Home / Romance / Sold to Mr. Zackary Devrox / Twenty thousand for a kiss

Share

Sold to Mr. Zackary Devrox
Sold to Mr. Zackary Devrox
Author: figuresofspeech

Twenty thousand for a kiss

last update Last Updated: 2022-11-23 14:41:01

Malamig at banayad ang hangin na nagpapasayaw sa mga sanga ng malalaking puno sa daang tinatahak ng dalaga. Ngunit, habang papalapit siya sa kanyang destinasyon ay unti-unti rin niyang nararamdaman na umiinit na ang kapaligiran. Natatanaw din niya sa 'di kalayuan ang dumaraming mga tao. Isa itong palatandaan na nasa palengke na siya ng kanilang baryo. Mahaba-haba rin ang kanyang nilakad makarating lang dito. Ibang-iba ang tanawing ito kumpara sa mga palayan at malalaking kahoy na nakapalibot sa kanilang tahanan. Tumayo ang dalaga nang matuwid at hinawakan nang mahigpit dala-dalang buslo. Inipon niya ang kanyang lakas nang loob at nagsimulang magbenta.

‘‘Kakanin, kakanin kayo r’yan! Mas masarap pa 'to sa love life n’yo! Kakanin, kakanin kayo r’yan!’’ Masiglang sigaw ng dalaga habang naglalakad sa gilid ng kalsada sa kanilang palengke at nilalako ang kanyang mga panindang kakanin.

Siya si Celeste Makini, Etel ang palayaw sa kanya ng kanyang mga suki sa kakanin. Kasalukuyan siyang nasa labing-pitong taong gulang. Ganito ang araw-araw na pamumuhay niya na siyang ipinagkaloob ng Maykapal sa dalaga. Sa katulad niyang simula bata pa lang na sanay ng magtrabaho, isang biyaya na maituturing ang matamasa ang mga libreng bagay sa mundo. Madalas magbenta si Etel sa mga kalapit lamang na mga bahay-bahay sa kanilang lugar. Ngunit naiiba ang araw na ito dahil naisipan niyang maglako sa palengke. Determinado siyang kumita ngayon nang malaki. Kaya napagpasyahan niya na magpunta sa mainit at maingay na palengke sa kanilang baryo. Habang naglalakad ay abala ang dalaga na ngumingiti sa bawat taong kanyang nakakasalubong. Palinga-linga siya sa paligid at naghahanap ng mga bibili sa kanyang dalang paninda.

Nang sa hindi inaasahan ay napansin niya ang ilang mga taong may dala-dalang mga camera. Naisip niya kaagad na galing ang mga ito sa siyudad at posibleng nag-sho-shooting. Madalas magpunta ang mga taga lungsod sa kanilang bayan dahil sa mga tanawin dito. Kaya ay hindi na nagtataka ang dalaga na makakita ng mga ganitong eksena. Masyadong naging okupado ang kanyang isipan habang nakatitig sa mga naggagandahang kasuotan at magagarang hitsura ng mga taga-syudad. Lalapit pa sana siya upang mas makita ang mga ito sa malapitan nang biglang . . .

‘‘Aray ko po!” napasigaw ang dalaga ng may isang lalaking ubod ng tangkad ang biglaang humatak ng malaki niyang jacket. Walang kahirap-hirap siyang hinila at iniharap ng lalaki.

‘‘Shh! Shut your f*cking mouth. They might find me, idiot!’’ sabi ng lalaki na talagang nagpakulo nang kanyang dugo ‘Siya na nga ang nanghatak at nanguha ng gamit na ’di naman sa kanya ay siya pa ang may ganang magalit!’ Himutok ng dalaga sa kanyang sarili. Kuyom ang kanyang kamay habang galit na tumingala at handang-handa ng sumabog na parang Mayon volcano. Ngunit nang makita niya ang g'wapong mukha ng lalaki ay kaagad siyang nabato sa kanyang kinatatayuan.

‘Oh my goodness!’ Nakaawang ang mga labi ni Etel at titig na titig sa lalaki.

