Home / Romance / Sold To The Heartless CEO: Tristan Sarmiento / CHAPTER 3: Rules of This Marriage

Share

CHAPTER 3: Rules of This Marriage

last update publish date: 2026-08-10 19:30:47

Kaia's POV

Tahimik ang buong kapaligiran at tanging tunog lang ng lumang orasan ang naririnig. Bawat segundo ay tila kasabay ng mas mabilis na pagtibok ng puso ko. Napabuntong-hininga ako bago muling ibinaba ang tingin sa unang pahina.

CONTRACT

Isang salita sa ordinaryong tinta sa puting papel. Ngunit nakasalalay ang buong buhay ko. Pakiramdam ko, mas mabigat pa ito kaysa sa anumang bagay na nahawakan ko sa buong buhay ko. Dahan-dahan kong inabot ang dokumento. Hindi ko napigilan ang bahagyang panginginig ng mga daliri ko.

Hindi ko alam kung dahil ba sa takot… O dahil alam kong kapag binuksan ko ito, wala nang paraan para ibalik ang dati kong buhay. Kahit wala siya dito pakiramdam ko'y alam niya ang bawat kilos ko. Parang hinihintay lang niya ang susunod kong gagawin.

Huminga ako nang malalim bago ko tuluyang binuksan ang unang pahina. Akala ko, makikita ko roon ang detalye ng kasal o mga legal na dokumentong kailangan lang pirmahan.

Ngunit nagkamali ako. Sa pinakataas ng pahina, iisa lang ang nakasulat.

Terms and Conditions.

Kumunot ang noo ko pero ipinagpatuloy ko ang pagbabasa.

Rule No. 1

Huwag kang papasok sa silid ko nang wala akong pahintulot.

Na para bang gusto kong pasukin ang silid niya. Tsk!

Rule No. 2

Huwag kang magtatanong tungkol sa personal kong buhay.

Tsk! Edi huwag.

Rule No. 3

Huwag mong gagalawin ang alinman sa mga personal kong gamit nang walang pahintulot.

Okay? Susubukan ko pero base sa mga kilos ng mga kasambahay niya mas mabuti ngang wag na lang.

Rule No. 4

Mananatili ka sa silid na itatalaga sa iyo.

Hays!

Rule No. 5

Sasamahan mo ako sa lahat ng pampublikong pagtitipon kung kinakailangan.

Para bang may choice ako.

Rule No. 6

Pananatilihin mo ang magandang imahe ng ating kasal sa harap ng pamilya, media, at mga business partners ko.

Napahinto ako sa pagbabasa. Parang wala na itong katapusan. Habang binabaliktad ko ang bawat pahina, mas lalo kong nararamdaman ang bigat ng kasunduang pinapasok ko.

Bawat panuntunan na nababasa ko ipinapaalala sa akin kung bakit ako narito. Pagdating ko sa kalagitnaan ng kontrata, halos hindi na ako makahinga pa.

Napako ang tingin ko sa isang nakasulat.

Rule No. 12

Ang kasalang ito ay umiiral lamang sa papel.

Nanigas ako. Kasunod noon ay isa pang pangungusap.

Hindi inaasahang gampanan mo ang tungkulin ng isang asawa maliban kung nasa harap tayo ng ibang tao.

Unti-unti kong ibinaba ang kontrata sa kandungan ko. Pakiramdam ko'y may mabigat na batong dumagan sa dibdib ko.

Ano pa bang aasahan ko? Isa lang akong kabayaran sa utang na iniwan ng ama ko. Mariin akong napalunok bago ipinagpatuloy ang pagbabasa. Nakasulat ang lahat. Kung paano ako kikilos sa harap ng media. Kailan ako dapat sumama sa kanya. Kung anong mga impormasyon ang hindi ko maaaring ilabas. Maging ang seguridad ko, ang mga gastusin ko at ang mga obligasyon ko bilang magiging asawa niya. Lahat. Pati ang magiging iskedyul ko sa araw-araw.

