Share

Kabanata 3

Author: Queen Amore
last update publish date: 2026-05-26 17:45:24

ELISA'S POV

"Thank you po, doc," pasasalamat ko sa doctor ng aking anak nang matapos ko siyang makausap tungkol sa kalagayan niya. Sinabi ko din na may pera na ako para sa operasyon niya. May patakaran sa ospital na kailangan kong magbayad ng kalahati para sa magiging operasyon ng aking anak. At nang makapagbayad ako ay agad na ini-schedule ng doctor ang operasyon niya. At bukas na iyon.

Isang ngiti lang naman ang isinagot niya sa akin. Pagkatapos niyon ay nagpaalam na siya dahil magra-rounds pa daw siya.

Humugot naman ako ng malalim na buntong-hininga bago pumasok sa loob ng ward kung nasaan ang aking anak na si Zade, tulog ang aking anak habang binabantayan siya ni Aling Merced, kapitbahay namin na pinakiusapan ko na bantayan muna siya habang naghahanap ako ng pera para sa operasyon niya. Habang ang kambal naman ni Zade na si Zane ay nasa poder muna ng anak ni Aling Merced.

Kambal ang pinagbubuntis ko noon. Isang lalaki at isang babae. At nasa sa limang taon gulang na sila. At parehong nag-aaral ng kinder sa isang pampublikong paaralan.

Kamukhang-kamukha ni Zade ang ama niya na si Rage. Small version siya ng ama nito. Samantalang kamukha ko ang kakambal niyang babae na si Zane. Ang tanging mata lang niya ang hindi niya nakuha sa akin. It was because her eyes were as dark as his father’s.

At nang makita niya ako ay tumayo siya mula sa pagkakaupo niya sa monoblock chair.

"Elisa, kamusta?" tanong niya sa akin. "Nakahanap ka na ba ng pera?"

Tumango naman ako bilang sagot. "Saan ka nakahiram?" usisa niya sa akin.

Agad naman akong nag-isip ng i-a-alibi. Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin dito kung saan ako nakakuha ng pera dahil ayaw kong mahusgahan. "Sa...dati pong kakilala."

Nakahinga naman ng maluwag si Aling Merced. "Mabuti na lang at may mabuting puso iyang dating kakilala mo," sabi niya sa akin.

Isang ngiti lang naman ang isinagot ko sa kanya dahil taliwas ang sinabi niya sa akin. Walang puso kasi ang tinutukoy ko. "Kamusta po si Zade, Aling Merced? Hinanap po ba niya ako?" pag-iiba ko na lang ng usapan.

Tumango naman siya bilang sagot. "Oo. Iyak nga ng iyak. Lalo na kapag sumasakit ang bali niya sa binti."

Napatitig naman ako sa aking anak. Sobra akong naawa sa kanya. Kung pwede ko lang na kunin ang sakit na nararamdaman niya ay matagal ko nang ginawa. Hindi bale na lang na ako ang masaktan, huwag lang sila. Dahil walang inang gustong makita na nasasaktan ang mga anak. That’s a mother’s love. And that’s why I love them.

My precious children.

"Kailan ang operasyon ni Zade?" tanong ni Aling Merced sa akin.

"Bukas daw po ng hapon," sagot ko naman.

At bubuka sana ang bibig ni Aling Merced ng mapatigil ako ng tumunog ang ringtone ng aking cellphone. Kinuha ko naman iyon sa bulsa na suot ko na pantalon.

At napatiimbagang ako nang makita ko kung sino ang tumatawag. Ang organizer ng underground auction na sinalihan ko.

"Aling Merced, sagutin ko lang po," pagpapaalam ko. At nang tumango siya ay humakbang na ako palabas ng ward kung nasaan kami.

Humugot nga ako ng malalim na buntong-hininga bago ko sinagot ang naturang tawag.

"Hello?"

"Miss Elisa," banggit nang kausap ko sa aking pangalan. “May I remind you about the contract you signed?” dagdag pa niya. “And Mr. Montenegro called me. He wants to see you now.”

I licked my lower lip when I heard his name again. Bumalik sa aking alaala ang mga masasakit na salitang binitiwan niya sa akin. Every word that came out of his mouth felt like a knife stabbing straight into my heart. Sagad na sagad kasi ang sakit, pati pagkatao ko kasi ay niyuyurakan niya. At nang maalala ko na naman iyon ay parang may kamay na sumasakal sa aking puso.

I let out a sigh. "Pakisabi na lang po sa kanya na bukas na lang po kami magkita. Hindi kasi ako pwede ngayon dahil busy po," sagot ko.

