Se connecterELISA'S POV
Kahit na hindi ako masyado nakatulog kagabi ay nagising pa din ako ng maaga dahil iyon ang bilin sa akin ni Manang Esther. Isa akong katulong, hindi na daw ako asawa ni Rage na gigising sa oras kung kailan ko gusto. Hindi na daw na nila kailangan sabihin sa akin ang trabaho ko dahil alam ko na daw iyon. I’m already used to waking up early because I have children to take care of. Bumangon na ako mula sa aking pagkakahiga. Pumasok ako ng banyo para maligo dahil alam kung hindi ko na iyon magagawa kapag nag-umpisa na akong mag-trabaho. At nang matapos akong maligo ay nagbihis na ako. Isinuot ko ang maid uniform na bigay sa akin ni Rage. Rage wants me to be his personal maid, where I should have been in the first place, he said. Nang matapos ako sa lahat-lahat ay lumabas na ako sa maids quarter. Medyo madilim pa ng lumabas ako pero alam kung gising na ang mga kasambahay sa mansion ni Rage para mag-umpisang trabaho. Dumiretso ako sa kusina dahil iyon ang sinabi sa akin ni Manang Esther. Iyon daw ang una kong trabaho, ang magluto. Kahit naman alam kong may naka-assign sa mansion na magluto. Siguro tutulungan ko na lang siya. Hindi naman mahirap sa akin iyon dahil marunong din naman akong magluto. At pagdating ko nga sa kusina ay agad kong nakita si Manang Esther at pansin ko agad ang walang emosyon niyang mga mata nang makita ako. Nakita ko din ang pag-angat niya ng tingin sa pader at nang sundan ko kung ano ang tinitingnan niya ay nakita ko na wall clock iyon. "Sa susunod ay mas agahan mo ang paggising, Elisa," wika niya ng ibalik niya ang tingin sa akin. "Hindi ka na asawa ng may-ari," dagdag pa na wika niya. "Opo," sagot ko na lang sa kanya. "Mag-umpisa ka nang magluto," mayamaya ay utos niya sa akin. Sinabi nga din niya kung ano ang iluluto ko para kay Rage. Dalawang putahe, iyon daw kasi ang gustong kainin ni Rage ngayong umaga. Mga paborito niya. Pero nagtaka ako kung bakit wala akong kasama sa kusina. "Nasaan po iyong kasama kong magluluto, Manang Elisa?" tanong ko. Napansin ko naman ang bahagyang pagsasalubong ng mga kilay ni Manang Elisa. "Bakit naghahanap ka pa ng kasama? Hindi mo ba kayang gawing mag-isa?" tanong niya sa akin sa malamig na boses. "K-kaya naman po." "Iyon naman pala, eh," wika niya sa akin. "Huwag nang madaming tanong, mag-umpisa ka nang magluto baka magising na si Sir Rage," dagdag pa niya. Hindi na nga niya ako hinintay na makapagsalita dahil lumabas na siya ng kusina. Humugot naman na ako ng malalim na buntong-hininga. Inintindi ko na lang siya dahil ganoon talaga ang matandang dalaga, madaling uminit ang ulo. Kinuha ko na ang apron na nakasabit at saka ko na iyon isinuot sa aking katawan. At pagkatapos niyon ay inilabas ko na sa fridge ang mga kailangan ko na ingredients sa pagluluto. At sa sumunod na sandali ay naging abala na ako sa pagluluto. Halos magkapaso-paso ako dahil sa pagkakataranta nang balikan ako ni Manang Esther at sabihan ako na bilisan ko ang aking pagluluto dahil baka magising na daw si Sir Rage. At kung kailan naman ako natapos ay do'n naman dumating ang ibang kasambahay para tulungan ako, pero ang ginawa lang nila ay ihanda ang mga pagkain sa mesa. Mayamaya ay may pumasok na isang kasambahay at sinabi niyang gising na si Sir Rage. Inutusan naman kami ni Manang Esther na gumilid habang hinihintay ang pagpasok ni Sir Rage. Apat kaming nakahilera