Home / Romance / Sold To The Ruthless Billionaire / CHAPTER 2: The Cold Welcome

Share

CHAPTER 2: The Cold Welcome

Author: Nightshade
last update Last Updated: 2026-01-25 19:42:23

Clara Santos POV

Madilim na nang huminto ang limousine sa tapat ng isang dambuhalang gate. Matapos ang ilang minutong paglalakbay sa gitna ng masukal na kagubatan, bumungad sa harap ko ang isang modernong mansyon. Gawa ito sa glass at black stone. Maganda, oo, pero mukhang walang buhay.

Eksakto sa akin. Isang magandang bangkay sa loob ng isang mamahaling kabaong.

“Baba,” maikling utos ni Sebastian.

Hindi ako kumilos. Nakatitig lang ako sa labas, nanginginig ang mga kamay na nakapatong sa kandungan ko. Bago pa ako makahinga nang malalim, bumukas ang pinto sa gilid ko. Mariin akong hinila ni Sebastian palabas.

“I said, get out,” pag-uulit niya. Walang bakas ng pasensya sa kanyang boses.

Dinala niya ako sa loob. Sinalubong kami ng tatlong katulong na nakasuot ng uniporme. Nakayuko silang lahat, tila takot na tumingin sa mga mata ng kanilang amo.

“Sir Sebastian, handa na po ang silid,” sabi ng isang matandang babae, ang mayordoma marahil.

Tumingin si Sebastian sa akin, mula ulo hanggang paa, na tila ba isa akong duming nakadikit sa sapatos niya. “Manang, take her to the guest room—the one near my suite. And call the garbage disposal.”

Kumunot ang noo ko. “Garbage disposal?”

Hindi ako pinansin ni Sebastian. Hinarap niya ang mga katulong. “Itapon niyo lahat ng suot niya. Pati ang mga gamit na dala niya mula sa bahay ng tatay niya. Sunugin niyo kung kailangan. I don’t want anything from that filthy house inside my property.”

“Sandali!” sigaw ko. “Wala akong dalang gamit, pero ang suot ko... ito na lang ang meron ako!”

Isang malamig na tawa ang pinakawalan ni Sebastian. Humakbang siya palapit sa akin hanggang sa maramdaman ko ang pader sa likuran ko. Nilagay niya ang magkabilang kamay sa gilid ng ulo ko, kinukulong ako sa kanyang bisig.

“Everything you own belongs to your past, Clara. At ang past mo? Wala na ‘yun. You are in my world now. I decide what you wear, what you eat, and when you breathe.”

Tinalikuran niya ako at naglakad paakyat ng hagdan. “Manang, make sure she’s cleaned up. Deliver the new clothes I ordered. Siguraduhin niyo ring hindi siya makakalabas ng kwarto nang wala ang pahintulot ko.”

Para akong basang sisiw na nanginginig habang ginagabayan ng mga katulong paakyat. Dinala nila ako sa isang malawak na silid. Minimalist ang disenyo—puti, abo, at itim. Napakalamig ng aircon, kasing-lamig ng pagtanggap sa akin ng bahay na ito.

Pilit nilang kinuha ang suot kong dress. Binigyan nila ako ng isang silk robe na halos wala nang tinatago sa balat ko. Maya-maya pa, pumasok ang dalawang lalaking tauhan at kinuha ang maliit kong pouch na naiwan sa kama. Doon nakalagay ang picture namin ni Papa at ang lumang cellphone ko.

“Huwag! Akin ‘yan!” pagmamakaawa ko.

“Utos po ni Sir Sebastian, Ma’am. Pasensya na po.”

Pinanood ko silang lumabas. Gusto kong sumigaw at magwala, pero wala akong lakas. Napaupo na lang ako sa gilid ng kama at niyakap ang sarili ko. Maya-maya pa, bumukas ang pinto.

Pumasok si Sebastian. Maluwag na ang suot niyang puting polo, bukas ang unang tatlong butones nito. Hawak niya ang isang baso ng whiskey. Ang matalim niyang tingin ay agad na dumapo sa akin.

“The silk suits you,” saad niya habang dahan-dahang lumalapit. “At least now, you look like a billionaire’s property, not some charity case.”

“Bakit mo ba ginagawa ito?” tanong ko, pilit na pinatatatag ang boses ko. “Kung galit ka sa tatay ko, bakit kailangang ako ang magbayad? I didn’t do anything to you!”

Itinabi niya ang baso sa nightstand. Sa isang mabilis na galaw, itinulak niya ako sa gitna ng kama. Napasinghap ako nang pumatong siya sa akin, ang bigat ng katawan niya ay tila sumasakal sa akin.

Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko. Mariin niyang tiningnan ang wedding ring na kapapasok lang sa daliri ko kanina sa hotel.

