Share

Chapter 2.1: The Contract

last update Petsa ng paglalathala: 2026-08-10 19:30:11

"Nandito ka na pala." Saad niya sa malalim na boses.

"A-Ah! O-Opo..." Tanging nasagot ko.

Bahagya siyang tumango bago ibinaling ang tingin sa mga kasambahay.

Teka? Bakit ba ako nauutal?

"Lumabas muna kayong lahat." Sabay-sabay na yumuko ang mga ito.

"Masusunod po.” Sabay-sabay nilang saad.

Isa-isang nagsilabasan ang mga kasambahay, maging si Mrs. Alvarez at Adrian. Sa loob lamang ng ilang segundo, kaming dalawa na lang ang naiwan sa napakalawak na sala. Lalong akong kinabahan ng maiwan kaming dalawa. Pakiramdam ko, kahit ang sarili kong paghinga ay masyadong malakas.

Lumapit siya sa akin. Bawat hakbang niya ay mabagal ngunit tiyak. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko magawang umiwas ng tingin. Mula sa aparador sa gilid niya ay kinuha niya ang itim na leather folder. Marahan niya iyong binuksan at kinuha ang dokumento saka inilapag sa mesa.

"Basahin mo." Sambit niya at napatingin ako doon.

"Binasa ko na ang kontratang ipinadala ninyo." Buong tapang kong saad.

"Iba ito sa nabasa mo." Saad niya na nagpakunoot sa noo ko.

“Ha?”

"Diyan nakasaad ang mga kondisyon ng kasal."

Sumikip ang dibdib ko sa aking narinig. Tiningnan ko lang siya habang siya naman ay nakatayo lamang sa harap ko. Walang emosyon ang mukha niya, pero kitang-kita sa kilos niya na sigurado siyang pipirma ako sa huli.

"May tanong ka?" Napakurap ako ng sabihin niya iyon.

“Pinilit mo ba ang tatay na pumirma sa dokumentong ito?” Pinilit kong maging buo ang boses ko.

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya, “Walang namilit sa tatay mo at kung tutuusin ay siya ang nakaisip na ikaw ang ipambayad.”

Si Tatay ang naka-isip? Imposible, ‘di ba? Hindi totoo ang mga naiisip ko kagabi.

Hindi! Hindi dapat!

“Sinungaling!” Sigaw ko.

“I knew you'd say that. So, here’s the proof.” Sambit niya at hinagis sa akin ang isang cellphone na nasalo ko naman kaagad.

“Play the video.” Ngising saad nito.

Nagdadalawang isip man ay sinunod ko siya.

Mula sa taas ang kuha ng cctv. Nakatayo si Tristan samantalang si Tatay naman ay nakaluhod sa harap niya. Nangilid ang mga luha ko ng marinig ko ang mga sinabi ni Tatay…

"Sir Tristan… makakabayad po ako. Sadyang kailangan lang ng pera ng anak kong may sakit. Nasa ospital po kasi siya ngayon." Nagmamakaawa ang boses ni Tatay.

"Really?" tanong niya habang marahang inaayos ang manggas ng kanyang coat.

"Your daughter needs medical treatment... yet you're here gambling. What a pathetic excuse?"

Natawa si Tristan sa sagot ni Tatay saka napailing.

"Nagsasabi po ako ng totoo, Sir."

"Did I ask?" putol ni Tristan.

Tumayo siya at dahan-dahang lumapit kay Tatay.

"You've already lost more money than you can ever repay."

Huminto si Tristan sa harap ni Tatay. "So tell me… Why should I believe a liar?"

"Sir... dalawang linggo lang po. Kahit tatlong linggo. Makakapag-ipon po ako. Kailangan ko lang maipasok sa ospital ang anak ko."

"I don't care." sabi ni Tristan at tinalikuran si Tatay.

“Sige! Ganito na lang… Gagawin kong pambayad ang panganay ko kung hindi ko kayang bayaran ang utang ko. Tingnan mo, isinulat ko na rito. Gawin mo na lang legal…” Parang napapraning na saad ng tatay ko.