‘‘Z-Zackary . . . D-Devrox?’’

Dilat na dilat ang kanyang mga mata habang nakatitig sa mukha ng pinakamayaman at g'wapong lalaki na matagal na niyang gusto. Nakikita lamang ng dalaga sa mga magazines at d'yaryo ang g'wapo at perpekto mukha ng lalaki. Pero ngayon ay naiiba sapagkat sila ay magkaharap at magkalapit ang katawan. Nakikita niya nang maayos ang matangos na ilong, mala-bakal at matipunong katawan, at higit sa lahat ang sexy skin complexion nito. Idagdag mo pa ang pamatay chicks na height at ang umaapaw na sex appeal ng lalaking iniidolo. Pakiramdam ni Etel ay maiihi na siya sa sobrang kilig. Para sa kanya na iniidolo ng lubos ang lalaki ay maituturing niyang isang malaking achievement ang insidenteng ito.

‘‘Tsk!’’ Iyan lang ang tanging salita na namutawi mula sa magandang bibig ni Zackary. Nakatingin ang lalaki sa mukha ni Etel na nakabuka ang bibig. Nangunot ang kanyang noo habang nakatitig sa dalagang sumisinghot sa kanya.

‘Bakit parang amoy suka siya? Iyong tipong marinated at amoy Datu Puti. Ito na ba ang bagong pabango ng mga mayayaman ngayon?’ Napapailing na iniisip ni Etel nang masinghot ang maasim na amoy ni Zackary.

‘‘Saan na siya nagpunta?’’ Biglang inagaw ng mga nag-uumpukan na reporters ang atensyon ni Etel. Maykalayuan ang mga ito sa kanila ngunit kahit na paano ay naririnig naman niya dahil sa lakas nang boses ng mga ito.

‘‘Saan na? Nahanap niyo ba?”

Naririnig ng dalaga ang kanilang mga usapan. ‘Si Zack ba ang hinahanap nila?’ Hindi niya mapigilang itanong sa sarili. Habang si Zackary naman ay mas lalong nag sumiksik sa kanya. Kaagad na nilingon ni Etel ang pinanggalingan ng mga boses at sinipat ito nang maigi. Matapos makumpirma ang hinala ay tiningnan naman niya ulit ang mukha ni Zackary na kahit nakakunot-noo ay g'wapo pa rin. Mistula siyang naglalaway sa perpektong mukha na nasa kanyang harapan ngayon. Ang lapit nila sa isa't isa na talagang nagpapakabog nang husto sa kanyang dibdib. Simula nang makita ni Etel ang litrato ni Zackary sa isang magazine ay nagsimula ang tinatago niyang paghanga sa lalaki. Habang sinusubaybayan ang sikat na modelo ay mas lalong lumalalim ang pagka-gusto niya rito.

‘‘Z-Zackary? Omg! Ikaw nga talaga!” sabi ni Etel na halos hindi pa rin ma-i-proseso ang lahat ng nangyayari. Kinusot kusot niya ang kanyang mga mata masigurado lang na hindi siya namamalikmata. Ngunit, napagtanto ni Etel na totoo ang lalaki. Kaya naman ay hindi na niya napigilan ang saya na nadarama. Kaharap niya ngayon ang iniidolo sa totoong buhay. Ito ay talagang nangyayari at 'di na sa sandamakmak na panaginip lang.

‘‘Shh! I said shut up!” pasigaw na bulong ni Zackary sa tainga ni Etel. Ngunit talagang lutang ang dalaga. Nanatiling itong nakatitig sa kanya na tila nawawala sa sarili at panay ang ngiti. Tango lang ito nang tango habang nakangiti na parang baliw.

‘‘P-P'wede bang humingi ng autograph? Kasi alam mo gu—‘’

Halos lumuwa ang mga mata ni Etel sa ginawa ni Zackary na siyang nagpatigil sa kanyang pagsasalita. Itutulak na sana ni Etel palayo si Zackary ngunit hinawakan nito nang mahigpit ang kanyang dalawang mga kamay. Wala ng nagawa ang dalaga nang sakupin ni Zackary ang kanyang mga labi ng walang paalam.