sa gilid, kasama si Manang Esther. At mayamaya ay mabilis akong yumuko nang makarinig ako ng mga yabag. "Good morning, Sir Rage," halos sabay na bati nang aking kasama, nanatili ngang tikom ang aking bibig habang nakatingin ako sa sahig. Hindi man lang ako nag-angat ng tingin para batiin siya. At napakagat ako ng aking ibabang labi ng maramdaman ko ang malamig na titig ni Rage sa akin. Alam kong galing sa titig niya iyon dahil sa kanya ko lang naman nararamdaman ganoon klaseng pakiramdam. Mayamaya ay napasulyap ako sa aking tabi nang pasimple akong sikuhin. At nang magtama ang aming mga mata ay nakita ko na senenyasan niya ako na mag-angat ng tingin kay Rage. And I did. At nang magtama nga ang mga mata namin ay napansin ko agad ang lamig ng titig niya, wala nga din akong nabasang kahit na anumang emosyon sa mata niya. And his brow even furrowed as he stared at me. "G-good morning, sir," I greeted him in a low voice. At hindi naman ako umasa na babatiin niya ako dahil alam ko naman na hinding-hindi niya iyon gagawin. Rage was mad at me, and there was no reason for him to greet me. Inalis niya ang tingin sa akin at nagpatuloy na sa paglalakad. Hanggang sa naupo siya sa malaking mesa. As I stared at him sitting at the large dining table, he looked like a king sitting on his own throne. Rage began to eat the food I cooked. At habang nakatingin ako sa kanya ay hindi ko maiwasan ang makaramdam ng kaba. Hindi ko alam kung magugustuhan ba niya ang niluto ko o hindi. It’s been six years since I last cooked for him. At hindi ko alam kung pareho pa ba ng panlasa niya ang panlasa niya ngayon. Baka kasi nagbago na ang preference niya sa pagkain sa lumipas na taon. At hindi ko napigilan na makahinga ng maluwag mg sunod-sunod na ang naging pagsubo niya. At base sa nakikita ng aking mata ay mukhang nagustuhan niya ang aking luto. "Manang Esther, sino po ang nagluto ng breakfast ko?" mayamaya ay tanont ni Rage. "Bakit po, Sir. Hindi po ba masarap?" "No. I like the taste," sagot ni Rage kay Manang Esther. “So who cooked this?” tanong niya, napansin ko nga ang bahagyang pagsulyap niya sa akin. Alam ba niya na ako ang nagluto ng breakfast niya? At ganoon na lang ang bahagyang pagkunot ng aking noo nang marinig ko ang sagot ni Manang Esther. Hindi ko nga din napigilan na mapasulyap sa kanya. "Si Kim po ang nagluto, Sir Rage," sagot ni Manang Esther. Ang Kim na tinutukoy nito ay ang maid na kasama nila. "Si Kim?" balik tanong ni Rage. "Yes, Sir Rage." Gusto ko sanang sumagot na ako ang nagluto niyon, nagkapaso-paso pa nga ako dahil sa pagmamadali pero itinikom ko na lang ang aking bibig dahil alam ko naman na hindi ako paniniwalaan ni Rage. Sa aming dalawa ni Manang Esther, alam kong mas paniniwalaan niya ang matanda. "Sa susunod ay si Elisa ang gusto kong magluto ng pagkain ko. It’s her job since she is my personal maid. Don’t pity her just because she’s my ex-wife. Let her work the way she should here,” malamig na wika ni Rage kina Manang Esther. Kinagat ko naman ang aking ibabang labi. Pasimple nga din akong yumuko dahil naramdaman ko ang pamamasa ng aking mata dahil sa nagbabadyang luha dahil sa pagkapahiya ko sa harap nina Manang Esther. I should brace myself, because I know this won’t be the last time Rage will embarrass me in front of other people.Rage, huwag mo naman kawawain si Elisa. Baka magsisi ka sa huli huhu.