“What the hell are you talking about?” May galit ang boses nito.

“Pangako! Magbabayad ako. Sa ngayon, ang anak ko muna ang ipambabayad ko.”

Biglang sinipa ni Tristan ang maliit na mesa sa harap niya. Malakas ang lagapak nito sa sahig, dahilan upang magkalat ang mga gambling chips sa buong opisina.

Napapikit sa takot si Tatay. "Too many excuses."

"Magbabayad po ako! Pangako!"

"Ilang buwan ko nang naririnig ang salitang iyan pero sa mga araw na lumilipas ay lalo ka lang nalulubog sa utang!" Sigaw nitong muli.

Kinuha ni Tristan ang dokumento at iniabot iyon sa tauhan niya.

“Redo this contract based on what he wants. Then legalize it.”

Makalipas ang ilang sandali, bumalik ang kanyang tauhan at iniabot sa kanya ang bagong dokumento. Inilapag iyon ni Tristan sa mesa.

"You have one week. That's my final offer, and if you fail..." Yumuko si Tristan hanggang magtapat ang mukha nila ni Tatay.

"I'll collect what's mine." Pagpapatuloy ni Tristan sa malamig na tono.

Doon natapos ang video. Hindi ako makapaniwala sa napanood ko. Si tatay ba talaga ang nagsabi no’n?

Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko.

"The video says it all, doesn't it? No need to explain everything…"

Napabuntong-hininga ako.

Naglakad siya patungo sa malaking bintana. Nakatalikod siya sa akin habang nakatanaw sa hardin.

"Hindi ako pumayag sa kasalang ito." Sambit ko sa kanya.

"Dahil wala kang pagkakataong tumanggi at lalong wala kang magagawa." Mabilis niyang saad.

Mariin kong napakuyom ang mga kamao ko.

"Hindi ako bagay na puwedeng ipambayad."

"Hindi ko kasalanan na kaya kang ipambayad ng ama mo…”

Napakagat labi ako sa narinig ko.

"Oo, hindi ka bagay."

"Kaya bakit—" Pinutol niya ako sa pagsasalita.

"Kasunduan ito at ang ama mo ang pumirma."

Napakagat ako sa labi.

"Patay na ang tatay ko."

"Alam ko."

"Wala na siyang obligasyon."

"Meron, ipinasa niya sayo." Parang may kumurot sa puso ko ng direkta niyang sabihin iyon sa akin.

"Paano niyo nagagawang magsalita nang ganoon kadali?" Bahagya niyang ikiniling ang ulo.

"Dahil negosyo ang usapan natin."

"Negosyo?"

Hindi ko napigilang matawa ng mapait.

"Namatayan ako ng ama. At ngayon, nalaman kong ipinagbili niya ako para sa utang niya. Tapos sasabihin ninyong negosyo lang iyon?" Nagsimula na namng mag-unahan ang mga luha ko.

"Hindi ba kayo naaawa? Lahat ba ng tao sa inyo ay numero lang?" Hindi ko namalayang tumataas na ang boses ko.

"Wala ba kayong pakialam sa nararamdaman ng iba?" Marahas kong pinunasan ang mga luha ko.

“Bakit sa akin mo binubunto ang galit na para sa tatay mo? Kung tutuusin ako ang lugi dito. Napakalaking halaga ng utang sa akin ng tatay mo, tapos ano? Ikaw ang makukuha kong kabayaran? Paano mo pa siya nagagawang ituring na tatay matapos mong mapanood ang video na iyon?” Natawa ito ng hindi makapaniwala.

Lalo akong naluha.

“Tatay ko pa rin iyon.” Hiyaw ko.

“I don't care kung bato man ang iiyak mo diyan sa kinatatayuan mo. Hindi maibabalik ng mga luha mo ang perang inutang sa akin ng tatay mo!” Madiin na may halong inis ang bawat salita nito.

"Sagutin mo ako. Kung ikaw ang nasa posisyon ko. Alam mong maraming utang ang isang tao,” nagtaas ito ng kilay saka ako tinuro.