Pilit na sinuway ni Etel ang sarili. Iniisip niyang kahit gaano pa niya kagusto ang lalaki ay hindi pa naman siya ganoon kadesperada. Nagkukumahog siyang itinulak palayo ang lalaki, ngunit mas lalo pa nitong hinigpitan ang kapit sa kanyang dalawang mga kamay. Hindi na niya alam kung ano ang dapat na gagawin.

Naririnig niya rin ang hiyawan ng mga tao sa kanilang paligid. Dahil sa hindi alam ni Etel kung pipikit ba siya o hindi ay nahagip ng kanyang paningin ang mga nang-uuyam na tingin ng mga reporters nang mapadaan na sila malapit sa gawi nila ni Zackary. Tila nandidiri ito sa kanilang mga kasuotan o ’di kaya ay tinitingnan ang likuran ni Zackary.

Hindi rin naglaon ay nawala na ang atensyon ni Etel sa paligid. Matapos ang panandaliang halik ay tanging pagdidikit lamang ng kanilang mga labi ang ginawa ng lalaki. Subalit pakiramdam ni Etel ay halos hindi siya makahinga. Unti-unti ng pumasok sa kanyang sistema ang mga nangyayari. Nanginginig ang kanyang mga kamay nang bitawan ito ng lalaki. Ilang sandali lamang ay natigilan ang dalaga, nagtataka siyang humiwalay sa mga labi ni Zackary. Kunot-noong nakahawak ang dalaga sa kanyang mga labi. Nagtutubig na ang kanyang bibig nang nagsimulang mag-init ang kanyang ilong. Pinilit na ngumiti ni Etel subalit mas nananaig ang hapdi ng kanyang mga labi.

Sinubukan pa niya na 'wag gumawa ng ingay ngunit sadyang nadali siya mismo sa kanyang kahinaan.

‘‘Ahh! Bakit ang anghang? Naman oh! Ang anghang talaga!’’ Umalingawngaw ang mala-baka niyang tinig sa buong palengke na siyang nakakuha ng atensyon ng mga naroon, lalong-lalo na ang mga reporters na naghahanap kay Zackary.

Kaya nang mapagtanto ni Etel ang kanyang nagawa ay unti-unti siyang tumingin kay Zackary. Sa labis na kahihiyan ay tila nais na lamang ng dalaga na lamunin na siya ng lupa. Nang tingnan niya ang mukha ng lalaki ay agad siyang sinalubong ng isang nakamamatay na tingin. Isang makapanindig balahibong death glare na talagang nagpalambot sa kanyang kalamnan. Napalunok ang dalaga at alanganing ngumiti. Napagtanto niya na lang na mukhang magiging katapusan na niya ito. Sadyang lumabas ang kanyang pagiging matatakutin.

‘‘Ahh . . . Pasensya na ho, hehe,’’ saad ni Etel sabay peace sign kay Zackary. Ngunit binigyan lang s'ya nito ng isang nakamamatay na mga titig ulit. Sa sobrang takot ni Etel ay wala na siyang maisip na ibang paraan kung hindi ang tumakbo.

Agad niyang ipinosisyon ang sarili at mabilis na kumilos paalis. Walang kalingon-lingon ang kanyang pagtakbo. Nagpatuloy lang siya sa mabilis na paghakbang ng mga paa niya hanggang sa tuluyan ng maiwan ang mga nagkalat na kakaning paninda sa kalsada. Ngunit bago tuluyang mawala sa paningin ng iba ay nahagip pa nang mga mata ng dalaga ang mga nagkakagulong mga tao roon. Nahahabag siya sa sarili. Siya na nga ang ninakawan ng unang halik, siya pa itong mukhang nahihiya at nagtatago. Habang tumatakbo ay halos mangiyak ngiyak na siya nang maalala ang kanyang mga paninda. Hindi niya alam kung pa'no sasabihin sa ina ang mga nangyari. Hindi na rin niya alam kung saan kukuha ng pera upang ibigay sa mapang-abusong ina.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Carha
In English
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Sold to Mr. Zackary Devrox   INS chapter 06