“You’re wrong, Clara,” bulong niya, ang boses niya ay malalim at mapanganib. “You did the crime of being his daughter. And that is enough for me to hate you.”

Hinila niya ang singsing mula sa daliri ko. Napangiwi ako sa higpit ng hawak niya.

“This ring...” tinaas niya ang ginto sa harap ng mga mata ko. “Don’t get any ideas, Clara. This ring doesn’t mean I love you. It doesn’t mean we have a future.”

Dinuro niya ang dibdib ko gamit ang dulo ng singsing.

“It means I own you. It’s a collar. My collar.”

Ramdam ko ang pag-init ng mukha ko. Ang galit at hiya ay naghahalo. Akala ko ay titigil na siya, pero inilapit niya ang mukha niya sa leeg ko. Naamoy ko ang alak at ang nakakalasing niyang bango. Ang kanyang mga kamay ay gumapang sa bewang ko, direkta sa manipis na silk robe na suot ko.

Napaigtad ako nang maramdaman ang lamig ng kanyang balat na humahaplos sa akin.

“Now,” wika niya, ang mga mata niya ay nag-aapoy sa isang emosyong hindi ko maipaliwanag. “Take off that dress. I want to see exactly what I paid for.”

Nanigas ako. Ang puso ko ay parang gustong tumalon palabas ng dibdib ko. Ito na ba iyon? Ang simula ng impiyernong sinasabi niya?

“Sebastian... please...”

“I didn't hear a 'Yes, Sir', Clara,” madiin niyang sabi habang hinihila ang tali ng robe ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Sold To The Ruthless Billionaire   CHAPTER 6: The Price Of Curiosity

    Clara Santos POVAng mga salita ni Sebastian ay tila bombang sumabog sa pandinig ko. “Winasak ko siya bago ko pa malaman ang pangalan niya?”“Ano’ng sinasabi mo?” nanginginig kong tanong. “Hindi kita kilala noon, Sebastian! Ngayon lang tayo nagtagpo sa hotel. Paanong—”“Shut up!”Hinigpitan niya ang hawak sa braso ko at marahas akong hinila palayo sa easel. Hindi siya nakatingin sa akin, kundi sa painting na muli niyang tinakpan ng maruming tela. Sa kabila ng galit niya, may nakita akong saglit na sakit sa kanyang mga mata—isang emosyong agad din niyang binura.Kinaladkad niya ako palabas ng art studio. Sinubukan kong pumalag, pero ang lakas niya ay hindi ko kayang tapatan. Isara niya ang pinto at mabilis na ni-lock ito gamit ang isang susi na kinuha niya sa kanyang bulsa.“Huwag mo na uling susubukang pumasok sa kwartong iyan,” banta niya. Ang kanyang boses ay parang galing sa ilalim ng lupa. “And if you think that painting means I care about you, you are more delusional than I thoug

  • Sold To The Ruthless Billionaire   CHAPTER 5: The Unexpected Discovery

    Clara Santos POVNagising ako na masakit ang buong katawan. Ang sikat ng araw na tumatagos sa kurtina ay tila nanunukso sa akin. Paglingon ko sa aking tabi, wala na ang bakas ni Sebastian. Ang tanging naiwan ay ang gusot na kumot at ang amoy ng kanyang pabango na tila ayaw humiwalay sa aking balat.Bumangon ako at dahan-dahang naglakad patungo sa banyo. Sa bawat hakbang, naaalala ko ang mga nangyari kagabi. Ang kanyang mga haplos, ang kanyang mga bulong na puno ng poot pero may halong pagnanasa. Napahawak ako sa aking labi. I surrendered. I gave him the only thing I had left, and he took it without mercy.Paglabas ko ng banyo, nakita ko ang isang tray ng pagkain sa ibabaw ng lamesa. May maliit na note sa tabi nito.“Stay in this room. Don’t even think about stepping out. The guards are stationed at your door. — S.V.”Niyukom ko ang papel sa mga kamay ko. Bilanggo pa rin ako. Kahit matapos ang nangyari kagabi, wala siyang balak na paluwagin ang gapos sa akin. Pero hindi ako pwedeng mau

