Share

Someone Is Secretly In Love With You
Someone Is Secretly In Love With You
Author: Michelle Vito

CHAPTER 1

Author: Michelle Vito
last update Last Updated: 2025-07-28 05:01:03

SINADYA ko talagang higpitan ang pagkakahawak sa braso ni Omeng habang nakangising ipinapakilala ito kay Mommy.  Nakita kong biglang nagdilim ang mukha ni Mommy, hindi maitago ang pangangatal ng mga kamay nito habang pinapasadahan ng tingin ang lalaking kasama ko mula ulo hanggang paa.  Lihim akong napangiti.  Samantalang ramdam ko ang kaba ni Omeng.  Kung ito lang ang masusunod, kakaripas na ito ng takbo palabas ng mamahaling restaurant.

Ibinalik ko ang atensyon ko kay Mommy habang lihim akong natatawa.

Obvious namang minumura na ni Mommy sa utak nya ang lalaking kapit ko sa braso, itsura pa lang ng pananamit ni Omeng ay hndi na papasa sa socialite kong ina.  Ano pa kaya kapag nalaman nyang nagtatrabaho bilang body guard/ secretary ko si Omeng?

Well, ito naman talaga ang reason kung bakit ko pinagpanggap na ‘boyfriend’ si Omeng.  Gusto kong magwala sa galit si Mommy.

Gusto kong kahit na paano, makabawi man lang ako sa lahat ng sakit na ginawa nya sa akin nuong pinili nyang iwan si Daddy at sumama sya sa ibang lalaki.

So far, ‘civil’ naman sina Daddy at Mommy sa isa’t-isa.  Ewan ko ba kay Daddy kung bakit napakabilis nakapag-move on at nakahanap kaagad ng girlfriend samantalang ako, fifteen years na ang nagdaan pero hanggang ngayon, sariwang-sariwa pa rin sa isip at puso ko ang araw na nagpuntang Amerika si Mommy kasama ng nuon ay kalaguyo pa lamang nito.  Ang lakas ng palahaw ko.  Almost two weeks akong hindi pumasok sa school.

Hindi na rin nabalik ang dating sigla ko.  Hindi ko na yata muling mararamdaman iyon lalo pa at punong-puno pa rin ng galit ang dibdib ko.  Paano kaming nagawang ipagpalit ni Mommy sa business partner ni Dad?

She is an evil woman.

Walang matinong babae ang sasama sa ibang lalaki lalo pa at napakabait naman ni Daddy dito.  My dad is a good provider.  Ano pa bang hahanapin nya kay Daddy eh lahat naman ng luho, sunod-sunuran ito?  Oo, twenty years ang gap nila sa isa’t-isa.  My dad was already in his forty’s when he married my Mom.  Samantalang si Mommy, ninteen years old pa lang ng mga panahong iyon.  Pero ginusto naman ni Mommy iyon.  In fact sa esatdo ni Daddy, maraming naghahabol ditong mga babae.  Kung tutuusin, hindi nga sila ‘bagay’ dahil galing lang sa mahirap na pamilya si Mommy.

Ginamit lang nito ang ganda para makaahon sa kahirapan.

Pero hindi pa rin ito nakuntento.  Nang magkaroon ng pagkakataon at nakuha na nito ang gusto kay Daddy, hayun at tinakasan na kami nito at sumama sa mayaman rin at mas batang kasosyo ni Daddy sa ilan nitong mga negosyo.  Ninong ko pa sa binyag.

Parang dinurog ang puso ko nang makalipas ang ilang buwan ay napawalang bisa ang kasal nina Mommy at Daddy at tuluyan na itong nagpakasal kay ‘Tito Rodrigo.’ Hanggang ngayon ay abot langit ang galit ko sa lalaking iyon na naturingan pa namang isa sa mga Ninong ko sa binyag.

“Saan mo nakilala ang lalaking yan?” Nakataas ang kilay na tanong sa akin ni Mommy, kulang na lang ay duraan nya sa mukha si Omeng, parang diring-diri ito lalo pa at napansin nitong pudpod na ang sapatos na suot-suot nito at halatang mumurahing brand.

Knowing mom, alam kong number one na tinitingnan nito ay ang estado ng pamumuhay ng isang tao.

As if naman hindi rin ito nanggaling sa hirap.

