ANMELDENSomeone Like You
Chapter 2 Vanessa POV Nagtxt sakin kanina si Diane na ngayon daw ang interview ko sa papasukan kong trabaho. Kaya nagpunta agad ako sa mall, na pagmamay-ari nila. Kasama ko din si Zandro dahil alam mo naman tong si bakley hindi papakabog ang beauty. Pero minsan attracted talaga ako dito at ang mga ibang kababaihan kay bakla kasi kung tutuusin, kung hindi kami closed at mag kakilala. Lalaki ang makikita mo sa kaniya kasi hindi naman siya nag susuot ng mga pangbabae na damit eh. Kumaway kami nang makita namin si Dianne syempre ang meeting place namin kung nasaan ang favorite kong pizza. Pero ang pinagtataka ko bakit nasa labas lang yung mga tao lalo na ang mga kababaihan at si Dianne lang ang nandito sa loob. Naubusan ba sila ng stock ng pizza at pinalabas ang mga tao? Pero ang dami naman ng makakainan dito sa mall para tumambay pa sila dyan sa labas magdamag at maghintay lang ng pizza. Pagkaupo ko kumuha agad ako ng pizza at walang habas kong nilamon. "Babae! Baka gusto mo munang bumati kay Dianne bago lumupang at magpaka p.g dyan!" Sigaw ni bakla sa tenga ko kaya nahampas ko siya sa braso. "aufffsrgxdg!" Turo ko sa bunganga kong punong puno nang pizza. Lumingon ako kay Dianne at kumaway na lang. "Van, anyway are you ready na." Tumango tango ako at nag two thumbs up pa. Inabutan ako ni Zandro ng iced tea dahil alam niyang mabubulunan na ko.Pagkatapos kong uminom, nag burp ako nang malakas. Tumawa nang malakas si Dianne. "Nakakadiri talaga tong babae na to! Alam mo kung hindi lang kita friend matagal na kitang pina assassin. Kaloka ka eh parang hindi babae!" Nakapamewang niyang abot sakin ng tissue. "Nga pala Dianne my dear ano bang papasukin na trabaho nitong si Van? At bakit napakalaki ng sweldo?" Tumango tango ako, sabay susubo sana ng pizza pero napigilan agad ni bakla. Tinignan ko siya ng masama at nilakihain naman niya ko ng mata. Kaya binitawan ko na yung pizza at tinuon ang sarili ko kay Dianne nagiging blooming to simula nung palagi silang magkasama ni Jerome. "Madali lang Van. kailangan mong isakripisyo ang katawan at kaligayahan mo! " Nakangiting sabi ni Dianne sakin. Bigla kaming nagkatinginan ni Bakla. "What!/ ano!" Sigaw naming dalawa. Sabay takip sa Dyosa kong katawan. "Dianne alam mong h-hindi ko kaya ang ganiyang mga bagay. Alam kong isa akong Dyosang nilalang maharot, magaslaw at madaldal pero." Sabay tayo ko sabay pamewang at wave na parang pang Miss universe. " Isa pa din ako babaeng Filipina." Tumawa na naman ng malakas si Dianne. "Kung ano yung iniisip niyo, hindi ganon ang ibig kong sabihin, na magiging trabaho mo! " Tawang tawa niyang pagsasalita baliw na ba tong Babae na to?! "Huh? Eh ano?" Naguguluhang tanong ko sa kaniya. "Sabi mo kanina kaligayahan at katawan ko ang kailangang isakripisyo ko?" "Kasi nga katawan. Kasi kailangan mo yun dahil mabigat ang magiging trabaho mo. Kaligayahan dahil hindi mo magagawa ang mga dati mong ginagawa kapag nakapasok ka na dun. Pero wag mong alalahanin muna yun, kailangan makapasa ka muna sa audition." Seryoso na ang mukha niya habang sinabi yun medyo kinabahan ako. "Kailangan pang mag audition?!" Naiinis kong sabi. Bigla naman akong tinapik sa balikat ni Zandro. "Teka babaita! Kelan ka pa na tensyalisyus, kapag sa mga ganitong ganap! at yung pak na pak na talent mo! Don't forget! " Nakaka good vibes talaga tong si bakla. Kayat tumayo at pumewang ulit. "Okay. Van it's time to shine girl!" Tumayo din si bakla at namewang din. Umupo sa tabi ni Dianne si Zandro