PAGKARATING ko sa bahay ay saka ko lang napansin ang mga missed calls ni Daddy. Napabuntong hininga ako ng malalim dahil panigurado kong nasabi na ni Mommy lahat dito ang mga nangyari.
Dumiretso ako sa library. Alam kong mga ganitong oras ay nakatambay na duon si Daddy at nagpapalipas ng oras para dalawin ng antok. Nakikinig lang ito sa mga paborito nitong opera songs habang nagbabasa ng aklat.
“Hi Daddy,” bati ko rito nang mabungaran ito sa paborito nitong pwesto, ang rocking chair. Kaagad nitong itinuklop ang binabasang libro. Ikinumpas lang nito ang isang kamay at tumahimik na ang tutog. High tech kasi ang library nila. Ipinasadya iyon ni Daddy para kahit mag-isa lang ito duon ay hindi na nito kailangang tumayo para buhayin ang ilaw or ang music nito.
Nilapitan ko si Daddy at humalik ako sa pisngi nito.
“Tinawagan ako ng Mommy mo, galit na galit. Ano na naman bang kalokohan ito, ha Pamela?” Matiim na tanong sa akin ni Daddy. “Sino iyong ipinakilala mong boyfriend sa kanya? Mas nauna pa nyang makilala ang lalaking yon kesa sa akin na kasama mo sa iisang bubong?” Himig nagseselos pang tanong nito.
“Relax dad,” nakatawang sabi ko sa kanya, “Si Omeng lang yun.”
Kumunot ang nuo ni Daddy, “Nobyo mo si Omeng?” Hindi ko alam kung natutuwa ito or nagagalit sa sinabi nya.
Para naman akong masusuka, “Hindi ah.”
“Hindi kita maintindihan. Bakit ipinakilala mong nobyo si Omeng sa Mommy mo?”
Nagkibit balikat ako, “Gusto ko lang mainis si Mommy sa akin. Pagbigyan nyo na ako Dad. Makaganti man lang ako.”
“Anak. . .”
“Dad, hindi biro sa pagkatao ko iyong lahat ng pain na dinulot sa akin ni Mommy kaya sa ganitong paraan man lang makabawi ako.”
“When are you going to forgive your mom? Gusto kong makawala ka sa nararamdaman mong galit sa kanya, para na rin sa ikabubuti mo iha,” paalala nito sa akin.
Ginagap ko ang mga kamay ni Daddy, “Dad, in my own pace and time. Pero hindi pa ngayon. Huwag nating pilitin ang isang bagay na hindi ko pa maramdaman. Malay mo, in due time, mapatawad ko na rin sya. Pero sa ngayon, hayaan nyo muna ako sa ganito, okay? Trust me Dad,” pagbibigay assurance ko kay Dad.
“Hindi ko alam iha. . .hindi ko alam. . .” Napapailing na sagot nito saka tumitig sa akin ng matiim, “Nakakapasong maglaro ng apoy,” makahulugang sabi nito sa akin. “Kaya hangga’t maari, tigilan mo na ang kalokohan mong ito.” Babala pa nito.
“Dad, please, hayaan nyo muna ako, this time.” Pakiusap ko dito.
Tumahimik na lamang si Daddy.
OMENG’S POV:
NAGULAT ako ng isang mahinang kamay ang dumapo sa balikat ko. Pagharap ko, nakita ko si Don Modesto Morales, matiim na nakatingin sa akin. Bigla akong ninerbyos. Palagay ko, nakarating na rito ang ‘kalokohan’ nila ni Pamela. Nilunok ko kaagad ang laway ko pero parang ayaw bumuka ng bibig ko.
Napakabait nito sa akin kaya hangga’t maari ay ayaw kong gumawa ng bagay na ikasasama nito ng loob.
“Sir. . .”
“May tiwala ako saiyo iho. Ikaw na bahala kay Pamela.”
Hindi ako makasalita. Akala ko ay katakot-takot na sermon ang aabutin ko dahil pumayag ako sa gusto ni Pamela na magpanggap na nobyo nito. Pero mukhang hindi naman ito galit. Ibig bang sabihin ay kinukunsinti nito ang anak? Or wala na lang magawa sa katigasan ng ulo ng babaeng iyon?
“Pasensya na Sir,” napapakamot sa ulong sagot ko sa matanda, namumula ang mukha ko habang nakatingin sa kanya, “Alam ko pong hindi ako karapat-dapat maging nobyo ng anak nyo. . .I mean k-kahit kunwari lang. . .”
“Wala kang dapat na ipaliwanag iho. Kung may mas nakakakilala kay Pamela, ako iyon! Pagbigyan na lang natin. . .nagtitiwala naman ako saiyo!” Iyon lang at tinalikuran na ako ng matanda.
