SA halos dalawang oras na pagta-trabaho ni Naya sa The Gentleman's Club, hindi siya makapaniwala na kikita siya nang malaking halaga. Hindi siya makapaniwala na kikita siya ng bente mill sa loob lang ng ilang oras.
Tama nga ang sinabi sa kanya ni Madam Miranda at Abegail na malaki ang magbigay ng tip ang mga guest ng nasabing Club. Ang sabi ni Abegail sa kanya hindi daw basta-basta ang mga guest ng nasabing club doon. Mga milyonaryo at bilyonaryo ang mga miyembro doon. Mayayamang negosyante, kilalang pangalan sa showbiz at malalaking opisyal na gobyerno. Kaya pala ang ilan sa mga guest na naroon sa bulwagan ng The Gentleman's Club ay may suot na mask para hindi maitago ang pagkakakilanlan ng mga ito. At bago nga din siya pumasok sa The Gentleman's Club ay pinagpirma siya ni Madam Miranda ng Non-disclosure agreement. Kapag may nakilala siyang pumasok doon ay hindi niya iyon pwede i-kwento sa labas. At ganoon din ang mga guest na miyembro ng nasabing club. Pinapahalagan ang privacy ng lahat. Naging malaking tulong din ang kita niya sa nasabing Club para mabayadan niya ang renta nila sa inuupahang bahay. At ang natira sa bente mill ay binayad niya sa kulang pa nila sa ospital sa mga na-poison ng tinitinda ng kapatid. Ang natirang utang na lang niya ay ang kinse mill na inutang niya kay Madam Miranda na ipangbabayad sana niya sa renta ng bahay. Kaya nag-desisyon siyang sumubok pa ng isang gabi sa pagsasayaw sa The Gentleman's Club. Baka kasi palarin at bigyan siya ulit ng malaking tip ng mga VIP Guest. At kapag nagkataon ay mababayadan na niya ang utang niya kay Madam Miranda at hindi na siya muling babalik sa The Gentleman's Club na iyon. And speaking of VIP Guest. Biglang pumasok sa isip niya ang isang guest ng nasabing club na nakipagtitigan siya. Hindi nga niya maintindihan ang sarili kung bakit hindi niya maalis-alis ang tingin sa lalaking nasa sulok at may maitim na mga mata. Para kasing may magnetikong naghihila para makipagtitigan din dito. Ipinilig na lang ni Naya ang ulo para maalis iyon sa isip niya. Dapat hindi na niya isipin iyon dahil baka iyon na ang huling beses na makikita niya ang mga matang iyon dahil mamaya na ang huling gabing tatapak siya sa The Gentleman's Club. Lumabas naman na si Naya sa kwarto at hindi niya napigilan ang mapakunot ng noo nang makita ang Nanay niya na nakabihis. "Saan po kayo pupunta, Ma?" tanong ni Naya dito. "Pupunta ako sa dating boss ko, Naya," sagot nito. "Sa Ninong Hugo mo," dagdag pa na wika nito. Kilala lang ni Naya ang pangalan na binanggit ng Mama niya pero hindi niya ito kilala ng personal at hindi pa nga niya ito nakikita noon pa. Hindi nga din ito um-attend sa binyag niya noon pero nagpadala lang ito ng regalo at pera, ayon sa Mama niya. Six years old na siya noong pinabinyagan siya. Late na kasi siyang pinabinyagan ng mga magulang dahil nga sa hirap ng buhay. Isinabay na nga siya sa binyag ng kapatid niyang si Nicholas noon na isang taon naman. Nagta-trabaho noon bilang katulong ang Mama niya sa pamilya ng Ninong Hugo niya, kung hindi siya nagkakamali ay 21 years old na si Ninong Hugo ng kunin ito ng Mama niya bilang kumpare. At kung bibilangin niya ay 36 years old na ito. 15 years din kasi ang age gap nilang dalawa. Sa totoo lang