kumuha ng kutsara't tinidor binigay kay Dianne ang isa para gawin nilang mic. "Okay introduce yourself!" Agad agad sabi ni bakla. I clear my throat muna bago magsalita. " Hi! I'm Vanessa De Jesus! , I'm 23 years old! From dyan dyan lang sa tabi tabi! Na naniniwala na mabuti nang walang pera kesa maging Chaka! And I thank you!" Nag flying kiss pa ko at kumaway kaway sa tabi ko kahit walang tao. "Okay Miss. What is your talent?" Seryosong tanong ni Dianne. "Naku! Ms!" Hampas ko ang lamesa nila. " Hindi niyo po natatanong nag audition po ako para maging Hollywood stars, kaso hindi ko po pinagpatuloy kasi pina partner sakin si Brad Pitt at Tom Cruise eh .Choosy ako mam, kaya hindi ako tumanggap nang hundred offers!" Pagmamayabang na salita ko at ang dalawang gaga pinipigilan ang matawa. "Sige pakitaan mo kami. simulan mo sa pagsayaw." Confident ulit akong lumakad sa gitna at sumayaw kahit walang music kahit anong sayaw na lang. Natatawa ang mga taong nasa labas habang sumasayaw ako kasi kulang na lang mag split ako. Putek practice pa lang to pano na kaya sa totoong Audition. "Okay umarte ka naman!" Kinuha ko ang eye drops ko sa bag ko at nilagyan ko ang dalawang mata ko. Pero ano ba ang pakiramdam ng totoong may luha never ko pa kasing naranasan yun sa buong buhay ko. Nakakaramdam naman ako namg lungkot at pagkasawi sa mga nagiging boyfie ko o kaya sa buhay pero never pumatak ang luha ko. "Mudra!, Pudra! bakit niyo po ako iniwan. Huhuhu!" Hawak ko sa dibdib ko at unti unting umuupo habang ang mga balikat ko ay backward and forward pa ulit ulit. " Papano na po aketch! Wit ko pa naman pong mag-isa. Madami pa naman pong nahuhumaling na mga otoko sa prettiness kong katawan! Huhuhu! " pagka upo ko. Napatayo ako bigla ng may pumalakpak sa likuran ko. Pinunasan ko ang fake na luha sa mata ko hindi ako makagalaw. Grabe gusto kong matunaw sa kinatatayuan ko putcha limang Adonis ang nasa harapan ko. Putek sobrang yummy nila! Lumapit ako sa mesa namin at uminom. Nauhaw kasi ako hindi sa ginawa ko, kundi uhaw sa mga lalaking nasa harapan ko. Pumapalakpak sila sakin at natatawa pero maliban sa isa, na nakatingin lang sakin. Walang ka ngiti-ngiti at hindi mo mabasa kung ano ang iniisip. "You are hired. Tomorrow, go to my house and sign the contract." Napatalon ako sa tuwa, sabay suntok sa hangin. Tumalikod na siya, pero parang slow motion ang dating niya sa akin. Saka ko naalala yung lalaking nasa panaginip ko… Parang siya! Oo, siya nga! Hindi ko alam ang nangyari, pero lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang braso niya—na kinabigla niya, at kinabigla rin ng lahat nang humarap siya sa akin na may malamig na tingin. Tumingkayad ako. Hindi ko na namalayan, inabot ko ang batok niya at hinalikan siya sa labi. Saka ako nahimasmasan. Shit! Ano ‘tong nagawa ko?! Nang bibitawan ko na siya at ihihiwalay ang labi ko sa kaniya, kinabig niya ako sa bewang. Ang kinabigla ko pa, hinalikan niya ako ng mariin. Hindi ito ang first time kong mahalikan nang ganito, pero ang sarap sa pakiramdam—talagang nag-respond ako. Ang lambot ng mapupula niyang labi, ang sarap! Huminto kami nang biglang pumalakpak ang mga kaibigan niya at yung dalawang kasama ko. Para kaming binuhusan ng malamig na tubig sa ginawa namin. " Your taste is not good. Your lips too dry. See you tomorrow," sabi lang niya, tapos bigla na lang siyang tumalikod, parang walang nangyari. Grabe, ang pogi pa naman niya… kaso walang hiya! Nakakainis talaga!Someone Like You Final Vincent POV "Hindi ko alam kung