LAVINIA'S POV Gaya ng sinabi sa akin ni Manang Jane ay nagising ako ng maaga. Gusto ko pa sanang matulog dahil hindi ako sanay na magising ng maaga. Nagigising kasi ako kung kailan ko gusto, wala naman kasi akong iniisip. Dahil kapag nagising ako ay ready na ang aking pagkain. Pero ngayon ay kabaliktaranan na. Once a princess, now I’m Cinderella. Dahil isa na akong kasambahay ngayon. Ang dating pinagsisilbihan ay ngayon ay magsisilbi na. Pero mas gugustuhin ko pa iyon kaysa humihingi ng tulong kay Mama o hindi kaya pumayag sa gusto ni Tito Eric. Hindi ako papayag sa gusto niyang mangyari. Over my dead body. Mas pipilihin ko pang maghirap kaya ibigay ang gusto niya, kaysa maging mistress niya ako. Humugot naman ako ng malalim na buntong-hininga. Pagkatapos ay lumabas na ako ng maids quarter at pumasok ako sa likod ng mansion patungo sa kusina. Pagdating ko nga doon ay naroon na sina Manang Jane at Joan. "Good morning po," bati ko sa kanila. Nag-angat naman ng tingin sina Manang
LAVINIA'S POV Pabaling-baling ako mula sa pagkakahiga ko sa kama. Hindi kasi ako nakatulog. Hindi ko alam kung dahil ba sa matigas ang aking kama, mainit sa aking kwarto o dahil baka namamahay lang ako kung bakit hindi ako nakatulog. Pero kanina ko pa sinusubukan na matulog pero hindi pa din ako makatulog. Hindi ko nga alam kung ilang oras na akong nahiga. Gusto ko na sanang matulog dahil maaga pa akong gigising bukas. Na-orient na kasi ako ni Manang Jane, ang sabi niya sa akin ay kailangan kong gumising ng alas sinko ng madaling araw para tumulong sa kusina. Doon kasi ako nakatuka. Nang tanungin kasi niya ako noong in-interview niya ako ay sinabi kong magaling akong magluto kahit na ang totoo ay wala akong kaalam-alam. Sinabi ko lang iyon dahil kung hindi ko sasabin ay paano ako matatanggap sa trabaho? Sigurado akong hindi ako matatanggap kapag sinabi kong wala akong kaalam-alam sa gawaing bahay. Kaya kahit na wala kong kaalam-alam sa pagluluto ay nagsinungaling ako. Sa tingin
LAVINIA'S POV Napatingin ako sa sarili kong repleksiyon sa salamin. Nang sandaling iyon ay nakasuot ako ng simpleng puting blouse at itim na pantalon. Naka-tuck in nga ang blouse sa suot ko na pantalon. Mumurahin nga ang suot ko na sandaling iyon na hindi ko nakasanayan na isuot. Inutos ko pa iyon sa ka-close ko na kasambahay sa mansion namin na ibili niya ako ng mga ilang damit na gagamitin ko bilang pagta-trabaho. May posisyon ako sa kompanya namin. But after what happened, I decided to resign. Hindi ko din kasi maatim na makita si Mama, lalo na si Tito Eric. Baka masuntok ko pa sa mukha si Tito Eric kapag nakita ko siya. At galit pa din ako kay Mama sa pagbulag-bulagan niya sa katotohanan. Kaya nga ng palayasin niya ako ay talagang nag-alsa balutan ako. Sa totoo lang ay umaasa ako na pipigilan ako ni Mama, na hihingi siya ng sorry sa akin. Na maliliwanagan siya na hindi dapat ako ang pinapalayas niya, kundi si Tito Eric. Pero tapos na akong naka-empake wala pa din. It seemed th
LAVINIA'S POV Magdamag akong nasa loob ng banyo. Hindi ako lumabas doon dahil natatakot ako na baka nasa labas lang si Tito Eric at inaabangan ako sa paglabas para maisagawa niya ang masamang balak niya sa akin. Halos hindi nga din ako nakatulog ng maayos sa loob ng banyo dahil sa takot na nararamdaman ng puso ko dahil sa muntik ng gawin sa akin ni Tito Eric. Pero ngayon ay hindi na takot ang aking nararamdaman. Kundi galit para kay Tito Eric. Sa tingin din ba niya ay palalagpasin ko ang ginawa niya sa akin? Sa tingin ba niya ay hindi ko siya isusumbong kay Mama? Isusumbong ko kung gaano siya kahayop. Alam ko naman na paniniwalaan ako ni Mama. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa tiles ng banyo. Hindi ko nga din napigilan ng mapadaing mg maramdaman ang bahahyang pananakit ng aking katawan dahil siguro sa magdamag kung posisyon. Binuksan ko naman ang p***o sa aking banyo at sumilip ako doon. Nang makita ko na wala si Tito Eric sa loob ng kwarto ay tuluyan na akong lumabas. At b
