ANMELDEN"Masamang tao talaga ako, lalong lalo na sa mga doctor na matitigas ang ulo at hindi sumusunod sa akin." Aniya, ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga sa aking leeg.
"P-paano mo na laman na doctor ako?" Pumiyok ang boses ko nang tanungin ko siya. "I have my ways, Little kitten." Malalim ang boses na sabi niya. Pinasadahan niya ang kanyang daliri sa balat ng aking mukha. "Umalis ka sa ibabaw ko, bitawan mo rin ako." Giit ko sa kanya, puno ng galit ang boses ko. Hawak hawak niya rin kasi ang mga kamay ko sa ibabaw ng aking ulo. Kahit na anong pagpupumiglas ko ay walang epekto sa higpit ng kanyang pagkakapit. Kanina pa ako nagpupumilit, kahit sa mga tauhan niya kanina. Ubos na ubos na ang lakas ko. "Bakit mo ba ako binili huh? Ano bang pakinabang ko sayo?" Nangingitngit ang bagang kong sabi. His lips form a seductive smirk. "Marami. Marami kang pakinabang sa akin." Pakinabang? Wala nga akong ibang alam kundi ang gumamot ng tao, I'm a doctor.... well before. Simula nang lumubog ang hospital namin sa utang, tumigil na ako sa pagiging doctor, at ito na nga, naibenta ako nang sarili kong ama sa taong hindi ko naman kilala at mukha pang mamamatay tao. Bumilis ang tibok ng puso ko nang inilapit niya ang kanyang mukha sa akin. Ilang dangkal na lamang ang layo ng aming mga labi. Nakapaslak pa rin sa kanyang pagmumukha ang isang ngisi, na kung saan ay lumalabas ang maputi niyang ngipin sa gilid mg kanyang labi, lalong lalo na ang kanyang pangil. "You'll be my—" Hindi nito natapos ang kanyang sasabihin nang may kumatok sa pinto ng silid. Bumaling ang tingin namin sa pinto. "Boss, dumating na po si Boss Simoun. Gusto ka raw niyang makita," sigaw ng tao mula sa labas ng pinto. Tinignan niya muna ako sa huling beses bago umalis sa ibabaw ko at lumabas ng silid. Pagkalabas niya ay doon ko lang na realize na kanina ko pa pala pinipigilan ang hininga ko. Malakas akong napabuga ng hangin nang wala na ang kanyang presenya. Bakit ba ako humantong sa ganito? Napasalampak ako sa kama, napatulala sa kisame kung saan may salamin pala, ngayon ko lang na pansin. Bakit may salamin sa kisame? Para saan naman 'to? Sinuri ko ang paligid, naghahanap ng matatakasan pero nabigo lamang ako dahil kahit saang sulok akong tumingin, walang binatana, walang kahit na anong bakas na puwede akong makatakas. May kumatok nanaman muli sa pinto at iniluwal nito ang isang babaeng naka-uniform na pang-maid at may dala dala siyang tray na kung saan ay may laman na mga pagkain. Pinagmasdan ko siyang ilagay ang tray sa isang mesa na katabi lang ng kama kung nasaan ako ngayon nakahiga. "Kumain na po raw kayo ma'am." Porma niya, tumalikod siya para umalis ng silid pero mabilis akong tumayo at sinapak ang kanyang leeg na kung saan ay mawawalan siya ng malay. Doctor ako, alam ko kung saang spot tatamaan para mawalan siya ng malay at hindi nga ako mabigo nang bumagsak siya sa sahig. Kahit nanghihina amg buong katawan ay pinilit ko sarili na tumakbo paalis sa silid. Tumakbo ako kung saan ay sa palagay ko ang labasanan. Ang laki ng bahay, mukha itong castle kaya naligaw ako. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta, kung saan ang ruta paalis. Hanggang sa may nabangga akong isang bulto ng tao. Akala ko babagsak na ako sa sahig pero may mga bisig na sumalo sa akin, ipinalupot niya ang kanyang maugot at malaking kamay sa aking bewang. "Try to run away, Little kitten?" Bahagya akong napatalon nang marinig ang malalim at madilim niyang boses. "Running away from me is a crime. Alam mo ba kung ano ang ginagawa ko sa mga taong hindi ako sinusunod?" Ang bilis ng puso ko, para itong nakikipagkarera. Natatakot ako ng sobra sa tuwing nagsasalita siya, kahit na naka-mask at hindi ko nakikita ang mukha niya, kitang kita ko naman kung gaano siya nakakatakot. Kung gaano naninindig ang mga balahibo ko sa tuwing malapit siya. "...pinaparusahan ko. Gusto mo bang