LOGINClara Santos POV
Hindi ako nakatulog nang maayos. Ang bawat kaluskos sa labas ng pinto ay tila babala na babalik si Sebastian para tapusin ang sinimulan niya kagabi. Pero hindi siya bumalik. Pagkatapos niyang iparamdam ang control niya sa akin, iniwan niya akong nanginginig at lito sa gitna ng malawak na kama. Kinabukasan, ang katahimikan ng mansyon ay mas nakakabingi pa kaysa sa kanyang mga sigaw. Lumabas ako ng kwarto. Walang humarang sa akin, pero ramdam ko ang mga mata ng mga CCTV camera na sumusunod sa bawat galaw ko. Pababa ng hagdan, nakita ko si Manang Selya, ang matandang mayordoma na nag-aayos ng mga bulaklak sa living room. “Manang,” tawag ko. Lumapit ako sa kanya, ang boses ko ay puno ng pagbabakasali. “Bakit ganito na lang ang galit ni Sebastian? Hindi lang ito tungkol sa pera, ‘di ba? Hindi lang utang ang dahilan kung bakit niya ako binili.” Napatigil si Manang Selya. Tumingin siya sa paligid bago huminga nang malalim. “Hija, mas mabuting huwag mo nang alamin. Masakit ang nakaraan ng batang iyon.” “Kailangan kong malaman, Manang. Asawa niya ako sa papel, pero tratuhin niya ako ay parang basura. Anong ginawa ng tatay ko?” Hinawakan ni Manang Selya ang kamay ko. Malamig ang kanyang mga daliri. “Sampung taon na ang nakalilipas... May kapatid si Sir Sebastian. Si Diana. Siya ang buhay ni Sir. Pero dahil sa isang maling desisyon ng kumpanya ng tatay mo—isang konstruksyon na minadali at tinipid sa materyales—gumuho ang building kung nasaan si Diana.” Nanigas ang buong katawan ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. “Namatay si Diana, Clara. At ang tatay mo? Ginamit niya ang koneksyon niya para makalusot sa batas. Walang nakulong. Walang nagbayad. Kaya ngayon... ikaw ang pinagbabayad ni Sir Sebastian.” Napabitaw ako sa pagkakahawak sa lamesa. Kaya pala. Kaya pala ganoon kadilim ang tingin niya sa akin. Hindi lang ako basta property—ako ang simbolo ng kawalan ng katarungan na dinanas niya. Hindi ko na kaya. Kailangan kong makaalis dito. Habang abala ang mga katulong sa kusina, dahan-dahan akong lumabas patungo sa garden. Nakita ko ang mataas na bakod sa dulo ng property. Kung makakalabas ako rito, baka may madaanan akong kalsada. Baka may makatulong sa akin. Tumakbo ako. Kahit masakit ang paa ko, kahit hingal na hingal ako, hindi ako tumigil. Narating ko ang gate sa likod. Mukhang hindi ito gaanong binabantayan. Sinubukan kong akyatin ang grills. Muntik na akong makatawid nang biglang may humawak sa binti ko. “Saan ka pupunta, Mrs. Vergel?” Isang malaking guard ang humila sa akin pababa. Napasigaw ako sa takot. Hindi lang isa, kundi tatlo silang pumalibot sa akin. “Bitawan niyo ako! Hayaan niyo akong umalis!” “Sir’s orders, Ma’am. No one leaves without his permission.” Binuhat nila ako na parang sako ng bigas. Kahit anong sipa at suntok ko, wala akong nagawa. Ibinalik nila ako sa loob ng mansyon, diretso sa main office ni Sebastian. Pagbukas ng pinto, bumungad ang bulto ni Sebastian. Nakatayo siya sa harap ng malaking bintana, may hawak na baso ng alak kahit tanghaling tapat. Ang aura niya ay mas nakakatakot kaysa kagabi. “Leave us,” malamig niyang utos sa mga guards. Nang sumara ang pinto, hinarap niya ako. Hinagis niya ang hawak niyang baso sa pader. Nabasag ito nang pira-piraso, kasing-bilis ng pagdurog ng pag-asa ko. “You tried to run,” mariin niyang sabi habang naglalakad palapit. “Sebastian, please... nalaman ko na. Patawarin mo si Papa, hindi niya sinasadya—” “Hindi sinasadya?!” Isang malakas na hampas sa lamesa ang nagpatahimik sa akin. “Dahil sa kanya, wala akong pamilya! At ngayon, susubukan mong takasan ang parusa mo?” Kinuha niya ang suot niyang silk necktie at mabilis na tinanggal ito mula sa kanyang leeg. Hinuli niya ang dalawa kong kamay. Sa sobrang bilis ng galaw niya, hindi ako nakapanlaban. Madiin niyang itinali ang necktie sa aking mga pulso—paulit-ulit at mahigpit—hanggang sa hindi ko na maigalaw ang mga kamay ko. “Sebastian, nasasaktan ako!” sigaw