Share

Chapter 5

Author: Rocel
last update Last Updated: 2026-03-02 17:23:50

Vanessa POV

Hindi ako makapaniwala na dito na ako titira ngayon sa mala-palasyong bahay na ito. Kanina lang ako lumipat.

Medyo nalulungkot ako dahil mamimiss ko si Bakla—lalo na sa pagtulog. Kahit malikot siya at malakas humilik, mamimiss kong dumantay sa kanya. Lalo na dito, sobrang lamig dahil halos lahat ata ng sulok ng bahay naka-aircon.

Nandito ako ngayon sa guest room. Dito raw ako matutulog. Pero kapag hindi ako nakatulog at may multo dito mamaya, uuwi na lang talaga ako kay Bakla.

“Ma’am, ready na po ba kayong makilala at makita ang alaga ko?”

Tumango ako at inayos ang damit ko para naman presentable kapag nakita ko siya.

Sumunod ako sa nag-aalaga sa bata. Vincent ang pangalan niya. Medyo pinag-aralan ko na rin siya kahit papaano.

Pumasok ang yaya sa isang kwarto at sumunod ako.

Pagpasok ko, nakaramdam agad ako ng lungkot. Hindi ito mukhang kwarto ng isang bata. Para itong kwarto ng kaedad ko—puting wallpaper lang ang makikita.

Walang kahit anong kulay.

At kahit puti ang mga dingding, madilim pa rin ang paligid dahil sa nakasarang bintana na tinatakpan ng makapal na itim na kurtina.

Napatingin ako sa kama. May batang nakahiga roon, tila natutulog. Mukha siyang anghel habang nakapikit, pero napakapayat niya. Hindi siya mukhang anak ng isang mayaman.

Lumapit ako at mas lalo kong nakita kung gaano kapayat ang katawan niya.

“Mo-mommy… I want you…” humihikbi niyang sabi.

Gusto kong umiyak. Ramdam ko ang lungkot niya. Walang luha ang tumulo sa mga mata ko, pero parang ang puso ko ang umiiyak para sa kanya.

Hinawakan ko ang kamay niya. Napakalamig.

“Sweetie, nandito na si Mommy.”

Pagkasabi ko, dumilat siya. Lalong lumitaw ang kagwapuhan niya dahil sa magagandang singkit niyang mga mata. Pero tumalikod siya sa akin.

“I know… panaginip lang ‘to. Nakikita lang kita, Mommy.”

Mas lalo akong naawa.

Lumapit ako sa bintana at binuksan ang kurtina pati ang bintana. Pumasok ang liwanag sa loob.

“Naku, Ma’am! Ayaw niya pong binubuksan ‘yan! Sabi niya hindi niya na raw makikita ang mommy niya!” gulat na sabi ng katulong.

Teka… nagpaparamdam ba si Chelsea sa anak niya? Basta, peace tayo, girl. Para naman sa junakis mo ito.

“Nandito na ang mommy niya. Wala nang dahilan para manatiling sarado ito. At ako ang masusunod dahil ako ang mommy niya.”

Napatingin si Vincent sa akin. Medyo nasisilaw siya, pero nang masanay ang mga mata niya sa liwanag, tinitigan niya ako at tinapik ang pisngi niya.

“Baby, gising ka na.”

Lumapit ako at hinawakan ang kamay niya. Namula ang pisngi niya dahil sa liwanag.

“Ayan, namula tuloy.”

“Totoo ka po ba, Mommy?” mahina niyang tanong.

“The one and only. At wala kang choice, baby boy.”

Bigla niya akong niyakap.

Napuno ng kakaibang saya ang puso ko. Unang beses kong maramdaman ito.

“Mommy, thank you! I love you po!”

Umiiyak siya sa tuwa.

“I love you too, my baby.”

Chelsea… ipinaparating ko sa anak mo ang gusto mong sabihin. Pero mahal ko rin talaga siya.

“Oh, tama na. Huwag ka nang umiyak.”

Pinunasan ko ang mga luha niya.

“Mommy, please… don’t leave us again. Ayaw ko nang malungkot si Daddy.”

Napakabait niyang bata. Sa murang edad, iniisip niya pa ang ama niya.

“Promise mo kay Mommy na susunod ka palagi sa amin ni Daddy, okay?”

Nag-pinky swear kami.

