KANINA ko pa hinahanap si Omeng ngunit hindi ko ito makita. Naiinis akong bigla na lang itong naglaho sa tabi ko. Ang paalam lang nito kanina ay magbabanyo pero hindi na bumalik. Anyway, since nandito na rin lang ako ay kailangan kong samantalahin ang pagkakataong ito para makipagpalitan ng mga bagong ideas at kuro-kuro upang mas lalo ko pang mapalago ang aming mga negosyo.Hindi naman kasi natatapos ang pag-aaral sa unibersidad lamang. Marami rin akong natutunan sa pakikisalamuha sa mga more experienced at matatalinong mga tao. Pero hinahanap ng mga mata ko si Omeng kaya napasimangot ako nang makita kong may kausap itong isang magandang babae.Ang bilis naman talaga ng lalaking ito.Ewan kung bakit naiinis ako lalo pa at nakikita kong nakikipagtawanan ito sa babae na parang matagal na matagal nang magkakilala. Enjoy na enjoy, may pabulong-bulong pa sa isa't-isa ang mga ito. Dumilim ang mukha ko.Lalapitan ko sana ito pero baka naman magmukha akong masyadong clingy kaya muli ko
INVITED KAMI SA EVENT na inorganisa ng pamahalaan bilang isa sa pinakamalalaking corporations ang aming negosyo. Taon-taon ay kasama ko si Daddy na dumadalo sa mga ganitong pagtitipon. Of course maraming mga foreign investors kaming nakikilala na nakakatulong upang mas lalo pang lumago ang aming networks and connections kaya never namin itong pinalalampas ni Daddy.But this time, since nagpapalakas pa si Daddy ay naisipan kong si Omeng ang isama ko. Siguro ay paghahanda na rin ito kay Omeng para masanay itong makihalubilo sa mga matataas na tao dahil tatlong buwan ko rin itong magiging 'asawa.'Hindi naman ako nahihiyang ipakilala si Omeng sa mga associates ko bilang 'asawa.' Alam kong maraming magtataas ng kilay. Pero hindi ko na kailangang intindihin pa ang sasabihin ng ibang tao. Ang mahalaga ay maisakatuparan ko ang goal ko.Isang off shoulder black gown ang suot ko na tinernuhan ko lang ng malaking pearl earrings. Ang buhok ko ay itinaas ng aking hair stylist. Sinadya na
BRIDGETTE'S POV:NANGANGATAL AKO SA GALIT habang hinihintay ko si Rodrigo na umuwi ng bahay. Kanina ko pa ito tinatawagan ngunit hindi nito sinasagot ang tawag ko. Marami itong kailangang ipaliwanag sa akin. Nuong una ay masaya naman ang pagsasama namin. Ngunit nang malulong ito sa sugal ay unti-unti na itong nagbabago ng pakikitungo sa akin. Para tuloy gusto kong pagsisihan na iniwan ko ang aking pamilya alang-alang dito.Nagbago na ang lahat kay Rodrigo. Para pa ngang ayaw na nitong bumalik sa Amerika, mas gusto pa nitong ubusin ang oras sa sugal. Unti-unti nang nalulugi ang aming mga negosyo at kailangan ko ang pamilya ni Enrico para maisalba ang lahat.Ngunit alam kong hindi basta-basta ganun kadali iyon. Tuso rin si Enrico pagdating sa pera kaya gagamitin ko si Pamela para mapaikot ko ang lalaking iyon sa aking mga kamay.Obvious namang nagustuhan ni Enrico si Pamela. Hindi ako nagkamali. Pero sagabal ang hampas lupang lalaki na iyon sa lahat ng aking mga plano. Naning
NAPATAAS ANG BOSES KO SA SINABI NI OMENG. "Ang linaw naman na pumayag ka nang magpanggap at magpakasal sa akin. Three months lang naman tayong kasal. Bakit nagbago na naman yang utak mo?" Pinipigilan kong manggigil sa galit dahil baka mas lalo pa itong matrigger kaya kailangan ko ng konting pasensya, "Ang labo mo naman Omeng. Wala kang isang salita.""Ikaw ang malabo!" Nakalimutan yata ni Omeng na ako ang boss niya, kung mataas ang boses ko ay mas mataas ang boses nito nang magsalita, "Gusto mong magpakasal tayo at magpanggap na mag-asawa pero hayan at nakikipag-date ka dun sa lalaking iyon!" Parang totohanan na ang relasyon namin kung makaasta ito ngayon.Kung hindi ko nga lamang kilala si Omeng, iisipin kong pinagseselosan nito si Enrico. Pero knowing Omeng, humahanap lang ito ng rason para makapag-back out sa offer ko."Ang galing mo rin namang lumusot eh. Ikaw nga etong nakikipag-date sa babaeng iyon pagkatapos sa akin mo ipapasa ang kasalanan mo!" Singhal ko dito maya-maya
BAHAGYA AKONG NATIGILAN nang paglabas ko ng elevator ay makita ko si Omeng kasama ng isa sa aking mga empleyado. Pasimple kong sinipat ang babae. Maganda ito. Simple lang ang beauty pero kung maayusan siguro itong mabuti, lulutang pang lalo ang ganda nito. May kahawig itong artista na madalas nakikita ko sa mga pinapanuod na soap opera ni Yaya Luring. Judy Ann ba ang pangalan nuon? Hindi naman kasi ako nanunuod ng mga soap opera kaya hindi ko sure ang pangalan ng artista. Naririnig ko lang tumitili si Yaya Luring or nagmumura at nagsasabing "Ang tanga-tanga mo naman Judy Ann. Nasa harap mo na ang diary, hindi mo pa rin makita."Mabilis akong naglakad palabas ng elevator at umiwas ng tingin sa mga ito. Naririnig kong nagkwekwento si Enrico pero waring lumalabas lang sa kabilang tenga ang mga sinasabi nito. Nililigawan ba ni Omeng ang babaeng iyon?Ilang beses ko na ring nakitang magkasama ang mga ito. Baka nga may ugnayan na ang dalawa. Or baka nanliligaw pa lang si Omeng d
OMENG'S POV:"NAKITA MO BA IYONG MGA ROSES NA ipinadala ng isa sa mga suitors ni Boss? Ang gaganda, pangarap ko ring makatanggap ng ganun pero alam kong mahal iyon eh wala naman akong mayamang manliligaw!" Sabi kaagad ni Tiffany nang magkasabay kami sa elevator patungo sa canteen. Lunch break iyon at hindi pa ako nakakaakyat sa private office ni Pamela since ako ang nagbantay pansamantala kay Don Modesto sa ospital kanina. "Kelan mo kaya ako mabibigyan ng ganung mga flowers, ha Rommel?" Tila nagbibiro pang tanong nito sa akin.Napangisi lang ako kay Tiffany. Matamlay na ako nang lumakad papasok sa loob ng canteen. Ewan pero nawalang bigla ang gutom ko. Kung hindi nga lamang nakakahiya kay Tiffany ay hindi na ako sasabay ditong kumain, sa halip ay didiretso na ako sa opisina ni Pamela.Parang nawalan na ako ng ganang kumain. Ni hindi ko nga naubos ang isang rice na in-order ko. Natawa si Tiffany nang mapansin iyon, "Me sakit ka ba? Usually nakakadalawang tasa ng rice ka, at saka