MasukELISA'S POV
"Ano, Elisa?" Kinagat ko ang aking ibabang labi pagkatapos kong sabihin kay Aling Merced ang totoo. Wala akong nagawa kundi aminin sa kanya ang totoo kung saan ako kumuha ng pera para mapagamot ko ang aking anak. Tinawagan ko kasi siya kanina pagkatapos kung makausap ang aking dating asawa. Gaya ng sinabi niya sa akin ay kilala ko siya at alam kong hindi pagbabanta ang lahat ng sinabi niya sa akin dahil kapag may sinabi siya ay talagang gagawin niya. At naranasan ko iyon noon sa dalawang taon namin pagsasama. At natatakot akong gawin niya iyon sa akin. Dahil kapag nakulong ako, paano na ang aking mga anak? Paano ang kinabukasan nila na wala ako? At ayoko namang mapunta sila sa poder ng aking asawang walang puso at konsensiya. Baka maltratuhin pa niya. "Pasensiya na po kayo kung nagsinungaling ako, Aling Merced. Nahihiya...lang po akong aminin sa inyo ang totoo," sagot ko sa kanya. Napabuntong-hininga si Aling Merced. Pero pansin ko sa mukha niya ang pagkabahala. "Hindi ka ba natatakot?" tanong niya sa akin. "Paano kung saktan ka ng dating asawa mo?" "Hindi naman po iyon nananakit ng pisikal," sagot ko naman. Rage wasn’t hurting me physically; he was only hurting me emotionally with his harsh and brutal words. Sa panahon kasi ng pagsasama namin noon, kahit isang beses ay hindi niya ako pinagbuhatan ng kamay. Pero mas gusto ko pang saktan niya ako ng pisikal kaysa saktan niya ako sa masasakit na salita niya. Dahil walang katumbas iyon na sakit. "At alam niyo naman po na gagawin ko ang lahat para sa mga anak ko, Aling Merced. Kung kinakailangan na ibenta ko ang kaluluwa ko sa isang demonyo ay gagawin ko," dagdag pa na wika ko. Na-ibenta ko nga nga, gusto ko sanang idagdag pero sinarili ko na lang. Sa pangalawang pagkakataon ay humugot ng malalim na buntong-hininga si Aling Merced. "Paano iyan? Kung aalis ka ngayon, paano ang operasyon ng anak mo bukas?" Naninikip naman ang dibdib ko ng sandaling iyon. "K-kayo na muna po ang bahala sa kanya, Aling Merced," wika ko sa basag na boses. "Kilala ko ang dating asawa ko, kung hindi ako sumunod sa sinabi niya ay baka totohanin niya ang banta niya sa akin. At hindi po pwedeng makulong ako dahil kailangan pa din ako ng mga anak ko," dagdag ko pa. "T-tatawag na lang po siguro ako. At kung papayagan niya ako, dadalawin ko ang mga bata. At...huwag po kayong mag-alala, malaki ang perang nakuha ko, iyon muna ang gamitin niyo sa mga pangangailangan ng mga bata habang wala po ako." "Mag-ingat ka doon, Elisa." Tumango naman ako bilang sagot. At pagkatapos niyon ay sabay kaming pumasok sa ward. Humakbang ako palapit sa ospital bed kung saan siya nakahiga na hanggang ngayon ay mahimbing pa ding natutulog. Gusto ko sana siyang gisingin para magpaalam pero hindi ko na lang ginawa dahil baka umiyak siya at mahirapan akong umalis. Dumukwang naman ako para bigyan siya ng masuyong halik sa labi. "Mommy loves you, Zade," sambit ko, hindi ko nga napigilan ang pagpatak ang aking luha sa mata. Mabilis ko naman iyong pinunasan. Umayos ako mula sa aking pagkakatayo para magpaalam din kay Aling Merced. "Tawagan niyo po ako kapag may problema," bilin ko kay Aling Merced. Pagkatapos ay inabot ko sa kanya ang ATM kung saan nakalagay ang pera, sinabi ko nga din ang password niyon. Nagtitiwala naman ako sa kanila na hindi nila iyon uubusin, nag-iwan lang din ako para sa akin. "Tumawag ka din kapag may problema, Elisa," wika din niya sa akin. Tumango naman ako, isang sulyap pa ang iginawad ko sa aking anak bago ako humakbang palabas ng ward at nang ospital bitbit ang bag na naglalaman ng aking damit na pinasuyo ko kay Aling Merced ng tawagan ko siyang bumalik ng ospital. Hindi ako pwedeng umuwi dahil kay Zane, baka sumama siya sa akin. At nang makalabas ako ng ospital ay agad akong sumakay sa taxi patungo sa club na iyon. Nagpadala na nga din ako ng text message kay Rage