LOGINChapter 2
Walang pag-aalinlangan na sabi nito. At doon na tuluyang may nabasag sa loob ni Laurice. Parang sinuntok siya sa dibdib at nawalan ng hangin. Hindi siya nito kilala? Sumikip ang kanyang lalamunan habang nanginginig ang mga kamay niya. Nagtagpo ang mga mata nila saglit pero wala siyang makita roon na kahit anong kislap man lang. Mabilis siyang umiwas ng tingin. ‘Huwag kang iiyak. Huwag dito. Huwag.’ Pero ang sakit. Yung dibdib niya, parang muling pinupunit… yung bagay na pilit niyang pinagdikit sa loob ng maraming taon. Gusto niyang tumayo, umalis at maglaho na parang bula. Saka biglang tumikhim si Logan. “Okay, okay! Huwag na nating gawing weird ’tong meet up natin. Kaya nga natin pinagsama-sama ang mga bridesmaids at groomsmen para maging close tayong lahat, ’di ba? Chill muna tayo bago kumain.” Walang kumontra. ’Yun na ang pinakamadaling paraan para magkunwaring walang nangyari. “Para sa mga magaganda at gwapong tulad natin,” pagpapatuloy ni Logan, “wala pa ring tatalo sa Truth or Dare! Mabilisang ice-breaker ’to para mawala ang awkwardness.” May ilang tumawa, at meron din hindi. Pero si Laurice, tahimik lang siyang nakaupo roon. Pakiramdam nga niya ay hindi naman talaga siya welcome. Kumuha si Logan ng bakanteng bote ng wine at nilapag sa gitna ng lamesa. “Ako na ang magsisimula.” Pinaikot nito nang malakas and bote habang nanonood ang lahat, na tila ba buhay nila ang nakataya roon. Samantalang ang mga kababaehan ro’n ay panay ang sulyap kay Sanford na tila gusto nilang lahat tumama ang bote sa lalaki. Habang si Laurice, ay parang napako sa kinauupuan. Pinanood lang niyang bumagal… at bumagal ang bote. ‘Please, huwag kay Sanford!’’ Hindi niya alam kung bakit ’yun ang nasa isip niya. Pero sa kasawiang palad, tumama pa rin. Eksaktong nakaturo ang bote kay Sanford. Biglang umingay ang kwarto. “Hoy! Si Sanford!” “Truth or dare na ’yan, bilis!” Hindi man lang nag-react si Sanford. Sumandal lang ito ng bahagya, kalmado na parang hindi ito ang sentro ng atensyon. “Dare,” maikli at seryoso nitong sagot. Tinaas ni Logan ang kilay at napangisi. “Tapang ah. Sige, tingnan natin…” Bumunot ito ng isang nakatuping papel sa tumpok, binuksan ito, at nanlaki ang mata sa nabasa. “Grabe, lupet nito! Wooh! Kiss a girl here for two minutes using a tissue.” Naghiyawan ang lahat sa lamesa. May tumatawa, may nanunukso. Kumunot naman ang noo ni Sanford, at nagdilim ang mukha. Napahawak si Laurice sa kanyang hita at mahigpit na kinuyom ang tela ng pantalon niya. Bakit parang hindi siya dapat nandito? Na parang nanonood siya ng isang bagay na hindi niya dapat makita. Biglang tumayo si Violet at naglabas ng tissue, ngumisi ito nang tumingin sa kaniya. “Huwag na kayong umasa. Siguradong ako ang pipiliin ni Ford.” Idinikit nito ang tissue sa labi nito at lumingon kay Sanford. Napayuko si Laurice. Ayaw niyang makita ang harap-harapang pagsaksak sa puso niya. Pero imbes na halikan ni Sanford si Violet, mas pinili nitong lagukin ang baso ng alak sa harap nito. Tumahimik ang kwarto sandali, bago muling nagtawanan ang mga tao. “Ay, boring naman! Kawawa naman si Violet.” “Umatras ka?” “Sayang!” Natawa na lang si Logan. “Well, drinking counts as punishment, so… yeah, no kiss needed.” Padabog na nilapag ni Violet ang tissue sa lamesa. “Sanford, wala ka talagang kwenta kalaro! Ano ’yun, biglang naging mahiyain? Hindi ka naman ganyan dati.” Hindi sumagot si Sanford. Huminga lang ito nang malalim, na tila ba naramdaman nito ang hapdi ng alak sa lalamunan nito. Nagpatuloy ang laro na parang walang nangyari. Paikot-ikot ang bote, tawanan, ingay—pero para kay Laurice, parang ang layo ng lahat. Hanggang sa muling huminto ang bote. At sa kanya ito nakaturo. Nanigas si Laurice. Nataranta siya agad. Ayaw niya ng atensyon, lalo na ngayon. “Laurice, turn mo na,” sabi ng isa nilang kasama. “Truth or dare?” Bigla siyang nag-alinlangan. Masyadong delikado ang dare. At