“Hindi nyo na kailangang malaman pa kung saan ko sya nakilala,” matabang na sagot ko dito. “Besides simula naman ng umalis ka at sumama sa lalaking iyon, para nyo na ring tinapos ang pagiging ina sa akin,” dagdag ko pa, hindi ko maitago ang sakit na nararamdaman ko magpahanggang ngayon.  Hindi na nga yata maghihilom pa ang sugat na gawa ni Mommy dito sa puso ko.

“Pamela,” akmang hahawakan ako ni Mommy pero mabilis akong umiwas sa kanya at tinigasan ko ang mukha ko para pigilan ang mga luhang kanina pa gustong kumawala sa mga mata ko.

Ayokong umiyak sa harap ni Mommy ‘no?

Never kong ipapakita sa kanya ang kahinaan ko.

“Ahh Ma’m, gusto ko lang pong. . .” Narinig kong sabi ni Omeng. Kung hindi ko pa ito tinapakan sa kaliwang paa ay baka magtuloy-tuloy ito sa pagsasalita at aminin kay Mommy ang katotohanang nagpapanggap lamang sila.

Pinilit ko lang naman si Omeng na magkunwaring boyfrend ko.  Halos makiusap nga ito sa akin na huwag ko ng ituloy ang plano ko.

Pero tinakot ko sya.

Ang sabi ko, tatanggalin ko sya sa trabaho kapag hindi siya pumayag na maging ‘boyfriend ko’ for three months habang nandito sa Pilipinas si Mommy.

Natatandaan ko pa ang naging conversation namin ni Omeng kahapon. . .

“Anak ng teteng, bakit ako? Bodyguard mo nga lang ako nuong una, pero ginawa mo na rin akong assistant secretary mo, ngayon gusto mo pa akong dyowain?” Tumaas ang boses ni Omeng habang nagproprotesta ang anyong nakatingin sa akin.

“Excuse me! Don’t flatter yourself too much!  Magpapanggap ka lang na boyfriend ko, as in fake relationship,” Giit ko habang tinitingnan ito mula ulo hanggang paa, “Wag kang assuming!” May tono ng pagkamalditang sabi ko.

“Eh bakit nga ako, may makukuha ka namang ibang pwedeng magpanggap na boyfriend mo?” Matiim na tanong nito sa akin.

Bahagya pa itong lumapit sa akin habang nakapamewang.

Napangisi ako habang natatawa sa mannerism ng lalaking ito.  Wala pang isang buwang nagtratrabaho sa akin si Omeng bilang body guard ko.  Hindi ko alam kung saan ito nakuha ni Daddy.  Hindi ko rin alam kung bakit gustong-gusto ito ni Daddy at parang anak ang turing dito.  At last week nga, hindi na lamang ito isang body guard ko.  Ito na rin ang kinuha ni Daddy na pumalit bilang secretary ko nang magresign ang dati kong sekretarya.

Bwisit ako kay Omeng sa totoo lang.  Kung umasta kasi ito minsan, parang hindi man lang nangingilag sa akin samantalang ako ang amo nito.  Madalas pa nga ay may pagka-bossing ito na akala mo ay kung sino.

“Why not?” sabi kong tiningnan ito mula ulo hanggang paa, “Ngayon pa lang sinasabi ko na saiyong hindi ka magugustuhan ni Mommy. . .”

“Ah, gusto mong galitin ang nanay mo!  At iniisip mong ako ang gagamitin mong paraan para magwala sya sa galit, ganun ba?”

Tumango ako.

Tinalikuran ako ni Omeng, akmang magwo-walk out na, “No way! Over my dead body!” malakas ang tinig na sabi pa nito sa akin.

“Talaga lang ha? Eh kung tanggalin ko kaya sa trabaho lahat ng maid ko especially si Yaya Luring!” Nanakot ang himig na sagot ko sa kanya.

Napabalik ito, “Bakit kailangang idamay mo sila dito?”

“At bakit ang hindi?” Nakataas ang kilay na sabi ko.

“Talaga bang ganyan ka? Wala ka man lang. . .”

“Puso? Oo, wala ako nun!” ani ko.

Huling-huli ko talaga ang weakness ng lalaking ito.  Hindi naman magkaano-ano sina Omeng at Yaya Luring.  Pero alam kung parang isang tunay na ina na ang turing nito sa matanda niyang yaya.  Well, ganuon din naman ako.  Para nang ina ang turing ko kay Yaya Luring lalo na nang iwanan ako ni Mommy at siya lang ang madalas kong iyakan ng mga panahong iyon.