“And that person even agreed to use his own daughter as payment. On top of that, namatay siya bago pa niya ako mabayaran. Hindi mo ba tatanggapin ang bayad na siya mismo ang nag-alok? ” Napangisi ito ng nakakakilabot.

“Kaia, this is how business works. Kung hindi kaya ibigay ng tao ang perang kinuha niya ay marahil pwede na kahit ang buhay ng isang tao.”

"Napakadali para sa inyong sabihin iyon."

"Tama ka." Tumalikod siyang muli.

"Dahil hindi ko kailangan ipaliwanag ang sarili ko. Lalo na sa isang tulad mo na hindi alam ang mundong ginagalawan ko.” Malamig na saad niya

“You're pathetic.” Malamig na usal ni Tristan.

Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatakot. Hindi ko pa kailanman nakilala ang isang taong ganito kalamig. Pakiramdam ko, kahit magsalita siya buong araw ay wala pa rin akong malalaman tungkol sa kanya.

Bigla niyang itinuro ang kontrata.

"Page seven."

Naguguluhan kong binuklat ang dokumento. Napahinto ako.

Sa pinakailalim ng pahina ang nakalagay ay:

All medical expenses for Luna Wynter shall be fully shouldered by the Sarmiento Foundation.

Nanlaki ang mga mata ko, saka muli ko iyong binasa. Hindi ako nagkakamali.

Lahat ng gastusin, gamot, therapy pati ang operasyon.

"Totoo ba ito?" Utal na tanong ko sa kanya.

"Totoo."

"Walang kapalit bukod sa kasal?"

"Kasama iyan sa kasal. Maaaring ituring na plus one…" Natahimik ako.

Bigla kong naalala ang doktor. Ang mga bill sa ospital. Ang mga gabing umiiyak si Luna dahil sa sakit. Kung pipirma ako… Mabubuhay ang kapatid ko. Kung hindi… Hindi ko alam kung hanggang kailan ko pa siya makakasama. Pakiramdam ko'y may dalawang kamay na humihila sa akin sa magkaibang direksiyon.

Ang puso ko at ang responsibilidad ko bilang ate.

"Kailan ang kasal?" Tanong ko nang mahina.

"Wala pang eksaktong petsa." Napakagat-labi ako.

"Kapag pumirma ka ngayon… Sumula ngayon, dito ka na titira."

Napatingin ako sa paligid. Maganda ang bahay na ito pero magsisilbi itong kulungan ko.

At siya… Ang may hawak ng susi ng kalayaan ko. Tahimik niyang inilapag ang isang mamahaling fountain pen sa ibabaw ng kontrata.

"Meron kang sampung minuto."

"Sampung minuto?" Tumango siya.

"Para magpasya… Kapag tumanggi ka ihahatid ka ni Adrian pauwi."

Napakurap ako. "Hindi kita pipilitin."

"Bakit pakiramdam ko, kahit sabihin ninyong may pagpipilian ako ay wala naman talaga?"

Sa pagkakataong iyon, bahagyang ngumiti si Tristan. Hindi iyon masayang ngiti. Isa iyong ngiting tila may itinatagong kahulugan.

"Tama ka."

Nagsimula siyang maglakad palabas ng sala. Pagdating sa pintuan, sandali siyang huminto.

Hindi siya lumingon pero malinaw kong narinig ang huli niyang sinabi.

"Sa mundong ginagalawan ko, Miss Wynter. Ang mga pagpipilian ay para lamang sa mga taong may kapangyarihan."

“At sa sitwasyon mo lalo na ng kapatid mo…” narinig ko ang mahina niyang pagtawa. “Mukhang wala kang kapangyarihan para tumanggi…”

Pagkasara ng p***o, muli akong naiwang mag-isa.

