LOGINMatapos ang mahabang araw, sa wakas ay nakahiga na si Alessandra sa malaking kama ng kanyang bagong silid. Pero kahit anong pilit niya, hindi siya makatulog. Hindi pa rin siya sanay. Hindi sa sobrang lambot na kutson. Hindi sa lamig ng mamahaling silk sheets na dumadampi sa balat niya. At lalong hindi sa katotohanang nasa mansion siya ng isang lalaking halos hindi niya kilala.
Huminga siya nang malalim habang nakatitig sa mataas na kisame ng kwarto.
Her husband.
Madiin siyang napapikit. Hindi pa rin niya kayang masanay sa dalawang salitang iyon. Patrick Blackwood was her husband.
Isang taon. Isang taon lang, paulit-ulit niyang ipinapaalala sa sarili. Pagkatapos noon, matatapos na ang lahat. Mapupunta sa kanya ang perang ipinangako ni Patrick. Mababayaran ang naiwang utang ng pamilya niya. Magiging maayos ulit ang buhay ng kanyang mga magulang.
At siya? Malaya na siya.
Bahagya siyang ngumiti sa sarili sa gitna ng dilim. Simple lang ang plano, kaya niya ito.
Binaliktad niya ang katawan at hinila ang makapal na kumot hanggang dibdib. Unti-unti nang bumibigat ang kanyang mga talukap. Handa na sana siyang magpahinga hanggang sa may narinig siyang tubog mula sa bandang p***o.
Napadilat siya. Tunog iyon ng doorknob.
Dahan-dahang bumukas ang p***o ng kwarto. Napatigil ang paghinga ni Alessandra. Mula sa siwang, nakita niya ang isang matangkad na aninong pumasok sa silid.
At nang tuluyan itong mabanggaan ng liwanag mula sa bintana—
Patrick.
Nakatayo ito sa doorway, suot ang dark trousers at isang simpleng black shirt. Bahagyang nakabukas ang unang dalawang butones sa collar nito, mas lalong nagpapatingkad sa matalim nitong jawline at seryosong mukha.
Nanlaki ang mga mata ni Alessandra, agad na nawala ang antok niya. "Patrick?"
Hindi sumagot ang lalaki. Tahimik lamang nitong isinara ang p***o sa likuran niya.
Mabilis na napaupo si Alessandra sa kama, mahigpit ang hawak sa kumot. "What are you doing here?"
Tahimik itong naglakad palapit. Hindi maalis ni Alessandra ang tingin sa bawat hakbang nito. Mas lalo siyang kinabahan nang tuluyan itong huminto sa mismong gilid ng kama niya.
Napatulala siya sa seryosong tingin nito. Hanggang sa bigla siyang napasigaw. "Patrick!"
Bahagyang umangat ang isang kilay ng lalaki. "Why are you screaming?"
"Because you just walked into my room in the middle of the night!"
"You're my wife."
Agad siyang napatingin dito, hindi makapaniwala sa narinig. "So?"
Patrick's expression remained perfectly calm, walang kahit anong bakas ng gulat o pangaasar. "So what exactly do you think husbands and wives are supposed to do?"
Natigilan siya. Parang biglang naubusan ng hangin ang baga niya, at nawalan siya ng isasagot. Hindi niya alam kung maiinis ba siya o matatakot sa pinupunto nito.
"I'm supposed to sleep," matigas na sagot niya sa huli.
"That's one thing."
"Then let me sleep."
Hindi ito gumalaw. Sa halip, humakbang pa ito papalapit. Napaatras si Alessandra hanggang sa tuluyang dumikit ang likod niya sa malamig na headboard ng kama.
"Patrick…" babala niya, mabilis na ang tibok ng puso.
Huminto ang lalaki, ilang pulgada na lamang ang layo sa kanya. Naamoy na niya ang pamilyar na scent nito, mabango, panlalaki, at nakaka-intimidate.
"I told you the contract has conditions," mahinang sabi nito, mababa ang boses.
Nanlaki ang mga mata niya. "You're talking about that clause?"
Hindi ito sumagot. Instead, slowly, Patrick lifted one large hand. Napahigpit ang hawak ni Alessandra sa kumot, nag-aabang kung anong gagawin nito.
Ngunit bago pa siya makapagsalita o makaiwas, yumuko ang lalaki at hinalikan siya. Mabilis lang ang halik na yon pero sapat para tuluyang tumigil ang mundo niya.
Nanigas ang buong katawan ni Alessandra. Hindi niya inaasahan iyon. Lalong hindi niya inaasahan na ang unang halik nila bilang mag-asawa ay mangyayari sa ganitong paraan, sa gitna ng tahimik na gabi, sa kuwartong akala niya ay sarili niyang safe space. Naramdaman niya ang init ng mga labi nito na mabilis ding nawala.
Nang makalayo si Patrick, ilang segundo siyang hindi nakagalaw. Nakatitig lamang siya rito, awang ang mga labi.
"You…" Hindi niya maituloy ang sasabihin.
Patrick looked down at her. His dark eyes were intense, but his expression was completely unreadable.
