LOGINHalos hindi nakatulog si Alessandra buong gabi.
Kahit anong pilit niyang pumikit at magbilang ng tupa, paulit-ulit na nag-e-echo sa isip niya ang mga nangyari. Ang pagbukas ng p***o. Ang pagpasok ni Patrick sa kwarto niya. Ang pamilyar na amoy ng pabango nito na humalo sa malamig na hangin ng aircon. At ang malamig nitong tanong na nagpatayo sa mga balahibo niya: You're my wife. Ano bang dapat ginagawa ng mag-asawa? At higit sa lahat, ang halik. Napahawak siya sa ibabang labi niya habang nakatitig sa madilim na kisame. Ramdam pa rin niya ang init at diin ng mga labi nito sa kanya. “Stupid,” mahinang bulong niya sa hangin. Hindi niya alam kung si Patrick ba ang tinatawag niyang stupid o ang sarili niya dahil masyado siyang nagpapaapekto. Isang halik lang iyon. Isang napakaikling halik na sigurado siyang para sa lalaki ay wala lang ibig sabihin. Isang paraan lang nito para patahimikin siya. At least, iyon ang gusto niyang paniwalaan. Pero kumunot ang noo niya nang maalala ang huling sinabi nito bago ito tuluyang lumabas ng kwarto. Lock the door next time. Bakit parang may kakaibang concern sa mababang boses nito? Umiling siya at pilit na iwinaksi ang isiping iyon. Hindi niya na dapat bigyan ng kahulugan ang mga ginagawa ng asawa niya sa papel. Mas mabuti pang matulog na lang siya. Pero bago pa man siya tuluyang dalawin ng antok, biglang nag-ingay ang alarm clock sa gilid ng kama niya. 6:30 A.M. Napabuntong-hininga si Alessandra at pilit na bumangon. Unang umaga niya bilang Mrs. Blackwood. At parang ayaw niyang malaman kung anong klaseng araw ang naghihintay sa kanya. Pagkababa niya sa dining area, halos mapahinto siya sa paglalakad. Napakalaki ng dining room, pambihira ang taas ng ceiling, at sa gitna ay may isang mahabang mahogany table na sapat para sa higit dalawampung tao. Pero dalawang tao lang ang naroon. Siya at si Patrick. Naka-formal dark suit na agad ang lalaki, mukhang presko at walang bakas ng puyat. Abala ito sa pagbabasa ng mga dokumento sa isang tablet habang humihigop ng kape. Wala man lang itong reaksyon nang marinig ang mga yabag niya. “Good morning,” alanganin niyang bati. Tahimik ang paligid at tanging ang tunog lang ng paglapag nito ng kape ang narinig niya. Napakunot ang noo ni Alessandra. “Patrick?” Bahagya itong nag-angat ng tingin. Madilim ang mga mata nito. “Morning.” Iyon lang, at ibinalik na nito ang atensyon sa binabasa. Umupo siya sa kabilang dulo ng mesa, pakiramdam niya ay milya-milya ang layo nila sa isa't isa. Ilang segundo silang binalot ng awkward na katahimikan hanggang sa may lumapit na staff at inilapag ang pagkain sa harap niya. “Breakfast, ma'am.” “Thank you.” Tiningnan niya ang plato. Eggs cooked to perfection, golden toast, fresh fruits, at isang baso ng orange juice. Simple, pero mukhang mas mahal pa ang presyo ng mismong plato kaysa sa buong kusina nila sa lumang bahay nila. Kumuha siya ng tinidor ngunit bago pa siya makasubo, basag ni Patrick ang katahimikan. “You're coming with me today.” Napatingin siya rito, gulat. “Where?” “The office.” “Why?” “Because you're my wife.” Napairap siya sa hangin. “Hindi ba puwedeng hindi ako sumama? Wala naman akong gagawin doon.” “No.” “May choice ba ako?” “Wala.” “Then why did you even ask?” inis na tanong niya. Muling naglipat ng pahina si Patrick sa tablet nito nang hindi man lang siya tinitingnan. “I didn't.” Napabuka ang bibig niya. “Ang yabang mo.” “I know.” Hindi niya alam kung matatawa siya o maiinis sa sobrang pagiging seryoso nito. Kumuha na lang siya ng toast at kinagatan iyon. “Anong gagawin ko sa office mo? Magiging display?” “You'll have lunch with me.” “Lunch?” “Yes.” “That's it?” “For