Se connecterDahan-dahang bumagal ang sinasakyan namin hanggang sa tuluyan itong huminto sa harap ng isang malaking gate. Tahimik akong nakaupo sa loob ng sasakyan habang mahigpit na yakap ang maliit kong backpack. Pakiramdam ko ay nanigas ang buong katawan ko habang nakatitig sa malaking gate na nasa harapan namin. Kanina pa kami nakarating, pero tila ayaw pa ring gumalaw ng mga paa ko.
Huminga ako nang malalim. Ito na… Ito na ang simula ng buhay na hindi ko pinili. Maya-maya'y bumukas ang p***o sa harapan ng sasakyan. Bumaba si Adrian at paikot na nagtungo sa kinauupuan ko. Marahan niyang binuksan ang p***o. "Miss Wynter," magalang niyang sambit. "Narito na po tayo." Marahan akong tumango. Pagkababa ko ng sasakyan, agad akong sinalubong ng malamig na simoy ng hangin. Napatingala ako at namangha sa nakita ko. Hindi ko alam kung matatawag pa ba iyong mansyon, dahil mas mukha itong palasyo. Napakataas ng mga puting haliging nakatayo sa harapan nito. Kumikinang din ang malalawak na salaming bintana sa sinag ng papalubog na araw. Maging ang hardin ay tila perpektong inayos. Napakalinis ng paligid at bawat bulaklak ay nakapuwesto na parang pinag-isipan ang bawat detalye. "Tara na po." Napalingon ako kay Adrian. Itinuro niya ang daan papasok na nasa harapan ko. Tahimik akong sumunod sa kanya ngunit maingay ang aking isipan. Bawat hakbang ko paakyat ay lalong nagpapabigat sa dibdib ko. Hanggang sa makarating kami sa napakalaking pintuan. Hindi pa man ako nakakakatok ay kusa na itong bumukas. Dalawang kasambahay ang sabay na yumuko. "Welcome to the Sarmiento Mansion, Miss Wynter." "S-Salamat..." Gulat at mahina kong tugon. Lumapit ang isa sa mga kasambahay. "Maari ko na po bang kunin ang bag ninyo?" Napayakap ako rito. "Hindi na, kaya ko naman." Naiilang kong saad. "Bahagi po iyon ng aming trabaho." Napatingin ako sa kanya. Magalang siyang ngumiti pero may kakaiba. Hindi umaabot sa mga mata niya ang ngiti niya. "Salamat." Sambit nito ng iabot ko sa kanya ang bag ko. "Walang anuman po." Pagkapasok ko sa loob ng mansyon, muli akong namangha. Mas maganda pa pala ito sa loob. Sa gitna ay may nakasabit na napakalaking kristal na chandelier na kumikislap na parang libo-libong bituin. Kumikinang ang marmol na sahig sa sobrang linis. Maging ang bawat painting na nakasabit sa dingding ay halatang mamahalin. May mga sariwang bulaklak sa bawat sulok at amoy malinis na mamahalin din dito sa loob. Sa laki ng bahay na ito at sa dami ng nagtatrabaho ay isa lang ang napansin ko. Parang walang buhay dito sa loob sa kabila ng dami ng mga tao. Siguro dahil walang nagsasalita at nagtatawanan. Lahat sila seryoso sa kani-kanilang gawain. Ang tanging maririnig lamang ay ang mahihinang yabag ng kanilang mga paa. Parang hindi ito tahanan kundi isang museo kung saan ang mga tao ay nagmamasid lamang. "Good afternoon, Miss Wynter." Napalingon ako sa nagsalita. Isang babaeng palagay ko ay nasa limampung taong gulang ang lumapit sa akin. Maayos ang uniporme nito at halatang matagal nang namamahala sa bahay. "Ako si Mrs. Alvarez." Bahagya siyang yumuko. "Ako ang namamahala sa lahat ng kasambahay dito." "Ako po si Kaia." Ngumiti siya nang