Napatingin ako kay Tristan na kasalukuyang may kinakalikot sa selpon niya habang naglalakad papasok. Mukhang hindi siya marunong tumawa. Marahil, hindi rin siya marunong makipagbiruan.

Isinara ko ang kontrata at ibinalik iyon sa mesa. Muli kaming binalot ng katahimikan. Mas malamig na ngayon ang buong silid. Huminga ako nang malalim. Kung hindi ako magsasalita ngayon, baka hindi na ako magkaroon pa ng pagkakataon.

"Pwede ba akong magtanong?"

Hindi siya agad sumagot. Ilang segundo muna ang lumipas bago ko narinig ang malamig niyang boses.

"Magtanong ka na."

"Ano'ng mangyayari..." Napatigil saka lumunok bago nagpatuloy, “kapag tumanggi akong pumirma?"

Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya. Wala akong makita ni katiting na emosyon. Unti-unti siyang naglakad palapit sa akin. Nagtama ang mga mata namin.

"Lahat ng gastusin ng kapatid mo ay hindi namin sasagutin. Hindi na ipagpapatuloy ang gamutan niya. Hindi na rin babayaran ang ospital at ika-kansela ang operasyon niya."

Pakiramdam ko'y isa-isang nadudurog ang puso ko sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya.

Gusto kong magalit. Gusto kong isigaw na wala siyang puso. Na napakalupit niyang gamitin ang isang batang walang kalaban-laban pero hindi ko magawa.

Dahil alam kong hindi niya ako tinatakot. Sinasabi lang niya ang katotohanan. Iyon ang nilalaman ng kontratang pinirmahan ng ama ko at legal ang lahat ng iyon. Kapag umatras ako… Kasabay kong aalisan ng pag-asa si Luna. Unti-unti akong napayuko. Ayokong makita niya ang mga luhang namumuo sa mga mata ko.

"Ang hirap tanggapin nito..." Bulong ko saka napakagat-labi.

Marahan kong ibinaba ang tingin sa huling pahina ng kontrata. Naroon ang espasyong nakalaan para sa pirma ko. Alam kong kapag nalagdaan ko iyon… Hindi na ako ang dating Kaia Wynter. Mawawala ang simpleng buhay na nakasanayan ko.

Ang kalayaan kong mamili para sa sarili ko. Magiging asawa na ako ng isang lalaking tinitingnan lang ako na para bang isa lang akong kasunduan sa isang negosyo.

Isang responsibilidad. Hindi isang taong mamahalin. Biglang pumasok sa isip ko ang mukha ni Luna. Ang inosente niyang ngiti. Ang pangako naming kakain kami ng maraming ice cream kapag gumaling na siya.

Ang maliit niyang kamay na mahigpit na humawak sa akin bago ako umalis.

"Promise, Ate?" Napapikit ako.

Isang mainit na luha ang tuluyang pumatak sa pisngi ko. Marahan kong pinunasan ang mga iyon. Maya-maya'y may narinig akong mahinang tunog. Pagmulat ko ng mga mata, isang mamahaling fountain pen ang na sa harap ko.

Si Tristan ang naglapag nito. Pareho naming alam ang totoo. Wala naman talaga akong pagpipilian. Dahan-dahan kong inabot ang panulat. Pakiramdam ko'y napakabigat nito. Parang bawat patak ng tinta ay kapalit ng kalayaan ko.

Huminga ako nang malalim. Nanginginig ang kamay ko habang isa-isang isinusulat ang pangalan ko.

Kaia Wynter.