ay never pa niyang nakita ang Ninong Hugo niya. Hindi nga niya alam ang hitsura nito. Basta ang alam lang niya ay mayaman ito dahil galing ito sa mayamang pamilya. "Ano pong gagawin niyo doon?" mayanaya ay tanong ni Naya dito. Napansin niya ang pag-a-alinlangan ng Mama niya na sagutin ang tanong pero mayamaya ay sinabi din nito ang agenda nito kung bakit nito pupuntahan ang Ninong Hugo niya. "Tinawagan ko kasi siya kahapon," wika nito. "Nagbabakasakaling baka may trabaho siyang ma-i-offer sa akin. At sinabi niyang naghahanap siya ng maglilinis at magluluto sa penthouse niya. At prenesenta ko ang sarili ko." Mas lalong kumunot ang noo niya. "Ma, alam niyo namang hindi na kaya ng katawan niyo ang mag-trabaho. Kaya ko naman-- "At ano? Hayaan ko na lang na ikaw lahat ng gumastos sa pangangailangan natin? Ako ang ina, dapat ako ang magbigay ng mga pangangailangan ng mga anak ko." "Naiintindihan ko po ang gusto niyong mangyari, 'Ma. Pero intindihin niyo din po sana kami kung ayaw namin kayong pag-trabahuin. May edad na po kayo at may sakit pa. Mas makakabuting magpahinga na lang po kayo at ako na lang po ang bahala sa lahat. Kaya ko pa naman, eh. Ang h-hindi ko po kaya iyong mawala po kayo sa b-buhay namin," wika niya dito, hindi nga din niya napigilan ang paggaralgal ng boses. "Kayo na lang po ang natitirang magulang namin, Ma. Hindi naman kakayanin kung pati kayo ay mawawala pa." Sa pagkakataong iyon ay may tumulong luha sa kanyang mga mata. Agad naman niya iyong pinunasan. Humugot na lang ng malalim na buntong-hininga ang Mama niya. "G-gusto ko lang naman tumulong, Naya. Ayokong maging pabigat." "Hindi naman po kayo pabigat, eh," wika niya. "Madali lang naman ang magiging trabaho ko sa penthouse ng Ninong mo, Naya. Maglilinis lang ako at lulutuan ko lang siya. At tatlong beses lang iyon sa isang linggo," dagdag pa na wika nito. "G-ganito na lang po, Ma. Pang gabi naman ako sa pinagta-trabahuan ko. Matutulungan ko kayo sa paglilinis sa penthouse ni Ninong Hugo. Para hindi kayo mapagod," suhestiyon niya. Akmang bubuka ang bibig ng Mama niya para sana tumutol ng mapatigil ito ng magsalita siya. "Payagan niyo na ako, Ma. Para mapanatag din ang loob ko," dagdag pa niya. Wala din nagawa ang Mama niya kundi pumayag sa gusto niya. "Pero kailangan muna nating makausap ang Ninong Hugo mo. Kailangan kong sabihin sa kanya na isasama kita sa penthouse niya." "Sige, Ma. Hintayin niyo ako, magbibihis lang ako saglit." Mabilis siyang pumasok sa loob ng kwarto para magbihis. Simpleng puting blouse at skinny jeans lang naman ang isunuot niya. Itinuck in lang niya ang blouse sa jeans na suot. Ipinusod din niya ang mahabang buhok. Kinuha din niya ang cellphone at tote bag at saka siya lumabas ng kwarto. "Tara na po, Ma," yakag na niya dito. Sabay naman na silang lumabas ng bahay hanggang sa makasakay sila sa jeep. Sa pag-aaring kompanya daw ni Ninong Hugo sila pupunta dahil naroon daw ang lalaki. At nang makarating sila doon ay hindi napigilan ni Naya na mamangha sa laki ng building nito. "Tara na, Naya," yakag na sa kanya ng Mama niya. Sabay naman na silang humakbang ng Mama sa loob ng building. Lumapit naman sila sa building para magtanong kung saan matatagpuan ang opisina ni Ninong Hugo. At nang malaman