bahagya. "Ikinagagalak ko kayong makilala." "Ganoon din po ako.” "Ipinaghanda na namin kayo ng tsaa habang hinihintay ninyo si Mr. Sarmiento." Inihatid niya ako sa sinasabi niyang receiving area saka itinuro niya ang upuan. Marahan akong umupo sa napakalambot na sofa. Pakiramdam ko'y lulubog ako rito anumang oras. Sa harap ko ay may tasa ng mainit na tsaa. Hindi ko man lang magawang hawakan. Hindi kasi ako mapakali. Bawat segundo ng paghihintay ay parang isang oras. Habang pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko, napadako ang tingin ko sa isang malaking painting sa dingding. Isa iyong lalaking nakatayo sa gitna ng kadiliman. Napapalibutan siya ng maiitim na rosas, para bang malungkot ang larawan na iyon at nag-iisa sa kadiliman. Hindi ko alam kung bakit, pero may kakaiba sa painting na iyon. Parang may kuwento itong gustong sabihin sa akin. "Maganda, hindi ba?" Napalingon ako kay Mrs. Alvarez. "Opo." "Personal na pinili ni Sir iyan." Eh? Si Tristan? Siya? Hindi ko maisip na may interes siya sa mga ganitong bagay. Bago pa ako makapagtanong, nagpaalam na si Mrs. Alvarez. "Maupo lang po kayo rito." "Opo." Lumipas ang ilang minuto na hindi ako mapalgay sa kinauupuan ko. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Habang naghihintay, napansin kong may dalawang kasambahay na nag-aayos ng mga bulaklak sa kabilang bahagi ng sala. Nadulas ang maliit na vase sa kamay ng isa, at mahina itong bumagsak sa makapal na carpet. Napahawak siya agad sa bibig niya at humingi ng pasensiya. "P-Pasensya na..." Agad siyang tinulungan ng kasama niya at para bang takot na takot sila. "Bilisan mo." Nanginginig ang boses nito. "Huwag na huwag mong hahayaang makita ni Sir iyan." Napansin kong namutla ang mukha ng babae. "Opo..." Bakit ganoon ang reaksyon nila? Parang hindi simpleng amo ang tinutukoy nila. Bakit takot na takot sila? Hindi iyong takot na mapagalitan, kundi takot na magkamali. Gaano ba talaga nakakatakot ang lalaking ito? Napahinto ako sa pag-iisip ng napatigil ang mga tao sa paligid ko at narinig ko ang mga yapak mula sa taas. Napatingin ang lahat sa hagdan. Pakiramdam ko'y maging ang hangin sa paligid ay biglang bumigat. Unti-unti kong itinaas ang tingin ko at doon ko siya unang nakita. Isang matangkad na lalaki ang dahan-dahang bumababa sa hagdan. Kalmado ang bawat hakbang niya. Ang isang kamay niya ay nakapasok sa bulsa ng mamahalin niyang charcoal gray na suit. Perpekto ang ayos ng buhok niya at may malapad na balikat. Hindi ko alam kung bakit hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Hindi dahil gwapo siya kundi dahil sa presensya niya. Hindi niya kailangang magsalita. Hindi niya kailangang magpakitang-gilas. Sapat na ang paglalakad niya upang maramdaman ng lahat kung sino ang may kontrol sa lugar na ito. Parang siyang isang hari, at walang mangangahas na suwayin siya. Nang makarating siya sa huling baitang ng hagdan, tuluyan niyang itinaas ang tingin niya. Nagtama ang mga mata namin dahilan para manginig ang mga tuhod ko. Ang mga mata niya ay walang bakas ng interes o kahit na anong emosiyon. Sa palagay ko ay naintindihan ko na kung bakit siya kinatatakutan ng lahat. Ang mga matang iyon… Hindi