Share

Sold To The Heartless CEO: Tristan Sarmiento
Sold To The Heartless CEO: Tristan Sarmiento
Author: sammilynreverie

PROLOGUE

last update publish date: 2026-08-10 19:25:42

Sa isang pribadong opisina sa loob ng isang eksklusibong sugalan, nakaluhod ang isang matandang lalaki sa harap ng lalaking kilalang walang pinapatawad pagdating sa utang.

Tahimik na nakaupo si Tristan Sarmiento, nakahalukipkip habang pinagmamasdan ang nanginginig na matanda. Ang mamahaling itim niyang suit ay lalong nagbigay-diin sa malamig niyang presensya.

"Isang linggo." Maikling sagot nito, ngunit sapat na iyon upang makaramdam ng kaba ang kausap niya.

"Isang linggo para mabayaran mo ang lahat ng utang mo." Ulit nito kaya napalunok ang matanda bago muling yumuko.

"Sir Tristan… makakabayad po ako. Sadyang kailangan lang ng pera ng anak kong may sakit. Nasa ospital po kasi siya ngayon."

"Really?" tanong niya habang marahang inaayos ang manggas ng kanyang coat.

"Your daughter needs medical treatment... yet you're here gambling."

Natawa si Tristan sa sagot ng matanda saka napailing.

"What a pathetic excuse." sambit nito saka ngumisi.

"Nagsasabi po ako ng totoo, Sir."

"Did I ask?" putol ni Tristan.

Tumayo siya at dahan-dahang lumapit sa matanda.

"You've already lost more money than you can ever repay."

Huminto siya sa harap nito. "So tell me… Why should I believe a liar?"

"Sir... dalawang linggo lang po. Kahit tatlong linggo. Makakapag-ipon po ako. Kailangan ko lang maipasok sa ospital ang anak ko."

Nanatiling blangko ang mukha ni Tristan. "I don't care."

Biglang sinipa ni Tristan ang maliit na mesa sa harap niya. Malakas ang lagapak nito sa sahig, dahilan upang magkalat ang mga gambling chips sa buong opisina.

Napapikit sa takot ang matanda. "Too many excuses."

"Magbabayad po ako! Pangako!"

"Ilang buwan ko nang naririnig ang salitang iyan pero sa mga araw na lumilipas ay lalo ka lang nalulubog sa utang!" Sigaw nitong muli.

Muling bumalot ang katahimikan. Isang tauhan ang lumapit kay Tristan at iniabot ang isang dokumento. Inilapag niya ito sa mesa at agad namang dumako ang tingin ng matanda doon.

"You have one week. That's my final offer."

Sunod-sunod na napalunok ang matanda bago muling napatingin sa papel na nasa mesa.

"And if you fail..." Yumuko si Tristan hanggang magtapat ang mga mata nila ng matanda.

"I'll collect what's mine." Pagpapatuloy ni Tristan sa malamig na tono.

—

Samantala, walang kaalam-alam si Kaia Wynter sa nangyayari.

Araw-araw siyang nagtatrabaho nang halos hindi na makauwi sa bahay. Tinitiis niya ang pagod at puyat upang makapag-ipon para sa pagpapagamot ng kanyang bunsong kapatid at matulungan ang kanyang ama sa mga gastusin.

Ngunit gaano man siya kasipag, tila hindi pa rin sapat ang kanyang kinikita.

Habang lumalala ang kondisyon ng kanyang kapatid, lalo namang nagiging madalang ang pag-uwi ng kanyang ama. Madalas itong mawala sa gabi at kung umuwi man, inaabot ng dalawa o tatlong araw bago muling magpakita. Hindi niya alam na sa bawat gabing nawawala ito, mas lalo lamang lumulubog ang kanilang pamilya sa utang.

Hanggang isang araw… Tumawag ang ospital. Inatake sa puso ang kanyang ama. Pagdating ni Kaia, mahina na itong nakahiga sa kama. Halos wala na itong lakas na abutin ang kanyang kamay.

"P-Patawad... anak..." Agad na napaluha si Kaia.

"Huwag na po kayong magsalita. Magpahinga po muna kayo. Gagaling pa kayo."

Ngunit mahina lamang na umiling ang kanyang ama.

"Patawarin... mo ako..."