Kaya ang gaan ng pakiramdam ko sa mansion na ito. May kasungitan si Pamela pero tinatalo iyon ng kabaitan sa akin ni Don Modesto Morales kaya kahit minsan ay napipikon ako sa babaeng iyon, hindi pa rin ako nagreresign bilang body guard nito.
Iyong hindi ko naramdaman sa tunay kong ama, naramdaman ko kay Don Modesto. Hindi man perpekto ang Mommy nito, at least ay nandito naman ang ama nito para punan ang mga naging pagkukulang ng ina nito. Hindi paris ko. Seven years old pa lang ako nang maulila ako sa ina. Nang mag-asawang muli ang tatay ko, parang naulila na rin ako sa ama dahil pinaboran na nito ang bago nitong pamilya at kinalimutan na ako.
Baka nga ni hindi man lang ako nuon hinanap nang maglayas ako. Napakuyom ang mga palad ko nang maalala ko ang pagmamaltratong dinanas ko sa madrasta ko nuong bata pa ako. At sa tuwing magsusumbong ako sa tatay ko, wala itong ibang pinapanigan kundi ang madrasta ko at ang mga bitbit nitong anak.
Hindi ko alam kung bakit nabubulag ang tatay ko sa sobrang pagmamahal sa madrasta ko kaya kahit naghuhumiyaw na ang katotohanan ay mas pinipili pa rin nitong maging bulag at bingi.
Fourteen years old ako nang maisipan kong wakasan na relasyon ko sa tatay ko. Nagpalaboy-laboy ako. Nakitira kung saan-saan hanggang mapapadpad ako sa isang canteen at namasukan. Duon ko nakilala si Criselda. Mabait sa akin ang pamilya ni Criselda. Itinuring nila akong parang isang tunay na kapamilya kaya naman hanggang ngayon kapag day off ko ay sa kanila ako tumutuloy. Matagal-tagal na rin pala akong walang day off dahil sa dami ng mga lakad ni Pamela. Okay na rin dahil triple naman ang sahod ko kapag hindi ako nagdi-day off.
Ahh, birthday ko nga pala sa Friday. Balak ko sanang magcelebrate kasama ng pamilya ni Criselda ngunit mukhang may ganap na naman si Pamela kaya hindi na lang ako nagplano.
OMENG’S POV:NAGPATAWAG ng dinner si Papa dito sa kanyang mansion sa Manila. Present ang aking madrasta, at ang dalawang anak nito na si Jay at si Lovely.Civil lang kami ng aking step mom, while si Lovely ay malapit sa akin at wala naman akong masamang tinapay dito.Pero as usual, mailap pa rin kami ni Jay sa isat isa at ni hindi nga ako nito tinitingnan man lang kahit na nasa iisang mahabang dinner table lang naman kami.Si Clarisse naman ay komportableng nakikipag usap sa aking madrasta. Pansin kong very close ang dalawa, in fact ay kinagigiliwan ng mga ito ang isa’t isa. Anyway, mabuti na rin iyon kahit sa totoo ay wala naman iyong bearing na sa akin lalo pa at matabang na rin naman si Papa makitungo kay Madela.Nasa kalagitnaan ako ng pakikipagdiskusyon kay Papa tungkol sa mga pagbabagong gagawin ko sa kompanya nang magsalita si Clarisse at itinaas ang kopita ng alak, “Cheers!”Nangunot ang nuo ko. Ngumiti ito sa akin, “We’re having a baby soon!” anunsyo nito. Napansin kong nabit
Napilitan akong ipagtapat kay Omeng ang lahat, “Dahil sa matinding galit ko kay Mommy, I hired you to pretend as my fiancé. Nagkunawa rin tayong mag asawa ng mga ilang buwan. . .hanggang sa hindi ko na kayang magkunwari. And then the plane crash happened.”Tahimik lang si Omeng habang nakikinig sa kwento ko. Waring tinatantiya ang katotohanan ng mga sinasabi ko. Well, bahala na ito kung paniniwalaan ako or hindi. Ang mahalaga ay nasabi ko na dito ang lahat. Kahit paano ay naibsan ang bigat ng dinadala ko.Maya maya ay narinig ko itong nagsalita. “Hindi na ito kailangan pang makarating kay Clarisse. Malinaw naman saiyo ang estado ng relasyon namin, hindi ba?” Sabi nito. “Kung may nakaraan man tayo, nakaraan ng lahat iyon, maliwanag ba?”May pait sa mga labing napangiti ako, “Wala naman akong balak umepal sa inyo. Kung ako nga lang ang masusunod, hindi ko na sana sasabihin ang totoo. Ang gusto ko lang naman, makaoagtrabaho ng maayos at walang gulo.”Tumango ito. Pagkatapos niyon ay hin