ko habang pilit na kumakawala. Itinulak niya ako paupo sa kanyang swivel chair. Yumuko siya para magkatapat ang aming mga mukha. Ang kanyang mga mata ay parang apoy na tumutupok sa akin. “Masakit? That’s nothing compared to what I felt when I buried my sister, Clara.” Hinawakan niya ang panga ko, madiin, pilit akong pinatitingin sa kanya. “Listen to me very carefully. Try to run again, and I’ll make sure your father rots in jail by tomorrow morning. I have the evidence. I have the power. One word from me, and he will die behind bars.” Nanginig ang labi ko. Ang luha ko ay tuloy-tuloy na pumatak sa mga kamay kong nakatali. “You are mine, Clara. In every way possible. Until I say I’m done with you, you stay in this house, in my bed, and under my thumb.”Clara Santos POV "Diana, pakicheck nga ‘yung inventory list sa tablet. Sigurado ba tayong three hundred jars ang nakalagay sa Box A to E?" Inayos ko ang suot kong apron habang naglalakad sa gitna ng sala na puno na ngayon ng mga karton. Bukas na ang simula ng Regional Trade Fair, at kahit ilang beses na naming binilang ang mga paninda, parang hindi pa rin ako mapakali. "Chill lang, Ate. Naka-counter check na kami ni Ben dyan kaninang madaling araw bago niyo pa mapakuluan ‘yung huling batch ng bawang," tawa ni Diana habang hindi inaalis ang tingin sa screen. "Look, green na lahat ng status. Relax ka lang, masyado kang tense." "Paano namang hindi ako mate-tense? This is the regional level, Diana. Hindi na lang ‘to sa covered court ng bayan natin. Iba na ang crowd doon, baka pati mga exporter nandoon," sagot ko habang sinisiguradong mahigpit ang packing tape sa isang box. Pumasok si Sebastian mula sa back door, bitbit ang isang stack ng mga bagong print na flyers. "Hon, calm down. N
Clara Santos POV "Sebastian, dahan-dahan lang ang pagbukas. Baka mabigla ang pressure, tumalsik 'yung takip," paalala ko habang nakamasid sa asawa ko. Nandito kaming lahat sa dulo ng shed kung saan nakatago ang mga banga na nilinis ni Rico noong nakaraang linggo. Ngayong araw ang tinakdang petsa para tikman ang unang batch ng 'Project Vinegar'. Mahigit isang buwan din itong nakababad sa sukang Paombong na hinaluan namin ng mga 'imperfect' na sili mula sa greenhouse. Maingat na tinanggal ni Sebastian ang mahigpit na pagkakatali ng cheesecloth at plastic sa ibabaw ng banga. Kasunod nito ang pag-angat ng mabigat na takip na gawa sa luwad. Agad na humalinguyak ang amoy sa paligid—isang matapang na asim na may kasamang sipa ng anghang at konting bango ng bawang at luya. "Whoa! Grabe ang sipa sa ilong," tawa ni Rico habang bahagyang lumalayo. "Pero amoy masarap po, Sir. Parang 'yung sawsawan sa mga litson sa probinsya." Kumuha si Sebastian ng isang malinis na sandok at dahan-dahang kum
Clara Santos POV "Sebastian, sigurado ka bang dyan mo ilalagay 'yan? Baka matakpan 'yung view ng mga sili sa bintana," puna ko habang nakatayo sa tapat ng back door, pinapanood ang asawa ko at si Rico na nagtutulungan sa pagbuhat ng isang malaking asul na water tank. Alas-nuwebe na ng umaga at medyo matindi na ang sikat ng araw. Ito ang solusyon ni Sebastian sa naging problema namin sa water pressure nung isang linggo. Dahil balak naming dagdagan ang plots para sa Christmas order ni Michelle, kailangan na talaga ng mas malakas na supply ng tubig para sa misting system. "Dito lang 'to sa gilid ng shed, Hon. Hindi naman tatakip sa greenhouse. Kailangan kasi medyo mataas 'yung elevation para natural 'yung daloy ng tubig kahit mawalan ng kuryente," paliwanag ni Sebastian habang pinupunasan ang pawis sa leeg gamit ang suot niyang towel. "Rico, dahan-dahan dyan sa kanto. Baka sumabit sa yero." "Opo, Sir. Konting pilit na lang po, mai-aakyat na natin 'to sa platform," sagot ni Rico. Namu