paano sisimulan ang vow ko. Siguro hindi lang ako ang ganito, pati ang barkada ko," ani ko habang tumitingin sa apat na nakangiti at tumango sa akin. Ako nga ang unang nagkaanak sa kanila, pero sila ang nauna sa ganitong sitwasyon. Humarap uli ako kay Vanessa. Pumikit sandali, at sinubukan kong buuin ang sasabihin ko. Gusto ko lang na bukal sa puso ko ang lahat—totoo at mula sa damdamin. "Dati, palagi akong nagtatanong… kailan kaya darating yung sinasabi nilang kapalit ng kalungkutan. Kasi kapag may lungkot, may kapalit na saya. Bata pa lang ako, namulat na ako sa mayamang pamilya, pero walang saya. Puno ng lungkot ang buhay. May mga kaibigan akong naging tapat, pero parang kulang pa rin. Parang may hinahanap pa ako." Huminga ako nang malalim, nag-aalangan kung tama ba ang lahat ng sasabihin ko. "Tapos isang araw, napadaan ako sa isang lugar… alam ko ang tawag. Pumasok ako, at ginaya ko yung mga taong naroroon. Lumuhod ak
Special Chapter 2 Vince POV Nang matapos na kaming kumanta para sa Honey ko, hinila agad ako ng mga kaibigan papasok sa dressing room. "Hindi ko pa nga nakikitang magpalit ng gown ang asawa ko eh," angal ko sa kanila. "Bro, wag ka ng umarte. Mamaya din naman makikita mo siya," sabi ni Luc, na nag-aayos na din. "Oo nga, Bro. Surprise yun kaya hindi mo pwedeng makita," dagdag ni Diego, habang ayos na rin ang sarili. Tumingin ako sa paligid; lahat sila nag-aayos na. "What the fuck! Kayo ang ikakasal?!" tanong ko na inis. "Eh ang bagal mo eh!" sigaw ni Nilo. Umiling na lang ako—kinakabahan talaga ako. First time kong ikasal sa ganitong paraan. Sobrang mahal ng ginastos ko dito, pero okay lang—para sa asawa ko naman. Simula pa noong bata pa ako, alam ko na siya na ang makakasama ko habang buhay. Nabigla ako sa tapik ni Jeric. "Congrats, Bro!" bati niya. "Thanks," sabi ko, habang napatingin sa tatlo na nakangiti. "I mean, thank you sa inyong lahat. Sa lahat-lahat." Mas lalo
Vince’s POV Hays… natapos na rin. Huminga ako nang malalim habang bumababa sa stage. Ramdam ko pa ang kaba, pero nang mapatingin ako sa gilid at makita ang mga kaibigan naming nagtatawanan, gumaan ang pakiramdam ko. Pero mas lalo akong napangiti nang makita ko si Vanessa. Masaya siya sa ginawa ko. At sapat na ‘yon para sa’kin. Lumapit ako sa kanya nang mayroong mga ngiti sa labi. “May pa-busy-busy ka pang nalalaman, Honey…” malambing niyang sabi saka umirap sakin. Ngumiti ako at niyakap siya. Parang ayokong pakawalan. Hinawakan niya ang mukha ko at hinalikan ako. Napapikit ako sandali. Lahat ng pagod… nawala. Hinila ko siya paakyat ng stage. “Basta, Mom… because we love you,” sabi ni Vincent, dahilan para mag-cheer ang mga tao. Hinawakan ko ang mukha ni Vanessa. Tinitigan ko siya—parang bumalik ako sa pagkabata namin. Sa gate. Sa unang beses ko siyang nakita. At nang walang pag-aalinlangan… Hinalikan ko siya. Sumigaw ang mga tao. Tumugtog ulit ang piano. Lumaba
Author’s POV Excited na nang makauwi sina Vanessa dahil na-miss na nila ang mga anak nila, pero hindi alam ni Van kung kikiligin ba siya sa inaasta ni Vince o kung ano. Nakayakap lang siya sa kaniya magdamag sa buong byahe. Nakarating sila nang matiwasay sa kanilang mansion. “Mommy!” sigaw ng mga anak nilang papalapit sa kanila. Yumakap ang mga bata kay Vanessa, pero si Vaughn lang ang hindi. “Mommy!” umiiyak si Vance. “Ang baby Vance ko! Na-miss kayo ni Mommy!” umiiyak din si Vanessa. “Mom? Aalis ka po ba ulit?” tanong ni Vincent. “Hindi na, Kuya. Dito lang si Mommy. Aalagaan ko na ulit kayo,” hinalikan ni Van ang panganay niya. “Ate, kamusta?” “Na-miss kita, Mommy. Pati na rin po si Daddy,” malambing na sabi ng prinsesa niya, at niyakap siya. “My Princess, halika kay Daddy,” sabi ni Vince at lumapit sa prinsesa. “Na-miss ni Daddy ang prinsesa.” “How about me, Dad?” paglalambing ni Vance. “Come to Daddy, Baby Vance,” lumapit si Vince at yumakap sa anak. Bumulong si Vin