"Good night, Alessandra."
Napakunot ang noo niya, pilit binabawi ang sarili mula sa gulat. "That's it?"
"Yes."
"What do you mean, that's it?!"
Bumalik ang malamig na expression nito. "I came to remind you that we're married."
"By kissing me?!"
"Yes."
"That makes no sense!"
Bahagyang ngumisi si Patrick, isang maliit na ngiti na hindi umabot sa mga mata niya. "Marriage rarely does."
Napasinghal siya sa inis. "You're impossible."
"I've heard that before." Tumalikod na ito at naglakad pabalik patungo sa p***o.
Ngunit bago nito mahawakan ang doorknob, mabilis na nagsalita si Alessandra. "Patrick."
Huminto ito nang hindi lumilingon. "What?"
"I don't want you entering my room whenever you feel like it."
Walang sumagot sa loob ng ilang segundo. Then he slowly turned his head. "Why?"
"Because this is my room." Matapang niyang sinalubong ang tingin nito.
Ilang segundo siyang tinitigan ng lalaki, tila binabasa ang pagkatao niya. Pagkatapos ay tumango ito.
"Fine."
Hindi makapaniwala si Alessandra sa napakadaling pagsang-ayon nito. "Fine?"
"Yes."
"Just like that?"
"Yes."
Binuksan ni Patrick ang p***o. Pero bago siya tuluyang lumabas sa hallway, muli itong lumingon sa kanya. Ang mga mata nito ay may halong kakaibang emosyon na hindi niya mapangalanan.
"Lock the door next time."
Natigilan siya. "Why?"
"Because apparently, you don't feel safe when I'm around."
At bago pa niya maitanong kung anong ibig sabihin nito, tuluyan nang isinara ni Patrick ang p***o.
Naiwan si Alessandra na tulala sa gitna ng malaking kama. Dahan-dahan niyang inangat ang kamay at hinawakan ang sariling labi. Mainit pa rin. Ramdam pa rin niya ang mabilis na pagtibok ng puso niya sa loob ng kanyang dibdib.
Napapikit siya nang mariin at napabuntong-hininga. "This man is going to drive me crazy."
Hindi niya alam kung alin ang mas nakakaloko. Ang katotohanang asawa na niya si Patrick o ang katotohanang sa isang simpleng dampi lamang ng labi nito, magulo na agad ang sistema niya.
Samantala, sa kabilang side ng mansion, naglalakad si Patrick pabalik sa kanyang sariling silid.
Nanatiling kalmado ang mukha nito, walang emosyong makikita sa mga mata. Pero kung may makakapansin lang, ang kanyang kanang kamay na nakapasok sa bulsa ay mahigpit na nakakuyom.
Because that short, sudden kiss was never supposed to feel real. It was just to prove a point.
And yet, somehow… It did.
Ang init ng araw ay banayad na humahaplos sa puting buhangin ng kanilang pribadong isla. Ang malinaw at kulay-turkesang tubig ay tahimik na humahampas sa dalampasigan, nag-aanyaya ng isang mapayapang hapon. Ngunit para kay Alessandra, ang tunay na kapayapaan ay hindi nagmumula sa ganda ng tanawin, kundi sa senaryong kasalukuyang nangyayari sa kanyang harapan.Nakatayo ang kinatatakutang CEO ng Blackwood Group sa hanggang-tuhod na tubig. Nakasuot lamang si Patrick ng simpleng itim na swimming trunks, ang matipuno at maskuladong katawan nito ay kumikinang sa ilalim ng araw, basang-basa at puno ng buhangin. Nakasampa sa kanyang malalapad na balikat ang humahagikgik na si Celeste, habang ang isang malaking braso nito ay mahigpit na nakapulupot sa maliit na baywang ni Edward na walang-tigil sa pagtampisaw ng tubig.“Dada, faster! Faster like a boat!” tili ni Celeste, ang maliliit na kamay ay mahigpit na nakakapit sa basa at makapal na buhok ni Patrick.“Yes, your highness. Hold on tight,”
Sanay si Patrick Blackwood na kontrolin ang lahat ng bagay sa paligid niya. Bago pa man sumikat ang araw, ang kanyang isip ay karaniwang tumatakbo na sa libu-libong direksyon, mga stock market fluctuations, corporate mergers, board meetings, at ang walang-katapusang pagpapalawak ng kanyang imperyo. Buong buhay niya, ang mga numero at kontrata lamang ang nagbibigay sa kanya ng katiyakan. Ang mundo ay isang malaking chessboard, at siya palagi ang nagdidikta ng bawat galaw.Ngunit iyon ay bago niya nakilala ang kaisa-isang babaeng sumira sa lahat ng kanyang mga patakaran.Nakatayo si Patrick sa gilid ng malaking bintana ng master bedroom, hawak ang isang baso ng bourbon na hindi pa niya naiinuman. Ang malamig na liwanag ng madaling-araw ay unti-unting pumapasok sa silid, nagbibigay ng banayad na anino sa malawak nilang kama. Doon, mahimbing na natutulog si Alessandra. Nakadapa ito, ang kalahati ng mukha ay nakasubsob sa malambot na unan, at ang makapal nitong buhok ay magulong nakakalat