Bluff ko lang naman kay Omeng na tatanggalan ko ng trabaho si Yaya Luring sa oras na tumanggi ito sa alok niya.  Of course hindi ko magagawa iyon sa matanda.  Pero mukhang effective ang pananakot ko.  Bumigay rin si Omeng sa wakas.

“Okay, okay. Pumapayag na akong maging boyfriend mo for three months.  Pero sa isang kondisyon?”

Nangunot ang nuo ko.  Nagtatanong ang mga mata ko. Pabuka na ang bibig ko nang muli itong magsalita.

“Hayaan mong ako ang magpatakbo ng relasyong ito!” sagot nito sa akin.

MAHABA-HABA RIN ANG NAGING DISKUYON namin ni Omeng kagabi bago ako napapayag sa kondisyon nya.  Three months lang naman eh.  In fairness, guwapo si Omeng.  Kung magbibihis nga lamang ito ng maayos, mapagkakamalan mo itong modelo.

Ang kisig ng pangangatawan at halatang batak sa trabaho kaya malaki ang mga muscles.  Matangkad din at makinis ang morenong kutis.  Namula ang mukha ko nang magtama ang paningin namin mula sa rear view mirror habang nagmamaneho na itong pauwi at sa unahan rin ako naupo para hindi kami pagtakhan ni Mommy.  Mabilis akong umiwas ng tingin at isinandal ko ang ulo ko sa passenger’s seat.  Hindi naging maganda ang inuwian ng pag-uusap namin ni Mommy.

Sabagay, palagi naman na kaming nagtatalo at nag-aaway pagkatapos ng mga nangyari.

Wala ng bago.  Pero mas intense this time dahil naging very vocal ito maski sa harapan ni Omeng na hindi niya ito gusto para sa kanya.  Ang sagot ko, ‘ako ang may katawan at ako ang makikisama sa kanya, hindi kayo!  Nakalimutan nyo na yatang fifteen years ago, inalis nyo na ang karapatan bilang nanay ko.  Nakikipag-ugnayan lang ako sa inyo ngayon dahil sinusunod ko ang utos ni Daddy. No more, no less!’

POV NI OMENG OR ROMMEL JAMBOY SA TOTOO NITONG PANGALAN:

MAGANDA si Pamela Morales.  Me topak nga lang madalas.  Pero hindi ko naman siya masisisi kung maging ganun man ang pakikitungo nito sa ina.  In fact nakakarelate ako sa kanya dahil halos pareho kami ng sitwasyon.  Kaya nga ako naglayas dahil sa ginawa ng tatay ko.  Huminga ako ng malalim at muli kong itunuon ang pansin sa pagmamaneho.

Kasagsagan ng traffic sa Edsa, maya-maya ay tumunog ang cellphone ko.  Hindi ko ugaling sumagot ng tawag kapag nagmamaneho lalo pa at kasama ko ang amo ko.  But since traffic naman at nakahinto ang sasakyan, sinagot ko na rin ito.

“Criselda!” Napalakas ang boses ko, nakita kong bumaling sa akin ng tingin si Pamela, hininaan ko na ang boses ko, “Criselda, napatawag ka?”

Kaibigan ko si Criselda.  Nakilala ko canteen na kauna-unahang pinagtrabahuhan ko nuong naglayas ako.  Fourteen years old pa lang ako nuon.  Ang tagal na pala naming magkaibigan ni Criselda dahil magtwe-twenty five years old na ako sa darating na Friday.

“Anong plano mo sa Friday? Labas tayo, ako ang taya!” Sabi ni Criselda sa akin.

Napakamot ako sa ulo.  Last week ay nagyaya rin itong lumabas pero hindi ako pwede dahil may pinuntahan kami ni Pamela.

“Naku, pasensya na, hindi ako pwede this coming Friday.  Alam mo naman ang amo ko, daming ganap sa buhay,” sinabi ko iyon nang halos pabulong lang pero mukhang narinig ni Pamela kaya bahagya itong napasimangot nang sulyapan ko sa rear view mirror.

Cute ito kapag sumisimangot.  Sabagay, kahit naman anong facial expression nito, maganda pa rin.  Katipo ang beauty nito ni Liza Soberano na may halong Kristine Hermosa.  Nagblush ako nang mahuli nitong nakatingin ako sa kanya kaya mabilis kong ipinaling ang mga mata ko sa phone ko, hindi sinasadyang napindot ko ang camera kaya nakita ko ang mukha ni Criselda.

