LOGIN
Clara Santos POV
“Clara, patawarin mo ako. Wala na tayong ibang paraan.” Iyon ang mga salitang paulit-ulit na sumasaksak sa dibdib ko habang nakatingin ako sa labas ng bintana. Tatlong itim na SUV ang nakaparada sa tapat ng bahay namin. Mukha silang mga kabaong na naghihintay na lamunin ako nang buo. Hinarap ko si Papa. Basang-basa ang mukha niya ng luha. Ang matapang at kagalang-galang na lalaking nagpalaki sa akin ay mukhang basang sisiw na nanginginig sa takot ngayon. “Binenta mo ba talaga ako, Pa?” mahina kong tanong. Halos hindi ko na makilala ang sarili kong boses. “H-hindi ganoon iyon, anak. Si Sebastian Vergel... siya lang ang makakasalba sa atin sa utang. Siya lang ang makakapigil sa kasong isasampa laban sa akin.” Sebastian Vergel. Sino ba ang hindi nakakakilala sa pangalang iyon? He is the 'Ruthless King of Real Estate.' Usap-usapan sa business world na wala siyang awa. Isang pating na handang lumamon ng kahit sino. At ngayon, ako ang nagsisilbing pambayad sa kasalanan ng pamilya ko. “Kailangan mo nang sumama sa kanila, Clara,” bulong ni Papa. Bumukas ang pinto. Pumasok ang dalawang lalaking naka-suit at shades. Wala silang imik. Iginiya nila ako palabas na parang isang kriminal. Wala akong dalang gamit. Ang suot ko lang ay ang puting dress na binili ni Papa kahapon—ang damit na magsisilbing wedding gown ko sa isang kasalang wala namang pagmamahal. Pinasakay ako sa gitnang sasakyan. Sobrang tahimik ng biyahe. Ang tanging naririnig ko lang ay ang mabilis na kabog ng dibdib ko. Tumigil kami sa isang five-star hotel sa Makati. Hindi ako dinala sa simbahan. Walang flowers at walang guests. Sa halip, dinala ako sa isang private suite sa pinakataas na floor. Doon, nakatayo ang isang lalaki na nakatalikod sa akin. Matangkad siya. Malapad ang mga balikat na tila kayang pasanin ang buong mundo. Isang judge ang nakaupo sa gilid, may hawak na mga dokumento. “You’re late,” malamig na saad ng lalaki. Humarap siya sa akin. Doon ko lang natitigan nang malapitan si Sebastian Vergel. Gwapo siya—yung tipong mapapahinto ka talaga—pero nakakatakot ang tingin niya. May kung ano sa aura niya na nagsasabing huwag mo siyang susubukan. “Let’s get this over with,” utos niya sa judge. Wala akong nagawa. Para akong isang puppet na walang sariling desisyon. Pinirmahan ko ang marriage certificate habang nanginginig ang mga kamay ko. Hindi ko man lang matingnan ang mga mata niya habang sinasabi ko ang “I do.” Walang halik at walang selebrasyon. Pagkatapos ng pirmahan, binayaran ni Sebastian ang judge at pinalabas ang lahat, hanggang sa kaming dalawa na lang ang naiwan sa loob ng malamig na suite. “Follow me,” maikli niyang sabi. Sumunod ako sa kanya pababa ng hotel hanggang sa makarating kami sa isang bulletproof na limousine. Pagkapasok namin, doon ko lang naramdaman ang bigat ng lahat. Mula ngayong araw, Mrs. Vergel na ako. Pero bakit pakiramdam ko ay bilanggo lang ako? Humikbi ako. Hindi ko na napigilan ang luhang kanina ko pa kinikimkim. Naramdaman ko ang titig niya. Malamig at walang emosyon. “Stop crying. It’s annoying,” singhal niya. “Ano bang gusto mo sa akin, Sebastian?” tanong ko sa gitna ng pag-iyak. “Nakuha mo na ang pirma ko. Ligtas na ang tatay ko. Bakit kailangan mo pa akong isama sa bahay mo?” Isang mapait na ngisi ang gumuhit sa mga labi niya. Nilapitan niya ako. Ramdam ko ang init ng katawan