maparusahan, little kitten?" "J-just l-let me go.." Nanginginig na turan ko. "I won't. You are worth 10 Billion dollars. Huwag mong sayangin ang piso ko," giit niya. Binitawan niya na ako pero mabilis niyang kinuha ang palapulsuhan ko, inaakala atang tatakbo nanaman ako ulit. Kinaladkad niya ako pabalik sa silid, wala na roon ang babaeng sinapak ko kanina na nawalan ng malay. Itinulak niya ako papasok sa silid nang nakarating kami roon at ini-lock ang pinto. Halos masubsob na ako aa sahig dahil sa pagtulak niya sa akin. Wala na lamang akong ibang magawa kundi ang umiyak, humagulgol ako nang humagulgol. I hate my life!! I hate my family, I hate the man who bought me!!! I hate all of them! Napakasama sa akin ng mundo. Ano bang nagawa kong mali para parusahan ako ng ganito? Naging mabait naman ako buong buhay ko. Wala akong inapakang tao. Dahil sa sobrang pag-iyak ko ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising lamang ako nang may narinig na mga ingay mula sa labas. At minuto lang ay may pumasok nang mga kalalakihan sa silid. Nanlaki ang mga mata ko at dali daling bumangon nang bumungad sa akin ang mga kalalakihan na may bitbit na sugatang lalaking naka-mask. Anong nangyari sa kanya? Nasa gilid lamang ako, pinagmasdan silang ilapag si Dante sa kama na ngayon ay namimilipit sa sakit. Bumaling ang tingin ko sa pinto na ini-lock nila. Hindi nanaman ako makaalis imbis na tiyempo ko na. "Tumawag ka na ng doctor?" Rinig kong tanong ng isang lalaki sa isang kasamahan niya. Namumukhaan ko siya, siya ang kumuha sa akin sa bahay at naglagay ng panyo sa ilong ko. "Oo, pero mukhang matatagal ito dahil may inaasikaso raw." Sagot naman ng kanyang kausap. "Ahhhh!!!" Sigaw ni Dante, napansin kong dumudugo ang kanyang tiyan, hawak hawak niya ito, pinipigilan niya ang pagdudurugo. Bilang isang doctor hindi na pigilan ang sarili na lumapit sa kanya. May profession instinct kick in.Dumako ako sa loob, nauuna si Franz habang ako ay nasalikuran niya lang at sinusundan siya. Damang dama ko ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Dahil ba sa nandito si Dante? Gusto ko rin siya makita pero hangga’t maaari ay huwag muna silang magkita ng mga anak ko- anak namin.Pumasok na ako sa loob, bumungad sa akin ang naglalarong sila Daniel, Danica at dalawang babae. “Tita Winter kumusta na po si tito Gerlad? Kawawa naman po, sinuntok niyo,” ani ni Danica sa isang morenang babae. Kalaro niya ito ng barbie doll.Ngumuwi ang mukha ng dalaga pero kalaunan ay ibinalik niya ito sa ngiti. “Ewan ko sa tito Gerlad mo, huwag na natin siyang pag-usapan baby naiinis si tita Winter mo,” ani ng babae.Nagtataka siyang tinignan ng bata. “Why?”“Basta.”“Why?”“Gusto mo sumunod sa tito mo, Danica?” Mahinhin na pagbabanta sa kanya ng babae. Tumikhim ako para pukawin ang atensyon nila. Napalingon sila sa akin, at nanlaki ang mga mata ng anak ko n
Nasa kotse ako ngayon. Tinignan ko ang phone ko na dead battery. I-cha-charge ko na lang siguro 'to pagbalik ko sa condo. Nagmamaneho ang isa sa mga kambal na si Richard daw, ayon sa kanya. Ang isa niya namang kakambal ay Recardo. Ang ganda rin ng pagpangalan sa kanila noh, English to Tagalog lang. Sayang at hindi ko 'yun naisip sa kambal ko, maganda sanang ideya 'yun. Binaba niya na ako sa condo ko, kukunin niya raw ako bukas at tatawag sa akin si lolo. Napag-isipan ko na kasi ang desisyon ko. Pumayag ako sa gusto nila. Ang maging leader ng organisasyon. Pero kailangan ko itong ilihim sa mga tao, ako lang dapat ang nakakaalam. At sinisiguro ko na aangat muli ang organisasyon ni lola. Bilang pagbawi na rin sa ilang taon na hindi ko siya nakasama. Binuksan ko ang condo. Walang tao ang naroon, sigurado ay nasa kila Jolly sila. Ini-open ko ang cellphone ko ng ma-charge ko ito saka tinawagan si Jolly. Ilang ring lang naman ang inabot ko bago ito sumagot. "Villa!!" Gulat niyang s