Clara Santos POV Alas-singko y medya pa lang ng umaga. Malamig ang simoy ng hangin na pumapasok sa siwang ng bintana, 'yung amoy na halo ng hamog at basang damo mula sa labas. Dahan-dahan akong bumangon para hindi magising si Lucas at si Sebastian, pero paglingon ko sa tabi ko, wala na ang asawa ko. Tanging lukot na kumot na lang ang naiwan sa pwesto niya. Alam ko na kung nasaan siya. Simula nung kinuha namin si Rico, naging routine na ni Sebastian ang gumising nang mas maaga para i-check ang greenhouse bago magsimula ang mainit na trabaho sa hapon. Nagsuot ako ng cardigan at dumeretso sa kusina. Isinalang ko ang takure at habang hinihintay itong kumulo, sumilip ako sa bintana na nakaharap sa likod-bahay. Nakita ko ang dalawang anino sa loob ng greenhouse—sina Sebastian at Ben. May dala silang mga flashlight, tinitignan ang bawat plot na parang may hinahanap na kayamanan. "Hon, ang aga niyo dyan ah," bati ko paglabas ko sa veranda bitbit ang dalawang tasa ng kape. "Akala ko ba si
Clara Santos POV "Sebastian, dahan-dahan! Madulas na 'yung ladder, kanina pa umaambon!" sigaw ko habang nakatayo sa may veranda, pilit na tinatanaw ang asawa ko na nasa itaas ng bagong extension ng shed. Alas-tres pa lang ng hapon pero sobrang dilim na ng langit. Akala namin ay makakaligtas kami sa ulan ngayong araw, pero mukhang nagkamali ang weather app ni Sebastian. Kasalukuyan silang nagkakabit ni Rico ng huling piraso ng yero para siguradong hindi mababasa ang mga bagong dating na sako ng bote at labels. "Kaya ko 'to, Hon! Isang turnilyo na lang 'to!" sagot ni Sebastian. Kita ko ang pag-igting ng panga niya habang pilit na ibinabaon ang screw gamit ang drill. Ang t-shirt niya ay basang-basa na ng pawis at ambon, dumidikit na sa likod niya. "Sir, ako na po dyan sa kabilang side! Hawakan ko po 'tong yero para hindi liparin!" sigaw ni Rico mula sa kabilang dulo ng bubong. Mas mabilis kumilos ang bata, parang hindi natatakot sa taas. "Sige, Rico! Ingat ka dyan sa edge!" balik-si
Clara Santos POV"Sebastian, sigurado ka bang darating 'yun? Alas-otso na, baka naligaw na 'yun sa kanto nina Mang Tino," sabi ko habang nag-aayos ng mga hairnet sa kitchen counter.Ngayong umaga ang unang araw ng kinuha naming karagdagang staff. Dahil sa dagsa ng orders mula sa Clark at ang papalapit na regional fair, hindi na talaga namin kayang apat lang kami. Kailangan na ni Ben ng katuwang sa greenhouse para makapag-focus siya sa pag-operate ng bagong shrink wrap machine."Darating 'yun, Hon. Inirekomenda siya ni Mang Carding mula sa hardware. Pamangkin daw niya, masipag at sanay sa bukid. Rico ang pangalan," sagot ni Sebastian habang tinitignan ang kanyang relo. Nakasandal siya sa island counter, sumisipsip ng kape habang binabasa ang listahan ng mga kailangang pitasin ngayong araw.Eksaktong may tumunog na busina ng motor sa labas. Sumilip si Diana sa bintana. "Kuya, ayan na yata. Mukhang bata pa ah."Lumabas si Sebastian para salubungin ang bisita. Sumunod ako sa pintuan at na
Clara Santos POV Hinihimas ko ang aking tiyan habang nakatingin sa maliit na rehas ng basement. Hindi na ito tungkol sa akin lang. Kung totoo ang hinala ko—at pakiramdam ko ay totoo nga dahil sa paulit-ulit na pagkahilo ko—kailangan kong mailayo ang batang ito sa poot ni Sebastian. "Ma'am Clara
Clara Santos POV Maingay ang yabag ng takong na papalapit sa pinto ng basement. Hindi iyon ang mabigat na hakbang ni Sebastian, at lalong hindi ang dahan-dahang kilos ni Manang Selya. Umayos ako ng upo sa gilid ng kama at pinunasan ang mga tuyong luha sa pisngi ko. Bumukas ang pinto. Pumasok si
Clara Santos POV "Baba," maikling utos ni Sebastian. Hindi ako kumilos sa loob ng sasakyan. Nakatingin lang ako sa pamilyar na gate ng mansyon dito sa Maynila. Ang init ng panahon ay sadyang kabaligtaran ng lamig na nararamdaman ko mula sa lalaking katabi ko. "Clara, huwag mo akong ubusan ng
Clara Santos POV Tatlong araw na ang nakakalipas mula nang i-lock ako ni Sebastian sa suite. Tatlong araw na ring walang pumapasok dito kundi si Manang Selya para maghatid ng pagkain. Kinuha nila ang phone ko, ang laptop, pati na ang access ko sa kwarto ni Diana. Narinig ko ang pag-ikot ng susi