"Okay. I'll tell him," wika naman niya sa akin. Hindi na din niya pinatagal ay pakikipag-usap sa akin. At nang matapos kaming mag-usap ay bumalik na ako sa loob ng kwarto.

Pinauwi ko naman na si Aling Merced para makapagpahinga na din. Nahihiya na kasi ako sa kanya dahil sa pag-aabala ko.

Limang minuto bago umalis si Aling Merced ay muling tumunog ang aking cellphone. At nang tingnan ko kung sino ang tumatawag ay nakita ko na unknown number iyon. Nagdalawang isip naman ako kung sasagutin ko pero sa bandang huli ay sinagot ko na din.

Pero sana ay hindi ko na lang sinagot dahil pagka-hello ko ay narinig ko ang malamig na boses na ayokong marinig.

"And what are you so busy with that you can refuse what I want to happen?" tanong niya sa akin sa malamig ngunit baritonong boses.

Lumabas muli ako ng kwarto dahil ayokong magising ang aking anak at ayoko din maka-istorbo sa ibang pasyente na naroon.

"May...ginagawa ako. Next week na lang tayo magkita," wika ko sa kanya.

"At anong gagawin mo?" tanong niya. Bubuka sana ang aking labi para magsalita ng mapatigil ng unahan niya ako. “Are you busy with your man?” tanong niya, his voice was filled with sarcasm. “Or does your man know what kind of woman you are? Did he accept you? Or do you hide your true colors in front of him to deceive him?”

Napakuyom ang aking kamay. "Well, sino namang matinong lalaking mag-i-stay sa 'yo kung malalaman niyang isa kang gold digger," he said, mocking me.

I bit my lower lip to stop myself from crying.

“He has balls," sagot ko kay Rage.

"What?" At kahit na hindi ko siya nakikita ay alam kung magkasalubong na ang mga kilay niya...baka kanina pa nga noong tinatawagan niya ang numero ko.

“My man has the balls to accept me for who I am, and for my past,” sagot ko kahit wala naman akong lalaki sa buhay ko pagkatapos niya. Ang tanging lalaki lang sa buhay ko ay ang aking anak na si Zade.

"So may lalaki ka?" Ramdam ko ang talim sa boses niya. “Does he know that you belong to me now?”

"No," sagot ko sa kanya. “And he doesn’t need to know because you’re not that important."

Not anymore.

Matagal bago magsalita si Rage mula sa kabilang linya. “The feeling is mutual, Elisa. You’re not that important to me either. Who do you think you are? You’re just my ex-wife. I just bid on you because I was trying to keep those men away from a woman like you,” sagot niya sa akin.

"Hindi naman pala ako importante, baka naman pwedeng hayaan mo na lang ako?"

“Elisa, I don’t want to waste my five million. Hindi nga worth it ang pagbili ko sa 'yo ng limang milyon. Sasayangin ko pa? Siyempre, pakikinabangan kita sa ibang bagay."

"Okay," wika ko na lang para matapos na. Ayoko na kasing marinig ang ibang sasabihin niya dahil sumasakit ang puso ko. "Let's see each other next week--

“In this game, I should be the one who decides, Elisa. Not you," putol niya sa aking sasabihin sa malamimig ang mariin na boses. “At least give me back the five million pesos now."

Mariin akong napapikit ng mga mata. Kausap ko lang siya pero pakiramdam ko na naghihina ako. "Next week na lang tayo magkita at mag-usap, Rage," mahinahon na wika ko. "Hindi ako pwede--

"No," mariing putol niya sa aking sasabihin. “I want it now, Elisa. I’m giving you one hour to be here. Or else…”

"Or else what?"

“Get ready to rot in jail, Elisa. You signed the contract, didn’t you? At nakasulat sa kontrata na kapag hindi ka sumunod sa napagkasunduan ng bumili sa 'yo ay pwede ka niyang ipakulong," banta niya sa akin. "And you know me, Elisa. Hindi lang ako marunong magbanta."

A single tear escaped from my eye. “You’re really heartless.” wika ko sa kanya sa nanghihinang boses.