niya at ang bango ng kanyang mamahaling perfume. Hinawakan niya ang panga ko at pilit na iniharap sa kanya. “Do you really think this is just about money, Clara? Akala mo ba ay quits na ang pamilya mo dahil lang naging asawa kita?” Lalong humigpit ang hawak niya sa panga ko. Nasasaktan ako pero hindi ako makagalaw. “I didn’t buy you to be a wife. I bought you to be my toy. I bought you so I can watch your life crumble, just like what your father did to mine.” Namilog ang mga mata ko. Bago pa ako makasagot, naramdaman ko ang pag-andar ng limo palayo sa siyudad. “Don’t cry yet, Clara,” bulong niya sa mismong tenga ko, ang kanyang mainit na hininga ay naghatid ng kilabot sa buong katawan ko. “This is just the beginning of your hell.”Clara Santos POV Mahigpit ang hawak ko sa handle ng pinto ng sasakyan habang nakatingin sa side mirror. Kitang-kita ko ang isang itim na SUV na nananatiling may distansya sa amin, pero hindi lumaliko sa ibang kalsada. Kanina pa kami lumabas ng presinto, pero nakabuntot pa rin sila. "Ben, sigurado ka bang sinusundan tayo?" mahina kong tanong. Sinubukan kong pakalmahin ang boses ko para hindi mahalata ni Papa na nasa tabi ko lang at tila nakatulog na sa sobrang pagod. Tumingin si Ben sa rearview mirror, seryoso ang mukha. "Opo, Mam Clara. Kanina pa 'yan nung nasa highway pa lang tayo. Gusto niyo po bang tumawag ako ng back-up sa mga tauhan ni Sir Sebastian?" "Huwag na. Ayoko nang madamay pa ang kahit sinong tauhan niya," sagot ko. "Baka si Isabella lang 'yan o kung sinong reporter na gustong kumuha ng scoop. Dumiretso na lang tayo sa safehouse ni Papa sa Bulacan. Mas kabisado natin ang pasikot-sikot doon." "Copy, mam. Pero mag-ingat po kayo. Ramdam ko na hindi lang ito basta report
Clara Santos POV Parang nanigas ako. Ang ingay ng mga sirena ng pulis sa malayo at ang bulong ng mga tao sa paligid ay biglang nawala. Ang tanging naririnig ko na lang ay ang boses mula sa recorder na hawak ni Isabella. “The donor's family... they were never informed...” Napahigpit ang hawak ko sa railings ng wheelchair. Ang nanay ko. Naalala ko yung gabing tumawag ang ospital sampung taon na ang nakalipas. Sabi nila, wala na si Mama pagdating sa emergency room. Sabi nila, dead on arrival dahil sa tindi ng head trauma mula sa banggaan. Pero bakit sa recorder na ito, parang may ibang kwento? "Ano... anong ibig sabihin nito, Isabella?" tanong ko. Ang boses ko ay halos pabulong na lang sa sobrang pangangatog. Ngumiti si Isabella, pero walang saya sa mga mata niya. Punong-puno siya ng poot. "Hindi mo ba naintindihan, Clara? O sadyang ayaw mo lang tanggapin? Noong 2010, nag-aagaw buhay ang kapatid ni Sebastian na si Diana. Kailangan niya ng puso. At sakaling-sakali, na-aksidente ang n
Clara Santos POV Nakasandal ako sa headboard ng hospital bed, nakatingin sa TV na nasa tapat ko pero naka-mute ito. Ramdam ko pa rin ang panghihina ng katawan ko, at ang swero sa kamay ko ay parang paalala na hindi pa ako pwedeng kumilos nang biglaan. Hinaplos ko ang tiyan ko. Kalmado na si Lucas ngayon, pero ang kaba sa dibdib ko ay hindi pa rin nawawala. Bumukas ang pinto at pumasok si Ben na may dalang supot ng prutas at dyaryo. "Mam Clara, gising ka na pala. Kumusta ang pakiramdam mo? Masakit pa rin ba ang tiyan mo?" tanong ni Ben habang inilalapag ang mga dala niya sa side table. "Medyo okay na, Ben. Masakit na lang ng konti kapag gumagalaw ako," sagot ko. Tumingin ako sa kanya. "Nasaan si Sebastian?" Umiwas ng tingin si Ben at kumuha ng mansanas para balatan. "Nasa Maynila na po siya, mam. Kaninang madaling araw pa sila umalis ni Atty. Ramos." "Sa Maynila? Bakit hindi man lang siya nagpaalam?" "Ayaw niya po kayong magising. Sabi niya, kailangan niyo ng pahinga," pa
