Se connecterELISA'S POV
"Pagkatapos mo diyan sa ginagawa mo ay itapon mo ang mga basura sa labas, Elisa," malamig na utos sa akin ni Manang Esther nang pumasok siya kung nasaan ako." Tumango lang naman ako kay Manang Esther bilang sagot sa sinabi niya sa akin. Akala ko ay si Rage lang ang may galit sa akin, mukhang lahat ng nasa mansion ay galit din sa akin. Nararamdaman ko din kasi iyon kina Manang Esther. Wala pa akong dalawang araw sa mansion pero ramdam ko na iyon sa kanila. Halos lahat kasi ng trabaho nila ay sa akin nila ipapasa. Magluto, maghugas ng pinggan at paglilinis ng mansion. Pagod na pagod ako pero tiniis ko lahat dahil alam kong may katapusan ang paghihirap na nararamdaman ko. Kailangan ko lang magtiis. At hindi ko makakalimutan ang nangyari kahapon na kung saan ay hindi nila ako tinirahan nang pagkain. Nag-kasya na lang tuloy ako sa tinapay na mayroon. Alam kong sinadya nilang hindi ako tirahan, gusto ko nga ding mag-reklamo pero saan naman ako magre-reklamo kung lahat sila ay galit sa akin? Kung pati may-ari ng mansion ay galit na galit sa akin. Baka hindi ko pa nasasabi kay Rage ang reklamo ko ay sininghalan na niya ako. Nagpatuloy na ako sa aking ginagawa. At nang matapos ako ay kinuha ko ang lahat ng basura na inutos ni Manang Esther sa akin. Itinapon ko iyon sa basurahan sa labas. At sa halip na bumalik ng mansion ay iginala ko ang aking tingin sa paligid. At nang makita ko na walang ibang tao sa paligid ay inilabas ko ang aking cellphone para tawagan si Aling Merced. Gusto ko kasing kamustahin si Zade at gusto kong makausap ang aking anak. Bago ang operasyon ng aking anak kahapon ay tumawag din ako kay Aling Merced. Gusto ko kasing makausap si Zade. Gusto ko siyang bigyan ng lakas ng loob bago ang operasyon niya. At parang nadudurog ang aking puso nang marinig ko ang bawat iyak niya sa kabilang linya. I wanted to go to him, wipe away his tears, kiss him, and hug him. But I forced myself not to. Dahil kapag ginawa ko iyon ay mas lalong madadagdagan ang galit na nararamdaman ni Rage sa akin kapag umalis ako. Kaya wala akong nagawa kundi kausapin si Zade. Inaalo na huwag umiyak at lakasan niya ang loob. Nag-sorry din ako kung bakit wala ako sa tabi niya sa sandaling kailangan niya ako. Sinabi ko sa kanya na naghahanap ako ng pera para makapaglaro na silang dalawa ng kapatid niya. At nangako na kapag okay na ang lahat ay uuwi na ako at hindi na kami maghihiwalay. Sinabi ko din sa kanya na magpagaling siya dahil walang kasama si Zane, walang mag-aalaga sa kapatid niya. And knowing my son, alam kung magpapagaling siya dahil mahal na mahal niya ang kapatid niya. "Hello?" mayamaya ay narinig ko ang boses ni Aling Merced nang sagutin niya ang aking tawag. "Aling Merced," sambit ko sa pangalan niya mula sa kabilang linya. "Napatawag ka, Elisa?" tanong niya sa akin. "Mangangamusta lang po," sagot ko naman. "Kamusta po si Zade?" "Okay naman si Zade, Elisa," sagot niya sa akin. "Nag-round ang doctor niya kanina. Ang sabi, baka sa susunod na araw ay pwede na siyang makalabas," dagdag pa na wika niya. I sighed in relief. Napapikit nga din ako ng mga mata para para muling magpasalamat sa panginoon dahil bumubuti na ang lagay ng aking anak. Kahapon nang tumawag sa akin si Aling Merced para ibalita sa akin na successful ang operasyon ni Zade ay nakahinga ako ng maluwag, pakiramdam ko iyong gutom, pagod at sakit na nararamdaman ko simula noong magkita kami ulit ni Rage ay parang bolang biglang naglaho. "Ano pang sabi ng doctor, Aling Merced?" tanong ko pa, gusto kong malaman ang mga sinabi ng doctor sa aking anak. "Sinabi pa ng doctor kapag magaling na ang sugat niya ay kailangan niyang dumaan sa therapy," wika ni Aling Merced sa sinabi ng doctor dito. "Sige po. Maghahanap po ako online ng therapist," sagot ko naman. "Kayo po muna-- Hindi ko na natapos ang iba kung