Nakatitig sa kontratang nasa harap ko, at sa panulat na maaaring magbago… O tuluyang sumira sa buhay ko.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Sold To The Heartless CEO: Tristan Sarmiento   CHAPTER 5.2: Pagmamakaawa sa Gitna Ng Gabi

    Sa mga oras na ito ay binabalot na ako ng takot habang kaharap si Tristan."Binasa mo ang kontrata, ‘di ba?"May banta ang boses nito kaya agad akong napatango."At naaalala mo ang mga nakasaad doon?"Tumango ako ng taasan niya ako ng kilay."Kung gano'n..." Bahagya siyang huminto. "Sundin mo.”Napayuko ako."Hindi ko naman intensiyong makialam.""Hindi iyon ang punto.""May narinig akong sumisigaw,”“At gusto mong malaman kung bakit." Hindi iyon tanong… isang statement ng bagay na gusto kong malaman.Gusto kong malaman ang totoo.Bakit may sumisigaw?Bakit parang walang nagulat?Bakit walang kahit isang kasambahay ang lumabas?At bakit siya… Parang sanay na sanay na rito?Akala ko, magsasalita na siya. Akala ko, kahit kaunting ipapaliwanag niya… pero mali na naman ako."Tandaan mo, Kaia." Bahagya siyang tumigil."Hindi kita asawa. Nandito ka pang dahil pambayad utang ka ng tatay mo at gusto mong ipagamot ang kapatid mo.” Bawat salitang lumalabas sa bibig niya ay tila unti-unting dum

  • Sold To The Heartless CEO: Tristan Sarmiento   CHAPTER 5: Ang Kwarto Sa Tabi Ng Hagdan

    Kaia's POVKalahating oras na ang lumipas simula ng marinig ko ang sigaw na iyon.nSimula ng marinig ko ang sigaw na iyon ay umalingawngaw na rin iyon sa utak ko. Hindi ko alam kung saan iyon nanggaling pero nilalamon ako kaba. Mahigpit pa din ang pagkakakapit ko sa kumot. Saka huminga ako nang malalim at pilit na pinakiramdaman ang paligid. May parte din sa akin na nagsasabi na baka sanhi lang ng pagod kaya ko narinig iyon o stress dahil sa nangyayari sa buhay ko.Napatingin ako sa pintuan ng silid ko. May parte sa sarili ko na nagsasabi na manatili lang ako dito, ipikit ang mga mata ko at magkunwaring wala talaga akong narinig. Pero hindi ako mapakali, eh!Paano kung hindi lang dahil sa pagod o stress iyon? Paano kung kailangan ng tulong ng taong sumigaw na iyon? Paano kung kung…Napailing ako at agad na tumayo. Hindi ko masasagot lahat ng tanong sa utak ko kung hindi ko aalamin. Hindi ko na pinigilan ang sarili ko at agad na nagpunta sa pintuan. Huminga ako ng malalim saka sinuo

  • Sold To The Heartless CEO: Tristan Sarmiento   Chapter 4.2: A Wife Only In Name 

    “Tristan Sarmiento at Kaia Wynter, naparito kayo nang may malayang kalooban at nang mapatibay ang inyong pag-ibig sa harap ng Simbahan at ng sambayanang ito. Kaya’t hinihiling ko na buong katapatan ninyong sagutin ang aking mga itatanong.” Napatingin ang pari kay Tristan ng sabihin niya iyon.“Tristan, bukal ba sa inyong loob ang inyong pagparito upang pakasalan si Kaia na iyong kaharap ngayon?“Opo, Padre.” Diretsong sagot nito pero walang emosiyon.Nang humarap sa akin ang pari ay pakiramdam ko ay biglang nanuyo ang lalamunan ko.“Kaia, bukal ba sa inyong loob ang inyong pagparito…” Hindi po pero wala akong choice dahil gusto kong gumaling ang kapatid ko.Gusto kong isagot iyon sa pari!“Upang pakasalan si Tristan na iyong kaharap ngayon?”Binuka ko ang bibig ko ngunit walang lumbas na boses. Napatingin ako sa lalaking katabi ko parang wala siyang pakialam kung ano