Limang taon.Nakatayo si Alessandra sa itaas ng grand staircase ng pinakamalaki at pinakaprestihiyosong hotel sa buong siyudad, pinagmamasdan ang nagkikinangang ballroom sa ibaba. Ang buong silid ay napupuno ng mga bilyonaryo, sikat na personalidad, at mga kilalang tao sa industriya ng fashion. Ito ang gabi ng ikalimang anibersaryo ng Alessandra Rivera-Blackwood Label, at kasabay nito ay isang malaking charity gala na siya mismo ang nag-organisa para sa mga pamilyang biktima ng corporate fraud at pang-aabuso.Huminga siya nang malalim, dinadama ang malamig na tela ng kanyang suot na midnight blue silk gown na siya mismo ang nagdisenyo. Kumikinang ang mga maliliit na brilyante na nakaburda sa laylayan nito sa bawat paggalaw niya. Dati, isa lamang siyang simpleng babae na umiiyak sa labas ng isang maliit na café matapos mawalan ng trabaho, pilit na iniisip kung paano babayaran ang nagtataasang utang ng kanyang ama. Ngayon, isa na siyang respetadong fashion designer, isang pilantropo, at
Puti. Iyon ang unang kulay na bumungad sa paningin ni Alessandra nang dahan-dahan niyang imulat ang kanyang mga mata. Kasabay ng pagbabalik ng kanyang diwa ay ang mahinang pag-ilaw ng mga makina at ang pamilyar na amoy ng isang malinis at eksklusibong hospital suite.Pakiramdam niya ay tumakbo siya ng ilang milya nang walang pahinga. Mabigat ang kanyang buong katawan, manhid ang ibabang bahagi nito, at ang kanyang lalamunan ay tuyong-tuyo. Ngunit bago pa man siya tuluyang makabalik sa reyalidad, isang mainit at nanginginig na halik ang dumampi sa kanyang pawisang noo.“You’re awake. Thank God, you’re awake.”Dahan-dahang inilingon ni Alessandra ang kanyang ulo. Nakaupo sa gilid ng kanyang kama si Patrick. Ang lalaking laging perpekto ang ayos, ang bilyonaryong hindi kailanman nakitaan ng gusot sa kanyang mga mamahaling suit, ay mukhang isang sundalong kakatapos lang sumabak sa pinakamabigat na giyera. Gusot-gusot ang suot nitong itim na t-shirt, magulo ang buhok, at nangingitim ang ib
Mabigat na ang bawat paghakbang ni Alessandra, ngunit hindi iyon dahil sa anumang problema, kundi dahil sa siyam na buwang sanggol na dinadala niya sa kanyang sinapupunan. Ang Blackwood Mansion ay naging mas tahimik at mas maingat kaysa rati. Pinalitan ni Patrick ng malalambot na carpet ang lahat ng pasilyo, tinanggal ang anumang muwebles na may matutulis na gilid, at literal na ginawang isang malaking safety bubble ang kanilang tahanan.Nakasandal si Alessandra sa isang maluwang at malambot na recliner sa loob ng kanilang master bedroom. Hawak niya ang isang libro, ngunit ang buong atensyon niya ay nakatutok sa asawang nakaupo sa tapat ng silid.Dinala ni Patrick ang buong executive desk nito sa loob ng kanilang kwarto. Nakasuot ang bilyonaryo ng isang simpleng itim na t-shirt at sweatpants, ang isang kamay ay nagta-type sa laptop habang ang isa ay may hawak na cellphone na nakadikit sa tainga nito. Seryoso ang mukha nito, ang madilim na mga mata ay nagbabanta ng kapangyarihan habang
Maingay, magulo, at punong-puno ng tensyon ang backstage ng pinakamalaking fashion hall sa buong siyudad. Halo-halo ang amoy ng hairspray, mamahaling pabango, at kape habang nagmamadaling nagpapalit ng damit ang mga nagtataasang modelo.Sa gitna ng lahat ng kaguluhang iyon, nakatayo si Alessandra. Mahigpit niyang hawak ang isang maliit na sewing kit habang mabilis at maingat na inaayos ang laylayan ng isang kumikinang na emerald gown sa isa sa kanyang mga lead models.“Okay na ito. Perfect,” hingal na bulong ni Alessandra bago umatras nang dalawang hakbang.Pag-atras niya ay awtomatikong napahawak siya sa kanyang ibabang likod. Anim na buwan na ang kanyang tiyan, at ang umbok nito ay halatang-halata na sa ilalim ng suot niyang simpleng black maternity dress. Kahit na ipinagbawal na ni Patrick ang pagtayo niya nang matagal, hindi niya maiwasang maging hands-on dahil ito ang pinakaunang fashion show ng Alessandra Rivera-Blackwood Label.“Ma'am, five minutes na lang po bago mag-umpisa an