Sa sandaling matapos kong lagdaan ang kontrata… Alam kong tuluyan ko nang isinara ang p***o ng dati kong buhay. At binuksan ang isang mundong hindi ko alam kung magiging tahanan ko… O magiging pinakamalaking pagkakamali ng buhay ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Sold To The Heartless CEO: Tristan Sarmiento   CHAPTER 8: The Call

    "Tell me where she is."Iyon ang huling salitang narinig ko mula kay Tristan kanina. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maalis sa isip ko iyon.Nag-iba talaga ang tono ng pagsasalita niya kanina nang pabalikin niya ako dito sa kwarto ko. Hindi ko alam kung sino ang kausap niya sa telepono, pero sigurado akong nasira niya ang araw ni Tristan.Sigurado akong nakakita ako ng takot sa mga mata ni Tristan kanina.Takot.Sa isang taong tulad ni Tristan? Hindi ko alam kung ano ang mas nakakatakot. Ang makita siyang galit o ang makita siyang natatakot.Sino ba siya?Bakit parang takot na takot si Tristan na may mangyaring masama sa kanya?Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama nang makapasok ako sa kwarto. Baka nag-iisip lang talaga ako masiyado. Maybe its about business or what? Saka dapat wala akong pakialam sa kanya, right? Kasi dapat nakafocus ako kung paano siya mababayaran at paano mapapagaling ang kapatid kong si Luna.Gusto kong mag-focus isipin iyon pero nilalamon ako ng kuryusidad kong si

  • Sold To The Heartless CEO: Tristan Sarmiento   Phone Call

    Wala sa sariling napatango na lang ako saka tumingin sa sarili kong plato. Nawalan na tuloy ako ng gana kumain. Ikaw kasi Kaia. Pabida ka pa kasi! Iyan ang napapala mo.Gusto mo pa kasi sinasampal ka ng katotohanan na kaya ginagamot ang kapatid mo ay dahil pumayag kang maging kasal sa papel at sa kontrata.Napakagat labi na lang ako habang pinipigilan a ng pagtulo lang luha ko.Mas mabuti pang pilitin ko nalang kumain at lunukin ang emosyon na lumalamon sa akin. Lunukin na din pati ang kahihiyan na nadarama ko ngayon.Ano ba kasing inaasahan mo, Kaia? A little humanity from him? Nahihibang ka na ba?That was too much to expect from a man everyone in this mansion seemed afraid of.Muli akong sumulyap kay Tristan. Nagbabasa na siyang muli ng kung ano mula sa kanyang tablet. Sa tingin ko… Para sa kanya lahat ay may kapalit.Huwag mong kalimutan na tinitiis mo ang lahat ng ito para kay Luna, Kaia.Kaya mong tiisin iyan. Habang napapagamot siya kaya ko ito. Makakayanan ko ito.Napatigil ak

  • Sold To The Heartless CEO: Tristan Sarmiento   CHAPTER 7: Breakfast With A Stranger

    Kinabukasan maaga akong nagising. Nanibago pa nga ako ng bumungad sa akin ang hindi pamilyar na kisame.“Oo nga pala. Dito na ako nakatira sa mansiyon ni Tristan,” naiiling na saad ko sa sarili saka bumangon.Yeah, right. Kasal na nga pala ako at pinambayad sa isang estranghero ng sarili kong ama. “Kamusta na kaya si Luna sa ospital?”Simula kasi ng sumam ako dito at pinitmahan ko ang kontrata ay hindi ko na napuntahan pa si Luna. Nakausap ko naman si Luna ng dalhin siya ng isa sa tauhan ni Tristan sa ospital pero hindi pa rin ako pinapayagan na puntahan siya.Marami pa daw kasi akong dapat malaman at ayaw niyang pumayag na ako lang mag-isa ang pumunta doon. Akala ata tatakasan ko siya. Na para bang my karapatan pa akong gawin iyon… Gayong siya ang susi para mapagamot ko si Luna.Akmang bubuksan ko na ang pinto ng maalala ko ang sinabi ng kasambahay kagabi.Mas mabuti po sigurong huwag kayong maglalakad sa mansion kapag gabi.Hindi ko pa rin maintindihan ang ibig niyang sabihin. Hind

