Se connecterSomeone Like You
Chapter 3 Vanessa POV Maaga akong sinundo ng driver ng lalaking hinalikan ko kahapon. Ipinasok ng driver sa mataas na gate ang kotseng sinasakyan ko. Nang bumaba ako namangha ako sa laki ng bahay o bahay pa ba to? Ang laki kasi eh parang hotel o kaya ay isang mall. Kaso kapag nilibot mo ang paningin mo sa labas, makikita mo agad na malungkot ang may-ari at may pagka madamot. Bakit kamo?! Una may mga halaman nga pero wala man lang mga bulaklak kang makikita. Pangalawa kung bakit mukhang madamot?! Eh napakataas na ng gate at padi pader din, sa taas pa nun may mga bulb wire pa, and take note live yung mga kuryente daw niyan! Ito pa ang nakaka asiwa ang dami nilang bantay. Hindi kaya nandito ang yamashita treasure?! "Mam, pumasok na po kayo sabi ni Mr. Lee." Ahh Lee pala ang pangalan niya o apelyido niya. Tumango ako sa mamang tumawag sakin at sumunod sa kaniya. Pagdating namin sa loob para akong nasa palasyo ang ganda at ang laki grabe. Tumakbo ako sa gitna pinikit ko ang aking mga mata inisip ko na kunyari may tugtog at syempre kasayaw ko si Mr. Lee. Wow! Para akong si Cinderella yeh! Sayaw lang! "Mam! Ingat!" Hah? Ano daw? Kayat napadilat ako. Pagdilat ng mga mata ko nakatapat pala ako sa isang yummy na dibdib siguro estatwa to dito. Shit ang puti! Hmm... nakakalaway ang bango, kasi kaya hindi ko napigilang pindut pindutin ahh! Bakit ang lambot ata nitong estatwa na to at parang ang sarap kagat kagatin to! Dinampian ko ng maliliit na halik. Hmm meron bang estatwa na ganito parang totoo ang bango eh. Wait eeeh! Baka may abs to! Unti unti kong ibinaba ang mga mata ko. Hoooh! Parang gusto kong himatayin, lumuhod ako na para mas lalo kong masilayan ang pinaka katakam takam na nakikita ng mata ko. Mabilang nga… "One… kailangan dahan-dahan lang. Okay… two, three, four, five, six… seven… oh eto na… shit! Eight—wee! Perfect abs!" "Ehem!" Hala, umuubo pala ang estatwa? "I think… you are enjoying touching my abs," sabi niya. Inangat ko unti-unti ang mukha ko… at bigla akong napatayo—si Mr. Lee pala. " Masyado nang abuso yan, Miss. Kahapon ninakawan mo na ako ng halik, at ngayon naman, pinipindot-pindot mo pa. Kinikiss mo ang chest ko, at hindi ka pa nakuntento—ang abs ko naman! At ang mga abuso, nagbabayad sa akin, kaya kailangan mong bayaran ako," sabi niya. Grabe naman, abuso agad! Hindi ba puwede nahiwagaan na lang sa maganda niyang katawan? "Sorry, Mr. Yummy… este, Lee! Eh kasi naman, sir, bakit ba kasi kayo palakakalat ng n*******d pang-itaas? Bakit hindi niyo pa tinuloy pati baba!" Tumingin siya ng matalim sa akin, kaya nag-peace sign ako. "Ang ibig kong sabihin, bakit kayo bumaba ng gano’n? Eh babae lang ako, mapurok—naakit sa mga ganitong katawan. Kasalanan ko ba yun?! Kasalanan niyo yun!" duro ko sa kaniya. "Oo nga naman, Bro, it’s your fault!" Tumatawa ang kasama niya. Grabe, naka-topless rin siya, pero ang isa, basa! Teka, teka… lumabas pa yung tatlo kasama yung kuya ni Dianne. Infairness—yummy silang lahat, siguro nag-swimming sila, hindi man lang nila ako niyaya! Eh di sana nag-two piece ako dito… Lumuhod ako bigla. "Oh Lord! Sabihin niyo po sakin, anong magandang nagawa ko, at nakakakita ako ng blessings sayo!" Kina-kagat ko ang panyo na hawak ko, at nagtawanan yung