He scoffed. “You knew I’m heartless. So come here now, or I’ll show you just how heartless I can be, Elisa,” sabi niya sa akin bago binabaan mula sa kabilang linya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Sold to My Billionaire’s Heartless Ex-Husband   The Billionaire's Fake Maid 14

    LAVINIA'S POVTumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa gilid ng kama ng sa tingin ko ay tulog na ang lahat ng nasa mansion. Pagkatapos ay lumabas ako sa tinutuluyan kong maids quarter at pumasok sa loob ng mansion para magtungo sa kusina. Magpa-practice muli ako sa pagluluto at sa tulong iyon ng driver ni Sir Jasper na si Jass. Hindi ko alam kung tuturuan niya ako dahil hindi naman niya ako sinagot. Pero umaasa ako na tuturuan niya ako. Pagpasok ko nga sa loob ay napakatahimik ng buong mansion, palatandaan na tulog na ang lahat. Si Jass kaya tulog na din? Nang makapasok nga ako sa kusina ay sa halip na buksan ko ang fridge ay naupo ako sa stool habang hinihintay siyang pumasok sa loob ng kusina. Hinintay ko naman ang pagdating niya. At hindi ko alam kung ilang buntong-hininga ang pinakawalam ko ng sandaling iyon habang hinihintay siya. Sampung minuto na kasi ang lumipas pero hindi pa din nagpapakita si Jass sa akin. At mukhang hindi na siya darating ng madagdagan pa ng limang minuto an

  • Sold to My Billionaire’s Heartless Ex-Husband   The Billionaire's Fake Maid 13

    LAVINIA'S POV Inaantok pa ako dahil halos anong oras na ako nagising kagabi pero kailangan ko pa ding bumangon dahil hindi ako sinisilbihan, ako na ang magsisilbi ngayon. Pikit-pikit pa nga ang aking mga mata ng bumangon. Paanong hindi ako aantukin ngayon? Napuyat ako at ang may kasalanan niyon ay walang iba kundi si Jass. Hindi kasi mawala sa isip ko ang aksidente na nangyari kagabi. Hindi ko talaga alam na ang pinipisil ko na pala ay ang pagkalalaki niya, akala ko kasi ay tuhod niya ang hawak-hawak ko dahil sobrang tigas niyon. Pero ang matigas na pagkalalaki pala niya ang hawak ko. At sa totoo lang ay hindi ko maintindihan ang aking sarili ng sandaling iyon. I couldn’t help but wonder how long and thick he was. Dahil sa kakaisip ko nga ay hindi tuloy ako nakatulog ng maayos. Ipinilig ko na lang naman ang aking ulo para maalis iyon sa isip ko. Pagkatapos ay tuluyan na akong bumangon mula sa pagkakahiga ko sa kama. At para mawala ang aking pagkaantok ay naisipan kong maligo.

  • Sold to My Billionaire’s Heartless Ex-Husband   The Billionaire's Fake Maid 12

    JASPER POV "Get away from me!" Matigas ang boses na wika ko kay Lavinia habang hindi sinasadyang naitukod niya ang kanyang kamay sa pagkalalaki ko. Mabilis naman siyang tumayo mula pagkaladagan niya sa akin. Napansin ko nga din ang pamumula ng magkabilang pisngi niya. "Pasensiya- Hindi na niya natapos ang ibang sasabihin ng mabilis akong bumangon mula sa pagkahiga ko sa sahig nang bumagsak ako ng saluhin ko siya. "Jass-- Hindi na niya natapos ang ibang sasabihin ng humakbang ako palabas ng kusina para iwan siya doon. Halos malalaki nga ang hakbang ang ginawa ko makarating lang ako sa kwarto ko. Binuksan ko nga ang p***o at halos masira iyon ng isinara ko. Tuloy-tuloy naman ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa loob ng banyo. Hindi ko pa nga tinatanggal ang suot ko nang tumapat ako sa shower. Binuksan ko iyon at hinayaan ang aking katawan na mabasa ng tubig na nanggaling sa shower. Hindi ko naman na in-adjust ang malamig na tubig na nanggaling sa shower. I need

  • Sold to My Billionaire’s Heartless Ex-Husband   The Billionaire's Fake Maid 11

    LAVINIA'S POV Humugot ako ng malalim na buntong-hininga nang tumayo si Jass mula sa pagkakaupo niya sa aking tabi nang matapos niyang gamutin ang sugat ko sa daliri. Mukhang hindi niya ako tutulungan sa hiling na hinihingi ko sa kanya dahil hindi niya ako sinagot sa sinabi ko. Wala yata siyang pakialam kung tanggalin man nila ako sa trabaho o ayaw lang niyang makialam kung ano man ang problema ko dahil baka madamay pa siya. Hindi ko naman na siya pipilitin baka kasi madamay pa nga siya. Baka kapag nalaman ni Sir Jasper na alam ng driver niya na nagsinungaling ako ay baka pati siya tanggalin. Ayaw ko namang mangyari iyon. "Ano pang ginagawa mo diyan?" mayamaya ay narinig ko ang boses na iyon ni Jass. At nang nilingon ko siya ay nakita kong magsalubong ang mga kilay niya na nakatingin sa akin. "Ha?" "Akala ko ba gusto mong magpaturo na magluto?" tanong niya sa akin. Namilog naman ang mga mata ko sa sinabi niya. "Kung ayaw mo, babalik na lang-- Hindi na niya natapos ang ibang