sasabihin ng mula sa background ng cellphone ay narinig ko ang boses ni Zade. "Lola Merced, si Mama po ba iyan?" "Oo. Gusto mong makausap?" "Opo," narinig kong sagot ng aking anak. "Elisa, gising na ang anak mo. Gusto ka niyang kausapin," wika ni Aling Merced sa akin. "Sige po, Aling Merced. Pakibigay po ang cellphone, kausapin ko po si Zade," wika ko sa kanya. "Mama?" "Zade?" "Mama ko, kailan ka po uwi?" tanong ni Zade sa akin. Nagpakawala naman ako ng malalim na buntong-hininga nang marinig ko ang tanong sa akin ni Zade. "Pasensiya na Zade kung hindi pa makakauwi si Mama, ha?" "Hahanap ka pa din ba ng pera para po gumaling na ako?" tanong niya sa akin. "Yes," sagot ko naman. "Magaling na po ako, Mama. Hindi na po ako iiyak. Uwi ka na lang po," wika niya sa basag na boses. "H-hindi na po sakit ang sugat ko, Mama. Uwi ka na po, ha?" Kinagat ko ang ibabang labi ng maramdaman ko na naman ang pamilyar na kirot sa aking puso. Napakurap-kurap nga din ako ng aking mata para pigilan ang luha na gustong kumawala sa aking mata. "Konting tiis lang muna, Zade. Kapag okay na ang lahat dito ay uuwi ako. Hindi na ako aalis," wika niya kay Zade mula sa kabilang linya. "Okay po, Mama." "At magpagaling ka agad. Ikaw muna ang bahala sa kapatid mo. Para mabantayan at ma-protektahan mo si Zane." "Magpapagaling po ako, Mama. Ako po balaha kay Zane." Napangiti ako. "I love you, Zade." "I love you, Mama." Hindi ko na pinatagal ang pakikipag-usap kay Zade para makapagpahinga na siya. Nang maibaba ko ang tawag ay ibinulsa ko na ang aking cellphone. Tumalikod ako para bumalik ng mansion. Pero ganoon na lang ang panlalaki ng aking mga mata ng pagtalikod ko ay nakita ko si Rage. As usual, his brows furrowed and his lips pressed into a thin line as he stared at me. Sunod-sunod naman ang aking paglunok. "S-sir Rage, kanina ka pa?" tanong ko, kinakabahan ako baka narinig niya ang naging pag-uusap namin ng aking anak, na anak niya. Hindi ko inaasahan na makikita siya, akala ko ay hindi siya uuwi sa mansion gaya kahapon. Sa halip na sagutin niya ako ay tiningnan niya ang suot na mamahaling wrist watch. "Oras pa ng trabaho. But you're here, flirting with your lover," he said through gritted teeth. Kahit na galit na naman siya ay hindi ko maiwasan na makahinga ng maluwag dahil hindi niya nalaman na ang anak namin ang kausap ko. "Pasensiya na po, Sir Rage. Balik na po ako sa trabaho." Hindi ko na nga hinintay na magsalita siya dahil humakbanhlg na ako. Akmang lalagpasan ko siya nang mapatigil namg hawakan niya ang aking braso. Napaigik nga ako sa higpit ng pagkakawak. "And where do you think you're going, Elisa?" His voice was filled with rage, just like his name. "Babalik na sa trabaho," sagot ko naman sa kanya. "I'm still talking to you, Elisa. How dare you leave without my permission?" galit na wika niya sa akin, nararamdaman ko na mas lalong humihigpit ang pagkakahawak niya sa aking braso to the point na nasasaktan ako. I tried to pry his hands off me, but his grip only tightened, refusing to let me go. At kahit na hindi ako nakatingin sa sariling repleksiyon sa salamin ay alam kung makikita sa aking mukha na nasasaktan ako. "N-nasasaktan ako, Sir," wika ko. Napansin ko na natigilan siya sa sinabi ko, naramdaman ko nga din ang pagluwag ng pagkakahawak niya sa aking kamay pero hindi pa din niya ako binitiwan. Pero mayamaya ay naramdaman ko ang pag-angat ng dulo ng labi niya habang nakatingin siya sa akin.. At mayamaya ay pigil ko ang aking hininga nang ilapit niya ang mukha sa aking tainga. "That's my goal, Elisa," he whispered in my ear. "Seeing you hurt makes me happy," he added, his words dripping with poison. "I look forward to seeing you suffer, Elisa." He released me and walked away without another word. I was left standing there, dumbfounded.Naku Rage, dahan-dahan sa pananakit, ha? Ikaw din haha.