  • Sold To The Heartless CEO: Tristan Sarmiento   CHAPTER 4: A Marriage Built on Debt

    Noong bata pa ako, madalas kong isipin kung ano ang magiging hitsura ng araw ng kasal ko. Hindi dahil pangarap kong magsuot ng mamahaling bestida o magkaroon ng engrandeng selebrasyon. Kundi dahil naniniwala akong iyon ang magiging pinakamasayang araw ng buhay ko.Iniisip kong ihahatid ako ni Tatay sa altar habang hindi mapigilan ang pagluha niya. Samantalang si Luna naman ang magiging flower girl ko, at masayang magtatapon ng mga talulot ng bulaklak habang tawa nang tawa.Nasa unang hanay ang pamilya at mga kaibigan namin. May mga umiiyak, mga nakangiti, at sa dulo ng altar… naghihintay sa akin ang lalaking mahal ko.Isang lalaking titingin sa akin na para bang ako lang ang babaeng nakikita niya sa buong mundo. Napapangiti ako noon sa tuwing naiisip ko iyon.Hindi ko akalaing darating ang araw na kabaligtaran pala ang mangyayari. Nasira ang pinapangarap kong kasal dahil lang sa simpleng kontrata.-Marahan kong iminulat ang mga mata ko. Tumambad agad sa akin ang puting kisame ng sili

  • Sold To The Heartless CEO: Tristan Sarmiento   CHAPTER 3: Rules of This Marriage

    Kaia's POVTahimik ang buong kapaligiran at tanging tunog lang ng lumang orasan ang naririnig. Bawat segundo ay tila kasabay ng mas mabilis na pagtibok ng puso ko. Napabuntong-hininga ako bago muling ibinaba ang tingin sa unang pahina.CONTRACTIsang salita sa ordinaryong tinta sa puting papel. Ngunit nakasalalay ang buong buhay ko. Pakiramdam ko, mas mabigat pa ito kaysa sa anumang bagay na nahawakan ko sa buong buhay ko. Dahan-dahan kong inabot ang dokumento. Hindi ko napigilan ang bahagyang panginginig ng mga daliri ko.Hindi ko alam kung dahil ba sa takot… O dahil alam kong kapag binuksan ko ito, wala nang paraan para ibalik ang dati kong buhay. Kahit wala siya dito pakiramdam ko'y alam niya ang bawat kilos ko. Parang hinihintay lang niya ang susunod kong gagawin.Huminga ako nang malalim bago ko tuluyang binuksan ang unang pahina. Akala ko, makikita ko roon ang detalye ng kasal o mga legal na dokumentong kailangan lang pirmahan.Ngunit nagkamali ako. Sa pinakataas ng pahina, iis

  • Sold To The Heartless CEO: Tristan Sarmiento   Chapter 2.1: The Contract

    "Nandito ka na pala." Saad niya sa malalim na boses."A-Ah! O-Opo..." Tanging nasagot ko.Bahagya siyang tumango bago ibinaling ang tingin sa mga kasambahay.Teka? Bakit ba ako nauutal?"Lumabas muna kayong lahat." Sabay-sabay na yumuko ang mga ito."Masusunod po.” Sabay-sabay nilang saad.Isa-isang nagsilabasan ang mga kasambahay, maging si Mrs. Alvarez at Adrian. Sa loob lamang ng ilang segundo, kaming dalawa na lang ang naiwan sa napakalawak na sala. Lalong akong kinabahan ng maiwan kaming dalawa. Pakiramdam ko, kahit ang sarili kong paghinga ay masyadong malakas.Lumapit siya sa akin. Bawat hakbang niya ay mabagal ngunit tiyak. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko magawang umiwas ng tingin. Mula sa aparador sa gilid niya ay kinuha niya ang itim na leather folder. Marahan niya iyong binuksan at kinuha ang dokumento saka inilapag sa mesa."Basahin mo." Sambit niya at napatingin ako doon."Binasa ko na ang kontratang ipinadala ninyo." Buong tapang kong saad."Iba ito sa nabasa m

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status