Iyon ang huling salitang binitiwan nito bago tuluyang nalagutan ng hininga. Inakala ni Kaia na ang paghingi ng tawad ng kanyang ama ay para sa lahat ng pagkukulang nito bilang isang magulang.

Nagkamali siya.

Matapos ang libing, saka lamang niya nalaman ang buong katotohanan. Hindi lamang pala ang utang ang naiwan ng kanyang ama.

Siya mismo… ang ipinambayad nito kay Tristan Sarmiento.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Sold To The Heartless CEO: Tristan Sarmiento   CHAPTER 8: The Call

    "Tell me where she is."Iyon ang huling salitang narinig ko mula kay Tristan kanina. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maalis sa isip ko iyon.Nag-iba talaga ang tono ng pagsasalita niya kanina nang pabalikin niya ako dito sa kwarto ko. Hindi ko alam kung sino ang kausap niya sa telepono, pero sigurado akong nasira niya ang araw ni Tristan.Sigurado akong nakakita ako ng takot sa mga mata ni Tristan kanina.Takot.Sa isang taong tulad ni Tristan? Hindi ko alam kung ano ang mas nakakatakot. Ang makita siyang galit o ang makita siyang natatakot.Sino ba siya?Bakit parang takot na takot si Tristan na may mangyaring masama sa kanya?Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama nang makapasok ako sa kwarto. Baka nag-iisip lang talaga ako masiyado. Maybe its about business or what? Saka dapat wala akong pakialam sa kanya, right? Kasi dapat nakafocus ako kung paano siya mababayaran at paano mapapagaling ang kapatid kong si Luna.Gusto kong mag-focus isipin iyon pero nilalamon ako ng kuryusidad kong si

  • Sold To The Heartless CEO: Tristan Sarmiento   Phone Call

    Wala sa sariling napatango na lang ako saka tumingin sa sarili kong plato. Nawalan na tuloy ako ng gana kumain. Ikaw kasi Kaia. Pabida ka pa kasi! Iyan ang napapala mo.Gusto mo pa kasi sinasampal ka ng katotohanan na kaya ginagamot ang kapatid mo ay dahil pumayag kang maging kasal sa papel at sa kontrata.Napakagat labi na lang ako habang pinipigilan a ng pagtulo lang luha ko.Mas mabuti pang pilitin ko nalang kumain at lunukin ang emosyon na lumalamon sa akin. Lunukin na din pati ang kahihiyan na nadarama ko ngayon.Ano ba kasing inaasahan mo, Kaia? A little humanity from him? Nahihibang ka na ba?That was too much to expect from a man everyone in this mansion seemed afraid of.Muli akong sumulyap kay Tristan. Nagbabasa na siyang muli ng kung ano mula sa kanyang tablet. Sa tingin ko… Para sa kanya lahat ay may kapalit.Huwag mong kalimutan na tinitiis mo ang lahat ng ito para kay Luna, Kaia.Kaya mong tiisin iyan. Habang napapagamot siya kaya ko ito. Makakayanan ko ito.Napatigil ak

  • Sold To The Heartless CEO: Tristan Sarmiento   CHAPTER 7: Breakfast With A Stranger

    Kinabukasan maaga akong nagising. Nanibago pa nga ako ng bumungad sa akin ang hindi pamilyar na kisame.“Oo nga pala. Dito na ako nakatira sa mansiyon ni Tristan,” naiiling na saad ko sa sarili saka bumangon.Yeah, right. Kasal na nga pala ako at pinambayad sa isang estranghero ng sarili kong ama. “Kamusta na kaya si Luna sa ospital?”Simula kasi ng sumam ako dito at pinitmahan ko ang kontrata ay hindi ko na napuntahan pa si Luna. Nakausap ko naman si Luna ng dalhin siya ng isa sa tauhan ni Tristan sa ospital pero hindi pa rin ako pinapayagan na puntahan siya.Marami pa daw kasi akong dapat malaman at ayaw niyang pumayag na ako lang mag-isa ang pumunta doon. Akala ata tatakasan ko siya. Na para bang my karapatan pa akong gawin iyon… Gayong siya ang susi para mapagamot ko si Luna.Akmang bubuksan ko na ang pinto ng maalala ko ang sinabi ng kasambahay kagabi.Mas mabuti po sigurong huwag kayong maglalakad sa mansion kapag gabi.Hindi ko pa rin maintindihan ang ibig niyang sabihin. Hind