apat… pero hindi kasama ang isa. Hindi ba uso sa kaniya ang ngumiti? "Dalhin mo na siya sa office," utos niya sa mama. "Wait for us, maliligo lang kami," sabi niya sakin. "Wait lang, Sir," lumingon siya sakin na parang may pagtatanong sa tingin niya. "Kailangan mo ba ng maghihilod sayo? Willing ako," sabay sumama ng tingin sakin. "Peace lang," sagot niya, na para bang pinapaalala sa akin na chill lang. Ako, willing ako, Van!" Nginitian ko yung lalaking parang pinaka-bata. Tinitigan ni Vince ako. "Bro, halata, puta!" Lumingon ulit sakin si Mr. Lee. "Eto na! Pupunta na sa office. Bilisan mo, honey, ah!" Kaway ko, at nang sumimangot siya, tumakbo agad ako para sumunod sa manong! Baka mamaya malagot ako—nakakatakot kasi siya, medyo strict. Ilang oras na rin akong naghihintay dito. Namuti na yung mata ko, at lahat yata ng magazine dito, nabasa ko na. Naka-ilang juice na rin ako, pero wala pa rin siya. Ganyan ba kapag mayayaman at papalicious? Grabe, ang tagal maligo! Hi, Mis! Na-boring ka ba sa paghihintay sa amin? Sorry, kumain pa kami eh," nakangiting sabi sakin nitong pinaka-bata sa kanila, si Niel. Teka, kumain muna sila? Aba’t tignan mo tong mga to! Ang tagal kong naghintay, at hindi man lang nangyaya! Puro juice lang ang laman nitong tiyan ko. "By the way, Mis, I'm Nilo," lahad niya ang kamay, at malugod ko naman itong inabot. Bakit kaya iba yung paraan niya ng pagpapakilala sakin? "Vanessa. Tawagin mo na lang akong Van," nakangiti kong sabi sa kanya. Ay, umubo sa tabi namin—at kinagulat naming dalawa si Mr. Lee pala. "I don't waste my time and my precious money, so we need to start," sabi niya. Grabe, siya nga tong patagal. Nagkatinginan kami ni Nilo, nakangiti lang siya sakin. " Bro, putcha! Bakit ganiyan ka tumitingin kay Mis Vanessa? Kelan ka pa naging mahiyain?" panloloko ng kapatid ni Dianne—si Diego pala ang pangalan. "Actually, ngayon lang… nang makilala ko si Van," sagot niya habang nakatitig pa rin sakin, kahit kapatid ni Dianne ang kausap niya. May umubo na naman sa tabi namin. Si Mr. Lee na naman. Grabe, parang soundtrack talaga siya ng eksena. Hindi ko napigilang magsalita. "Ahm… Vince, bakit hindi niyo po i-try uminom ng gamot? Kanina pa po kayo ubo nang ubo diyan eh. Naku, baka lumala ’yan—sayang ang time at saka ang money," biro ko. Sabay tawa yung apat "At saka alam mo, may namatay akong kaibigan diyan," dagdag ko pa, seryoso ang mukha. "Sa cough, Mis Van?" tanong ni Lucas—kilala ko siya, kasi nga, diba, nabasa ko na sila sa mga magazine. "Hindi," iiling-iling kong sagot. "Sa ubo." "Eh, saan?” sobrang curious talaga nitong si Jeric. Lumapit ako kay Vince at hinawakan ko siya sa pisngi. “Sa jelly ace.” Biglang nagtawanan ang apat. “Nadale mo, Mis!” sigaw ni Diego habang halos mapaupo sa kakatawa. “Let’s start.” Inis niyang inalis ang kamay ko sa pisngi niya—pero ang mas kinabigla ko, hindi niya binitiwan ang kamay ko. Hinila niya ako papunta sa isang single na upuan. “Sit.” At siya mismo ang umupo sa harapan ko. Lumapit naman ang apat at naupo sa mga katabing sofa, halatang aliw na aliw pa rin. “Van, gusto mo dito ka na lang sa tabi ko, maluwag naman eh,” sabi ni Nilo sabay tapik-tapik sa bakanteng space sa tabi niya. Tumango ako at tatayo na sana— “Stay there!” Maawtoridad ang utos