ay agad silang sumakay ng elevator patungo sa 20th floor. "Magandang umaga," bati ng Mama niya sa lalaking nilapitan nila, mukhang secretary ito ni Ninong Hugo. "Magandang umaga," ganting bati nito. Nagpakilala naman ang Mama niya. "Pinapunta ako dito ni Sir Hugo," dagdag pa na wika nito. "May meeting pa si Sir Hugo. Maupo muna kayo habang hindi pa tapos ang meeting niya," magalang na imporma nito. Naupo naman sila Naya sa visitor chair na naroon. "May asawa na po ba si Ninong Hugo, Ma?" mayamaya ay tanong niya, bigla kasi siyang na-curious. Naisip kasi niyang baka may asawa na ito, since nasa mid thirties na ang lalaki. "Wala pa akong nabalitan. Girlfriend siguro, may hisura din kasi ang Ninong mo." Hindi naman niya napigilan ma-curios sa hitsura nito. Ang nasa isip kasi ni Naya since may sarili itong kompamya at CEO pa ito ay mga napapanot, malaki ang tiyan. Ganoon ang nasa isip niyang hitsura ng mayamayang negosyante. Si Ninong Hugo kaya? Napapanot na kaya? Pero siguro ay hindi pa dahil lagpas trenta pa lang ito. "Good morning, Sir Hugo." Mayamaya ay napaayos mula sa pagkakaupo si Naya nang marinig niya iyon. Nag-angat nga din siya ng tingin. At hindi napigilan ni Naya ang mapakurap-kurap ng mga mata nang makita ang isang lalaki na naglalakad palapit. He's tall, fair-complexioned, and gorgeously handsome. The man is wearing a black tuxedo with a white long-sleeved shirt underneath. Hubog na hubog ang katawan nito na para bang alaga iyon sa gym. He's got sex appeal written all over him. Napansin niyang may sinabi ang secretary nito pero hindi niya iyon masyado pinagtuunan ng pansin dahil ang atensiyon ay nasa lalaki mismo. "Kanina pa po sila naghihintay." Mayamaya ay sumulyap sa gawi nila ang gwapong lalaki. "Sir Hugo," wika ng Mama niya bago ito humakbang palapit. Sa halip na sumunod ay nanatili siya sa kinatatayuan habang nakatingin pa din siya dito. Kaya napansin niya ang pagsasalubong ng kilay nito nang sulyapan nito ang Mama niya. Pero mayamaya ay napansin niya ang rekognisyon doon. May mga sinabi ang Mama niya kay Ninong Hugo nang makalapit ito pero wala na doon ang atensiyon niya. Napako kasi ang atensiyon niya sa lalaki. Ito ba ang Ninong Hugo niya? "Naya, anak. Halika." Mayamaya ay napalunok siya ng tawagin siya ng Mama niya. Nakita nga din niya ang pagsulyap nito sa gawi niya. At napaawang ang labi niya nang magtama ang mga mata nila ng lalaki. His intense gaze was familiar to her, as if she had seen it before, as if she had gazed into those eyes before. Isang beses siyang lumunok bago siya humakbang palapit. At naramdaman niya ang panginginig ng mga tuhod habang naglalakad siya palapit, lalo na at hindi inaalis ng lalaki ang tingin nito sa kanya. And Naya bit her lower lip when she smelled his expensive perfume. "Sir Hugo, siya po ang anak kung si Naya," pagpapakilala ng Mama niya. "Siya iyong inaanak mo," dagdag pa nito. Pagkatapos ay tumingin sa kanya ang Mama niya. "Naya, anak. Magmano ka sa Ninong Hugo mo," utos nito. "O-opo," sagot naman niya. Pagkatapos niyon ay muli siyang humarap sa lalaki. At napaawang ang labi niya nang makita na sa kanya pa din ito nakatingin. Kahit na hindi inaabot ni Ninong Hugo ang kamay ay kusa na niya iyong kinuha. Nagulat pa nga siya