"I'M sorry Enrico pero hindi ko ito matatanggap," sabi ko sa binata nang lumuhod ito sa akin at magpropose,"At ito na rin ang resignation paper ko.""Pamela," halata ang disappointment sa mukha nito, "Nagreresign ka?""Mas mabuti na ito. Ayokong isipin ng parents mo na sinasamantala ko ang kabutihan mo.""Pero pinagtratrabahuhan mo ang lahat ng tulong na ginagawa mo. At sorry kung makulit pa rin ako. Hindi naman kita pipiliting magpakasal sa akin kung ayaw mo. But please Pamela, stay in my company."Huminga ako ng malalim. Ayoko ng mainvolve pa kay Enrico or sinuman sa pamilya nito. Gusto kong magpalit ng enviroment lalo pa at pinag iinitan ako ng ibang mga katrabaho ko. Iniisip marahil nila na kaya ako nakakuha ng mataas na posisyon dito ay dahil malapit ako sa kusina. At posibleng totoo rin naman."Hayaan mong tumayo ako sa sarili kong mga paa," sabi ko sa lalaki, "Salamat sa lahat."Hindi na ako nagdalawang isip pa. Kung tutuusin, na kay Enrico na ang lahat ng mga katangiang hahana
Inimbitahan ako ni Mommy na magdinner sa bahay nila. Simula nang mamatay si Daddy ay pinilit ko ang sarili ko na kalimutan na lang ang lahat ng atraso sa amin ni Mommy. Naisip ko kasing siya na lang ang nag iisa kong magulang at maiksi lang ang buhay. Matanda na rin ito at baka pagsisihan ko pa kapag ito ang nawala. Iyong yaman, pwede ko pa sigurong maibalik iyon ngunit hindi ang panahon.Siguro rin ay pinag mature ako ng lahat ng naganap sa buhay ko. Ang dami kong realization simula nang mawala si Omeng hanggang sa mamatay si Daddy. Kaya unti unti ay binubuksan ko ang puso ko para sa aking ina. Isa pa, nakakatulong rin ito para kahit na paano ay gumaan ang dibdib ko."Hindi ba 100 thousand ang credit line ng. . .""Mommy, nakalimutan ko nga po palang sabihin sa inyo na nasagad ang card ko dahil pinaayos ko iyong bubong ng bahay ko," inunahan ko na kaagad si Mommy bago pa ito magtaka. Sa ngayon ay nakatira na lang ako sa isang maliit na bahay. Naibenta ko na kasi ang aming mansion par
OMENG'S POV:BATA pa lang ako ay crush ko na si Clarisse. In fact nuon pa ako nagpaparinig dito. Naudlot lang ang panliligaw ko nang maglayas ako sa amin. Ngunit nang magtungo ako sa Amerika, nagkaroon kami ng pagkakataong maging close dahil nagkataong nanduon rin ito para mag masteral.Hindi pa ako nakakapag propose kay Clarisse pero nagbabalak na akong alukin siya ng kasal. It's about time na lumagay na rin ako sa tahimik, I'm not getting any younger. Marami sa mga kaibigan at kaklase ko ay nagplaplano na ring bumuo ng pamilya. Besides, kinukulit na ako ni Papa na mabigyan ko siya ng apo. Ngayong nasa Pilipinas na ako, at natapos ko na ang kursong business management, siguro naman ay pwede na talaga akong lumagay sa tahimik. Naghahanap na nga ako ng singsing para makapagpropose na ako sa kanya."Iho, I'm glad na sinunod mo ang payo ko saiyong ipagpatuloy ang iyong pag aaral, "tuwang sabi ni Atty Mendez sa akin nang dumating ito sa aming mansion para umaattend ng welcome party para s
JAY'S POV:Hindi ko gusto ang pagbabalik ni Omeng lalo pa at waring nawala na ang dating pakikitungo sa akin ni Papa. Oo, alam ko namang hindi ako tunay na anak ni Don Raul Jamboy ngunit sa lahat ng sakripisyong ginawa ko, hindi ba dapat lamang na mas mahalin ako nito kesa sa tunay nitong anak na puros sakit lamang naman ng ulo ang ibinigay? Aba, marami akong karangalang ibinigay kay Papa. Simula pa nuong nag aaral ako ay napakarami kong medals. Never akong bumarkada kahit na kanino.At ngayong binigyan ako ni Papa ng katungkulan sa kompanya, wala akong ginawa kundi ang magtrabaho. Pagkatapos heto si Omeng, walang kahirap hirap na magiging CEO ng kompanya?Mabuti na lamang at marami rami na rin akong nailipat na pera sa aking pangalan na hindi alam ni Papa. Maingat akong magtrabaho. And I'll make sure na mapabagsak ko si Omeng at magbabalik muli sa dati ang lahat. Lumabas ako ng bahay. Hindi ako natutuwa sa pagiging abala ng lahat sa pagdating ni Omeng. Hah, bakit kailangan pang magpap
OMENG'S POV:LIMANG TAON, hindi ko namalayan ang paglipas ng mga taon. Nakalimang taon na pala ako sa Amerika para duon tapusin ang aking pag aaral. After ng plane crash, ang dami ng nabura sa mga alaala ko kung kaya't ipinadala ako duon ni Papa para magpagamot. Nagpasya rin akong magpatuloy duon ng aking pag aaral. At ngayong nakatapos na ako ay pinauwi na ako ni Papa para pamahalaan ang aming mga negosyo. Hindi pa rin maayos ang relasyon ko sa aking madrasta pero civil na kami sa isat isa. Napansin ko ring hindi na gaya ng dati ang pakikitungo ni Papa dito at sa mga anak nito. Muli rin ay nabalik ang closeness namin ni Papa. May ilang bahagi pa rin sa aking memorya ang hindi pa bumabalik. Sabi ng doctor, nagkaroon raw ng temporary trauma ang isang bahagi ng utak ko. Pero unti unti rin naman daw itong magbabalik kung kayat hindi ako dapat na mag alala. Sinadya lang daw ng utak kong makalimot bilang defense sa labis na sakit na pinagdaanan ko.Ni hindi ko nga matandaan ang tungkol sa
Halos paliparin ko ang aking kotse sa kahabaan ng Edsa para lang maabutan ko sa airport si Omeng. Tinatawagan ko ito sa phone pero nakapatay ata ang cellphone nito.Or nagpalit na ito ng numero.Kahit sa huling sandali man lang, maamin ko dito ang totoo. "Shit! Shit!" Paulit ulit na sambit ko habang naiipit ako sa traffic. Bakit naman ngayon pa kung kailan ako nagmamadali?Tuluyan na akong nawalan ng pag asa nang 4:30 pm na ay nasa Mandaluyong pa lang ako. Hindi ko na ito maabutan pa.Pero nagdrive pa rin ako patungong airport. One hour nang nakakalipad ang sinakyan nitong eroplano nang makarating ako sa airport. Napapaiyak ako. Pero madali ko namang masusundan si Omeng duon. Maliit lang naman ang Zamboanga para hindi ko ito mahanap. Hah, pagkatapos ng operasyon ni Daddy, pupuntahan ko si Omeng. Ilang araw na akong ganito kalungkot. Hindi ko pala kayang mawala si Omeng. Hinahanap hanap ko ang pag aalaga nito sa akin. Ang amoy nito, ang mga jokes nito. Ang mga yakap at halik nito.May