niya. Walang emosyon, walang sigaw—pero sapat para mapatigil ako agad. Hindi na ako tumayo. Sa totoo lang… nakakatakot siya. "Gusto mo, Vince, sayo na lang ako tumabi? Ang obvious eh!” biro ko, kasi kanina pa talaga halata ang pagka-strikto niya. Tumitig lang siya sa akin ng matalim. “Sabi ko, stay ka lang diyan.” Napapailing na lang ako. Grabe, masyado naman tong h.b. “You need to sign the contract bago ka mag-start,” malamig niyang sabi sabay lapag ng makapal na folder ng mga papel sa lamesa. Mukhang ‘yun na nga ang kontrata. “Ah, sige. Akin na, pipirmahan ko na,” sabi ko sabay kuha ng mga papel. Bigla niyang pinigilan ang kamay ko. “Oh?” kunot-noo kong tanong. “Sabi mo I need to sign the contract. Eh bakit pinipigilan mo ’ko?” “Are you aware kung ano ang magiging trabaho mo sa akin?” seryoso niyang tanong. Ah, yun lang pala. “Oo. Sinabi na sa’kin ni Dianne,” kumpiyansa kong sagot. “Kaya nga nagtaka ako bakit yung audition ko kahapon, kulang na lang mag-tumbling ako at mag-split. Eh magpapanggap lang naman akong nanay ng anak mo! Ang dali-dali!” Napangiti pa ako, mayabang. “Hindi lang ’yon, Mis Van,” sabat ni Lucas. “You need to pretend that you are Chelsea Jimenez Lee—wife of Vincent Curt Lee.” Biglang nanlamig ang katawan ko. “Ha?” napataas ang kilay ko. “Pero bakit kailangan kong mag-pretend na ako si Chelsea? Eh ’di ba patay na siya?” napailing ako. “Madaming magtataka kung bigla akong lalabas bilang si Chelsea. Ano ’yon—nabuhay ang patay? Zombie lang ang peg?” Biglang nagkatinginan ang lima. Walang nakakaalam na patay na siya. Dahil wala ring nakakaalam kung ano talaga ang nangyari sa aksidente—kung aksidente nga ba talaga iyon o sinadya. Kaya hanggang ngayon, ang alam ng marami, si Chelsea ay buhay pa at nag-aaral lang sa ibang bansa.” Para kaming nasa korte; ganito pala kapag si Jeric ang kausap mo. “Wait lang ah!” sabay taas ko ng kamay. “Naguguluhan ako.” Huminga ako ng malalim bago nagpatuloy. “Una, bakit gusto niyong magpanggap akong nanay ng anak mo, Vince, kung magpapanggap din naman pala akong asawa mo? Pwede namang asawa na lang, ’di ba? Hindi na kailangang idamay ang bata sa kalokohan natin.” Uminom ako ng juice. “Baka masaktan lang siya.” Puro na lang juice. Wala bang pagkain sa bahay na ’to? “Dahil kailangan na ng bata na makita ang mommy niya.” Muntik ko nang mabuga ang iniinom ko sa sobrang gulat. " Nay!” gulat kong sambit . “Nakakabigla naman po kayo. Akala ko kung sino na naman ang nagsalita sa tabi ko. Sana po in-announce niyo muna ang presence niyo!” Natuon agad ang tingin ko sa tray na hawak niya. Sandwich. Kumislap ang mata ko sa tuwa. Kukunin na sana ng kamay ko— Nilagpasan niya ako at inilapag ang tray sa mesa. Grabe. Ang sakit. “Napa-DNA niyo po ba siya, Sir?” tanong niya kay Vince. Tumango si Vince. "It's negative. Magkahawig lang sila." Tipid naman sagot ni Vince pero wala dun ang atensyon ko nasa sandwich gutom na gutom na kasi ako eh. Kukuha na nga ako. It’s negative. Magkahawig lang sila.” Tipid ang sagot ni Vince. Pero wala doon ang atensyon ko. Nakatutok ang buong pagkatao ko sa sandwich sa mesa. Gutom na gutom na talaga ako. Kukuha na sana ako— “Teka, Van.” Anak ng kalabaw naman itong si Nilo oh. Hinawakan pa talaga ang kamay ko. “Sigurado ka na bang ina-accept