LAVINIA'S POV "Manang?" pagkuha ko nga atensiyon kay Manang Jane habang abala kami sa kusina kinaumagahan. Nilingon naman ako ni Manang Jane. "Bakit, Lavinia?" tanong niya sa akin. "May itatanong lang po ako," wika ko. "Ano iyon?""Ilang taon na si Sir Jasper?" tanong ko sa kanya. Wala kasi akong nakuhang sagot kay Jass nang tanungin ko siya kagabi ng sabihin niya sa akin na hindi pa matanda ang boss namin. Naku-curious tuloy ako sa edad niya. "Bakit mo naitanong?" tanong ni Manang sa halip na sagutin niya ko. "Naku-curious lang po ako. Hindi ko pa kasi siya nakikita. At bihira lang siyang bumaba dito. Inakala ko nga na matanda na si Sir Jasper. Pero may nagsabi sa akin na hindi pa siya matanda," sagot ko. Napansin ko naman ang amusement sa mga mata niya. Saglit nga akong napatingin kay Joan nang marinig ko ang pagtawa niya sa sinabi ko. "Inakala mong matanda na si Sir Jasper?" tanong ni Joan ng magtama ang mata namin. Tumango naman ako. "Inakala ko na senior citizen na siya,
LAVINIA'S POV "Tikman mo ngayon ang lasa kung okay na," wika ni Jass sa akin nang kumulo ang niluluto namin. Tumango naman ako bilang sagot sa sinabi niya. Pagkatapos ay kinuha ko ang sandok para tikman ang niluluto namin kung okay ba ang lasa. Kumuha ako ng konting sabaw sa hawak kong sandok. Akmang titikman ko iyon ng mapatigil ako ng kunin ni Jass ang aking atensiyon. Naiwan sa ere ang aking kamay na may hawak na sandok. "Mainit. Mapapaso ka. Blow it first," wika niya sa akin. Napakurap-kurap naman ako ng mga mata habang nakatitig kay Jass. I couldn't believe that he was concerned about my well-being. At mas lalong hindi ako makapaniwala sa biglag pagbilis ng tibok ng puso ko ng sandaling iyon habang nakatitig sa kanya. "Lavinia?" At muli akong napakurap-kurap ng mga mata nang marinig ko ang baritonong boses na iyon ni Jass. At pansin ko na naman ang pagsasalubong ng mga kilay niya habang nakatingin siya sa akin. Tumikhim naman ako bago ko inihipan ang laman ng sandok.
LAVINIA'S POV Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa gilid ng kama ng sa tingin ko ay tulog na ang lahat ng nasa mansion. Pagkatapos ay lumabas ako sa tinutuluyan kong maids quarter at pumasok sa loob ng mansion para magtungo sa kusina. Magpa-practice muli ako sa pagluluto at sa tulong iyon ng driver ni Sir Jasper na si Jass. Hindi ko alam kung tuturuan niya ako dahil hindi naman niya ako sinagot. Pero umaasa ako na tuturuan niya ako. Pagpasok ko nga sa loob ay napakatahimik ng buong mansion, palatandaan na tulog na ang lahat. Si Jass kaya tulog na din? Nang makapasok nga ako sa kusina ay sa halip na buksan ko ang fridge ay naupo ako sa stool habang hinihintay siyang pumasok sa loob ng kusina. Hinintay ko naman ang pagdating niya. At hindi ko alam kung ilang buntong-hininga ang pinakawalam ko ng sandaling iyon habang hinihintay siya. Sampung minuto na kasi ang lumipas pero hindi pa din nagpapakita si Jass sa akin. At mukhang hindi na siya darating ng madagdagan pa ng limang minut
LAVINIA'S POV Inaantok pa ako dahil halos anong oras na ako nagising kagabi pero kailangan ko pa ding bumangon dahil hindi ako sinisilbihan, ako na ang magsisilbi ngayon. Pikit-pikit pa nga ang aking mga mata ng bumangon. Paanong hindi ako aantukin ngayon? Napuyat ako at ang may kasalanan niyon ay walang iba kundi si Jass. Hindi kasi mawala sa isip ko ang aksidente na nangyari kagabi. Hindi ko talaga alam na ang pinipisil ko na pala ay ang pagkalalaki niya, akala ko kasi ay tuhod niya ang hawak-hawak ko dahil sobrang tigas niyon. Pero ang matigas na pagkalalaki pala niya ang hawak ko. At sa totoo lang ay hindi ko maintindihan ang aking sarili ng sandaling iyon. I couldn’t help but wonder how long and thick he was. Dahil sa kakaisip ko nga ay hindi tuloy ako nakatulog ng maayos. Ipinilig ko na lang naman ang aking ulo para maalis iyon sa isip ko. Pagkatapos ay tuluyan na akong bumangon mula sa pagkakahiga ko sa kama. At para mawala ang aking pagkaantok ay naisipan kong maligo.