  • Sold To The Ruthless Billionaire   CHAPTER 4: The First Night Of Submission

    Clara Santos POVIsang itim na backless gown ang nakalatag sa kama ko. Kasama nito ang isang set ng mga dyamante na tila mas mabigat pa sa kadenang nakagapos sa puso ko. Inutusan ako ni Sebastian na mag-ayos. Ngayong gabi ang charity gala ng Vergel Foundation. Ang gabi kung saan kailangan naming i-flex sa mundo ang aming "masayang" pagsasama.Habang tinitingnan ko ang sarili ko sa salamin, hindi ko na makilala ang babaeng nasa harap ko. Ang dating masayahing Clara ay napalitan ng isang maputlang anino na balot ng karangyaan.Pumasok si Sebastian sa kwarto. Nakasuot siya ng tuxedo na lalong nagpadagdag sa kanyang nakakatakot na karisma. Tumayo siya sa likuran ko at pinanood ako sa pamamagitan ng salamin.“Wear the diamonds, Clara. Ayaw kong isipin ng mga tao na pinapabayaan ko ang asawa ko,” malamig niyang utos.Isinuot niya sa akin ang kwintas. Ang lamig ng metal sa balat ko ay naghatid ng matinding kilabot. Inilapit niya ang kanyang labi sa tenga ko. “Smile later. If I see even a hin

  • Sold To The Ruthless Billionaire   CHAPTER 3: The Secret Debt

    Clara Santos POVHindi ako nakatulog nang maayos. Ang bawat kaluskos sa labas ng pinto ay tila babala na babalik si Sebastian para tapusin ang sinimulan niya kagabi. Pero hindi siya bumalik. Pagkatapos niyang iparamdam ang control niya sa akin, iniwan niya akong nanginginig at lito sa gitna ng malawak na kama.Kinabukasan, ang katahimikan ng mansyon ay mas nakakabingi pa kaysa sa kanyang mga sigaw.Lumabas ako ng kwarto. Walang humarang sa akin, pero ramdam ko ang mga mata ng mga CCTV camera na sumusunod sa bawat galaw ko. Pababa ng hagdan, nakita ko si Manang Selya, ang matandang mayordoma na nag-aayos ng mga bulaklak sa living room.“Manang,” tawag ko. Lumapit ako sa kanya, ang boses ko ay puno ng pagbabakasali. “Bakit ganito na lang ang galit ni Sebastian? Hindi lang ito tungkol sa pera, ‘di ba? Hindi lang utang ang dahilan kung bakit niya ako binili.”Napatigil si Manang Selya. Tumingin siya sa paligid bago huminga nang malalim. “Hija, mas mabuting huwag mo nang alamin. Masakit an

  • Sold To The Ruthless Billionaire   CHAPTER 2: The Cold Welcome

    Clara Santos POVMadilim na nang huminto ang limousine sa tapat ng isang dambuhalang gate. Matapos ang ilang minutong paglalakbay sa gitna ng masukal na kagubatan, bumungad sa harap ko ang isang modernong mansyon. Gawa ito sa glass at black stone. Maganda, oo, pero mukhang walang buhay.Eksakto sa akin. Isang magandang bangkay sa loob ng isang mamahaling kabaong.“Baba,” maikling utos ni Sebastian.Hindi ako kumilos. Nakatitig lang ako sa labas, nanginginig ang mga kamay na nakapatong sa kandungan ko. Bago pa ako makahinga nang malalim, bumukas ang pinto sa gilid ko. Mariin akong hinila ni Sebastian palabas.“I said, get out,” pag-uulit niya. Walang bakas ng pasensya sa kanyang boses.Dinala niya ako sa loob. Sinalubong kami ng tatlong katulong na nakasuot ng uniporme. Nakayuko silang lahat, tila takot na tumingin sa mga mata ng kanilang amo.“Sir Sebastian, handa na po ang silid,” sabi ng isang matandang babae, ang mayordoma marahil.Tumingin si Sebastian sa akin, mula ulo hanggang p

  • Sold To The Ruthless Billionaire   CHAPTER 1: The Auctioned Daughter

    Clara Santos POV“Clara, patawarin mo ako. Wala na tayong ibang paraan.”Iyon ang mga salitang paulit-ulit na sumasaksak sa dibdib ko habang nakatingin ako sa labas ng bintana. Tatlong itim na SUV ang nakaparada sa tapat ng bahay namin. Mukha silang mga kabaong na naghihintay na lamunin ako nang buo.Hinarap ko si Papa. Basang-basa ang mukha niya ng luha. Ang matapang at kagalang-galang na lalaking nagpalaki sa akin ay mukhang basang sisiw na nanginginig sa takot ngayon.“Binenta mo ba talaga ako, Pa?” mahina kong tanong. Halos hindi ko na makilala ang sarili kong boses.“H-hindi ganoon iyon, anak. Si Sebastian Vergel... siya lang ang makakasalba sa atin sa utang. Siya lang ang makakapigil sa kasong isasampa laban sa akin.”Sebastian Vergel.Sino ba ang hindi nakakakilala sa pangalang iyon? He is the 'Ruthless King of Real Estate.' Usap-usapan sa business world na wala siyang awa. Isang pating na handang lumamon ng kahit sino. At ngayon, ako ang nagsisilbing pambayad sa kasalanan ng p

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status