mo ’tong work na ’to? Pwede ka pang umatras.” Napatingin ako sa kaniya na parang offended. “Oo! Tatanggapin ko ’to. Carry ko ’yan noh!” mabilis kong inalis ang kamay niya. Hello? Gutom na ako. Kukuha ulit sana ako ng sandwich pero biglang tinanggal ni Vince ang kamay ko. “Mag-sign ka muna ng contract.” Napabuntong-hininga ako pero kinuha ko agad ang ballpen. After nito, kakain talaga ako nang marami. Pipirma na sana ako— “Wait.” Pinigilan niya ulit ang kamay ko. “Kailangan ko munang sabihin na may rules tayo sa magiging trabaho mo sa ’kin.” “Okay, sige… mamaya na,” sagot ko, pilit pa ring pumipirma. Pero pinigilan na naman niya ang kamay ko. Napatingin ako sa kaniya, seryoso na. "You need to read it first!” Hinablot ko ang papel sa kamay niya. Pagtingin ko pa lang, bigla na akong nanlumo. “Waaah! Huhuhu!” Sigaw at iyak ko, sabay yakap sa papel. “Why?” tanong ni Diego kay Vince. “Bro, ano ba nilagay mo sa rules niyo? She’s my sister’s best friend! Ano ba ’yang nabasa mo, Van? Grabe ba ’yan? Bro?!” “HINDI!” sigaw ko. “Hindi ko pa nga nababasa!” “WAAAH!” Sabay-sabay silang napatitig sa ’kin, halatang nag-aalala. Lahat… pwera kay Vince. Poker face. Walang emosyon. Parang wala lang. “And what is the reason na nagkakaganiyan ka?” tanong ni Lucas. Tumingin ako sa kaniya, luhaang-luha, sabay sigaw sa kanila. “KASI NAMAN!” “Kanina pa ’ko nandito! Ilang oras na ’kong naghihintay sa mga kagwapuhan niyo!” “Tapos juice lang ang pinadala niyo simula kanina!” “Ngayong may sandwich na—gusto ko lang namang kumain—pigil kayo nang pigil!” Humagulhol na talaga ako. “Pwede ba… pakainin niyo muna ako?!” Sa sobrang gutom at inis, hindi ko namalayan— naisubo ko na pala ’yung nilukot na papel. Biglang nanahimik ang lahat. “Van,” mahinang sabi ni Nilo, “contract ’yan.” Ngumanga ako. “…malinis ba ’yan?” " Hati tayo gusto mo?" Vince POV Nang makita ko pa lang siyang pumasok sa restaurant—kasama ang lalaking halatang nagpapanggap lang—may kung anong kumislot sa dibdib ko. Isang saya na hindi ko maipaliwanag. Magkamukhang-magkamukha sila ng mahal ko. Aaminin ko, umasa ako. Umasa akong baka siya nga. Na baka nagpapanggap lang siyang hindi ako kilala. Lalo na nang hinalikan niya ako. Sa sandaling iyon, tuluyang gumuho ang mga depensang matagal kong itinayo. Totoo—napakalambot, napakasarap halikan ng mapupula niyang mga labi. Sandali kong nakalimutan ang lahat. Ang sakit. Ang pangungulila. Ang mga gabing natulog akong may tanong na hindi kailanman nasagot. Doon ko muling hinayaan ang sarili kong umasa. Kaya palihim ko siyang pina-DNA. At pina-imbestigahan ko sa isang kakilala. Pero nabigo ako. Hindi siya. Kamukha lang talaga. Magkaiba rin ang kilos nila—ang paraan ng pagtingin, ang katahimikan sa pagitan ng mga salita. At doon ko tuluyang naintindihan: may mga taong kahawig ng mahal natin, pero hindi kailanman magiging siya. Ang tanga ko rin. Para isipin na siya iyon. Bakit pa ba ako umaasa na babalik ka, kung wala ka na talaga? Hanggang ngayon, hindi pa rin matanggap ng puso ko na wala ka na—na iniwan mo na kami ni Vincent. Kahit nakita ko na ang katawan mong wala nang buhay, may bahagi pa rin sa akin na patuloy na umaasang babalik ka. Pero anong magagawa ko? Mahal na mahal kita. At walang kahit sinong pumapalit sa’yo dito