“Ngiti na! Gusto mo, sasayaw si Mommy?”

Tumayo ako sa kama niya.

“Sabay-sabay tayo! Itaas ang kamay! Ipagpag ang paa!”

Narinig ko ang halakhak niya at mas lalo akong ginanahan. Tumalon ako paupo sa kama, tapos dumapa sa harap niya. Ipinatong ko ang mukha ko sa kamay ko habang ginagalaw ko ang mga paa ko na parang bata.

Tumayo siya at tumalon-talon habang tumatawa. Pero dahil mahina pa siya, mabilis siyang napagod.

Umupo siya sa harap ko at hinawakan ang mukha ko. Ngumuso ako at hinalikan niya ako sa labi.

“Sarap naman ng kiss ng baby ko.”

“Ma’am, kailangan na po niyang kumain. May iinumin pa siyang gamot.”

Umayos ako ng upo. Dumating ang pagkain niya.

Lugaw.

Anong sustansya niyan?

Tinulungan ko siyang tikman. Walang lasa.

“Ate, bakit ganito ang pagkain niya? Lugaw na nga lang, wala pang lasa. Kaya pala ang payat niya!”

“Ma’am, iyon po ang sabi ng doktor na ipapakain. Sinusuka raw po kasi niya ang ibang pagkain.”

“Kailan sinabi ‘yan?”

“Kay Sir Vince po, last month.”

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Vince.

“I’m busy.”

Pinatay niya.

Tinawagan ko ulit.

“What?! I said I’m busy!”

“I-schedule mo ako sa pediatrician ni Vincent ngayon na. Huwag ka nang magtanong. At kung nag-aalala ka, mag-aayos ako nang presentable. Okay?”

Pinatay ko na.

Maya-maya, sinabi ng yaya na pupunta raw ang doktor ng 1 PM.

Pagdating ng doktor—babae. Naka-mini skirt at tube.

“ I'm Dra. Darlene Uy. and by the way who are you? New maid niyo siya dito? Ang bait talaga ng sweetie pie ko sa mga muchacha niya. Para pag suotin ng mga ganiyang kamamahaling dress and jewelries. Uy! Mis wag mong iwala yan mahal pa yang sa pipitsugin mong life ?”

Napangiti ako.

“Ah, ikaw pala ang pediatrician ng baby ko. Mukha kang… hindi doktor. Mukha kang prostitute.”

Ngumiti ako.

“Kidding.”

Napikon siya.

“Are you deaf?”

“No. Pero may sakit ako—nanapak ako ng doktorang naka-tube at mini skirt na may bangs na parang kay Betty La Fea.”

Padabog kong inilapag ang kamay ko sa mesa.

“So, nandito ka ba para i-check ang anak ko, o kakalbuhin kita ngayon?”

Nanginginig siya pero chineck pa rin si Vincent.

Pagkatapos, umalis agad.

Tinignan ko ang reseta niya. Puro gamot na pampurga.

Tinawagan ko si Zandro—isa siyang pediatric specialist.

Kinumpirma niya na mali ang reseta.

Chinecked up ni bakla ni Vincent pagkatapos ay tinignan niya ko ng malungkot.

"B-bakit anong nagyayari sa anak ko?! Ha?! Bakla sabihin mo?!" Niyugyog ko siya habang tinatanong yun. Sinapok ako ni bakla.

"Ang oa mo Van ah! True to life girl! Mommy lang ang peg!" Tinakpan ko ang bunganga niya at pinandilatan nang mata.

"Ano ba kasi nakita mo?!kasi yung reaksyon mo eh nakakatakot!" sabay hampas ko sa dibdib niya.

"Okay lang ang lagay niya na hindi okay." Hah? Ano?! Tignan mo tong bakla na to kung magsalita.

Dinala namin si Vincent sa hospital.

Na-admit siya dahil dehydrated na siya.

Tinawagan ko si Vince.

Pagdating niya, kasama ang apat niyang kaibigan.

“Ano lagay niya?”

“Kailangan ma-admit. Mali ang gamot na nireseta ng doktora mo.”

“Magsasampa ako ng kaso, sa kaniya Atty.” tumango sii Jeric sa akin.

“No,” sabat ni Vince.

“She’s my business partner. I talked to her already. Siya na raw ang bahala sa hospital bill.”

