Compartilhar

Chapter 6

Autor: Rocel
last update Data de publicação: 2026-03-03 12:22:23

Vanessa POV

Isang linggo nang nakakalabas si Vincent sa hospital. Ang sarap sa pakiramdam na may inaalagaan ka.

Namimiss ko na tuloy si Vannie ko, kinuha ko ang picture niya sa wallet ko.

Kamusta ka na kaya ang anak ko? Sabi ni Zandro makulit ka na daw ng huli ka niyang pasyalan.

Konting ipon na lang anak magiging magkasama na tayo makukuha na kita kila mommy.

Sa ngayon, kay Vincent ko na lang muna itutuon ang pangungulila ko sayo baka sakaling mawala ang lungkot ko.

"Your daughter?" Napagitla ako sa boses na nasa likod ko si Nilo pala. Kinuha niya ang picture na hawak ko at tinignan.

"She's cute like you. Where's your daughter?"

"Nasa parents ko, iniwan ko muna kasi may mission pa ko, na dapat kong gawin." Ngumiti sya at ibinalik ang litrato sakin.

"And what is your mission?" Tumayo ako at huminga ako ng malalim.

"Hindi ko din alam kung ano ang mission ko." Sabay nguso ko at siya naman ay kumunot ang noo.

" Ilang taon na kong ganito eh. Simula nang isinilang ko ang anak ko. Parang, may gusto akong hanapin o malaman. Parang, ang daming tanong sa puso ko. Ang daming gustong malaman nito, lalo na ang sarili ko." Napangnga siya sa sinabi ko.

"Katulad mo, hindi ko din maintindihan ang sarili ko." Tumango siya.

"Baka naman nagka amnesia ka?" Umiling ako at natawa.

"Totoo ba yun? Hindi ako nagka amnesia noh! Dahil natatandaan ko pa ang sarili ko mula bata pa ko noh!" Grabe amnesia talaga!

"Eh ano yung hinahanap mo?!" Nagkibit balikat ako. "Baka ako?!" Sabay tawa naming dalawa.

"Kanina ka pa hinahanap ni Vincent and waiting his milk. " Napatingin kaming dalawa sa nagsalita sa pinto.

"Sige, dalhin ko na to sa taas Nilo." Ngiti kong sabi sa kaniya at si Vince ay inirapan ko che sya sakin akala niya bati kami! Hindi noh!

Pagdating ko sa loob ng kwarto nadatnan ko ang anak ko este anak-anakan ko na nanonood ng T.V.

"Oh! Tama na yan, uminom ka na ng milk mo. Tapos matutulog na tayo." Ngumiti siya sakin at kinuha yung gatas sa kamay ko saka niya ininom iyon ng mabilis.

"Wow! Galing ng baby ko ah! Kaya lumalakas na yan eh! Kasi marunong sumunod kay mommy. Tapos mag toothbrush na tayo para hindi masira ang teeth ng baby ko."

Natapos na siyang mag toothbrush kaya inayos ko na ang tulugan namin.

"Pa kiss nga sa baby ko, bago matulog." At kumiss siya sakin.

"Good night mom." Tumingin kami sa pumasok "G-good night Dad." Malamig niyang bati kay Vince.

"Good night." yun lang din ang sagot niya?

"Baby, bigyan mo si Daddy ng good night kiss." Utos ko kay Vincent pero umiling siya.

"Baby, sige na." tumayo ang bata at lumapit kay Vince. Hinalikan siya sa pisngi sabay takbo sakin at yakap. Bakit ba ganito tong mag-ama na to?

Ang weird! Pero nakita ko sa mata ni Vince ang lungkot sa mukha niya bago siya umalis kahit hindi niya ipakita alam kong nasaktan siya.

"Good morning, Mother." Nakangiti kong bati sa mayordoma dito. Tumango lang siya sakin ganon naman palagi .

Grabe pati ba katulong dito nahawa sa amo nilang pinagtampuhan ng panahon?!

"Mother rainbow! Anong niluluto mo! Gusto mo ng help?!" Tinitigan niya ko at lumakad papalapit sakin at ako naman ay paatras na may takot sa mukha, sino ba namang hindi matatakot eh hawak niya yung kutsilyong napakahaba! Oh my Lord! Hindi ko pinangarap na madedbol ng ganitey!

"Sige, maghiwa ka!" Sabay abot niya sakin ng kutsilyo.