sa puso ko. Si Van… kapag nakikita ko siya, napapasaya niya ako. Natural. Magaan. Pero kasabay ng saya, may awa. Dahil alam ko kung anong pwedeng mangyari sa pagpapanggap na gagawin niya. Dapat ko pa bang ituloy ang balak ko—ang balak naming nila Jeric? Ayokong mapalapit sa kaniya, pero ayoko rin siyang ilayo sa sarili ko. Hindi ko maintindihan kung bakit. Siguro dahil kamukha niya ang mahal ko. Siguro dahil sa bawat ngiti niya, may bakas ng nakaraan kong pilit binubuhay. Pero malinaw sa akin ang isang bagay. Hanggang doon lang iyon. Nangako ako. Na si Chelsea lang ang mamahalin ko habang buhay. At kahit gaano kasakit, iyon ang pangakong hindi ko kayang suwayin. Vanessa POV Grabe busog na busog ako langya eh ang dami pala nilang pagkain dito sa bahay and infainess ang sasarap! Nandito na ulit kami sa office ni Vince kinuha ko ang mga rules niya. Anak ng tinapang di maire! Grabe naman yung mag rules parang ang dami naman atah! " Ay ikaw na magbasa! Ang dami eh! Naduduling na ako!” palusot ko. Pero sa totoo lang, tinatamad talaga ako sa mga ganiyan. “Okay. First rule,” tipid niyang sabi. “Don’t touch me. And don’t talk to me.” “Grabe naman, bro!” sabay-sabay na reaksyon ng apat. “Vince, don’t touch me and don’t talk to me?” inis kong angal. “Bakit—crystal ka ba? Paano ako magpapanggap na asawa mo kung bawal ang ganiyan? Mag-isip ka nga!” Napataas ang kilay ko. “Ano ’yon, mag-asawang marunong lang ng sign language? Hindi ba mapapanis ang laway natin niyan?” “Tama!” sabay-sabay na sigaw ng apat. “Fine! Sige, baguhin natin. Type mo, Jeric.” Utos niya kay Jeric, agad namang binuksan ang laptop. “You can touch me and talk to me in case of emergency.” Eh di wow. Ano yun, pang-emergency lang pala tong itsura ko? Tingin ko sa mukha niya—grabe, nakakatawa pero nakakainis. “Pwedeng humiram ng pen and paper?” Tayo ko at kinuha ang iniabot ni Lucas. “Thank you.” May sinulat din akong pang-tapat na rules para sa’yo! Ano ka, ikaw lang! “Ano yang sinusulat mo?” tanong ni Diego, curiosity level 100%. “Secret. Mamaya niyo malalaman. Sige, ituloy mo lang.” Sabay winked ko kay Vince, feeling ko napansin niya pero hindi niya sinasabi. "Second dahil mag sstay ka na dito sa mansion. Gusto ko kapag nandito ako wag kang masiyadong lalapit sakin. Dahil mag kasama tayo sa iisang kwarto, ayokong pakiki alamanan mo ang mga personal kong mga gamit!" Sabay hampas niya sa kamay kong binubuksan ang chocolate box niya. "Damot naman nito parang isa lang! Ganiyan ba talaga kapag negosyante ang damot?!" Tumawa naman yung apat bakit natatawa sila kapag nagsalita ako? Sumulat ulit ako akala mo ah! "Dahil sa sinabi mo, yung third wag na wag mong pakikilaman ang personal kong buhay." maawtoridad niyang sabi sakin. "Eh sa love life at saka s*x life pwede? Kung meron nga ba?! Sa ugali mong yan sa tingin ko wala. Malamang tigang ka na eh! O marunong ka pa kaya nun!" Tawanan ulit yung apat. " Lalong hindi mo pwedeng pakelamanan yun! You think na wala akong s*x life? Kindatan ko lang ang mga babae dyan, magkakandarapa na silang makipag-s*x sakin?! At ano pa yung sinabi mo—na hindi ako marunong makipag-s*x?! Lahat ng babaeng naikama ko, pag tapos, para silang nasa langit sa galing ko!” Biglang galit na galit siya, ramdam na ramdam. Anong pinaglalaban