Napatingin kami sa kanya.

Hinila ko siya palabas.

“Anong sabi mo kanina?! Na wag sampahan yung Doctora na yun huh?! Anong klase kang ama?! Hindi mo ba alam na muntikan nang mamatay yung anak mo sa mga nireseta niyang gamot! Wala bang halaga sayo yung anak mo huh?!"

“Are you deaf?! I think hindi naman. Bakit kailangan ko pang ulitin ang sinabi ko?" Sabi niya ng may malumanay sakin magsasalita na sana ko pero pinigilan niya ko.

" Pwede bang wag kang makialam at manghimasok sa buhay naming mag ama. At wag mo ding alisin sa maliit mong kokote na, pinapasahuran lang kita, di ka parte ng pamilya namin! Kaya wala kang karapatan!"

Tulala akong naiwan.

Ang sakit.

Pero tama siya.

Wala nga naman akong karapatan.

Ano ba, Van… lumugar ka.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Someone Like You    Chapter 6

    Vanessa POV Isang linggo nang nakakalabas si Vincent sa hospital. Ang sarap sa pakiramdam na may inaalagaan ka. Namimiss ko na tuloy si Vannie ko, kinuha ko ang picture niya sa wallet ko. Kamusta ka na kaya ang anak ko? Sabi ni Zandro makulit ka na daw ng huli ka niyang pasyalan. Konting ipon na lang anak magiging magkasama na tayo makukuha na kita kila mommy. Sa ngayon, kay Vincent ko na lang muna itutuon ang pangungulila ko sayo baka sakaling mawala ang lungkot ko. "Your daughter?" Napagitla ako sa boses na nasa likod ko si Nilo pala. Kinuha niya ang picture na hawak ko at tinignan. "She's cute like you. Where's your daughter?" "Nasa parents ko, iniwan ko muna kasi may mission pa ko, na dapat kong gawin." Ngumiti sya at ibinalik ang litrato sakin. "And what is your mission?" Tumayo ako at huminga ako ng malalim. "Hindi ko din alam kung ano ang mission ko." Sabay nguso ko at siya naman ay kumunot ang noo. " Ilang taon na kong ganito eh. Simula nang isinilang ko ang

  • Someone Like You    Chapter 5

    Vanessa POV Hindi ako makapaniwala na dito na ako titira ngayon sa mala-palasyong bahay na ito. Kanina lang ako lumipat. Medyo nalulungkot ako dahil mamimiss ko si Bakla—lalo na sa pagtulog. Kahit malikot siya at malakas humilik, mamimiss kong dumantay sa kanya. Lalo na dito, sobrang lamig dahil halos lahat ata ng sulok ng bahay naka-aircon. Nandito ako ngayon sa guest room. Dito raw ako matutulog. Pero kapag hindi ako nakatulog at may multo dito mamaya, uuwi na lang talaga ako kay Bakla. “Ma’am, ready na po ba kayong makilala at makita ang alaga ko?” Tumango ako at inayos ang damit ko para naman presentable kapag nakita ko siya. Sumunod ako sa nag-aalaga sa bata. Vincent ang pangalan niya. Medyo pinag-aralan ko na rin siya kahit papaano. Pumasok ang yaya sa isang kwarto at sumunod ako. Pagpasok ko, nakaramdam agad ako ng lungkot. Hindi ito mukhang kwarto ng isang bata. Para itong kwarto ng kaedad ko—puting wallpaper lang ang makikita. Walang kahit anong kulay. At

  • Someone Like You    Chapter 4

    Someone Like You Chapter 3Vanessa POVMaaga akong sinundo ng driver ng lalaking hinalikan ko kahapon. Ipinasok ng driver sa mataas na gate ang kotseng sinasakyan ko.Nang bumaba ako namangha ako sa laki ng bahay o bahay pa ba to? Ang laki kasi eh parang hotel o kaya ay isang mall. Kaso kapag nilibot mo ang paningin mo sa labas, makikita mo agad na malungkot ang may-ari at may pagka madamot. Bakit kamo?! Una may mga halaman nga pero wala man lang mga bulaklak kang makikita. Pangalawa kung bakit mukhang madamot?! Eh napakataas na ng gate at padi pader din, sa taas pa nun may mga bulb wire pa, and take note live yung mga kuryente daw niyan! Ito pa ang nakaka asiwa ang dami nilang bantay. Hindi kaya nandito ang yamashita treasure?!"Mam, pumasok na po kayo sabi ni Mr. Lee." Ahh Lee pala ang pangalan niya o apelyido niya. Tumango ako sa mamang tumawag sakin at sumunod sa kaniya.Pagdating namin sa loob para akong nasa palasyo ang ganda at ang laki grabe. Tumakbo ako sa gitna pini