JASPER POV "Get away from me!" Matigas ang boses na wika ko kay Lavinia habang hindi sinasadyang naitukod niya ang kanyang kamay sa pagkalalaki ko. Mabilis naman siyang tumayo mula pagkaladagan niya sa akin. Napansin ko nga din ang pamumula ng magkabilang pisngi niya. "Pasensiya- Hindi na niya natapos ang ibang sasabihin ng mabilis akong bumangon mula sa pagkahiga ko sa sahig nang bumagsak ako ng saluhin ko siya. "Jass-- Hindi na niya natapos ang ibang sasabihin ng humakbang ako palabas ng kusina para iwan siya doon. Halos malalaki nga ang hakbang ang ginawa ko makarating lang ako sa kwarto ko. Binuksan ko nga ang p***o at halos masira iyon ng isinara ko. Tuloy-tuloy naman ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa loob ng banyo. Hindi ko pa nga tinatanggal ang suot ko nang tumapat ako sa shower. Binuksan ko iyon at hinayaan ang aking katawan na mabasa ng tubig na nanggaling sa shower. Hindi ko naman na in-adjust ang malamig na tubig na nanggaling sa shower. I need
LAVINIA'S POV Humugot ako ng malalim na buntong-hininga nang tumayo si Jass mula sa pagkakaupo niya sa aking tabi nang matapos niyang gamutin ang sugat ko sa daliri. Mukhang hindi niya ako tutulungan sa hiling na hinihingi ko sa kanya dahil hindi niya ako sinagot sa sinabi ko. Wala yata siyang pakialam kung tanggalin man nila ako sa trabaho o ayaw lang niyang makialam kung ano man ang problema ko dahil baka madamay pa siya. Hindi ko naman na siya pipilitin baka kasi madamay pa nga siya. Baka kapag nalaman ni Sir Jasper na alam ng driver niya na nagsinungaling ako ay baka pati siya tanggalin. Ayaw ko namang mangyari iyon. "Ano pang ginagawa mo diyan?" mayamaya ay narinig ko ang boses na iyon ni Jass. At nang nilingon ko siya ay nakita kong magsalubong ang mga kilay niya na nakatingin sa akin. "Ha?" "Akala ko ba gusto mong magpaturo na magluto?" tanong niya sa akin. Namilog naman ang mga mata ko sa sinabi niya. "Kung ayaw mo, babalik na lang-- Hindi na niya natapos ang ibang
ELISA'S POV Hinihintay kong matapos sina Manang Esther na kumain. Nagugutom na kasi ako, hinihintay ko silang matapos na kumain bago ako sumunod sa kanila. Hindi din kasi nila ako tinawag nang kumakain na sila pagkatapos lumabas si Sir Rage sa dining area. Mukhang ayaw nila akong makasabay kaya h
ELISA'S POV Kahit na hindi ako masyado nakatulog kagabi ay nagising pa din ako ng maaga dahil iyon ang bilin sa akin ni Manang Esther. Isa akong katulong, hindi na daw ako asawa ni Rage na gigising sa oras kung kailan ko gusto. Hindi na daw na nila kailangan sabihin sa akin ang trabaho ko dahil
ELISA'S POV"Ano, Elisa?" Kinagat ko ang aking ibabang labi pagkatapos kong sabihin kay Aling Merced ang totoo. Wala akong nagawa kundi aminin sa kanya ang totoo kung saan ako kumuha ng pera para mapagamot ko ang aking anak. Tinawagan ko kasi siya kanina pagkatapos kung makausap ang aking dating a
ELISA'S POV "Thank you po, doc," pasasalamat ko sa doctor ng aking anak nang matapos ko siyang makausap tungkol sa kalagayan niya. Sinabi ko din na may pera na ako para sa operasyon niya. May patakaran sa ospital na kailangan kong magbayad ng kalahati para sa magiging operasyon ng aking anak. At na