Clara Santos POV Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Ang malamig na simoy ng hangin sa Wright Park ay humahampas sa balat ko, kasabay ng tensyong unt-unting sumasakal sa akin. Nasa gitna ako ng dalawang lalaki. Sa harap ko, si Julian na nakahawak sa pinto ng sasakyan, handa akong isama sa pag-alis. Sa likod ko, si Sebastian na bakas ang pagkabigla at takot sa kanyang mga mata. "Clara, pumasok ka na sa kotse. Huwag kang makinig sa kanya," utos ni Julian. Wala na ang masiyahing Julian na nakilala ko noon; ang boses niya ngayon ay puno ng nagmamadaling awtoridad. "Clara, pakiusap... lumapit ka rito," pagsusumamo ni Sebastian. Humakbang siya nang isa, pero itinaas ko ang kamay ko para patigilin siya. "Huwag kayong lalapit! Pareho kayong tumigil!" sigaw ko. Dinig ko ang bawat kabog ng dibdib ko. Lumingon ako kay Julian. "Julian, sino ang lalaki sa litratong 'to? Bakit magkasama kayo sa tapat ng gumuhong gusali sampung taon na ang nakalipas?" Ipinakita ko ang litratong nakuha ko sa st
Clara Santos POV Nakahiga lang ako at nakatitig sa kisame. Madilim na sa labas at tanging ang patak ng ulan sa bintana ang naririnig ko, pero mas magulo ang isip ko. Paulit-ulit na bumabalik sa akin ang report: “Suppress the structural report.” Isang maikling utos na sumira sa buhay namin. Narinig ko ang katok sa pinto. Hindi ako kumibo. "Clara? Kumain ka muna. Iniwan ko rito sa labas," boses ni Sebastian. Paos siya, parang hirap na hirap. Wala akong gana. Pakiramdam ko, masusuka lang ako sa bigat ng nararamdaman ko. "Clara, alam kong galit ka. Pero huwag mo namang gutumin ang sarili mo... pati si Lucas," dagdag niya. Nang marinig ko ang pangalan ng anak ko, dahan-dahan akong bumangon at binuksan ang pinto. Nandoon pa rin siya, nakasandal sa pader. Gusot ang polo niya, gulo-gulo ang buhok, at pagod na pagod ang mga mata. Tiningnan ko ang tray sa sahig. "Salamat," maikli kong sabi. Kinuha ko ang pagkain pero hinarang niya ang pinto bago ko ito maisara. "Mag-usap naman t
Clara Santos POV Nagising ako kinaumagahan na nasa rocking chair pa rin. Masakit ang leeg ko at medyo naninigas ang binti ko. Napansin ko ang isang makapal na kumot na nakabalot sa akin. Si Sebastian. Kahit nag-aaway kami, hindi niya nakakalimutang siguraduhin na hindi ako lalamigin. Dahan-dahan akong tumayo at lumabas ng nursery. Amoy kape na sa buong bahay. Pagdating ko sa kusina, nakita ko si Sebastian na nakatitig sa kawali, parang malalim ang iniisip. "Gising ka na pala," sabi niya nang hindi lumingon. "Nagluto ako ng omelet. Maupo ka na." "Salamat," tipid kong sagot. Naupo ako at nagsimulang kumain. Tahimik lang kaming dalawa. Ang tanging naririnig ay ang kalansing ng kubyertos. Gusto kong itanong kung anong balita kay Julian o sa mga dokumento, pero pinili ko na lang manahimik. Pagod na ako sa pakikipagtalo. Biglang narinig namin ang tunog ng sasakyan na huminto sa labas. Hindi ito ang sasakyan ni Ben. Nagkatinginan kami ni Sebastian. Agad siyang tumayo at lumapit s