sa pag-inom naman, alam niyang hindi niya kakayanin kaya ang isa ang pinili niya. “Truth na lang,” mahina niyang sagot. Hindi na nagpatumpik-tumpik si Violet. Agad sumingit ang boses nito na parang kanina pa naghihintay. “Mabuti naman! So, sagutin mo ’to nang maayos, Laurice. Pinagsisihan mo ba ang ginawa mo limang taon na ang nakalipas?” Parang may batong bumagsak sa gitna ng usapan. Nagkatinginan ang mga tao, nalilito. Anong nangyari limang taon na ang nakalipas? Naramdaman naman ni Laurice ang sikip sa dibdib niya. Yung pressure na parang dinaganan siya. Sa kabilang panig, humigpit ang hawak ni Sanford sa baso nito. Nakatungo lang ito, at titig sa alak na parang pinipigilan ang sarili. Napalunok si Laurice. Ito na naman sila. Hindi naman talaga nawala ang isyung ito. “Hindi,” sagot niya. Diretso ang kanyang boses kahit nanginginig ang loob niya. “Hindi ko pinagsisihan. At kung kailangang dumaan ulit doon… ’yun pa rin ang pipiliin ko.” Mahina niyang sagot. Dahil totoo naman. Ang isang katulad niya… para makasama si Sanford… hihilahin lang niya ito pababa. Masisira lang ang perpekto at malinis na kinabukasan na dapat para rito. ’Yun ang pinaniniwalaan niya. ’Yun ang pilit niyang itinanim sa sarili niya. Ngumiti nang bahagya si Violet, halatang nasiyahan sa sagot. “Mabuti naman! At least honest ka.” Honest? Honest nga ba talaga siya? “Sige, next round na,” sabi ng isa, sinubukang galawin ang bote. Pero bago pa man mapaikot— biglang dinampot ni Sanford ang baso sa harap nito at ininom ’yun. Hindi lang iyon, sinundan pa nito ng isa pa. Straight. Sa pagkakataong ito, wala nang tumawa. Lahat ay nagkatinginan na lang. Kahit si Logan, nalilito na. “Bro, para saan ’yun? Hindi mo naman turn.” Nilapag ni Sanford ang baso. “I know. Ipagpatuloy niyo lang ang laro,” mahinahon nitong sabi. “Pupunta lang akong restroom.” Tapos tumayo ito at umalis. Sinundan niya ito ng tingin. Biglang bumigat ang kaniyang pakiramdam. Ang Sanford Ocampo na kilala niya dati… hindi umiinom. Hindi naninigarilyo. Galit na galit kahit sa amoy ng alak. At sobrang hina ng tolerance, konti lang ay nahihilo na agad. Pero ngayon, tatlong baso ang tinungga nito na parang wala lang. Sigurado si Laurice na masama ang pakiramdam nito ngayon. Napahigpit ang kapit ni Laurice sa strap ng bag niya. Bakit ko pa siya inaalala? Pinilit niyang umiwas ng tingin. Wala na siyang karapatan. Hindi na siya ang dapat mag-alala, lalo na’t nandito si Violet. Lalo na’t binura na siya nito sa buhay nito. Pero nang mag-angat siya ng ulo, nagtagpo ang mata nila ni Violet. Malamig. Matalim at puno ng galit. Parang sinisisi na naman siya sa isang bagay na hindi niya ginusto. Sa paraan ng pagtitig nito, malinaw ang mensahe na gusto nitong ipaabot. ‘Nanggugulo ka pa rin.’ Napayuko si Laurice, naninikip ang lalamunan. Kahit ngayon… siya pa rin ang problema.Chapter 5 “Sa dinami-rami ng lugar, bakit nagkita pa kayo ng babaeng ‘yon? Ang laki ng Pilipinas, pero heto pa rin…”Hindi ito tiningnan ni Sanford. Bahagya lang siyang umiling, at nakatingin sa labas ng bintana na tila ba mas mahalaga ang mga ilaw na nadadaanan nila.“Paano ka nga pala napunta doon?” malamig na tanong ni Sanford sa babae.Nag-hesitate si Violet sandali.“Nagtanong ako kay Logan. Sabi niya nandoon ka, kaya pumunta ako.”Lalong lumamig ang boses ni Sanford. “Huwag mong ipagsiksikan ang sarili mo sa circle ko. Kung hindi kita inimbita, huwag kang pupunta nang ganoon ulit.”Napahigpit ang kapit ni Violet sa manibela. “So, galit ka na n’yan sa akin? Sabihin mo nga nang tapat, pumunta ka ba doon dahil alam mong nandoon si Laurice?”Napapikit si Sanford, halatang iritadong-irita. Hindi siya sumagot.Muling sumulyap si Violet sa kanya, pinag-aaralan ang kaniyang mukha. Nang wala itong makuhang sagot, lalong tumalas ang boses nito.“Trinaydor ka ng babaeng ’yan, Sanford! Huw