ng mahawakan niya ang kamay nito. Para kasing may boltahe ng kuryente na dumaloy sa buong katawan niya. Nag-angat naman siya dito at napansin niyang titig na titig ito sa kanya, pansin niya na halos mag-isang linya ang mga kilay nito. Napakagat siya ng ibabang labi at napansin niya ang pagbaba nito ng tingin sa labi niya. Hindi naman niya iyon pinansin, sa halip ay pinagpatuloy niya ang pagmamano. "Nice meeting you po, Ninong Hugo," wika niya dito. At sa kabila ng kabang nararamdaman ay nagawa pa din ni Naya na ngitian ang Ninong Hugo niya.HINDI napigilan ni Naya ang amuyin ang sarili ng malanghap niya sa suot na damit ang amoy ni Ninong Hugo. Hindi kasi siya nito pinayagan muli na umalis na ganoon ang hitsura. Kaya muli siya nitong pinahiram ng T-shirt nito. Nang makapagpalit ay lumabas na siya ng banyo. At ganoon na lang ang gulat ni Naya nang makita si Ninong Hugo palabas niya. Nakasandal ito sa hamba ng pinto habang ang dalawang braso ay magka-krus sa ibabaw ng dibdib nito. Nakalihis ang manggas ng suot nitong long sleeved hanggang sa siko kaya kitang-kita niya ang ugat sa mga braso nito. Nag-angat siya ng tingin at hindi na naman niya napigilan ang mapasinghap nang magtama ang mga mata ni Ninong Hugo. His eyes were darker again just like what she saw a while ago and his intense gaze make her body shiver. Umalis si Ninong Hugo mula sa pagkakasandal nito sa pader. Napansin nga din niya ang pagpasada nito ng tingin mula sa suot niyang T-shirt nito na pinahiram nito sa kanya. "My shirt is big on you, Naya,"
"SHIT!" Hindi napigilan ni Naya ang mapamura nang mabasa ang blouse na suot pagkatapos niyang maglinis ng banyo sa penthouse ni Ninong Hugo. Prohibited siyang pumasok sa kwarto nito kaya ang banyo sa labas ang nilinis niya. Iniiwasan naman ni Naya na mabasa ang damit dahil wala siyang extra pero gayunman ay hindi pa din niya maiwasan. Humugot na lang siya ng malalim na buntong-hininga. Tapos na din naman siya sa trabaho niya do'n. Nakapagluto at nakapaglinis na siya. Huli niyang ginawa ay ang paglilinis ng banyo. Pwede na nga din siyang umuwi pero balak niyang hintayin si Ninong Hugo dahil babayaran na niya ang utang niyang sampung libo dito. Medyo malaki din kasi ang tip na nakuha niya sa pagsasayaw niya sa The Gentleman's Club, idagdag pa iyong pera na binayad sa kanya no'ng nagbook sa kanya para sa solo performance. Tama nga ang sinabi ni Madam Miranda na easy money ang pagta-trabaho niya doon. Nagtungo si Naya sa living room. Kinuha niya ang tote bag niya para kunin sa lo
HINDI napigilan ni Naya ang pagkabog ng dibdib dahil sa kaba na nararamdaman. Hindi naman ito ang unang beses na sasabak muli si Naya sa pagsasayaw sa The Gentleman's Club pero pakiramdam niya ay iyon ang unang beses. Siguro dahil isang buwan na ang lumipas simula noong huling tumapak siya sa nasabing club. At hindi na isang beses na sasayaw siya do'n. Naya was now a contract dancer in the said club. "Okay. Get ready girls," mayamaya ay wika ng floor director sa kanilang limang pole dancer. Kahit papaano ay nabawasan naman ang kaba ni Naya dahil hindi lang siya ang mag-isa na magsasayaw sa harap ng mga guest. Lima sila. "Okay. Labas na kayo," mayamaya ay wika nito. Lumabas naman na sila sa backstage. At kanya-kanya na silang pwesto sa pole. Inayos naman ni Naya ang suot na mask ng sandaling iyon. Sinigurado niya na mahigpit ang pagkakatali niyon sa mukha para hindi malaglag. Ayaw ni Naya na makita ang mukha niya para naman kahit papaano ay maitago niya ang identity niya sa