Author’s POV Nakaupo silang lahat sa mataas na bahagi ng burol, tanaw ang lugar na minsang naging bangungot sa kanilang pagkabata. Tahimik. Pero ang katahimikang iyon ay puno ng alaala—takot, sakit… at milagro ng pagkakaligtas. Huminga nang malalim si Vanessa habang nakatingin sa lumang gusali. “Honey, ikaw ba yung batang singkit?” tanong niya. Tumango si Vanessa. Nakaawang na ang bibig ni Vince. “Yeah, siya yun, Van! At ikaw pala yung batang crush niya noon na palagi niyang tinitingnan kung nasa labas na ng gate!” paliwanag ni Nilo. “Kilala mo ako?” tanong ni Vanessa. “Oo naman, Van,” singit ni Diego kaya hindi na nakapagsalita si Vince. “Kaso shy type si Vince noon, kaya hindi ka niya malapitan. Dalawang beses pa ngang tumawag siya ng pulis dahil sayo eh!” natatawang kuwento nito. “A-nong pulis?” kunot ni Van. “Tumawag kami nila Vince nung inaapi ka nung mga bata,” sagot ni Lucas. “Sobrang takot si Vince na masaktan ka ng mga batang yun kaya tumawag kami
Author’s POV " Hindi na namin siya nakita s-simula nun." Umiiyak na sabi ni Vanessa. "N-nalaman namin ang totoong sinapit niya nang nagsimula na kaming pumasok nila Young sa mga illegal transactions. " Lumapit si Vanessa kay Jonas. "S-sorry sa nangyari sayo. Kung alam ko lang sana ako na lang!" Niyakap ni Vanessa ang lalaki. "Sorry din na nakalimutan kita sa mahabang panahon. Sorry. H-hayaan mo babawi ako babawi ako sayo." "Van wala kang kasalanan sa kaniya o kahit kanino pa!" Sigaw ni Zandro kay Van. "P-pero ako ang dahilan Zandro! Ako dapat ang sisihin dito, ako! Sakin nagmula kung bakit siya naging ganiyan!" Humahagulgol si Van dahil sa sinisisi niya ang kaniyang sarili. Hindi niya mapatawad ang sarili na may isang tao na pinagdamutan ng kamusmusan noon. "Pero hindi mo siya pinilit at kung talagang may halaga ka sa kaniya, Bakit ka niya nagawang saktan?!" Sigaw naman ni Brent na hindi na kinakaya ang ppangyayari. "Wala kang inutos sa kaniyang gawin yun o gawin sa
Vanessa POV "Ehem, Pay attention po please!" At lahat naman sila tumingin sakin, pati si Vince na naka simangot. Pati yung apat napatingin din. "Good evening po sa inyong lahat! Alam ko po na enjoy kayo sa mga ganitong parties! Pero ako po Kasi hindi eh! Lalo na po pag Birthday parties! Pati n
Someone Like Vanessa POV Ang daming tao grabe! Lahat sila nakatingin samin ni Vince. Nginingitian ko lang din sila. "Happy birthday to Mr. and Mrs. Lee, and to your adorable son as well! " Sabi nang matandang lalaki sa harapan namin pero mukha siyang manyak. " By the way, this is for your w
Vanessa POV Kinaumagahan medyo tanghali akong nagising, pagbaba ko ang daming tao sa sala pati na din sa labas ng garden at napaka busy nilang lahat. Pumunta ako sa kusina at nakita kong mas madaming tao dun na sobrang busy sa paghihiwa at pagluluto. Nakita ako ni Manang. "Iha. Magandang umag
Vanessa POV Kakagaling lang namin ni Vincent sa school, binantayan ko siya tutal naman wala akong gagawin sa bahay. Nakatulog na din siya habang nasa kotse siguro sa pagod. Ang dami niya kasing ginawa sa school. Grabe pala ang traffic dito sa Pilipinas super bagal. Napakasarap nang pakiramdam