Chapter 4 Itinaas ni Sanford ang sigarilyo sa labi nito at humithit nang dahan-dahan. Bigla, sumikip ang dibdib ni Laurice.Hindi naman ito naninigarilyo dati. Kahit kailan. Dati, maayos ang buhay nito at kontrolado lahat.Dahil ba sa kanya kaya ito naging ganon?Bumagal ang lakad niya nang hindi niya namamalayan. Hindi niya maalis ang tingin dito.Nang papalapit na sila ni Stacey, pinatay ni Sanford ang sigarilyo sa ashtray sa tabi ng basurahan.Nagkasalubong sila sa daan at biglang hinablot nito ang braso niya.Napasinghap si Stacey, nanlalaki ang mga mata, patingin-tingin sa kanilang dalawa.“Teka, kayong dalawa? Ano ’to? Ganun ba kabilis naging close?”Nanigas si Laurice. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya at tiningnan si Sanford.“Mag-usap tayo,” sabi ni Sanford na puno ng diin ang boses. Litong-lito naman si Stacey. “Ah, sige, oo! Mag-usap kayo. Una na muna ako sa loob.”Hindi na ito naghintay. Tumalikod si Stacey at nagmadaling umalis, halatang ayaw madamay sa kung ano mang-e
Chapter 3 Eksakto namang pumasok si Stacey na punong-puno ng energy, at biglang nagbago ulit ang timpla ng buong kwarto.Bumalik ang tawanan. Lalong lumakas ang mga boses. May nanunukso na naman kay Logan, habang ang iba ay nagpalakpakan at naghihiyawan na parang walang mabigat na nangyari kanina.Mukhang normal ulit ang lahat.Habang si Laurice, nakaupo lang doon, tahimik at parang nasa ibang mundo siya. Parehong silid, parehong mga tao, pero pakiramdam niya ay napakalayo niya, nanonood lang sa likod ng isang makapal na salamin. Na habang nagtatawanan ang lahat, nakatitig lang siya sa kawalan.Napansin ’yun ni Stacey. Hindi muna ito nagsalita, pinanood lang siya nito nang ilang segundo bago dahan-dahang hinila nito ang braso niya.“Uy. Samahan mo muna ako saglit.”Hindi na pumalag si Laurice at sinamahan ang kaibigan. Tahimik sa loob ng banyo. Malamig. Ang tanging tunog lang ay ang agos ng tubig mula sa gripo.Tumayo si Laurice sa harap ng lababo, hinayaang dumaloy ang malamig na t
Chapter 2 Walang pag-aalinlangan na sabi nito.At doon na tuluyang may nabasag sa loob ni Laurice. Parang sinuntok siya sa dibdib at nawalan ng hangin. Hindi siya nito kilala?Sumikip ang kanyang lalamunan habang nanginginig ang mga kamay niya.Nagtagpo ang mga mata nila saglit pero wala siyang makita roon na kahit anong kislap man lang.Mabilis siyang umiwas ng tingin.‘Huwag kang iiyak. Huwag dito. Huwag.’Pero ang sakit.Yung dibdib niya, parang muling pinupunit… yung bagay na pilit niyang pinagdikit sa loob ng maraming taon.Gusto niyang tumayo, umalis at maglaho na parang bula.Saka biglang tumikhim si Logan.“Okay, okay! Huwag na nating gawing weird ’tong meet up natin. Kaya nga natin pinagsama-sama ang mga bridesmaids at groomsmen para maging close tayong lahat, ’di ba? Chill muna tayo bago kumain.”Walang kumontra.’Yun na ang pinakamadaling paraan para magkunwaring walang nangyari.“Para sa mga magaganda at gwapong tulad natin,” pagpapatuloy ni Logan, “wala pa ring tatalo
Chapter 1 Sa loob ng apat na taon nila ni Sanford, isang beses lang umiyak nang ganoon si Laurice. Ito ay ‘yung may nangyari sa kanilang dalawa bilang magkasintahan."Laurice, promise, dahan-dahan lang ako," sabi nito.Pero hindi naman tungkol sa pagiging maingat ’yun. Si Sanford ang first time niya at masyado lang talagang masakit. Higit pa sa akala niyang kayang tiisin ng katawan niya, higit sa kaya niyang ipaliwanag. Tinulak niya ito, kinalmot, para lang tumigil ito. Pagkatapos n’un, puro kalmot ang balat ni Sanford. Puro malalim at mapulang marka na dapat sana ay ikinagalit nito.Pero sa halip, tiningnan lang siya nito na para bang isa siyang mamahaling bagay na sa wakas ay hinayaan siyang hawakan. Mukhang masaya si Sanford. Para bang hawak na nito ang buong mundo nung oras na ’yun.Nanatiling malinaw ang gabing ’yun sa isip niya sa kakaibang paraan. Halo-halong sakit at tawanan pagkatapos, habol na hininga, at mga halik na sinusubukang ayusin ang lahat.Tapos, bigla na lang nata