"COME in," wika ni Hugo sa baritonong boses ng makarinig siya ng mahinang katok na nanggaling sa labas ng opisina niya. Nakatutok pa din ang atensiyon sa harap ng computer ng maramdaman niya ang pagbukas ng pinto ng opisina. "Sir?" Sa pagkakataong iyon ay doon lang inalis ni Hugo ang tingin sa harap ng computer ng marinig niya ang boses na iyon ng secretary niya na si John. "Yes?" "Sir, mag-o-overtime ba tayo?" tanong nito sa kanya. Tiningnan naman niya ang wristwatch na suot para tingnan ang oras. At nakita naman niyang lagpas alas cinco na. Masyadong tutok ang atensiyon sa trabaho kaya hindi na niya namalayan ang oras, uwian na pala. Pero hindi pa siya tapos sa ginagawa kaya mananatili pa siya do'n. "You may go, John," wika naman niya. Wala naman na siyang i-iutos dito kaya hindi na niya ito kailangan doon. "Pero bago ka umalis, ipagtimpla mo muna ako ng kape," mayamaya ay utos niya dito. "Sige po, Sir," sagot nito. Muli itong lumabas ng opisina para sundin ang pinag-
NANGAKO si Naya na sarili na hindi na siya babalik muli sa The Gentleman's Club. Pero mukhang nakatadhana na sa kanya ang bumalik do'n. Because here she is now, waiting for Madam Miranda to sign the contract of The Gentleman's Club. Nakatanggap kasi siya ng text galing dito noong nakaraang araw. And she offered her again a job. Sa totoo lang ay hindi lang iyong ang unang beses na nakatanggap siya ng text message galing dito. Simula noong huling tapak niya sa The Gentleman's Club at nang sabihin niya dito na hindi na siya babalik ay nakakatanggap na siya ng text message galing dito. Nililigawan siya nito na maging contract dancer, marami daw kasing naghahanap sa kanya na VIP Guest, maraming nagtatanong kung kailan daw siya babalik, kung kailangan siya muling sasayaw. Pero iniignora ni Naya ang text message nito dahil nga ayaw na niya. At saktong nasa vulnerable estate siya noong panahong nakatanggap muli si Naya ng text message galing kay Madam Miranda kaya tinanggap na niya ang o
KUMUNOT ang noo ni Naya nang pagpasok niya sa loob ng bahay ay hindi niya nakita ang Mama Nancy niya. Nagpaalam siya kaninang umaga na may pupuntahan. Tinanong naman siya ng Mama niya kung anong oras siya babalik at sinabing baka mamayang hapon pa. Balak kasi ni Naya na maghanap ng part time job para pandagag sa kinikita niya. Para mabayadan din niya ang inutang niyang sampung libo sa Ninong Hugo niya noong nakarang linggo. Pero agad din naman umuwi si Naya sa bahay nila ng biglang sumakit ang ulo niya. Sobrang init kasi sa labas at marami na din siyang napuntahan na establishemento na Hiring pero hindi pa din siya nakahanap ng pwedeng maging part time. "Ma?" tawag niya sa pangalan ng Mama niya. Pumasok siya sa kwarto nito para tingnan ito doon pero gaya sa sala ay wala din doon ang Mama niya. At halos libutin na niya ang buong bahay pero kahit anino ng Mama niya ay hindi pa din niya makita. Lumabas ba ito? Lumabas si Naya ng bahay para hanapin kung saan nagpunta ang Mama niya