    An expensive car stopped in front of a prominent building. Bumukas ang pinto ng sasakyan at iniliwa si Damon Lutherford. Sa paglapat ng kaniyang mamahaling sapatos ay iyon namang paghilira ng mga tauhan niya. An effective defense kung sakali mang mayroong magtangka sa kaniyang buhay gamit ang sniper. Active rin ang mga bomb sniffing dogs sa paligid kung sakali mang mayroong bomba sa paligid.Makalipas ang isang minuto na paglalakad ay narating ni Damon ang isang malaking pinto. His steps halted at agad na nagbigay daan ang mga nag-aabang na guwardiya sa labas ng silid kung saan magaganap ang kanilang pagpupulong. Dahil nasa isang lugar ang lahat ng members ng council ay makikita rin ang iba’t ibang mga uri ng tagapagbantay, lalo na iyong nabibilang pa sa ibang mga lahi. Nakapaligid din ang mga ito sa venue kung saan ay nagbabantay rin sa kanilang mga boss. Lahat sila ay organisado at handa sa kahit na anupamang mangyari.“Welcome, Lord Damon . . .” anang bantay sa main door sabay hawa

  • Sold to Mr. Zackary Devrox   INS chapter 05

    Habang may nagaganap kina Lord Damon at Thalia, ay mayroon namang kaganapan sa isang banda. Sa lugar na matatagpuan lamang sa labas ng main gate ng Lutherford mansion.“I’m cumming, baby! Oh God! Yes! Yes!” hiyaw ng dalaga bago tuluyang nanginig at halos pumuti na ang mga mata.Pawisan at humihingal pa habang nakahiga sa isang malapad na kama ang isang lalaki at babae. Nasa loob sila ng isang common house kung saan ay isa sa pag-aari ng pamilyang Lutherford. The common house was given sa mga tauhan nila as part of their necessities. The house was plain white and was surrounded with plants. Simple lamang at kumpleto sa loon.“Baby, kailan ba natin isasagawa nang tuluyan ang ating mga plano? I know that I am being impatient and forceful, pero hindi ba’t sobrang haba na ng panahon na ating hinintay,” turan ng babae habang mapanuyong naka titig sa mga mata ng lalaki. The woman was particularly staring at the man’s eyes while tracing its nose bridge.“Enough worrying too much, baby. As wha

  • Sold to Mr. Zackary Devrox   INS chapter 04.4

    “Come . . .” Napabuntong hininga si Thalia nang marinig ang boses ni Lord Damon. Sa bawat bukas ng bibig nito ay nagkakaroon siya ng suliranin sa loob ng kaniyang isipan.‘Sobrang nakakahiya ’yong ginawa ko. U-umihi ako sa bibig ni Lord Damon. Panginoon ko . . .’ Labis na hiya ang nararamdaman ngayon ni Thalia. She even wished to instantly vanish inwardly.‘Hindi ko napaghandaan ang ganitong mga bagay. Ni sa hinuha ay hindi ko nga ’to nagawa. Saka paano ko naman gagawin ang mga bagay na hindi ko alam? May ganito pala sa mundo? Saka, iyong pag-ihi ko kanina ay sadyang kakaiba . . .’ Thalia was in daze.“Gusto mo bang hilahin kita ulit?” Thalia jolted sabay palingo ng kaniyang ulo. She could no longer imagine kung ano na ang kahihinatnan ng katawan niya ‘pag ginamitan siya nito ng lakas ulit.’“Na-nariyan na po, Lord Damon.” Kahit alangan ay wala na rin siyang nagawa pa kundi ang sumunod.Dahan-dahan na gumapang si Thalia upang lapitan si Lord Damon na nakaabang pa rin sa dulo ng mesa.

