Share

Chapter Twenty-Five

Olivia

Kasalukuyan akong nakahiga sa kama nang makarinig ako ng malakas na galabog ng pintuan dahilan para bigla akong bumangon. Pagtingin ko’y si Lloyd pala. Tinitigan ko siya ng ilang sandali. Mukhang lasing siya dahil halata sa kilos niya. Lumayo ako sa kama dahil alam kong doon ibabagsak ni Lloyd ang katawan niya.

Hindi nga ako nagkamali. Padapa niyang ihinulog ang kaniyang sarili sa malambot niyang kama. Pagkatapos din no’n ay bahagya niyang itinunghay ang kaniyang ulo sabay tingin sa direksiyon kung saan ako nakatayo.

“Hi, Olivia!”pagbati niya nang may ngiti sa kaniyang labi sabay kaway sa akin gamit ang kanan niyang kamay bago muling ibinagsak nang tuluyan ang kaniyang katawan sa kama.

Nagbuntong hininga ako habang hinihimas ang aking ulo. Naupo muna ako sa couch habang pinag-iisipan kung anong gagawin ko kay Lloyd. Hindi pa naman ako marunong mag-alaga ng lasing kaya wala akong idea kung ano ang da

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status