HINDI ko mapigilan ang aking sarili. Maraming mga alaala ang sumasagi sa akin kung kaya’t para ng gripo ang mga mata ko sa patuloy na pagdaloy ng aking mga luha. God, I miss this man so much.“Miss Morales?” Hinawakan nito ang mukha ko at matiim akong tinitigan.“Sir. . .” Gusto kong itanong dito kung may naalala ba ito kahit kaunti lang pero alam kong kalokohan lang iyon. Alam ko na naman ang sagot.“I’m sorry. Mukhang aabutin tayo ng magdamag dito,” sabi nitong bumuntong hininga ng malalim.Napakagat labi ako saka helpless na sumalampak sa sahig dahil nanakit na ang mga binti ko. Gumaya sa akin si Omeng.“Miss Morales,” tila may gusto itong sabihin ngunit bakas ang pag aalinlangan sa mukha nito. “Pamilyar sa akin ang. . .pangalan mo. Gusto ko lang malaman kung. . .kung nagkakilala na ba tayo dati?” Mahinang tanong nito.Muli akong kinabahan habang pinag iisipan ko kung ano ang isasagot ko. Sa huli, pinili ko na lamang ikubli ang katotohanan.It’s no use.Hihintayin ko na lamang ang
NAG IMPAKE na ako ng mga gamit ko dahil oras na para umuwi. Sobrang pagod na ako dahil five hours din akong nag overtime. Wala akong gustong gawin ngayon kundi ang magpahinga. Nasilip ko si Omeng na may kausap pa sa phone. Lumabas na ako ng opisina. Papasok na ako sa elevator nang makita ko itong palabas na rin at humabol sa pagsakay sa elevator. May awkwardness akong naramdaman dahil masyadong maliit ang elevator para sa aming dalawa. Feeling ko pati kaluluwa ko ay basang bass nito lalo pa at napakalinaw ng reflection ng elevator. Kahit nakatalikod ako ay nakikita ko pa rin sya and vice versa. Pinipilit kong magtrabaho ng tahimik at huwag paapekto sa presence nito pero may mga pagkakataong gaya nito na nakokorner ako.Ang hirap magpanggap lalo pa at palaging nanunumbalik sa aking mga alaala ang maiksi naming pinagsamahan.Nasasaktan ako sa katotohanang paulit ulit ko man iyong balikan sa aking mga alaala, ang realisad ay isa na lamang itong nakalipas. Kumabog ang dibdib ko nang magta
PAPASOK na ako sa trabaho nang masalubong ko ang isang lalaki palabas ng building. Bahagya itong napahinto nang makita ako na waring kinikilala kung sino ako saka kibit balikat na nagpatuloy na sa paglalakad. Napakunot nuo rin ako dahil pamilyar sa akin ang mukha ng lalaki, hindi ko lang matandaan kung saan ko ito nakita.Nang makasakay na ako sa elevator ay tumunog ang aking phone. Si Omeng ang nasa kabilang linya, “Sir?”“Are you on your way to the office?” Tanong nito sa akin.“Yes, Sir. . .”“Pwede bang iorder mo muna ako ng bouquet for Clarisse. Any flowers will do as long as they are beautiful. It’s our anniversary at muntik ko nang makalimutan.” sabi nito sa akin.“Okay, Sir.”OMENG’S POV:SERYOSO ang naging usapan namin ni Papa. Pinipilit na nito akong pakasal kay Clarisse. Palagay ko rin naman ay tama ito. Gusto ko na rin itong mabigyan ng apo. My father is not getting any younger. At alam kong si Clarisse ang babaeng para sa akin. Bukod sa boto dito si Papa and vice versa, k
OMENG’S POV:HAWAK ni Pamela ang isang mamahaling bag, habang masusi nito iyong pinagmamasdan. Biglang sumagi sa isip ko ang lalaking kasama nito sa restaurant. Alam kong hindi maganda ang manghusga, pero nababawan ako sa mga babaeng masyadong mahilig sa materyal na bagay lalo pa at kung hindi mo naman afford ang bagay na iyon. Iyong mga babaeng kinakailangan ng isang lalaking makakapitan para lang sa matayog na pangarap.But it’s none of my business. Huminga ako nang malalim at mabilis ko na itong tinalikuran. Bakit ko nga ba ito pag aaksayahan ng panahon?Sumakay ako sa elevator. Sa pinakatuktok ng mall ay mayroon akong malaking opisina. Under renovation pa lamang ito kung kaya’t hindi ko pa ito nagagamit sa ngayon.Sumilip lang ako dito. Pero biglang sumakit ang ulo ko. Sobrang sakit na para akong mabubuwal. Nagpahinga lang ako ng kaunti saka sumakay na ulit pababa ng elevator.Napapikit ako. Waring may mga alaalang bumabalik sa isipan ko pero ang labo.Ni hindi ko maintindihan an