now.” Napakunot ang noo niya. May kung anong kakaiba sa paraan ng pagsasalita nito. Malamig, pero parang may kalkuladong plano na tumatakbo sa isip nito. ~ Makalipas ang isang oras, nakatayo si Alessandra sa harap ng malaking full-length mirror sa kanyang kwarto. Hindi siya sanay sa damit na mismong pinili at ipinadala ng staff para sa kanya. Isang eleganteng cream-colored dress ang suot niya. Simple lang ang tabas pero halatang yari sa mamahaling tela na perpektong yumakap sa kurba ng katawan niya. Pinaresan iyon ng nude heels at isang maliit na designer handbag. Napatingin siya sa sarili. “Mrs. Blackwood.” Napailing siya. Kahit anong tingin niya, hindi pa rin siya pamilyar sa babaeng nasa salamin. Biglang kumatok ang isang staff sa p***o. “Ma'am, Mr. Blackwood is waiting downstairs.” “Okay, susunod na ko.” Paglabas niya, agad niyang nakita si Patrick na naghihintay sa dulo ng hallway. Nakapamulsa ito sa isang kamay habang ang isa ay hawak ang cellphone. Nang marinig nito ang pag-click ng heels niya sa marmol na sahig, dahan-dahan itong nag-angat ng tingin. Tumigil ito sa pag-type. Ilang segundo. Walang kurap itong nakatitig sa kanya mula ulo hanggang paa. At ang pamilyar na nakakapapasong tingin nito ay muling nagpatibok nang mabilis sa puso niya. Napalunok si Alessandra at huminto sa paglalakad. “What?” Walang sagot. “May problema ba sa damit ko?” naiilang niyang tanong, pilit na ibinababa ang laylayan ng dress niya. “No.” “Then why are you staring?” “I wasn't.” “You were.” Umiwas ng tingin si Patrick at bahagyang umubo. “Let's go.” Napangiti siya nang bahagya. May tinatago rin palang hiya ang isang CEO. “Sige, wala naman akong choice eh.” Habang naglalakad sila papunta sa private elevator ng mansion, hindi niya napigilang mapansin na mas tahimik si Patrick kaysa kanina. At sa unang pagkakataon, naisip niyang baka kaya rin nitong kabahan o maging awkward. Pagkapasok nila sa elevator, bumalot sa kanila ang matinding katahimikan. Silang dalawa lamang sa loob. Amoy na amoy niya ang manly scent nito na nagpapasikip sa paghinga niya. Masyadong tahimik. Hanggang sa biglang magsalita ang lalaki nang hindi nakatingin sa kanya. “You look good.” Napalingon siya rito, nanlaki ang mga mata. “What?” “You heard me.” Bahagyang nag-init ang magkabilang pisngi niya. “Thank you.” Tumango lang ito at muling pinanood ang pagbaba ng mga numero sa elevator panel. Hindi alam ni Alessandra kung bakit, pero mas nakakakaba ang simpleng compliment na iyon kaysa sa halik nito kagabi. Pagdating nila sa main lobby ng Blackwood Group, agad naramdaman ni Alessandra ang mabigat na presensya ng kapangyarihan ni Patrick. Pagbukas pa lang ng elevator, halos lahat ng empleyadong madaanan nila ay tumitigil at yumuyuko. “Good morning, sir.” “Good morning, Mr. Blackwood.” Ngunit nang mapansin nilang may kasama itong babae at hindi lang basta babae, kundi naglalakad sa tabi mismo ng yelo nilang boss, nagbago ang timpla ng paligid. May mga palihim na nagtuturo. May mga bumubulong. May ilan pang halos lumuwa ang mata sa gulat at curiosity. Yumuko si Alessandra at humigpit ang hawak sa strap ng bag niya. Hindi siya sanay sa ganitong klaseng atensyon. Pakiramdam niya ay isa siyang alien na biglang ibinaba sa gitna ng siyudad. “Don't mind them,” mahinang sabi ni Patrick nang mapansin ang pag-ilag niya. “I am minding them.” “You're nervous.” “I'm not.” Patrick glanced at her, ang mga mata nito ay bumaba sa kamay niya. “You're squeezing your bag to death.” Napatingin siya sa mga kamay niya. Namumuti na ang mga buko niya sa higpit ng hawak. Mabilis niya iyong niluwagan at huminga nang malalim. “I just don't like people staring at me like