na papunta na ako pero wala akong natanggap na reply galing sa kanya. At mayamaya ay nakarating na din ako sa aking pupuntahan. Nang makapagbayad ay bumaba na ako ng taxi at naglakad na. Pero bago ako makapasok ay may humarang na sa akin. "Miss Elisa?" wika ng isang lalaking may malaking pangangatawan. Tumango naman ako bilang sagot. "Inutusan ako ni Sir Rage na hintayin kayo. Umalis na kasi siya dahil may importante pa siyang lakad. At inutusan niya kaming ihatid kayo sa mansion," imporma niya sa akin. Pagkatapos ay kinuha niya sa akin ang hawak kong bag. "Tara na po." Tahimik lang akong sumunod sa kanya. Sumakay kami sa isang kotse. At habang nasa biyahe ay tahimik lang ako. At nang makita ko kung saan kami pupunta ay parang naninikip ang dibdib ko. Alam ko na kasi kung saan kami pupunta. Alam ko na ang mansion niya ang pupuntahan namin. Ang mansion kung saan ako tumira ng halos dalawang taon. Ang mansion kung saan ako naghirap. Napapikit nga ako ng mga mata nang ihinto niya ang kotse. Pinagbuksan niya ako ng pinto at sinamahan na pumasok. I felt nostalgic when I entered the mansion where I used to live. "Elisa." Napatingin ako sa aking gilid nang marinig ko ang pagtawag sa aking pangalan. At sumalubong ang pamilyar na mukha. Si Manang Esther, ang mayordoma ng mansion. At kitang-kita ko ang lamig ng titig niya sa akin. Pinagdikit ko naman ang aking labi. Sa mansion na iyon ay walang may gusto sa akin. Sa mansion na iyon ay isa akong outcast. At tawag nga nila sa akin ay isang malanding babae dahil sa pang-aagaw ko daw kay Rage kay Amie, dati niyang girlfriend. Mas gusto kasi nila si Amie kaysa sa akin. Siyempre, mayaman at wala silang nakukuha sa akin. "Sumunod ka sa akin," wika niya sa akin. Hindi na nga niya hinintay na magsalita ako dahil tumalikod na siya. Saglit naman akong nakatitig sa likod niya bago ako humakbang para sundan siya. Umakyat kami sa itaas ng mansion hanggang sa huminto kami sa nakasarang pinto, na alam ko na library. Kumatok si Manang Esther sa pinto. At mayamaya ay narinig namin ang baritonong boses ni Rage mula sa loob. Nilingon ako ni Manang Esther. "Pasok ka na. Kanina ka pa hinihintay ni Sir Rage." Humugot ako ng malalim na buntong-hininga bago ko binuksan ang pinto at pumasok sa loob. Agad namang hinanap ng aking mata si Rage hanggang sa nakita ko siyang nakatayo, nakatalikod siya at nakaharap sa bintana. Hindi naman ako nagsalita, hinintay kung lingunin niya ako. At makalipas ng ilang sandali ay lumingon siya sa akin. His devilish eyes were fixed on me. May hawak nga siyang kopita na may lamang alak. "Anong pag-uusapan natin?" tanong ko sa kanya mayamaya. Sa halip naman na sagutin niya ako ay humakbang siya palapit sa sofa na naroon. Nakita kong may dinampot siyang damit do'n, kapareho ng damit na suot ni Manang Esther. "Here," wika niya sa akin ng i-abot niya ang hawak. At nang hindi pa ako kumikilos ay inihagis niya sa akin ang hawak niya. “Wear that uniform, Elisa. Now,” mariin na utos niya sa akin.. At nang hindi pa ako nagsasalita ay nagsalubong ang mga kilay niya. "What? Gusto mong ako ang maghubad sa 'yo at bihisan ka?" Walang imik na umalis ako sa harap niya para sundin ang utos niya. Pumasok ako sa isang pinto ng nasa loob ng library, may banyo kasi do'n. Agad kung tinanggal ang aking damit para isuot ang maids uniform. Hindi na din ako nagtagal dahil lumabas na ako. Nakita ko naman ang pagpasada niya ng tingin sa aking kabuuan. At nang tumuon ang tingin niya sa aking mukha ay napansin ko ang pag-angat ng dulo ng labi niya tanda ng pag-ngisi. “It suits you,” nag-uuyam na wika niya sa akin. Nanatili naman akong tahimik. “I won’t explain my rules in this house to you because I know you’re not stupid enough not to understand. Because you’re not here as my wife anymore. You’re here to become my personal maid. Sundin mo lahat ng pinag-uutos ko na walang