Pero bago pa ito makapagsalita ay ini-off ko na ang phone ko dahil nagsimula nang umandar ang trapiko.

“Girlfriend mo?” Narinig kong tanong ni Pamela.

Hindi ko sya sinagot.  Manigas sya sa curiousity.  Hindi niya kailangang malaman ang personal kong buhay as long as ginagawa ko ng maayos ang trabaho ko.

Nagkibit ito ng balikat, “Alam ba nya iyong usapan natin? Nagpaalam ka ba sa kanya?” Tanong nitong muli.

Iniisip siguro ni Pamela na girlfriend ko nga si Criselda kaya sinakyan ko na lang ang naiisip nya, “Hindi ko na kailangang magpaalam sa kanya. Very secure sa akin si Criselda kaya hindi iyon magseselos lalo pa at kunwari lang naman itong satin.”

“G-good,” iyon lang ang sabi nito saka natahimik na.  Ako naman ay nagconcentrate na lang sa pagmamaneho.  Napaisip ako, ano kaya kung totohanin namin ni Pamela ang relasyon namin?

Parang may bumara sa lalamunan ko.  Tiyak na sakit lang ng ulo sa akin ang babaeng tulad ng isang to!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Someone Is Secretly In Love With You   CHAPTER 78

    OMENG’S POV:NAGPATAWAG ng dinner si Papa dito sa kanyang mansion sa Manila. Present ang aking madrasta, at ang dalawang anak nito na si Jay at si Lovely.Civil lang kami ng aking step mom, while si Lovely ay malapit sa akin at wala naman akong masamang tinapay dito.Pero as usual, mailap pa rin kami ni Jay sa isat isa at ni hindi nga ako nito tinitingnan man lang kahit na nasa iisang mahabang dinner table lang naman kami.Si Clarisse naman ay komportableng nakikipag usap sa aking madrasta. Pansin kong very close ang dalawa, in fact ay kinagigiliwan ng mga ito ang isa’t isa. Anyway, mabuti na rin iyon kahit sa totoo ay wala naman iyong bearing na sa akin lalo pa at matabang na rin naman si Papa makitungo kay Madela.Nasa kalagitnaan ako ng pakikipagdiskusyon kay Papa tungkol sa mga pagbabagong gagawin ko sa kompanya nang magsalita si Clarisse at itinaas ang kopita ng alak, “Cheers!”Nangunot ang nuo ko. Ngumiti ito sa akin, “We’re having a baby soon!” anunsyo nito. Napansin kong nabit

  • Someone Is Secretly In Love With You   CHAPTER 77

    Napilitan akong ipagtapat kay Omeng ang lahat, “Dahil sa matinding galit ko kay Mommy, I hired you to pretend as my fiancé. Nagkunawa rin tayong mag asawa ng mga ilang buwan. . .hanggang sa hindi ko na kayang magkunwari. And then the plane crash happened.”Tahimik lang si Omeng habang nakikinig sa kwento ko. Waring tinatantiya ang katotohanan ng mga sinasabi ko. Well, bahala na ito kung paniniwalaan ako or hindi. Ang mahalaga ay nasabi ko na dito ang lahat. Kahit paano ay naibsan ang bigat ng dinadala ko.Maya maya ay narinig ko itong nagsalita. “Hindi na ito kailangan pang makarating kay Clarisse. Malinaw naman saiyo ang estado ng relasyon namin, hindi ba?” Sabi nito. “Kung may nakaraan man tayo, nakaraan ng lahat iyon, maliwanag ba?”May pait sa mga labing napangiti ako, “Wala naman akong balak umepal sa inyo. Kung ako nga lang ang masusunod, hindi ko na sana sasabihin ang totoo. Ang gusto ko lang naman, makaoagtrabaho ng maayos at walang gulo.”Tumango ito. Pagkatapos niyon ay hin

  • Someone Is Secretly In Love With You   CHAPTER 76

    HINDI ko mapigilan ang aking sarili. Maraming mga alaala ang sumasagi sa akin kung kaya’t para ng gripo ang mga mata ko sa patuloy na pagdaloy ng aking mga luha. God, I miss this man so much.“Miss Morales?” Hinawakan nito ang mukha ko at matiim akong tinitigan.“Sir. . .” Gusto kong itanong dito kung may naalala ba ito kahit kaunti lang pero alam kong kalokohan lang iyon. Alam ko na naman ang sagot.“I’m sorry. Mukhang aabutin tayo ng magdamag dito,” sabi nitong bumuntong hininga ng malalim.Napakagat labi ako saka helpless na sumalampak sa sahig dahil nanakit na ang mga binti ko. Gumaya sa akin si Omeng.“Miss Morales,” tila may gusto itong sabihin ngunit bakas ang pag aalinlangan sa mukha nito. “Pamilyar sa akin ang. . .pangalan mo. Gusto ko lang malaman kung. . .kung nagkakilala na ba tayo dati?” Mahinang tanong nito.Muli akong kinabahan habang pinag iisipan ko kung ano ang isasagot ko. Sa huli, pinili ko na lamang ikubli ang katotohanan.It’s no use.Hihintayin ko na lamang ang