" Ayun ang chopping board." Turo niya sa mesa Napahawak ako sa noo akala ko papatayin na ko nitong matanda na to! Natakot ako dun ah.

"Bilisan mo lang at baka magising na yung alaga ko." Tumango at inumpisahan ko na ang maghiwa.

"Mother dear, pwedeng magtanong?" Habang nakatutok ako sa hinihiwa ko mahirap na at baka masugatan ang daliri ko naka cutics pa naman ako.

"Nagtatanong ka na nga eh diba?" Bigla akong natawa sa sinabi niya marunong di palang mamilisopo tong si manang eh noh?! "Eh? anong nakakatawa sa sinabi ko totoo namanang nagtanong ka na!" Oo nga naman tanga mo Van kahit kelan.

"Tungkol po kasi sa mag-ama. Bakit ganon po ang turingan nila sa isat-isa?" Tumigil si Manang sa paghihiwa at tumingin sakin.

"Hindi malapit si Vincent sa Daddy niya dahil hindi din malapit ang ama niya sa kanya." Sabay balik tingin sa hinihiwa niya Huh? Ano daw? Ang sarap kausap nito eh.

"Eh bakit po?" Pangungulit ko. Tumitig siya sakin ulit at ako naman ay seryosong nakatitig din sa kaniya.

"Hindi ko din alam." Bwisit tong matanda na to ang sarap balatan.

"Alam kong gusto mo kong balatan ngayon." nabigla ako sa sinabi niya at umiling iling ako. Kapatid ba to ni Madam Auring.

"Tingin pa lang ng taong kaharap ko o kausap ko. Alam ko na kung ano ang ugali." Hindi na ko nagsalita tumango na lamang ako.

Ayokong sumakay sa trip nitong si manang daig pa ang mga batang kalye kung mag rugby eh, lakas ng trip.

"May hinahanap ka sa pagkatao mo diba? Pero hindi mo alam kung sino o ano ang hinahanap mo tama ba ko?" Nagulat ako sa sinabi niya.

" Kung saan saan ka na nakarating simula ng bata ka pa, pero hanggang ngayon wala ka pa ding mahanap na sagot sa lahat ng tanong mo? Alam mo bang malapit na ang hinihintay mong mga bunga sa lahat ng hinahanap mo." Napakagat ako sa hawak ko putek sibuyas pala pweh! Medyo naniniwala ako sa kaniya pero ayokong intindihin siya dahil ewan ko may takot sa puso ko.

"Ma'am! Ma'am!" Napatayo ako sa sumisigaw sa labas ng kusina kaya kumaripas ako ng takbo dahil baka kung ano nangyari kay Vincent.

"Anong nangyari?!" Histerikal kong tanong. Napakamot naman siya ng ulo.

"Hoy! Ikaw ang babalatan ko nang buhay kapag hindi ka pa nakapag salita dyan."

"Eh, kasi naman tinawag ko lang naman po kayo, kasi ready na daw yung alaga ko para mag school." Parehas kaming tumingin ni Manang sa hagdan na pababa si Vincent at nakasuot ng uniform agad ko siyang sinalubong sa hagdan.

Nang malapit na siya sakin niyakap niya ko nang mahigpit.

"Baby, ready ka na pumasok sa School?" Kinalga ko siya para hindi siya mahirapang bumaba.

"Yes mom! Excited much na po aketch!" Nakakatawa talaga tong bata na to dahil nakukuha niya minsan ang mga salita namin ni Zandro dahil palagi namin siyang kasama.

"Wow naman ang bango ng Baby ko. Sureness ako madami kang magiging jowa niyan! Gwapo na kasi ang Baby ko ang super bango pa hmm."

"Morning ." alam ko na kung sino yung nasa likod ko at ayokong lingunin dahil inis ako sa kaniya.

Anong akala niya porke't gwapo siya uubra sakin yun! Eh maganda din ako noh! Kaya may karapatan akong mag-inarte.

"Tara Baby! Eat na tayo ng breakfast, masarap yung omelet." Kiniss ko siya sa pisngi at pumunta kami sa dining table. Meron na naman kasing nagawa si Manang bago ako dumating. Inupo ko siya sa upuan niya at umupo din ako sa tabi niya.

"Kumain ka nang madami Baby ah. Para sa School mamaya strong ka okay!" Sinubuan ko siya ng fried rice na may bacon tapos sinunod ko yung omelet.