I'm a specimen.” “They'll get used to you.” “Why?” Huminto si Patrick sa tapat ng isa pang elevator papunta sa executive floor. Nilingon siya nito. “Because you're going to be here often.” Napakurap siya. “Wait. What?” Pero bago pa siya makapagtanong, narinig nila ang matinis na pagtunog ng takong na mabilis na naglalakad papalapit sa kanila. Isang babae ang huminto sa harap nila. She was the definition of high society, elegant, stunningly beautiful, and perfectly dressed in a fitted black suit na lalong nagpalitaw sa hubog nito. “Patrick,” tawag nito, pamilyar ang tono. Napahinto ang CEO. Mabilis na dumapo ang matatalim na mata ng babae kay Alessandra. Mula ulo hanggang paa, sinuri siya nito, at sa isang iglap, nawala ang ngiti nito. “Who's she?” mataray nitong tanong. Nanatiling tahimik si Alessandra, nakiramdam. Si Patrick naman ay nanatiling blangko ang mukha. “My wife.” Parang may sumabog na bomba sa lobby. Napasinghap ang ilang empleyado sa malapit na nakarinig. Nalaglag ang panga ng babae. “Your… wife?” “Yes.” Hindi maipaliwanag ni Alessandra kung bakit biglang kumabog nang mabilis ang dibdib niya nang marinig ang matatag na boses nito. My wife. Walang halong biro, walang panginginig. Napakabilis na tumingin sa kanya si Patrick. Then, to her shock, dahan-dahan nitong ipinatong ang malaking kamay sa ibaba ng likod niya. Isang banayad pero mapang-angking hawak. “This is Alessandra Blackwood,” pagpapakilala ni Patrick. Tuluyang nawala ang kulay sa mukha ng babae. “Blackwood?” Patrick nodded, hindi inaalis ang kamay sa likod niya. “My wife.” Muling tiningnan ng babae si Alessandra, ngayon ay may halong inis at pagdududa. “Interesting.” Hindi nagustuhan ni Alessandra ang tono nito. Para siyang isang mumurahing gamit na hindi nababagay sa isang mamahaling store. “Patrick,” pilit na ibinalik ng babae ang atensyon ng CEO. “We need to talk.” “Not now.” “It's important.” “Whatever it is, it can wait.” Napahigpit ang panga ng babae. “After three years, you suddenly get married and expect everyone to simply accept it without questions?” Nanigas si Alessandra. Tatlong taon? Tumingin siya kay Patrick, naghihintay ng paliwanag. Pero nanatili itong walang reaksyon. Instead, he simply looked at the woman with eyes as cold as ice. “We're done here.” Ibinaba nito ang kamay mula sa likod ni Alessandra at hinawakan ang kamay niya. Mahigpit. “Let's go.” Hindi agad nakagalaw si Alessandra dahil sa narinig niya mula sa likuran nila—ang malamig at nagbabantang boses ng babae. “You can't hide her forever, Patrick.” Huminto si Alessandra at akmang lilingon, pero mas hinigpitan ni Patrick ang hawak sa kanya. “Don't,” mababang utos nito. Iyon lang at ipinagpatuloy na nila ang paglalakad papasok ng elevator. Hindi na muling nagsalita si Alessandra hanggang sa makarating sila sa executive floor at makapasok sa malawak nitong private office. Pagkasarang-pagkasara ng p***o, agad niyang binawi ang kamay niya at hinarap ang lalaki. “Who was she?” “Someone from my past,” kalmadong sagot ni Patrick habang naglalakad papunta sa desk nito. “Your ex?” Natahimik ito kaya napataas ang kilay ni Alessandra. “That silence means yes.” Huminto si Patrick at dahan-dahang niluwagan ang necktie nito. “Her name is Victoria.” Natigilan siya. Biglang nag-click sa isip niya ang isang pamilyar na impormasyon. May isang article siyang nabasa sa internet noong ni-research niya ang lalaki bago siya pumirma sa kontrata. Victoria Hamilton. Ang babaeng itinuturing ng media na perfect match para kay Patrick Blackwood. Ang kaisa-isang babaeng na-link dito. Ang dating fiancée nito. Napahawak si Alessandra sa malamig na wedding ring sa daliri