Kumakain ako ngayon kasama ang lolo ko at ang dalawang lalaki na blonde ang buhok. Nasa iisang hapag kami habang maraming mga lalaking nakakulay black na suit sa paligid namin.“Akala ko ba tauhan mo rin tung kambal? Bakit kumakain siya kasama natin?” Tanong ko. Hindi naman sa pigiging rude, nagtataka lang talaga ako. Mahinang tumawa ang lalaki. “Hindi ko lang sila basta mga tauhan, apo. Noong iniwan ako ng mommy mo ay inampon ko silang dalawa para may anak-anakan ako at medyo mawala ang pangungulila ko sa mommy mo.” Saad ng matanda.Napatango-tango ako. Kung sa bagay may point siya. Kung ako iniwan ng anak dahil sa pagiging selflessness. Pero sempre hindi iyun mangyayari sa akin dahil mahal na mahal ko ang anak ko. Hahayaan ko sila kung sino ang mamahalin nila at makasama habang buhay, hindi ako makekealam sa desisyon nila sa pag-ibig.Ayaw ko silang matulad kay mommy o sa akin na naging sawi sa pag-ibig. Speaking of Dante.“Bakit ngayon niyo lang ako nilapitan? Bakit ngayon niyo
Villa P.O.V Unti-unti kong dinilat ang mata ko. Naalimpungatan ako dahil sa ingay sa paligid. Pero ng idilat ko ang mata ko ay wala akong ibang makita kundi kadiliman. Naka-blind fold ata ako. “Bakit may ibang tao kanina? Kilala niyo ba kung sino ang nagpaputok kay Dante?” “Hindi po boss, ang pakay natin ay ang asawa niya lamang. Hindi ko naaninag ang mukha ng lalaki kanina na binaril si Dante.” “Maliban pala sa atin ay may iba pang kaaway ang halimaw na ‘yun kahit na bagsak na ang organisasyon niya.” “Pero boss ano ang gagawin natin sa asawa niya?” Samot saring mga boses ang naririnig ko sa paligid ko. Mga tatlong tao ata ito. Kumabog ang dibdib ko ng mabangit nila si Dante. Nabangit din nila na may nagpaputok kay Dante. “Hello… maayos lang ba si Dante?” Tanong ko sa kanila kahit na hindi ko naman sila kilala. Wala akong pakealam kung kalaban sila o gusto nila akong patayin, ang gusto ko lang ngayon ay malaman kung nasa maayos ba na kalagayan si Dante. “Uy gising na
Nagising ako sa na masakit ang buong katawan, masakit ang ulo at parang sinasaksak ng kutsilyo ang braso ko. Bigla kong naalala si Villa kaya napabangon ako pero maling kilos iyun dahil sumakit lalo ang braso ko."Boss Dante!" tawag ng kung sino. Lumapit ang lalaki sa akin na kulay brown ang buhok saka inalalayan ako muli na humiga. Sino ba siya?"S-si Villa..." Mahinang saad ko. Kailangan kong malaman kung nasa maayos ba na kalagayan ngayon si Villa. Kung nasaan siya, kung ano na ang nangyari sa kanya. "Boss masama pong balita, kinuha po siya ng dati niyong kalaban sa organization. Ang Florence Organization..." Saad ng lalaki. Organization? Florence? Wala akong alam sa mga sinasabi niya saka bakit niya ba ako tinatawag na boss? Umiling ako habang nangingitngit ang bagang. Naalala ko noong nawalan ako ng malay, naalala ko na may sinubukan akong sagipin, hindi ko lang alam kung sino pero habang nakikipaglaban ay nahulog ako sa bangin at nauntog ang ulo ko. Nang magising ay pinil
Akmang hahakbang siya palapit sa akin ng biglang may narinig kaming putok ng baril. Napasigaw ako rito at napatakbo sa kung saan. Ni hindi ko alintana kung saan na ako patutungo. "Villa!" Rinig kong sigaw ni Dante pero habang sumisigaw siya at tumatakbo ako ay nagiging mahina na ang kanyang boses sa pandinig ko. Habang tumatakbo ay bigla akong natisod kapa nadapa ako sa lupa. Napadaing ako sa sakit dahil tumama ang mukha ko sa matigas na lupa at parang nasugatan ata ang tuhod at palad ko. Wala kasi akong ibang nakikita dahil ang dilim ng paligid, gabi na at madilim na ang buong kalangitan, tanging ang ilaw lamang ng buwan ang nagsisilbing liwanag pero hindi ito sapat para makita ko lahat ng nasa paligid ko. Dahil sa sakit ng tuhod ko ay gumapang ako papunta sa ilalim ng malaking puno. Sumandal ako roon at humihingal na umupo. Napatakip ako sa tenga ko ng hindi na isang putok ang naririnig ko kundi marami na. Ramdam na ramdam ko ang bilis ng pagtibok ng puso ko dahil