  • Sold To The Heartless CEO: Tristan Sarmiento   Chapter 6: My New Room

    Kaia's POV Matapos umalis ni Tristan at nang marinig ko iyon ay bumilis ang tibok ng puso ko. Lalapit pa sana ako ng tawagin ako ng isa sa mga kasambahay ni Tristan. "Miss Wynter, ihahatid ko na po kayo sa inyong silid." Sambit nito Marahan akong tumango. Wala na rin naman akong ibang pupuntahan. Tahimik akong sumunod sa kanya habang naglalakad kami sa mahabang hallway ng mansion. Bawat hakbang namin ay palayo nang palayo sa kwartong iyon, lalo kong nararamdaman kung gaano kalaki ang lugar na ito. Everything looked expensive. From the paintings hanging on the walls, the polished wooden floors, hanggang sa mga malalaking vase na nakalagay sa bawat sulok. Pero kahit gaano kaganda ang lahat… Hindi ko pa rin maramdaman na kabilang ako rito. Huminto ang maid sa isang malaking pintuan. "Narito na po ang inyong silid." Binuksan niya ang p***o. Napahinto ako. Namanangha pa din ako sa kwarto na ito. Kung tutuusin, mas malaki pa ito kaysa sa buong bahay namin ni Luna. May malaking kama s

  • Sold To The Heartless CEO: Tristan Sarmiento   Pagmamakaawa sa Gitna Ng Gabi

    Sa mga oras na ito ay binabalot na ako ng takot habang kaharap si Tristan. "Binasa mo ang kontrata, ‘di ba?" May banta ang boses nito kaya agad akong napatango. "At naaalala mo ang mga nakasaad doon?" Tumango ako ng taasan niya ako ng kilay. "Kung gano'n..." Bahagya siyang huminto. "Sundin mo.” Napayuko ako. "Hindi ko naman intensiyong makialam." "Hindi iyon ang punto." "May narinig akong sumisigaw,” “At gusto mong malaman kung bakit." Hindi iyon tanong… isang statement ng bagay na gusto kong malaman. Gusto kong malaman ang totoo. Bakit may sumisigaw? Bakit parang walang nagulat? Bakit walang kahit isang kasambahay ang lumabas? At bakit siya… Parang sanay na sanay na rito? Akala ko, magsasalita na siya. Akala ko, kahit kaunting ipapaliwanag niya… pero mali na naman ako. "Tandaan mo, Kaia." Bahagya siyang tumigil. "Hindi kita asawa. Nandito ka pang dahil pambayad utang ka ng tatay mo at gusto mong ipagamot ang kapatid mo.” Bawat salitang lumalabas

  • Sold To The Heartless CEO: Tristan Sarmiento   CHAPTER 5: Ang Kwarto Sa Tabi Ng Hagdan

    Kaia's POVKalahating oras na ang lumipas simula ng marinig ko ang sigaw na iyon.nSimula ng marinig ko ang sigaw na iyon ay umalingawngaw na rin iyon sa utak ko. Hindi ko alam kung saan iyon nanggaling pero nilalamon ako kaba. Mahigpit pa din ang pagkakakapit ko sa kumot. Saka huminga ako nang malalim at pilit na pinakiramdaman ang paligid. May parte din sa akin na nagsasabi na baka sanhi lang ng pagod kaya ko narinig iyon o stress dahil sa nangyayari sa buhay ko.Napatingin ako sa pintuan ng silid ko. May parte sa sarili ko na nagsasabi na manatili lang ako dito, ipikit ang mga mata ko at magkunwaring wala talaga akong narinig. Pero hindi ako mapakali, eh!Paano kung hindi lang dahil sa pagod o stress iyon? Paano kung kailangan ng tulong ng taong sumigaw na iyon? Paano kung kung…Napailing ako at agad na tumayo. Hindi ko masasagot lahat ng tanong sa utak ko kung hindi ko aalamin. Hindi ko na pinigilan ang sarili ko at agad na nagpunta sa pintuan. Huminga ako ng malalim saka sinuo

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status