reklamo," wika niya sa akin. “Do you understand, Elisa?” I only nodded in reply. Rage walked toward me and stopped right in front of me. Deretso nga lang ang aking tingin hanggang sa naramdaman ko ang paghawak niya sa aking baba at itiningala para magpantay ang paningin namin. At muling nagtama ang malamig na mga mata niya. Pigil ko ang aking hininga ng ilapit niya ang mukha sa akin. Akala ko ay hahalikan niya ulit ako, hindi pala dahil inilapit niya ang bibig sa aking tainga. “Brace yourself, Elisa, because I’ll make your life a living hell,” he whispered in my ear.LAVINIA'S POVTumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa gilid ng kama ng sa tingin ko ay tulog na ang lahat ng nasa mansion. Pagkatapos ay lumabas ako sa tinutuluyan kong maids quarter at pumasok sa loob ng mansion para magtungo sa kusina. Magpa-practice muli ako sa pagluluto at sa tulong iyon ng driver ni Sir Jasper na si Jass. Hindi ko alam kung tuturuan niya ako dahil hindi naman niya ako sinagot. Pero umaasa ako na tuturuan niya ako. Pagpasok ko nga sa loob ay napakatahimik ng buong mansion, palatandaan na tulog na ang lahat. Si Jass kaya tulog na din? Nang makapasok nga ako sa kusina ay sa halip na buksan ko ang fridge ay naupo ako sa stool habang hinihintay siyang pumasok sa loob ng kusina. Hinintay ko naman ang pagdating niya. At hindi ko alam kung ilang buntong-hininga ang pinakawalam ko ng sandaling iyon habang hinihintay siya. Sampung minuto na kasi ang lumipas pero hindi pa din nagpapakita si Jass sa akin. At mukhang hindi na siya darating ng madagdagan pa ng limang minuto an
LAVINIA'S POV Inaantok pa ako dahil halos anong oras na ako nagising kagabi pero kailangan ko pa ding bumangon dahil hindi ako sinisilbihan, ako na ang magsisilbi ngayon. Pikit-pikit pa nga ang aking mga mata ng bumangon. Paanong hindi ako aantukin ngayon? Napuyat ako at ang may kasalanan niyon ay walang iba kundi si Jass. Hindi kasi mawala sa isip ko ang aksidente na nangyari kagabi. Hindi ko talaga alam na ang pinipisil ko na pala ay ang pagkalalaki niya, akala ko kasi ay tuhod niya ang hawak-hawak ko dahil sobrang tigas niyon. Pero ang matigas na pagkalalaki pala niya ang hawak ko. At sa totoo lang ay hindi ko maintindihan ang aking sarili ng sandaling iyon. I couldn’t help but wonder how long and thick he was. Dahil sa kakaisip ko nga ay hindi tuloy ako nakatulog ng maayos. Ipinilig ko na lang naman ang aking ulo para maalis iyon sa isip ko. Pagkatapos ay tuluyan na akong bumangon mula sa pagkakahiga ko sa kama. At para mawala ang aking pagkaantok ay naisipan kong maligo.
JASPER POV "Get away from me!" Matigas ang boses na wika ko kay Lavinia habang hindi sinasadyang naitukod niya ang kanyang kamay sa pagkalalaki ko. Mabilis naman siyang tumayo mula pagkaladagan niya sa akin. Napansin ko nga din ang pamumula ng magkabilang pisngi niya. "Pasensiya- Hindi na niya natapos ang ibang sasabihin ng mabilis akong bumangon mula sa pagkahiga ko sa sahig nang bumagsak ako ng saluhin ko siya. "Jass-- Hindi na niya natapos ang ibang sasabihin ng humakbang ako palabas ng kusina para iwan siya doon. Halos malalaki nga ang hakbang ang ginawa ko makarating lang ako sa kwarto ko. Binuksan ko nga ang p***o at halos masira iyon ng isinara ko. Tuloy-tuloy naman ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa loob ng banyo. Hindi ko pa nga tinatanggal ang suot ko nang tumapat ako sa shower. Binuksan ko iyon at hinayaan ang aking katawan na mabasa ng tubig na nanggaling sa shower. Hindi ko naman na in-adjust ang malamig na tubig na nanggaling sa shower. I need