mata ng isang lalaking madaling pagkatiwalaan. Bagkus, mata ng isang taong mapanganib. Tiingnan niya ako mula ulo hanggang paa. Hindi tulad ng ibang lalaki na puno ng paghanga ang tingin. Sinusuri niya ako, para bang isa lang akong dokumentong kailangan niyang aprubahan. Isang bagay na kailangan niyang pagdesisyunan kung may halaga ba o wala. Napayuko ako. Hindi ko maintindihan kung bakit, pero pakiramdam ko'y napakaliit ko sa harapan niya. Huminto siya ilang hakbang ang layo sa akin.Sa mga oras na ito ay binabalot na ako ng takot habang kaharap si Tristan."Binasa mo ang kontrata, ‘di ba?"May banta ang boses nito kaya agad akong napatango."At naaalala mo ang mga nakasaad doon?"Tumango ako ng taasan niya ako ng kilay."Kung gano'n..." Bahagya siyang huminto. "Sundin mo.”Napayuko ako."Hindi ko naman intensiyong makialam.""Hindi iyon ang punto.""May narinig akong sumisigaw,”“At gusto mong malaman kung bakit." Hindi iyon tanong… isang statement ng bagay na gusto kong malaman.Gusto kong malaman ang totoo.Bakit may sumisigaw?Bakit parang walang nagulat?Bakit walang kahit isang kasambahay ang lumabas?At bakit siya… Parang sanay na sanay na rito?Akala ko, magsasalita na siya. Akala ko, kahit kaunting ipapaliwanag niya… pero mali na naman ako."Tandaan mo, Kaia." Bahagya siyang tumigil."Hindi kita asawa. Nandito ka pang dahil pambayad utang ka ng tatay mo at gusto mong ipagamot ang kapatid mo.” Bawat salitang lumalabas sa bibig niya ay tila unti-unting dum
Kaia's POVKalahating oras na ang lumipas simula ng marinig ko ang sigaw na iyon.nSimula ng marinig ko ang sigaw na iyon ay umalingawngaw na rin iyon sa utak ko. Hindi ko alam kung saan iyon nanggaling pero nilalamon ako kaba. Mahigpit pa din ang pagkakakapit ko sa kumot. Saka huminga ako nang malalim at pilit na pinakiramdaman ang paligid. May parte din sa akin na nagsasabi na baka sanhi lang ng pagod kaya ko narinig iyon o stress dahil sa nangyayari sa buhay ko.Napatingin ako sa pintuan ng silid ko. May parte sa sarili ko na nagsasabi na manatili lang ako dito, ipikit ang mga mata ko at magkunwaring wala talaga akong narinig. Pero hindi ako mapakali, eh!Paano kung hindi lang dahil sa pagod o stress iyon? Paano kung kailangan ng tulong ng taong sumigaw na iyon? Paano kung kung…Napailing ako at agad na tumayo. Hindi ko masasagot lahat ng tanong sa utak ko kung hindi ko aalamin. Hindi ko na pinigilan ang sarili ko at agad na nagpunta sa pintuan. Huminga ako ng malalim saka sinuo
“Tristan Sarmiento at Kaia Wynter, naparito kayo nang may malayang kalooban at nang mapatibay ang inyong pag-ibig sa harap ng Simbahan at ng sambayanang ito. Kaya’t hinihiling ko na buong katapatan ninyong sagutin ang aking mga itatanong.” Napatingin ang pari kay Tristan ng sabihin niya iyon.“Tristan, bukal ba sa inyong loob ang inyong pagparito upang pakasalan si Kaia na iyong kaharap ngayon?“Opo, Padre.” Diretsong sagot nito pero walang emosiyon.Nang humarap sa akin ang pari ay pakiramdam ko ay biglang nanuyo ang lalamunan ko.“Kaia, bukal ba sa inyong loob ang inyong pagparito…” Hindi po pero wala akong choice dahil gusto kong gumaling ang kapatid ko.Gusto kong isagot iyon sa pari!“Upang pakasalan si Tristan na iyong kaharap ngayon?”Binuka ko ang bibig ko ngunit walang lumbas na boses. Napatingin ako sa lalaking katabi ko parang wala siyang pakialam kung ano