  • Sold to My Billionaire’s Heartless Ex-Husband   The Billionaire's Fake Maid 10

    LAVINIA'S POV Hindi ko inalis ang aking tingin kay Jass. Hinihintay ko kasi na sagutin niya ako sa tanong ko sa kanya kung marunong siyang magluto. At kung marunong man siya ay kung pwedeng turuan niya ako para ma-solve na ang aking problema. Sinalubong naman niya ang tingin ko. At dahil hindi ko inaalis ang tingin sa kanya ay napansin ko ang dahan-dahan na pagsasalubong ng mga kilay niya habang nakatingin siya sa akin. "Kung gusto mong matuto, learned from yourself," sagot niya sa akin. Hindi nga din niya ako hinintay na sumagot dahil umalis siya sa aking harap. "Sungit," hindi ko naman napigilan na sabihin iyon sa kanya. Mayamaya ay napansin ko na napatigil siya sa paglalakad at nilingon ako. Napansin ko na halos mag-isang linya na ang mga kilay niya. "Anong sabi mo?" tanong niya sa akin. "Ang sabi ko ay ang gwapo mo sana kung hindi ka lang bingi." Napansin ko ang pagtalim ng mga mata niya habang nakatingin siya sa akin. "Joke," wika ko naman. Nginitian ko naman siy

  • Sold to My Billionaire’s Heartless Ex-Husband   The Billionaire's Fake Maid 9

    LAVINIA'S POV Nang sa tingin ko ay tulog na ang lahat ng kasambahay sa mansion ay bumangon ako mula sa pagkakahiga ko sa kama. Pagkatapos niyon ay humakbang ako palabas ng maids quarter para pumasok sa loob ng mansion. Sa likod ako dumaan para makarating agad ako sa kusina. Gaya ng sinabi ko sa aking sarili ay mag-aaral ako kung paano magluto para naman hindi ako pagdudahan nina Manang Jane. Pagdating ko nga sa kusina ay agad kong binuksan ang fridge para kumuha ng sangkap na iluluto ko para bukas. Nabanggit kasi ni Manang Jane kung ano ang iluluto naming bukas para sa breakfast. Adobong baboy daw, dahil iyon ang request ni Sir Jasper na kainin. Nag-request siya pero hindi ko naman siya nakikita na kumakain sa dining area. Nasa mansion lang siya pero hindi ko man lang nakita kahit anino niya. Mukhang maghapon lang siyang nagkulong sa kwarto niya. Nanuod nga din ako sa social media account ko kung paano iyon lutuin at ilang beses ko iyong pinanuod hanggang sa naging kabisado ko n

  • Sold to My Billionaire’s Heartless Ex-Husband   Kabanata 7

    ELISA'S POV "Pagkatapos mo diyan sa ginagawa mo ay itapon mo ang mga basura sa labas, Elisa," malamig na utos sa akin ni Manang Esther nang pumasok siya kung nasaan ako." Tumango lang naman ako kay Manang Esther bilang sagot sa sinabi niya sa akin. Akala ko ay si Rage lang ang may galit sa akin,

  • Sold to My Billionaire’s Heartless Ex-Husband   Kabanata 6

    ELISA'S POV Hinihintay kong matapos sina Manang Esther na kumain. Nagugutom na kasi ako, hinihintay ko silang matapos na kumain bago ako sumunod sa kanila. Hindi din kasi nila ako tinawag nang kumakain na sila pagkatapos lumabas si Sir Rage sa dining area. Mukhang ayaw nila akong makasabay kaya h

  • Sold to My Billionaire’s Heartless Ex-Husband   Kabanata 5

    ELISA'S POV Kahit na hindi ako masyado nakatulog kagabi ay nagising pa din ako ng maaga dahil iyon ang bilin sa akin ni Manang Esther. Isa akong katulong, hindi na daw ako asawa ni Rage na gigising sa oras kung kailan ko gusto. Hindi na daw na nila kailangan sabihin sa akin ang trabaho ko dahil

  • Sold to My Billionaire’s Heartless Ex-Husband   Kabanata 4

    ELISA'S POV"Ano, Elisa?" Kinagat ko ang aking ibabang labi pagkatapos kong sabihin kay Aling Merced ang totoo. Wala akong nagawa kundi aminin sa kanya ang totoo kung saan ako kumuha ng pera para mapagamot ko ang aking anak. Tinawagan ko kasi siya kanina pagkatapos kung makausap ang aking dating a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status