ANMELDENChapter 4
Itinaas ni Sanford ang sigarilyo sa labi nito at humithit nang dahan-dahan. Bigla, sumikip ang dibdib ni Laurice.Hindi naman ito naninigarilyo dati. Kahit kailan. Dati, maayos ang buhay nito at kontrolado lahat. Dahil ba sa kanya kaya ito naging ganon? Bumagal ang lakad niya nang hindi niya namamalayan. Hindi niya maalis ang tingin dito. Nang papalapit na sila ni Stacey, pinatay ni Sanford ang sigarilyo sa ashtray sa tabi ng basurahan. Nagkasalubong sila sa daan at biglang hinablot nito ang braso niya. Napasinghap si Stacey, nanlalaki ang mga mata, patingin-tingin sa kanilang dalawa. “Teka, kayong dalawa? Ano ’to? Ganun ba kabilis naging close?” Nanigas si Laurice. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya at tiningnan si Sanford. “Mag-usap tayo,” sabi ni Sanford na puno ng diin ang boses. Litong-lito naman si Stacey. “Ah, sige, oo! Mag-usap kayo. Una na muna ako sa loob.” Hindi na ito naghintay. Tumalikod si Stacey at nagmadaling umalis, halatang ayaw madamay sa kung ano mang-eksena. Gusto sana itong pigilan ni Laurice pero nakalayo na ang kaibigan. Pero bago pa siya makapag-isip na tumakbo papalayo, hinila na siya ni Sanford direkta sa loob ng smoking area. “Ano ba! Sa’n mo ba ako dadalhin?” Hindi ito sumagot. Tinulak nito ang fire door sa tabi at kinaladkad siya papasok sa stairwell. Padabog na sumara ang pinto sa likod nila. “Sanford, teka—” Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil tinulak siya nito nang alakas. Tumama ang likod niya sa pader. Napangiwi siya sa sakit na halos mawalan siya ng hangin. Nahilo siya sandali. At bago pa siya maka-react, hinalikan siya nito ng biglaan at walang babala. Hindi lang ‘yon, puno rin ito ng pwersa at galit. “Mmmp!” mahinang ungol ni Laurice sa sakit. Tinulak niya ang dibdib ni Sanford, sinubukang lumayo, huminga. Pero hindi ito tumigil. Nang pumalag siya, hinuli nito ang pulsuhan niya at ipinako sa pader sa taas ng ulo niya. Sumunod ang kabilang kamay. Hindi na siya makagalaw. Hinalikan siya nito ulit, mas madiin ngayon, parang tuluyan nang nawalan ng kontrol. Napapikit si Laurice, kusa nang pumatak ang mga luha kahit pinipigilan niya ang mga ito. Hindi ito ang Sanford Ocampo na kilala niya. Ang Sanford na alam niya, laging maingat. Malambot kumilos, pinaparamdam sa kanya na ligtas siya. Itong Sanford na ’to ay punong puno ng galit sa kanya. Kaya kinagat niya ito nang malakas. Napaatras si Sanford, at napamura sa sakit. Bumalik ang hangin sa baga ni Laurice pero hindi pa rin sapat iyon. Masakit ang mga labi niya, mahapdi at parang namamaga. Hawak pa rin nito ang pulsuhan niya, at ayaw bitawan. “Dahil pinili mong maglaho sa buhay ko,” mahinang sabi ni Sanford, malamig ang boses na puno ng poot, “gawin mo nang maayos. Huwag ka nang magpapakita ulit. Huwag mo nang hayaang makita kita.” Nanikip ang lalamunan ni Laurice. Sobrang sikip na halos hindi siya makapagsalita. Pero sumagot pa rin siya. “S-sige.” Siya lang ang nakakaalam kung gaano kabigat ang galit nito. Dahil sa puso niya… hindi naman ito nawala kahit isang araw. Isang mapait na kaisipan ang sumagi sa isip niya. Siguro tama ang mga tao. Kapag nakatagpo ka ng isang taong hindi mo makalimutan noong bata ka pa, mananatili na ’yun sa’yo. At lahat ng susunod, pakiramdam mo kulang. Binitawan siya ni Sanford. Pinunasan nito nang bahagya ang labi kung saan siya kinagat, blangko ang mukha na parang wala lang ang nangyari. Tapos tumalikod