Noong bata pa ako, madalas kong isipin kung ano ang magiging hitsura ng araw ng kasal ko. Hindi dahil pangarap kong magsuot ng mamahaling bestida o magkaroon ng engrandeng selebrasyon. Kundi dahil naniniwala akong iyon ang magiging pinakamasayang araw ng buhay ko.Iniisip kong ihahatid ako ni Tatay sa altar habang hindi mapigilan ang pagluha niya. Samantalang si Luna naman ang magiging flower girl ko, at masayang magtatapon ng mga talulot ng bulaklak habang tawa nang tawa.Nasa unang hanay ang pamilya at mga kaibigan namin. May mga umiiyak, mga nakangiti, at sa dulo ng altar… naghihintay sa akin ang lalaking mahal ko.Isang lalaking titingin sa akin na para bang ako lang ang babaeng nakikita niya sa buong mundo. Napapangiti ako noon sa tuwing naiisip ko iyon.Hindi ko akalaing darating ang araw na kabaligtaran pala ang mangyayari. Nasira ang pinapangarap kong kasal dahil lang sa simpleng kontrata.-Marahan kong iminulat ang mga mata ko. Tumambad agad sa akin ang puting kisame ng sili
Kaia's POVTahimik ang buong kapaligiran at tanging tunog lang ng lumang orasan ang naririnig. Bawat segundo ay tila kasabay ng mas mabilis na pagtibok ng puso ko. Napabuntong-hininga ako bago muling ibinaba ang tingin sa unang pahina.CONTRACTIsang salita sa ordinaryong tinta sa puting papel. Ngunit nakasalalay ang buong buhay ko. Pakiramdam ko, mas mabigat pa ito kaysa sa anumang bagay na nahawakan ko sa buong buhay ko. Dahan-dahan kong inabot ang dokumento. Hindi ko napigilan ang bahagyang panginginig ng mga daliri ko.Hindi ko alam kung dahil ba sa takot… O dahil alam kong kapag binuksan ko ito, wala nang paraan para ibalik ang dati kong buhay. Kahit wala siya dito pakiramdam ko'y alam niya ang bawat kilos ko. Parang hinihintay lang niya ang susunod kong gagawin.Huminga ako nang malalim bago ko tuluyang binuksan ang unang pahina. Akala ko, makikita ko roon ang detalye ng kasal o mga legal na dokumentong kailangan lang pirmahan.Ngunit nagkamali ako. Sa pinakataas ng pahina, iis
"Nandito ka na pala." Saad niya sa malalim na boses."A-Ah! O-Opo..." Tanging nasagot ko.Bahagya siyang tumango bago ibinaling ang tingin sa mga kasambahay.Teka? Bakit ba ako nauutal?"Lumabas muna kayong lahat." Sabay-sabay na yumuko ang mga ito."Masusunod po.” Sabay-sabay nilang saad.Isa-isang nagsilabasan ang mga kasambahay, maging si Mrs. Alvarez at Adrian. Sa loob lamang ng ilang segundo, kaming dalawa na lang ang naiwan sa napakalawak na sala. Lalong akong kinabahan ng maiwan kaming dalawa. Pakiramdam ko, kahit ang sarili kong paghinga ay masyadong malakas.Lumapit siya sa akin. Bawat hakbang niya ay mabagal ngunit tiyak. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko magawang umiwas ng tingin. Mula sa aparador sa gilid niya ay kinuha niya ang itim na leather folder. Marahan niya iyong binuksan at kinuha ang dokumento saka inilapag sa mesa."Basahin mo." Sambit niya at napatingin ako doon."Binasa ko na ang kontratang ipinadala ninyo." Buong tapang kong saad."Iba ito sa nabasa m