LAVINIA'S POV Humugot ako ng malalim na buntong-hininga nang tumayo si Jass mula sa pagkakaupo niya sa aking tabi nang matapos niyang gamutin ang sugat ko sa daliri. Mukhang hindi niya ako tutulungan sa hiling na hinihingi ko sa kanya dahil hindi niya ako sinagot sa sinabi ko. Wala yata siyang pakialam kung tanggalin man nila ako sa trabaho o ayaw lang niyang makialam kung ano man ang problema ko dahil baka madamay pa siya. Hindi ko naman na siya pipilitin baka kasi madamay pa nga siya. Baka kapag nalaman ni Sir Jasper na alam ng driver niya na nagsinungaling ako ay baka pati siya tanggalin. Ayaw ko namang mangyari iyon. "Ano pang ginagawa mo diyan?" mayamaya ay narinig ko ang boses na iyon ni Jass. At nang nilingon ko siya ay nakita kong magsalubong ang mga kilay niya na nakatingin sa akin. "Ha?" "Akala ko ba gusto mong magpaturo na magluto?" tanong niya sa akin. Namilog naman ang mga mata ko sa sinabi niya. "Kung ayaw mo, babalik na lang-- Hindi na niya natapos ang ibang
LAVINIA'S POV Hindi ko inalis ang aking tingin kay Jass. Hinihintay ko kasi na sagutin niya ako sa tanong ko sa kanya kung marunong siyang magluto. At kung marunong man siya ay kung pwedeng turuan niya ako para ma-solve na ang aking problema. Sinalubong naman niya ang tingin ko. At dahil hindi ko inaalis ang tingin sa kanya ay napansin ko ang dahan-dahan na pagsasalubong ng mga kilay niya habang nakatingin siya sa akin. "Kung gusto mong matuto, learned from yourself," sagot niya sa akin. Hindi nga din niya ako hinintay na sumagot dahil umalis siya sa aking harap. "Sungit," hindi ko naman napigilan na sabihin iyon sa kanya. Mayamaya ay napansin ko na napatigil siya sa paglalakad at nilingon ako. Napansin ko na halos mag-isang linya na ang mga kilay niya. "Anong sabi mo?" tanong niya sa akin. "Ang sabi ko ay ang gwapo mo sana kung hindi ka lang bingi." Napansin ko ang pagtalim ng mga mata niya habang nakatingin siya sa akin. "Joke," wika ko naman. Nginitian ko naman siy
LAVINIA'S POV Nang sa tingin ko ay tulog na ang lahat ng kasambahay sa mansion ay bumangon ako mula sa pagkakahiga ko sa kama. Pagkatapos niyon ay humakbang ako palabas ng maids quarter para pumasok sa loob ng mansion. Sa likod ako dumaan para makarating agad ako sa kusina. Gaya ng sinabi ko sa aking sarili ay mag-aaral ako kung paano magluto para naman hindi ako pagdudahan nina Manang Jane. Pagdating ko nga sa kusina ay agad kong binuksan ang fridge para kumuha ng sangkap na iluluto ko para bukas. Nabanggit kasi ni Manang Jane kung ano ang iluluto naming bukas para sa breakfast. Adobong baboy daw, dahil iyon ang request ni Sir Jasper na kainin. Nag-request siya pero hindi ko naman siya nakikita na kumakain sa dining area. Nasa mansion lang siya pero hindi ko man lang nakita kahit anino niya. Mukhang maghapon lang siyang nagkulong sa kwarto niya. Nanuod nga din ako sa social media account ko kung paano iyon lutuin at ilang beses ko iyong pinanuod hanggang sa naging kabisado ko n
ELISA'S POV "Pagkatapos mo diyan sa ginagawa mo ay itapon mo ang mga basura sa labas, Elisa," malamig na utos sa akin ni Manang Esther nang pumasok siya kung nasaan ako." Tumango lang naman ako kay Manang Esther bilang sagot sa sinabi niya sa akin. Akala ko ay si Rage lang ang may galit sa akin,
ELISA'S POV Hinihintay kong matapos sina Manang Esther na kumain. Nagugutom na kasi ako, hinihintay ko silang matapos na kumain bago ako sumunod sa kanila. Hindi din kasi nila ako tinawag nang kumakain na sila pagkatapos lumabas si Sir Rage sa dining area. Mukhang ayaw nila akong makasabay kaya h
ELISA'S POV Kahit na hindi ako masyado nakatulog kagabi ay nagising pa din ako ng maaga dahil iyon ang bilin sa akin ni Manang Esther. Isa akong katulong, hindi na daw ako asawa ni Rage na gigising sa oras kung kailan ko gusto. Hindi na daw na nila kailangan sabihin sa akin ang trabaho ko dahil
ELISA'S POV "Thank you po, doc," pasasalamat ko sa doctor ng aking anak nang matapos ko siyang makausap tungkol sa kalagayan niya. Sinabi ko din na may pera na ako para sa operasyon niya. May patakaran sa ospital na kailangan kong magbayad ng kalahati para sa magiging operasyon ng aking anak. At na