  • Sold to Mr. Zackary Devrox   INS chapter 04.3

    “Ahhh!” Thalia was shocked nang buhatin siya ni Lord Damon gamit ang isang kamay nito na nakahawak sa kaniyang braso sabay sampa pabalik sa maliit niyang katawan sa ibabaw ng misa.‘A-ang sakit ng hawak ni Lord Damon,’ impit na iyak ni Thalia habang hinihimas ang braso niya. Gusto niyang magreklamo, ngunit hindi naman niya mahagilap ang mga salita sa kaniyang utak upang ipagtagpi-tagpi iyon palabas.Nakaluhod ngayon si Thalia habang isa lamang na kamay ang nakatukod upang suportahan ang kaniyang buong bigat. Still wondering kung ano ang gagawin niya sa ibabaw ng misa.“Ahhh!” Muli na namang napasigaw si Thalia at tuluyan na siyang sumobsob sa misa nang hilahin ni Lord Damon ang kaniyang dalawang hita, upang ilapit ang kaniyang katawan sa hangganan ng misa. Nakatalikod siya kay Lord Damon kaya ay hindi niya kita ang itsura nito ngayon.“Lo-Lord Damon, a-ano pong ginagawa mo? Ayaw ko po sa posisyon na ’to. Nakakailang po, Lord Damon,” mahinang usal ni Thalia habang hinihila ang kaniyang

  • Sold to Mr. Zackary Devrox   INS chapter 04.2

    Hindi lubos mawari ni Thalia kung ano talaga ang nararamdaman nito. Sapagkat sa kaniyang paningin ay labis itong nahihirapan.Wala sa sariling binitiwan ni Thalia ang flashlight nito.“Put it in your mouth, Thalia.” Nanlaki ang mga mata at napabuka nang husto ang bibig ni Thalia sa sinabi ni Lord Damon.“H-ho? Pe-pero hindi po nakakain ang flashlight, Lord Damon,” mariing sabi ni Thalia. Her eyes were gleaming with confusion and disgust at the same time.“That’s not true. Mine is edible and flavorful,” sagot naman ni Lord Damon. Nagmistula itong desperado habang binibigyan nang sustansya ang mga sinasabi.“Pero talaga pong hindi nakakain ang flashlight,” mangiyak ng anas ni Thalia.“I said nakakain ang akin!” Napaigik naman si Thalia dahil sa takot. Takot na nagmumula sa boses ni Lord Damon.“Si-sige po, Lord Damon.”Huminga nang malalim si Thalia bago muling inayos ang posisyon at sabay ang dalawang kamay na humawak sa nakatayo pa ring flashlight ni Lord Damon. “Do it!” sabi nito sa

  • Sold to Mr. Zackary Devrox   INS chapter 04

    PINAGMAMASDAN ngayon ni Thalia ang kaniyang gayak. Nakayuko siya at pilit na sinisilip ang likuran niyang parte, lalo na sa bandang pang-upo.“Diyos ko po! Ano ba itong pinasuot nila sa ’kin? Ngayon ko lamang nalaman na may ganito pa lang klase na kasuotan. Maliban sa ang hirap-hirap kumilos ay ramdam ko pa na sa bawat paggalaw na gagawin ko ay lumilitaw ang aking pigi,” bulong ni Thalia na panay ang hila sa laylayan ng kaniyang suot.‘Mahabaging langit. Patawad po Diyos ko at pinalilitaw ng ganitong klase na damit ang katawan kong iyong tahanan na aking pinakaiingatan. Maaari ko naman sigurong ipantakip sa katawan ko itong kurtina rito sa loob.’Tumingala si Thalia upang tingnan ang parte kung saan nakakabit ang kurtina. ‘Maganda sana ’yan. Matatakpan ang buong katawan ko. Kaso nga lang ay abot naman hanggang ikalawang palapag ang pinagkakabitan. Maghahanap na lang ako ng iba . . .’ Sa katitingin ay hindi sinasadyang napadako ang tingin niya sa gawi ni Lord Damon ‘Hah! Tulong po, P

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status