  • Someone Is Secretly In Love With You   CHAPTER 75

    NAG IMPAKE na ako ng mga gamit ko dahil oras na para umuwi. Sobrang pagod na ako dahil five hours din akong nag overtime. Wala akong gustong gawin ngayon kundi ang magpahinga. Nasilip ko si Omeng na may kausap pa sa phone. Lumabas na ako ng opisina. Papasok na ako sa elevator nang makita ko itong palabas na rin at humabol sa pagsakay sa elevator. May awkwardness akong naramdaman dahil masyadong maliit ang elevator para sa aming dalawa. Feeling ko pati kaluluwa ko ay basang bass nito lalo pa at napakalinaw ng reflection ng elevator. Kahit nakatalikod ako ay nakikita ko pa rin sya and vice versa. Pinipilit kong magtrabaho ng tahimik at huwag paapekto sa presence nito pero may mga pagkakataong gaya nito na nakokorner ako.Ang hirap magpanggap lalo pa at palaging nanunumbalik sa aking mga alaala ang maiksi naming pinagsamahan.Nasasaktan ako sa katotohanang paulit ulit ko man iyong balikan sa aking mga alaala, ang realisad ay isa na lamang itong nakalipas. Kumabog ang dibdib ko nang magta

  • Someone Is Secretly In Love With You   CHAPTER 74

    PAPASOK na ako sa trabaho nang masalubong ko ang isang lalaki palabas ng building. Bahagya itong napahinto nang makita ako na waring kinikilala kung sino ako saka kibit balikat na nagpatuloy na sa paglalakad. Napakunot nuo rin ako dahil pamilyar sa akin ang mukha ng lalaki, hindi ko lang matandaan kung saan ko ito nakita.Nang makasakay na ako sa elevator ay tumunog ang aking phone. Si Omeng ang nasa kabilang linya, “Sir?”“Are you on your way to the office?” Tanong nito sa akin.“Yes, Sir. . .”“Pwede bang iorder mo muna ako ng bouquet for Clarisse. Any flowers will do as long as they are beautiful. It’s our anniversary at muntik ko nang makalimutan.” sabi nito sa akin.“Okay, Sir.”OMENG’S POV:SERYOSO ang naging usapan namin ni Papa. Pinipilit na nito akong pakasal kay Clarisse. Palagay ko rin naman ay tama ito. Gusto ko na rin itong mabigyan ng apo. My father is not getting any younger. At alam kong si Clarisse ang babaeng para sa akin. Bukod sa boto dito si Papa and vice versa, k

  • Someone Is Secretly In Love With You   CHAPTER 73

    OMENG’S POV:HAWAK ni Pamela ang isang mamahaling bag, habang masusi nito iyong pinagmamasdan. Biglang sumagi sa isip ko ang lalaking kasama nito sa restaurant. Alam kong hindi maganda ang manghusga, pero nababawan ako sa mga babaeng masyadong mahilig sa materyal na bagay lalo pa at kung hindi mo naman afford ang bagay na iyon. Iyong mga babaeng kinakailangan ng isang lalaking makakapitan para lang sa matayog na pangarap.But it’s none of my business. Huminga ako nang malalim at mabilis ko na itong tinalikuran. Bakit ko nga ba ito pag aaksayahan ng panahon?Sumakay ako sa elevator. Sa pinakatuktok ng mall ay mayroon akong malaking opisina. Under renovation pa lamang ito kung kaya’t hindi ko pa ito nagagamit sa ngayon.Sumilip lang ako dito. Pero biglang sumakit ang ulo ko. Sobrang sakit na para akong mabubuwal. Nagpahinga lang ako ng kaunti saka sumakay na ulit pababa ng elevator.Napapikit ako. Waring may mga alaalang bumabalik sa isipan ko pero ang labo.Ni hindi ko maintindihan an

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status