LAVINIA'S POV Ganoon na lang ang takot na nararamdaman ng aking puso nang makita ko si Tito Eric sa loob ng kwarto ko, habang hinahaplos niya ang aking nakalantad ng binti. Nang makabawi naman ako mula sa aking pagkabigla ay mabilis ko siyang sinipa ng malakas dahilan para mahulog siya sa kanyang kinauupuan. Napansin ko ang gulat niya nang makita akong gising. Mabilis din akong bumangon mula sa aking pakakahiga nang makita ko ang pagtayo niya mula sa pagkakahulog niya sa kama. "Mukhang hindi tumalab sa 'yo ang pampatulog na inilagay ko sa inumin mo," wika niya nang tumuon ang tingin niya sa basong nakalapag sa ibabae ng bedside table. Iyong 'yong basong may laman na gatas na ibinigay sa akin ng kasambahay na ipinabibigay daw ni Mama. Ibig sabihin, ay nilagyan niya iyon ng pampatulog? Mabuti na lang na hindi ko iyon ininom dahil kung hindi... Pakiramdam ko ay nagsi-taasan ang lahat ng balahibo ko sa katawan sa posibleng mangyayari sa akin kung nainom ko ang gatas na may lamang
LAVINIA'S POV Nakatuon ang aking atensiyon sa aking cellphone. Naghahanap kasi ako ng condo na bibilhin ko. Gaya ng sinabi ko ay kailangan ko nang umalis sa mansion dahil pakiramdam ko ay hindi ako safe do'n. Hindi ako safe hanggang sa naroon ang stepfather kong si Tito Eric. Pakiramdam ko kasi kapag nagkaroon siya ng pagkakataon ay gagawan niya ako ng masama. Gusto ko namang magsumbong kay Mama pero ang tanong ay paniniwalaan ba niya ako. Eh, mukhang head over heels in love siya kay Tito Eric. Naalala ko nga iyong nangyari noong nakaraang taon, nagsumbong ang dalagang kasambahay namin kay Mama na hinupuan daw siya ni Tito Eric, pero si Tito Eric, ikinaila ang sinabi ng kasambahay namin. At sinabing gumagawa lang daw ng kwento ang babae. Hindi daw niya iyon magagawa dahil mahal na mahal niya si Mama. Hindi lang iyon, binaliktad pa ni Tito Eric ang babae. At sinabi kay Mama na gusto daw siya ng babae, na ang babae ang nagbigay motibo. At nang tumanggi daw si Tito Eric ay gumawa na
ELISA'S POV "Pagkatapos mo diyan sa ginagawa mo ay itapon mo ang mga basura sa labas, Elisa," malamig na utos sa akin ni Manang Esther nang pumasok siya kung nasaan ako." Tumango lang naman ako kay Manang Esther bilang sagot sa sinabi niya sa akin. Akala ko ay si Rage lang ang may galit sa akin,
ELISA'S POV Hinihintay kong matapos sina Manang Esther na kumain. Nagugutom na kasi ako, hinihintay ko silang matapos na kumain bago ako sumunod sa kanila. Hindi din kasi nila ako tinawag nang kumakain na sila pagkatapos lumabas si Sir Rage sa dining area. Mukhang ayaw nila akong makasabay kaya h
ELISA'S POV"Ano, Elisa?" Kinagat ko ang aking ibabang labi pagkatapos kong sabihin kay Aling Merced ang totoo. Wala akong nagawa kundi aminin sa kanya ang totoo kung saan ako kumuha ng pera para mapagamot ko ang aking anak. Tinawagan ko kasi siya kanina pagkatapos kung makausap ang aking dating a
ELISA'S POV "Thank you po, doc," pasasalamat ko sa doctor ng aking anak nang matapos ko siyang makausap tungkol sa kalagayan niya. Sinabi ko din na may pera na ako para sa operasyon niya. May patakaran sa ospital na kailangan kong magbayad ng kalahati para sa magiging operasyon ng aking anak. At na


![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)