niya. “Why didn't you tell me about her?” Patrick's piercing gaze settled on her. “Because she's irrelevant.” “Doesn't look like it.” “Alessandra.” “Yes?” “Whatever happened between us in the past is over.” Hindi niya alam kung bakit, pero hindi siya makaramdam ng ginhawa. Parang may kulang. Pero bago pa siya makapagtanong ulit, nagsimulang humakbang palapit si Patrick. Isang hakbang hanggang sa naging dalawa. Hanggang sa halos wala na silang distansya sa isa't isa. Kailangan niyang tumingala para salubungin ang mga mata nito. “Today,” he said quietly, ang boses nito ay may halong pakiusap at awtoridad, “I want you to remember one thing.” “What?” halos ibulong niya. “You're my wife.” Tinitigan siya nito nang malalim, parang binabasa ang buong pagkatao niya. “And everyone needs to know that.” Bago pa man makasagot si Alessandra, tumalikod na ito at naglakad papunta sa swivel chair nito. Naiwan siyang nakatayo sa gitna ng opisina, mabilis ang tibok ng puso, at may kakaibang bigat sa dibdib niya. Hindi niya alam kung bakit, pero sa unang pagkakataon mula nang pirmahan niya ang kontrata... hindi na siya sigurado kung ang kasal nila ay mananatili lang na isang simpleng business arrangement. Dahil kung papel lang talaga ang nag-uugnay sa kanila... bakit parang handang patayin ni Patrick sa tingin ang sinumang sumubok na maliitin o agawin siya?Binalot ng nakakabinging katahimikan ang loob ng sasakyan sa buong biyahe nila pauwi.Tahimik lamang na nakaupo si Alessandra sa passenger seat, nakatingin sa labas ng bintana habang dumaraan ang mga ilaw ng siyudad. Ramdam na ramdam niya ang lamig ng aircon, pero mas malamig ang kaba na unti-unting gumagapang sa dibdib niya.Sa bawat segundong lumilipas, lalo lamang bumibigat ang pakiramdam niya.He knows something about my family.Iyon ang tanging linyang paulit-ulit na nag-e-echo sa isip niya. Nang sabihin ni Victoria kanina na hindi niya pakakasalan si Patrick kung alam niya ang katotohanan, hindi na niya alam kung ano ang mas nakakabahala.Ang katotohanang may itinatagong madilim na sikreto si Patrick o ang katotohanang tila konektado ang sikretong iyon sa mismong pagbagsak ng pamilya niya.Pagdating nila sa mansion, hindi agad bumaba ng sasakyan si Alessandra. Nanatili siyang nakaupo at mahigpit ang hawak sa maliit niyang bag.Nilingon siya ni Patrick bago nito tanggalin ang sea
Hindi pa rin mawala sa isip ni Alessandra ang babaeng nakasalubong nila kanina sa lobby.Victoria Hamilton.Ang dating fiancée ni Patrick.Kahit anong gawin niyang paglilibang, paulit-ulit na nagpa-flash sa utak niya ang matalim na paraan ng pagtitig nito sa kanya. Hindi iyon simpleng curiosity ng isang ex. May halong galit. May pagkadismaya. At higit sa lahat, umasta ito na parang may hawak itong karapatan para kuwestiyunin kung bakit siya ang nakatayo sa tabi ni Patrick.Huminga nang malalim si Alessandra at sumandal sa malambot na leather sofa sa loob ng private office ng asawa niya.Samantala, si Patrick ay prenteng nakaupo sa likod ng malaking mahogany desk nito. Abala ito sa pagbabasa at pagpirma ng mga dokumento na para bang walang nangyaring tensyon kanina. Wala man lang itong bakas ng stress.“Are you seriously going to work?” basag niya sa katahimikan.Hindi man lang ito nag-angat ng tingin. “Yes.”“After what just happened downstairs?”“Yes.”Napairap siya sa hangin. “Ang l