"Yes po mommy!" Umupo na rin sa tabi ni Vincent si Vince. Pinainom ko ng gatas ang bata tuwang tuwa talaga ko sa bata na to.

"Morning." May boses na naman sa tabi tabi kumuha ako ng tinapay nilagyan ko ng bacon at kinagatan ko.

"Honey, I said morning."Tiningnan ko siya sa pagkasabi niya nun.

"Eh di umaga, Honey." Mariing sabi ko sa kaniya Sabay irap.

"Ganiyan ba, bumati ang Honey ko sa umaga? Binati kita tapos ganon lang ang pagbati mo sakin?"

Tumingin ako sa kaniya at ngumisi.

"Ahh! bati pala yun? Akala ko kasi pinapatagalog mo lang yung word na morning. Sa pagkakaalam ko kasi ang pagbati may kasamang good. Example Good morning o kaya magandang umaga ganon! Hindi mo ko sinabihan na bati pala yun, sana I update mo ko kagad para na kiss kita, Honey." Inis kong sabi sa kaniya. Sabay subo ulit ng pagkain sa bata.

"Honey, I never said na gusto ko ng kiss mo. I greet mo lang ako that's all. But if you want na nakawan ulit ako ng halik. I'm willing to sacrifice my lips for you. But alam mo kung ano yung rules about kiss." Nakangising sabi niya sabay higop ng kape.

"I know. At saka ayokong i kiss ka dahil ang Baby ko ang gusto kong i kiss." Sabay kiss ko sa pisngi ni Vincent ang sarap kayang i kiss ng bata na to lalo nat nagkakalaman na siya at saka free pa.

"I love you mommy!" Sabi sakin ni Vincent.

"I love you too Baby " malambing kong sagot sa bata. Napatingin ako kay Vince na nakangiting nakatingin sa bata pero may lungkot sa mga mata niya.

"Baby, pano naman si Daddy? Diba love mo din siya." Tumingin ang bata sakin at unting tumingin kay Vince. Nagkatitigan silang dalawang mag-ama may haplos sa puso ko habang tinitignan sila.

"I-" hindi natuloy ang sasabihin ni Vincent dahil may tumawag sa cellphone ng Daddy niya.

"He's number one priority. Business as usual." Huminga siya ng malalim nakaramdam ako nang awa kay Vincent.

"Baby wag ka nang malungkot para sayo din naman yun. Love ka ni Daddy. Love ka namin ni Daddy mo." Niyakap ko ang bata. Nakita ko si Vince na nakatingin samin ni Vincent at nang nakita niyang nakatingin ako sa kaniya ay umiwas siya ng tingin.

"I need to go. May appointment pa ko sa business partner ko." Paalam niya tumayo ako at sinundan siya.

"Honey!" Lumingon siya sakin nang nakakunot ang noo.

"Ano yung tinawag mo sakin, Honey? We're not in front of Vincent so call me Sir or Vince." Tumalikod siya sakin para umalis agad.

"S-sandali Sir!" Mabilis kong tawag ulit sa kaniya. Lumingon siya sakin ulit.

"What?! I'm in a hurry!" Tumingin siya sa wrist watch niya.

"Gusto ko lang naman sanang sabihin na magkaroon ka naman ng time for Vincent kailangan ka niya Vince." Ngumisi siya sa sinabi ko.

"Kaya nga nandiyan ka diba? Kaya nga binabayaran kita para asikasuhin siya diba? Gawin mo na lang ang trabaho mo." Magsasalita na sana ko pero sumenyas siya na wag magsalita.

" And I'm warning you again, nasa contract natin to na walang pake alamanan. So itigil muna Ms. ang pangingialam mo kundi itigil na natin to." Tulala akong naiwan na naman.

Ano bang masama sa sinabi ko? Wala naman ah. Problema nung lalaki na yun.

Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App

Último capítulo

  • Someone Like You    Chapter 80

    Someone Like You Final Vincent POV "Hindi ko alam kung paano sisimulan ang vow ko. Siguro hindi lang ako ang ganito, pati ang barkada ko," ani ko habang tumitingin sa apat na nakangiti at tumango sa akin. Ako nga ang unang nagkaanak sa kanila, pero sila ang nauna sa ganitong sitwasyon. Humarap uli ako kay Vanessa. Pumikit sandali, at sinubukan kong buuin ang sasabihin ko. Gusto ko lang na bukal sa puso ko ang lahat—totoo at mula sa damdamin. "Dati, palagi akong nagtatanong… kailan kaya darating yung sinasabi nilang kapalit ng kalungkutan. Kasi kapag may lungkot, may kapalit na saya. Bata pa lang ako, namulat na ako sa mayamang pamilya, pero walang saya. Puno ng lungkot ang buhay. May mga kaibigan akong naging tapat, pero parang kulang pa rin. Parang may hinahanap pa ako." Huminga ako nang malalim, nag-aalangan kung tama ba ang lahat ng sasabihin ko. "Tapos isang araw, napadaan ako sa isang lugar… alam ko ang tawag. Pumasok ako, at ginaya ko yung mga taong naroroon. Lumuhod ak

  • Someone Like You    Chapter 79

    Special Chapter 2 Vince POV Nang matapos na kaming kumanta para sa Honey ko, hinila agad ako ng mga kaibigan papasok sa dressing room. "Hindi ko pa nga nakikitang magpalit ng gown ang asawa ko eh," angal ko sa kanila. "Bro, wag ka ng umarte. Mamaya din naman makikita mo siya," sabi ni Luc, na nag-aayos na din. "Oo nga, Bro. Surprise yun kaya hindi mo pwedeng makita," dagdag ni Diego, habang ayos na rin ang sarili. Tumingin ako sa paligid; lahat sila nag-aayos na. "What the fuck! Kayo ang ikakasal?!" tanong ko na inis. "Eh ang bagal mo eh!" sigaw ni Nilo. Umiling na lang ako—kinakabahan talaga ako. First time kong ikasal sa ganitong paraan. Sobrang mahal ng ginastos ko dito, pero okay lang—para sa asawa ko naman. Simula pa noong bata pa ako, alam ko na siya na ang makakasama ko habang buhay. Nabigla ako sa tapik ni Jeric. "Congrats, Bro!" bati niya. "Thanks," sabi ko, habang napatingin sa tatlo na nakangiti. "I mean, thank you sa inyong lahat. Sa lahat-lahat." Mas lalo

  • Someone Like You    Chapter 78

    Vince’s POV Hays… natapos na rin. Huminga ako nang malalim habang bumababa sa stage. Ramdam ko pa ang kaba, pero nang mapatingin ako sa gilid at makita ang mga kaibigan naming nagtatawanan, gumaan ang pakiramdam ko. Pero mas lalo akong napangiti nang makita ko si Vanessa. Masaya siya sa ginawa ko. At sapat na ‘yon para sa’kin. Lumapit ako sa kanya nang mayroong mga ngiti sa labi. “May pa-busy-busy ka pang nalalaman, Honey…” malambing niyang sabi saka umirap sakin. Ngumiti ako at niyakap siya. Parang ayokong pakawalan. Hinawakan niya ang mukha ko at hinalikan ako. Napapikit ako sandali. Lahat ng pagod… nawala. Hinila ko siya paakyat ng stage. “Basta, Mom… because we love you,” sabi ni Vincent, dahilan para mag-cheer ang mga tao. Hinawakan ko ang mukha ni Vanessa. Tinitigan ko siya—parang bumalik ako sa pagkabata namin. Sa gate. Sa unang beses ko siyang nakita. At nang walang pag-aalinlangan… Hinalikan ko siya. Sumigaw ang mga tao. Tumugtog ulit ang piano. Lumaba

  • Someone Like You    Chapter 77

    Author’s POV Excited na nang makauwi sina Vanessa dahil na-miss na nila ang mga anak nila, pero hindi alam ni Van kung kikiligin ba siya sa inaasta ni Vince o kung ano. Nakayakap lang siya sa kaniya magdamag sa buong byahe. Nakarating sila nang matiwasay sa kanilang mansion. “Mommy!” sigaw ng mga anak nilang papalapit sa kanila. Yumakap ang mga bata kay Vanessa, pero si Vaughn lang ang hindi. “Mommy!” umiiyak si Vance. “Ang baby Vance ko! Na-miss kayo ni Mommy!” umiiyak din si Vanessa. “Mom? Aalis ka po ba ulit?” tanong ni Vincent. “Hindi na, Kuya. Dito lang si Mommy. Aalagaan ko na ulit kayo,” hinalikan ni Van ang panganay niya. “Ate, kamusta?” “Na-miss kita, Mommy. Pati na rin po si Daddy,” malambing na sabi ng prinsesa niya, at niyakap siya. “My Princess, halika kay Daddy,” sabi ni Vince at lumapit sa prinsesa. “Na-miss ni Daddy ang prinsesa.” “How about me, Dad?” paglalambing ni Vance. “Come to Daddy, Baby Vance,” lumapit si Vince at yumakap sa anak. Bumulong si Vin