at baglakad palayo habang Iniwan siyang mag-isa sa stairwell. Dahan-dahang napaupo na lamang si Laurice sa sahig. Nanlabo ang paningin niya, at bago pa niya mapigilan, tuluyan nang pumatak ang mga luha niya. Ramdam pa rin niya ang labi nito sa kanya—isang pamilyar na amoy na sapat na para saktan ulit ang buong pagkatao niya. Pakiramdam niya, may kung anong muling nabuksan sa loob ng puso niya kayahindi siya makahinga nang maayos. Bakit ba hanggang ngayon, ganito pa rin kasakit? Maya-maya pa ay pinunasan niya ang mukha gamit ang likod ng kanyang kamay. Inilabas niya ang phone niya at nag-type ng message. “Stacey, una na akong umuwi. Pakiusap na lang na may magdala ng bag ko sa bahay, ha?” Pinakatitigan niya muna ang screen bago ito sinend. Pagkatapos, pinilit niyang tumayo, kumakapit sa pader para lang maka-balanse. Nanginginig pa rin ang mga binti niya. Huminga muna siya nang malalim at pinunasan ulit ang mga mata niya, pero mahapdi pa rin ang mga ito. Mukha siyang pagod na pagod at ubos na ubos. Dahan-dahan siyang bumaba sa hagdan, maingat, iniiwasang dumaan sa mga lugar na pinanggalingan niya kanina. Ayaw na niyang makasalubong pa ito ulit. Saka naman nag-vibrate ang phone niya. Mabilis na nag-reply si Stacey. “Laurice, grabe ka naman. Kinagat mo talaga yung labi ni Sanford hanggang sa magdugo? Intense niyo ah. Pero kampi ako sa’yo. Hindi tayo pumapatol sa mga lalaking may girlfriend na.” Napapatulala si Laurice sa message. Napahigpit ang hawak niya sa phone. So, ganoon pala ang tingin ng iba. Napangiti siya nang mapait, ramdam ang pait na namumuo sa lalamunan niya. Kung alam lang nila na hindi naman ganoon kasimple ang lahat. Hindi na siya nag-reply. Tahimik lang siyang lumabas ng hotel, na tila ba hindi siya nanggaling doon kanina.. Nang lumalim na ang gabi, natapos na rin ang party. Halos wala nang tao sa kalsada. May mangilan-ngilang sasakyang dumadaan, ang mga headlights ay sumasayaw sa dilim. Sa loob ng isang kotse, tumatagos ang madilim na dilaw na ilaw ng poste sa bintana, nagbibigay ng anino sa mukha ni Sanford. Madilim ang ekspresyon nito. Pero kitang-kita ang maliit na sugat sa labi niya. Mahigpit ang hawak ni Violet sa manibela. Hindi siya uminom, pero sobrang sama na ng mood niya. Sinulyapan nito ang labi ni Sanford at napairap.Chapter 5 “Sa dinami-rami ng lugar, bakit nagkita pa kayo ng babaeng ‘yon? Ang laki ng Pilipinas, pero heto pa rin…”Hindi ito tiningnan ni Sanford. Bahagya lang siyang umiling, at nakatingin sa labas ng bintana na tila ba mas mahalaga ang mga ilaw na nadadaanan nila.“Paano ka nga pala napunta doon?” malamig na tanong ni Sanford sa babae.Nag-hesitate si Violet sandali.“Nagtanong ako kay Logan. Sabi niya nandoon ka, kaya pumunta ako.”Lalong lumamig ang boses ni Sanford. “Huwag mong ipagsiksikan ang sarili mo sa circle ko. Kung hindi kita inimbita, huwag kang pupunta nang ganoon ulit.”Napahigpit ang kapit ni Violet sa manibela. “So, galit ka na n’yan sa akin? Sabihin mo nga nang tapat, pumunta ka ba doon dahil alam mong nandoon si Laurice?”Napapikit si Sanford, halatang iritadong-irita. Hindi siya sumagot.Muling sumulyap si Violet sa kanya, pinag-aaralan ang kaniyang mukha. Nang wala itong makuhang sagot, lalong tumalas ang boses nito.“Trinaydor ka ng babaeng ’yan, Sanford! Huw