Halos hindi nakatulog si Alessandra buong gabi.Kahit anong pilit niyang pumikit at magbilang ng tupa, paulit-ulit na nag-e-echo sa isip niya ang mga nangyari. Ang pagbukas ng pinto. Ang pagpasok ni Patrick sa kwarto niya. Ang pamilyar na amoy ng pabango nito na humalo sa malamig na hangin ng aircon.At ang malamig nitong tanong na nagpatayo sa mga balahibo niya: You're my wife. Ano bang dapat ginagawa ng mag-asawa?At higit sa lahat, ang halik.Napahawak siya sa ibabang labi niya habang nakatitig sa madilim na kisame. Ramdam pa rin niya ang init at diin ng mga labi nito sa kanya.“Stupid,” mahinang bulong niya sa hangin.Hindi niya alam kung si Patrick ba ang tinatawag niyang stupid o ang sarili niya dahil masyado siyang nagpapaapekto. Isang halik lang iyon. Isang napakaikling halik na sigurado siyang para sa lalaki ay wala lang ibig sabihin. Isang paraan lang nito para patahimikin siya.At least, iyon ang gusto niyang paniwalaan.Pero kumunot ang noo niya nang maalala ang huling sin
Matapos ang mahabang araw, sa wakas ay nakahiga na si Alessandra sa malaking kama ng kanyang bagong silid. Pero kahit anong pilit niya, hindi siya makatulog. Hindi pa rin siya sanay. Hindi sa sobrang lambot na kutson. Hindi sa lamig ng mamahaling silk sheets na dumadampi sa balat niya. At lalong hindi sa katotohanang nasa mansion siya ng isang lalaking halos hindi niya kilala.Huminga siya nang malalim habang nakatitig sa mataas na kisame ng kwarto.Her husband.Madiin siyang napapikit. Hindi pa rin niya kayang masanay sa dalawang salitang iyon. Patrick Blackwood was her husband.Isang taon. Isang taon lang, paulit-ulit niyang ipinapaalala sa sarili. Pagkatapos noon, matatapos na ang lahat. Mapupunta sa kanya ang perang ipinangako ni Patrick. Mababayaran ang naiwang utang ng pamilya niya. Magiging maayos ulit ang buhay ng kanyang mga magulang.At siya? Malaya na siya.Bahagya siyang ngumiti sa sarili sa gitna ng dilim. Simple lang ang plano, kaya niya ito.Binaliktad niya ang katawan
"You may now kiss the bride."Nag-echo ang boses ng judge sa loob ng maliit at tahimik na courtroom.For a moment, Alessandra Rivera simply stood there, frozen.Bride.Umaalingawngaw sa utak niya ang salitang yon. Napakabigat pakinggan at tila ba parang sinasaksak ang dibdib niya nang marinig niya yon. It felt strange kasi di niya inakalang ganito ang eksena ng kasal niya. Akala pa naman niya masayang-masaya siya magiging kasal niya. May pa dream wedding pa nga siya dati eh. Pero natatawa na lang siya kasi hindi na kailanman mangyayari pa ang kasal na yon. Ito na yon eh, kiss the bride na nga. Mababago pa ba?Dahan-dahan niyang nilingon ang lalakeng nakatayo sa tabi niya, na noon ay nakatingin na rin sa kanya.Patrick Blackwood. Her husband. Her contractual husband. Yeah, whatever it is. What the fuck! What the fuck na lang talaga. Gusto niyang murahin ang lalaking to kasi pinagkait nito sa kaniyang mangyari ang dream wedding niya. Akala pa naman niya noon, magiging katulad siya ng mg
Hindi agad nakapagsalita si Alessandra. Paulit-ulit niyang binasa ang unang pahina ng kontrata, umaasang baka nagkamali lang siya ng basa. Para kasing baliw na yata tong kausap niya eh. Bakit naman kasi ito magbibigay ng marriage agreement kung assistant lang naman ang gusto niya applyan. Kaloka! Parang pati siya mawawalan ng bait eh.MARRIAGE AGREEMENT.Paulit-ulit niya pang binasa yon, at hindi talaga nagbago ang nakasulat kahit ilang pikit-pikit pa ng mata ang gawin niya. Ganon pa rin talaga ang nakasulat.Marriage.Napatawa siya nang mahina dahil sa sobrang gulat.“Is this some kind of joke? Prank ba to? Kasi alam mo, Sir, trabaho ang pinunta ko rito. Wala akong time para makipagbardagulan po sa inyo. Kaya pwede ba, sabihin mo na kung prank lang to para makaalis na ko.”Hindi man lang gumalaw ang lalaki sa harap niya.“No.”“Then you're insane.”Bahagyang umangat ang isang kilay ni Alexander. “I’ve been called worse.”“Mr. Blackwood, I came here because I need a job.” Pag-ulit pa