  • Someone Like You    Chapter 76

    Author’s POV Nakaupo silang lahat sa mataas na bahagi ng burol, tanaw ang lugar na minsang naging bangungot sa kanilang pagkabata. Tahimik. Pero ang katahimikang iyon ay puno ng alaala—takot, sakit… at milagro ng pagkakaligtas. Huminga nang malalim si Vanessa habang nakatingin sa lumang gusali. “Honey, ikaw ba yung batang singkit?” tanong niya. Tumango si Vanessa. Nakaawang na ang bibig ni Vince. “Yeah, siya yun, Van! At ikaw pala yung batang crush niya noon na palagi niyang tinitingnan kung nasa labas na ng gate!” paliwanag ni Nilo. “Kilala mo ako?” tanong ni Vanessa. “Oo naman, Van,” singit ni Diego kaya hindi na nakapagsalita si Vince. “Kaso shy type si Vince noon, kaya hindi ka niya malapitan. Dalawang beses pa ngang tumawag siya ng pulis dahil sayo eh!” natatawang kuwento nito. “A-nong pulis?” kunot ni Van. “Tumawag kami nila Vince nung inaapi ka nung mga bata,” sagot ni Lucas. “Sobrang takot si Vince na masaktan ka ng mga batang yun kaya tumawag kami

  • Someone Like You    Chapter 75

    Author’s POV " Hindi na namin siya nakita s-simula nun." Umiiyak na sabi ni Vanessa. "N-nalaman namin ang totoong sinapit niya nang nagsimula na kaming pumasok nila Young sa mga illegal transactions. " Lumapit si Vanessa kay Jonas. "S-sorry sa nangyari sayo. Kung alam ko lang sana ako na lang!" Niyakap ni Vanessa ang lalaki. "Sorry din na nakalimutan kita sa mahabang panahon. Sorry. H-hayaan mo babawi ako babawi ako sayo." "Van wala kang kasalanan sa kaniya o kahit kanino pa!" Sigaw ni Zandro kay Van. "P-pero ako ang dahilan Zandro! Ako dapat ang sisihin dito, ako! Sakin nagmula kung bakit siya naging ganiyan!" Humahagulgol si Van dahil sa sinisisi niya ang kaniyang sarili. Hindi niya mapatawad ang sarili na may isang tao na pinagdamutan ng kamusmusan noon. "Pero hindi mo siya pinilit at kung talagang may halaga ka sa kaniya, Bakit ka niya nagawang saktan?!" Sigaw naman ni Brent na hindi na kinakaya ang ppangyayari. "Wala kang inutos sa kaniyang gawin yun o gawin sa

  • Someone Like You    Chapter 29

    Vanessa POV Isang linggo akong hindi pumunta sa bahay ni Vince. Hindi ko kinaya ang sakit na naramdaman ko, sobra ang kirot sa dibdib, ang bigat sa puso, ang pangungulila sa isang bata na tinuring ko na para bang sakin nang galing. Pero tama si Zandro. Hindi pwedeng takbuhan ang problema. Masa

  • Someone Like You    Chapter 13

    Someone Like YouVince POVThank God… finally, Van agreed. She’s coming back to us, to me and Vincent. I was stupid for what I said—letting my anger take over.The truth is, I really didn’t want her dancing like that in front of everyone. Those moves… I wanted only my eyes on them.I admit, I feel

  • Someone Like You    Chapter 12

    Someone Like You Chapter 11 Vanessa POV Ang laki naman nitong kumpaniya na to! Nasa gitna ako ng lobby ng Young company group. Dumiretso agad ako sa elevator dahil ang daming naghihintay at pumipila. Nakakapagtaka naman,apat ang elevator dito, tapos yung tatlo halos pilahan. Pero itong isa

  • Someone Like You    Chapter 11

    Someone Like You Chapter 10 Vanessa POV Two days na kong walang trabaho. Isa na naman akong purida! Super sad ko talaga! "Girl!" Ayoko ngang lingunin baka makita nilang malungkot ako. "Girl may good news ako sayo!" Excited na sabi ni Dianne. "Ano yun?" Tabang kong tanong. "Ano ba naman to!

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status