nito?! "Dumaldal ka Bro ah!" Sabay sabay ulit sabi nung apat. "Sige nga, kung marunong ka! Pa… one night stand!” Pagbibiro ko. Ang totoo, never ko pang naranasan yun. Tumingin silang lima sa akin, naka-kunot ang mga noo nila. “Joke! Kayo naman, hindi mabiro!” sabay tawa ko. Sabay tawa na naman silang apat, pero si Vince… biglang napaupo. Parang pinagpawisan at namutla sa sinabi ko kanina. Ganon ba ka… infact yung sinabi ko? Tinuloy niya ang lahat ng rules niya, pero hindi ko na pinakinggan nakaka tamad at gutom pa rin ako. My last rule—don’t you dare to fall in love with me.” Seryoso niyang sabi. Napatingkayad ako. Doon ako biglang napamulat. Kinuha ko ang kaninang rules at binasa ulit—nakalagay nga. Tiningnan ko siya… tapos bigla akong natawa. Malakas. Totoong tawa. “G‑grabe! Hahaha! ’Yang rule mo na ’yan—ako pa ang huwag ma-in love?” Halos gumulong na ako sa kakatawa. "Anong nakakatawa dun?" Sabi niya sakin. " Hindi ko alam na pati pala sa realization nag-eexist ’yang rule na ’yan! At sa’yo ko pa talaga narinig—haha!” Halos mapahawak ako sa tiyan ko kakatawa. “Alam kong pang–Prince Charming ’yang dating mo, o pang-bida sa novel, pero hindi ko inakalang sa’yo ko maririnig at makikita ’yan!” Humalakhak na naman ako. “Halos lahat ng contracts na nababasa ko—sa mga binabasa at pinapanood kong movies—laging may ganiyang rule. ‘Don’t fall in love.’ Tapos ano ang ending?” Napailing ako. “Nag-iin love din sila!” “Kaya tanggalin mo na ’yan!” Tawa na naman ako ng malakas, kasabay ng tawanan ng apat. “‘Don’t you dare to fall in love with me.’” Ginaya ko pa ang tono niya. “Pero ikaw—pwede kang ma-in love sa’kin?! Ikaw ha, Mr. Lee, ang galing ng moves mo!” “Ang galing mo dun, Van ah!” sabi ni Diego habang tawa nang tawa. “Tama, bro. May point siya dun!” Napangiti ako. Ako pa ba? "Okay, fine. Alisin mo na ’yan, bro! Pero wag kang umasang mai-in love ako sa’yo—dahil isa lang ang mamahalin ko.” Huminto siya sandali. “Ang asawa ko.” Paalis na siya. Napikon yata. May bahagyang kirot sa dibdib ko—ouch—pero ako pa ba ang papatalo? “Vince,” pahabol kong sabi, “siguraduhin mong hindi ka mai-in love. Dahil mahirap pigilan ’yan! At wag kang mag-alala, hindi ako aasa dahil alam ko na ang sagot, ngayon pa lang.” Ngumisi siya sa sinabi ko at tuluyan nang umalis. Biro lang naman ang lahat ng ’yon. Inaasar ko lang siya. Pero paano nga kung… Ma-in love talaga siya sa akin? O ako ang mauna? Handa ba ako? At paano nga ba ang ma-in love? Hindi ko pa kasi talaga nararamdaman ’yon kahit kailan. Hanggang biro lang ako sa mga lalaki. Yung mga relasyon na pinapasok ko—hindi naman seryoso. Walang lalim. Walang pangako. Masarap kaya talagang magmahal? Sana… maramdaman ko rin ’yon balang araw.Someone Like You Final Vincent POV "Hindi ko alam kung paano sisimulan ang vow ko. Siguro hindi lang ako ang ganito, pati ang barkada ko," ani ko habang tumitingin sa apat na nakangiti at tumango sa akin. Ako nga ang unang nagkaanak sa kanila, pero sila ang nauna sa ganitong sitwasyon. Humarap uli ako kay Vanessa. Pumikit sandali, at sinubukan kong buuin ang sasabihin ko. Gusto ko lang na bukal sa puso ko ang lahat—totoo at mula sa damdamin. "Dati, palagi akong nagtatanong… kailan kaya darating yung sinasabi nilang kapalit ng kalungkutan. Kasi kapag may lungkot, may kapalit na saya. Bata pa lang ako, namulat na ako sa mayamang pamilya, pero walang saya. Puno ng lungkot ang buhay. May mga kaibigan akong naging tapat, pero parang kulang pa rin. Parang may hinahanap pa ako." Huminga ako nang malalim, nag-aalangan kung tama ba ang lahat ng sasabihin ko. "Tapos isang araw, napadaan ako sa isang lugar… alam ko ang tawag. Pumasok ako, at ginaya ko yung mga taong naroroon. Lumuhod ak
