“Ano ang gagawin na’tin dito?” Tanong ko sa kanya, kumakabog ang puso ko sa kaba. Iba kasi ang nasa isipan ko, pilit ko ‘yung winawasik, malay mo nag-aasume lang ako ‘di ba.Pero hindi ko rin maintindihan ang sarili ko, kung bakit na-e-excited ako sa iniisip ko. For gosh sake, his a monster! Galit ako sa kanya dahil binili niya ako, he kidnap me, pinilit niya akong pakasalan siya, at higit sa lahat ay kinulong sa kanyang bahay! Hindi pala sa bahay kundi ay sa isang silid lamang.Tumapak ang mga paa ko sa buhangin, wala akong suot na chenelas dahil iniwan ko sa loob ng kotse, nasira rin naman ito dahil sa kakahila nila sa akin kanina. Sa ikatlong beses ay napatingin ako muli sa aking kamay na kung saan ay naroon ang sing-sing. Kasal na talaga ako.“Ano ba ang gagawin na’tin?” Balik na tanong sa akin ni Dante. Nasa tabi ko siya ngayon, nang ilibot ko ang paningin ko, wala na sila Gerlad at Franz sa paligid. Para silang bulang bigla-biglang naglalaho. Ibig sabihin kami na lamang dalawa
Terakhir Diperbarui : 2026-04-10 Baca selengkapnya