  • Someone Like You    Chapter 3

    Someone Like You Chapter 2Vanessa POVNagtxt sakin kanina si Diane na ngayon daw ang interview ko sa papasukan kong trabaho.Kaya nagpunta agad ako sa mall, na pagmamay-ari nila. Kasama ko din si Zandro dahil alam mo naman tong si bakley hindi papakabog ang beauty.Pero minsan attracted talaga ako dito at ang mga ibang kababaihan kay bakla kasi kung tutuusin, kung hindi kami closed at mag kakilala. Lalaki ang makikita mo sa kaniya kasi hindi naman siya nag susuot ng mga pangbabae na damit eh.Kumaway kami nang makita namin si Dianne syempre ang meeting place namin kung nasaan ang favorite kong pizza. Pero ang pinagtataka ko bakit nasa labas lang yung mga tao lalo na ang mga kababaihan at si Dianne lang ang nandito sa loob. Naubusan ba sila ng stock ng pizza at pinalabas ang mga tao? Pero ang dami naman ng makakainan dito sa mall para tumambay pa sila dyan sa labas magdamag at maghintay lang ng pizza.Pagkaupo ko kumuha agad ako ng pizza at walang habas kong nilamon."Babae! Baka g

  • Someone Like You    Chapter 2

    Isang linggo na kaming naghahanap ng babaeng magpapanggap bilang mommy ni Vincent at hindi magiging kapalit na asawa ko. Dahil pansamantala lang ito, may mga nagtangkang mag-apply naman pero walang pumapasa dahil lahat sila, wala sa kalingkingan ng asawa ko.Ang laki pa naman ng ipapasweldo ko tapos masasayang lang kaya kailangan kong kilitasin ng maigi ang mga babaeng mag-aapply.May pumasok bigla sa loob ng office ko. Mukang nalusutan na naman ang secretary ko."Who are you?" Umupo siya sa harap ng lamesa ko."I can't remember na nag-offer ako to seat you here." Agad tumayo ang lalaki sa harapan ko."Sir, ako po ang nagmamay-ari ng maliit na kumpaniyang kinuha niyo po. At sana po ibalik niyo na lang po sa akin.""Whoa. Do you know why I got your company, right?" Diretso kong tanong sa kaniya."Yes, sir. Malaki po ang utang ko sa inyo at ang kumpaniya ko po ang kabayaran dahil wala po akong maibayad, dahil nalugi po ako." Tumango-tango ako sa sinabi niya. Kinuha ko ang ballpen at pi

  • Someone Like You    Chapter 1

    Vanessa POVNapakaganda ng lugar na to! Ang daming bulaklak at mga punong kahoy, naririnig ko din ang mga huni ng ibon sa palagid. Ang sarap pakinggan...Umupo ako sa damuhan katabi ng mga magagandang bulaklak. May natatanaw din akong isang ilog mukhang ang sarap maligo doon.Kaya't naisipan kong lumapit sa ilog mas lalong ang ganda! Pero ang nakaagaw pansin sakin ang isang lalaking nakatalikod, nakaupo sa mga batuhan na parang malungkot. Halatang kahit nakatalikod siya ay gwapo ito."Mr. Hello! Anong ginagawa mo diyan? Yohoo!" Kaway kaway kong sigaw pero hindi siya lumilingon."Mister na pogi! Hoy! " Tumigil siya sa pag-iisip mukhang napansin niya na ko at ayan paharap na siya sakin.Kaso nang may biglang humatak sakin, isang bakulaw!"Bitiwan mo kong bakulaw ka!" Sabi ko sa bakulaw pero hawak hawak pa din niya ako. May kinuha siya na hindi ko alam kung ano. Palapit siya sa akin namg may mukhang masamang gagawin!"Wag bakulaw!"Nabasa ako kinapa ko ang sarili ko basa nga ako t-teka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status