Special Chapter 2 Vince POV Nang matapos na kaming kumanta para sa Honey ko, hinila agad ako ng mga kaibigan papasok sa dressing room. "Hindi ko pa nga nakikitang magpalit ng gown ang asawa ko eh," angal ko sa kanila. "Bro, wag ka ng umarte. Mamaya din naman makikita mo siya," sabi ni Luc, na nag-aayos na din. "Oo nga, Bro. Surprise yun kaya hindi mo pwedeng makita," dagdag ni Diego, habang ayos na rin ang sarili. Tumingin ako sa paligid; lahat sila nag-aayos na. "What the fuck! Kayo ang ikakasal?!" tanong ko na inis. "Eh ang bagal mo eh!" sigaw ni Nilo. Umiling na lang ako—kinakabahan talaga ako. First time kong ikasal sa ganitong paraan. Sobrang mahal ng ginastos ko dito, pero okay lang—para sa asawa ko naman. Simula pa noong bata pa ako, alam ko na siya na ang makakasama ko habang buhay. Nabigla ako sa tapik ni Jeric. "Congrats, Bro!" bati niya. "Thanks," sabi ko, habang napatingin sa tatlo na nakangiti. "I mean, thank you sa inyong lahat. Sa lahat-lahat." Mas lalo
Vince’s POV Hays… natapos na rin. Huminga ako nang malalim habang bumababa sa stage. Ramdam ko pa ang kaba, pero nang mapatingin ako sa gilid at makita ang mga kaibigan naming nagtatawanan, gumaan ang pakiramdam ko. Pero mas lalo akong napangiti nang makita ko si Vanessa. Masaya siya sa ginawa ko. At sapat na ‘yon para sa’kin. Lumapit ako sa kanya nang mayroong mga ngiti sa labi. “May pa-busy-busy ka pang nalalaman, Honey…” malambing niyang sabi saka umirap sakin. Ngumiti ako at niyakap siya. Parang ayokong pakawalan. Hinawakan niya ang mukha ko at hinalikan ako. Napapikit ako sandali. Lahat ng pagod… nawala. Hinila ko siya paakyat ng stage. “Basta, Mom… because we love you,” sabi ni Vincent, dahilan para mag-cheer ang mga tao. Hinawakan ko ang mukha ni Vanessa. Tinitigan ko siya—parang bumalik ako sa pagkabata namin. Sa gate. Sa unang beses ko siyang nakita. At nang walang pag-aalinlangan… Hinalikan ko siya. Sumigaw ang mga tao. Tumugtog ulit ang piano. Lumaba
Author’s POV Excited na nang makauwi sina Vanessa dahil na-miss na nila ang mga anak nila, pero hindi alam ni Van kung kikiligin ba siya sa inaasta ni Vince o kung ano. Nakayakap lang siya sa kaniya magdamag sa buong byahe. Nakarating sila nang matiwasay sa kanilang mansion. “Mommy!” sigaw ng mga anak nilang papalapit sa kanila. Yumakap ang mga bata kay Vanessa, pero si Vaughn lang ang hindi. “Mommy!” umiiyak si Vance. “Ang baby Vance ko! Na-miss kayo ni Mommy!” umiiyak din si Vanessa. “Mom? Aalis ka po ba ulit?” tanong ni Vincent. “Hindi na, Kuya. Dito lang si Mommy. Aalagaan ko na ulit kayo,” hinalikan ni Van ang panganay niya. “Ate, kamusta?” “Na-miss kita, Mommy. Pati na rin po si Daddy,” malambing na sabi ng prinsesa niya, at niyakap siya. “My Princess, halika kay Daddy,” sabi ni Vince at lumapit sa prinsesa. “Na-miss ni Daddy ang prinsesa.” “How about me, Dad?” paglalambing ni Vance. “Come to Daddy, Baby Vance,” lumapit si Vince at yumakap sa anak. Bumulong si Vin
