyang pumayag na ako lang mag-isa ang pumunta doon. Akala ata tatakasan ko siya. Na para bang my karapatan pa akong gawin iyon… Gayong siya ang susi para mapagamot ko si Luna.Akmang bubuksan ko na ang pinto ng maalala ko ang sinabi ng kasambahay kagabi.Mas mabuti po sigurong huwag kayong maglalakad sa mansion kapag gabi.Hindi ko pa rin maintindihan ang ibig niyang sabihin. Hind
Kaia's POV Matapos umalis ni Tristan at nang marinig ko iyon ay bumilis ang tibok ng puso ko. Lalapit pa sana ako ng tawagin ako ng isa sa mga kasambahay ni Tristan. "Miss Wynter, ihahatid ko na po kayo sa inyong silid." Sambit nito Marahan akong tumango. Wala na rin naman akong ibang pupuntahan. Tahimik akong sumunod sa kanya habang naglalakad kami sa mahabang hallway ng mansion. Bawat hakbang namin ay palayo nang palayo sa kwartong iyon, lalo kong nararamdaman kung gaano kalaki ang lugar na ito. Everything looked expensive. From the paintings hanging on the walls, the polished wooden floors, hanggang sa mga malalaking vase na nakalagay sa bawat sulok. Pero kahit gaano kaganda ang lahat… Hindi ko pa rin maramdaman na kabilang ako rito. Huminto ang maid sa isang malaking pintuan. "Narito na po ang inyong silid." Binuksan niya ang p***o. Napahinto ako. Namanangha pa din ako sa kwarto na ito. Kung tutuusin, mas malaki pa ito kaysa sa buong bahay namin ni Luna. May malaking kama s
Sa mga oras na ito ay binabalot na ako ng takot habang kaharap si Tristan. "Binasa mo ang kontrata, ‘di ba?" May banta ang boses nito kaya agad akong napatango. "At naaalala mo ang mga nakasaad doon?" Tumango ako ng taasan niya ako ng kilay. "Kung gano'n..." Bahagya siyang huminto. "Sundin mo.” Napayuko ako. "Hindi ko naman intensiyong makialam." "Hindi iyon ang punto." "May narinig akong sumisigaw,” “At gusto mong malaman kung bakit." Hindi iyon tanong… isang statement ng bagay na gusto kong malaman. Gusto kong malaman ang totoo. Bakit may sumisigaw? Bakit parang walang nagulat? Bakit walang kahit isang kasambahay ang lumabas? At bakit siya… Parang sanay na sanay na rito? Akala ko, magsasalita na siya. Akala ko, kahit kaunting ipapaliwanag niya… pero mali na naman ako. "Tandaan mo, Kaia." Bahagya siyang tumigil. "Hindi kita asawa. Nandito ka pang dahil pambayad utang ka ng tatay mo at gusto mong ipagamot ang kapatid mo.” Bawat salitang lumalabas
Kaia's POVKalahating oras na ang lumipas simula ng marinig ko ang sigaw na iyon.nSimula ng marinig ko ang sigaw na iyon ay umalingawngaw na rin iyon sa utak ko. Hindi ko alam kung saan iyon nanggaling pero nilalamon ako kaba. Mahigpit pa din ang pagkakakapit ko sa kumot. Saka huminga ako nang malalim at pilit na pinakiramdaman ang paligid. May parte din sa akin na nagsasabi na baka sanhi lang ng pagod kaya ko narinig iyon o stress dahil sa nangyayari sa buhay ko.Napatingin ako sa pintuan ng silid ko. May parte sa sarili ko na nagsasabi na manatili lang ako dito, ipikit ang mga mata ko at magkunwaring wala talaga akong narinig. Pero hindi ako mapakali, eh!Paano kung hindi lang dahil sa pagod o stress iyon? Paano kung kailangan ng tulong ng taong sumigaw na iyon? Paano kung kung…Napailing ako at agad na tumayo. Hindi ko masasagot lahat ng tanong sa utak ko kung hindi ko aalamin. Hindi ko na pinigilan ang sarili ko at agad na nagpunta sa pintuan. Huminga ako ng malalim saka sinuo