  • Sold To The Heartless CEO: Tristan Sarmiento   Chapter 6: My New Room

    Kaia's POV Matapos umalis ni Tristan at nang marinig ko iyon ay bumilis ang tibok ng puso ko. Lalapit pa sana ako ng tawagin ako ng isa sa mga kasambahay ni Tristan. "Miss Wynter, ihahatid ko na po kayo sa inyong silid." Sambit nito Marahan akong tumango. Wala na rin naman akong ibang pupuntahan. Tahimik akong sumunod sa kanya habang naglalakad kami sa mahabang hallway ng mansion. Bawat hakbang namin ay palayo nang palayo sa kwartong iyon, lalo kong nararamdaman kung gaano kalaki ang lugar na ito. Everything looked expensive. From the paintings hanging on the walls, the polished wooden floors, hanggang sa mga malalaking vase na nakalagay sa bawat sulok. Pero kahit gaano kaganda ang lahat… Hindi ko pa rin maramdaman na kabilang ako rito. Huminto ang maid sa isang malaking pintuan. "Narito na po ang inyong silid." Binuksan niya ang p***o. Napahinto ako. Namanangha pa din ako sa kwarto na ito. Kung tutuusin, mas malaki pa ito kaysa sa buong bahay namin ni Luna. May malaking kama s

  • Sold To The Heartless CEO: Tristan Sarmiento   Pagmamakaawa sa Gitna Ng Gabi

    Sa mga oras na ito ay binabalot na ako ng takot habang kaharap si Tristan. "Binasa mo ang kontrata, ‘di ba?" May banta ang boses nito kaya agad akong napatango. "At naaalala mo ang mga nakasaad doon?" Tumango ako ng taasan niya ako ng kilay. "Kung gano'n..." Bahagya siyang huminto. "Sundin mo.” Napayuko ako. "Hindi ko naman intensiyong makialam." "Hindi iyon ang punto." "May narinig akong sumisigaw,” “At gusto mong malaman kung bakit." Hindi iyon tanong… isang statement ng bagay na gusto kong malaman. Gusto kong malaman ang totoo. Bakit may sumisigaw? Bakit parang walang nagulat? Bakit walang kahit isang kasambahay ang lumabas? At bakit siya… Parang sanay na sanay na rito? Akala ko, magsasalita na siya. Akala ko, kahit kaunting ipapaliwanag niya… pero mali na naman ako. "Tandaan mo, Kaia." Bahagya siyang tumigil. "Hindi kita asawa. Nandito ka pang dahil pambayad utang ka ng tatay mo at gusto mong ipagamot ang kapatid mo.” Bawat salitang lumalabas

  • Sold To The Heartless CEO: Tristan Sarmiento   CHAPTER 5: Ang Kwarto Sa Tabi Ng Hagdan

    Kaia's POVKalahating oras na ang lumipas simula ng marinig ko ang sigaw na iyon.nSimula ng marinig ko ang sigaw na iyon ay umalingawngaw na rin iyon sa utak ko. Hindi ko alam kung saan iyon nanggaling pero nilalamon ako kaba. Mahigpit pa din ang pagkakakapit ko sa kumot. Saka huminga ako nang malalim at pilit na pinakiramdaman ang paligid. May parte din sa akin na nagsasabi na baka sanhi lang ng pagod kaya ko narinig iyon o stress dahil sa nangyayari sa buhay ko.Napatingin ako sa pintuan ng silid ko. May parte sa sarili ko na nagsasabi na manatili lang ako dito, ipikit ang mga mata ko at magkunwaring wala talaga akong narinig. Pero hindi ako mapakali, eh!Paano kung hindi lang dahil sa pagod o stress iyon? Paano kung kailangan ng tulong ng taong sumigaw na iyon? Paano kung kung…Napailing ako at agad na tumayo. Hindi ko masasagot lahat ng tanong sa utak ko kung hindi ko aalamin. Hindi ko na pinigilan ang sarili ko at agad na nagpunta sa pintuan. Huminga ako ng malalim saka sinuo

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status