Author’s POV Nakaupo silang lahat sa mataas na bahagi ng burol, tanaw ang lugar na minsang naging bangungot sa kanilang pagkabata. Tahimik. Pero ang katahimikang iyon ay puno ng alaala—takot, sakit… at milagro ng pagkakaligtas. Huminga nang malalim si Vanessa habang nakatingin sa lumang gusali. “Honey, ikaw ba yung batang singkit?” tanong niya. Tumango si Vanessa. Nakaawang na ang bibig ni Vince. “Yeah, siya yun, Van! At ikaw pala yung batang crush niya noon na palagi niyang tinitingnan kung nasa labas na ng gate!” paliwanag ni Nilo. “Kilala mo ako?” tanong ni Vanessa. “Oo naman, Van,” singit ni Diego kaya hindi na nakapagsalita si Vince. “Kaso shy type si Vince noon, kaya hindi ka niya malapitan. Dalawang beses pa ngang tumawag siya ng pulis dahil sayo eh!” natatawang kuwento nito. “A-nong pulis?” kunot ni Van. “Tumawag kami nila Vince nung inaapi ka nung mga bata,” sagot ni Lucas. “Sobrang takot si Vince na masaktan ka ng mga batang yun kaya tumawag kami
Author’s POV " Hindi na namin siya nakita s-simula nun." Umiiyak na sabi ni Vanessa. "N-nalaman namin ang totoong sinapit niya nang nagsimula na kaming pumasok nila Young sa mga illegal transactions. " Lumapit si Vanessa kay Jonas. "S-sorry sa nangyari sayo. Kung alam ko lang sana ako na lang!" Niyakap ni Vanessa ang lalaki. "Sorry din na nakalimutan kita sa mahabang panahon. Sorry. H-hayaan mo babawi ako babawi ako sayo." "Van wala kang kasalanan sa kaniya o kahit kanino pa!" Sigaw ni Zandro kay Van. "P-pero ako ang dahilan Zandro! Ako dapat ang sisihin dito, ako! Sakin nagmula kung bakit siya naging ganiyan!" Humahagulgol si Van dahil sa sinisisi niya ang kaniyang sarili. Hindi niya mapatawad ang sarili na may isang tao na pinagdamutan ng kamusmusan noon. "Pero hindi mo siya pinilit at kung talagang may halaga ka sa kaniya, Bakit ka niya nagawang saktan?!" Sigaw naman ni Brent na hindi na kinakaya ang ppangyayari. "Wala kang inutos sa kaniyang gawin yun o gawin sa
Vanessa POV "Ehem, Pay attention po please!" At lahat naman sila tumingin sakin, pati si Vince na naka simangot. Pati yung apat napatingin din. "Good evening po sa inyong lahat! Alam ko po na enjoy kayo sa mga ganitong parties! Pero ako po Kasi hindi eh! Lalo na po pag Birthday parties! Pati n
Someone Like Vanessa POV Ang daming tao grabe! Lahat sila nakatingin samin ni Vince. Nginingitian ko lang din sila. "Happy birthday to Mr. and Mrs. Lee, and to your adorable son as well! " Sabi nang matandang lalaki sa harapan namin pero mukha siyang manyak. " By the way, this is for your w
Someone Like You Chapter 11 Vanessa POV Ang laki naman nitong kumpaniya na to! Nasa gitna ako ng lobby ng Young company group. Dumiretso agad ako sa elevator dahil ang daming naghihintay at pumipila. Nakakapagtaka naman,apat ang elevator dito, tapos yung tatlo halos pilahan. Pero itong isa
Someone Like You Chapter 10 Vanessa POV Two days na kong walang trabaho. Isa na naman akong purida! Super sad ko talaga! "Girl!" Ayoko ngang lingunin baka makita nilang malungkot ako. "Girl may good news ako sayo!" Excited na sabi ni Dianne. "Ano yun?" Tabang kong tanong. "Ano ba naman to!