Chapter 4 Itinaas ni Sanford ang sigarilyo sa labi nito at humithit nang dahan-dahan. Bigla, sumikip ang dibdib ni Laurice.Hindi naman ito naninigarilyo dati. Kahit kailan. Dati, maayos ang buhay nito at kontrolado lahat.Dahil ba sa kanya kaya ito naging ganon?Bumagal ang lakad niya nang hindi niya namamalayan. Hindi niya maalis ang tingin dito.Nang papalapit na sila ni Stacey, pinatay ni Sanford ang sigarilyo sa ashtray sa tabi ng basurahan.Nagkasalubong sila sa daan at biglang hinablot nito ang braso niya.Napasinghap si Stacey, nanlalaki ang mga mata, patingin-tingin sa kanilang dalawa.“Teka, kayong dalawa? Ano ’to? Ganun ba kabilis naging close?”Nanigas si Laurice. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya at tiningnan si Sanford.“Mag-usap tayo,” sabi ni Sanford na puno ng diin ang boses. Litong-lito naman si Stacey. “Ah, sige, oo! Mag-usap kayo. Una na muna ako sa loob.”Hindi na ito naghintay. Tumalikod si Stacey at nagmadaling umalis, halatang ayaw madamay sa kung ano mang-e
Chapter 3 Eksakto namang pumasok si Stacey na punong-puno ng energy, at biglang nagbago ulit ang timpla ng buong kwarto.Bumalik ang tawanan. Lalong lumakas ang mga boses. May nanunukso na naman kay Logan, habang ang iba ay nagpalakpakan at naghihiyawan na parang walang mabigat na nangyari kanina.Mukhang normal ulit ang lahat.Habang si Laurice, nakaupo lang doon, tahimik at parang nasa ibang mundo siya. Parehong silid, parehong mga tao, pero pakiramdam niya ay napakalayo niya, nanonood lang sa likod ng isang makapal na salamin. Na habang nagtatawanan ang lahat, nakatitig lang siya sa kawalan.Napansin ’yun ni Stacey. Hindi muna ito nagsalita, pinanood lang siya nito nang ilang segundo bago dahan-dahang hinila nito ang braso niya.“Uy. Samahan mo muna ako saglit.”Hindi na pumalag si Laurice at sinamahan ang kaibigan. Tahimik sa loob ng banyo. Malamig. Ang tanging tunog lang ay ang agos ng tubig mula sa gripo.Tumayo si Laurice sa harap ng lababo, hinayaang dumaloy ang malamig na t
Chapter 2 Walang pag-aalinlangan na sabi nito.At doon na tuluyang may nabasag sa loob ni Laurice. Parang sinuntok siya sa dibdib at nawalan ng hangin. Hindi siya nito kilala?Sumikip ang kanyang lalamunan habang nanginginig ang mga kamay niya.Nagtagpo ang mga mata nila saglit pero wala siyang makita roon na kahit anong kislap man lang.Mabilis siyang umiwas ng tingin.‘Huwag kang iiyak. Huwag dito. Huwag.’Pero ang sakit.Yung dibdib niya, parang muling pinupunit… yung bagay na pilit niyang pinagdikit sa loob ng maraming taon.Gusto niyang tumayo, umalis at maglaho na parang bula.Saka biglang tumikhim si Logan.“Okay, okay! Huwag na nating gawing weird ’tong meet up natin. Kaya nga natin pinagsama-sama ang mga bridesmaids at groomsmen para maging close tayong lahat, ’di ba? Chill muna tayo bago kumain.”Walang kumontra.’Yun na ang pinakamadaling paraan para magkunwaring walang nangyari.“Para sa mga magaganda at gwapong tulad natin,” pagpapatuloy ni Logan, “wala pa ring tatalo
Chapter 1 Sa loob ng apat na taon nila ni Sanford, isang beses lang umiyak nang ganoon si Laurice. Ito ay ‘yung may nangyari sa kanilang dalawa bilang magkasintahan."Laurice, promise, dahan-dahan lang ako," sabi nito.Pero hindi naman tungkol sa pagiging maingat ’yun. Si Sanford ang first time niya at masyado lang talagang masakit. Higit pa sa akala niyang kayang tiisin ng katawan niya, higit sa kaya niyang ipaliwanag. Tinulak niya ito, kinalmot, para lang tumigil ito. Pagkatapos n’un, puro kalmot ang balat ni Sanford. Puro malalim at mapulang marka na dapat sana ay ikinagalit nito.Pero sa halip, tiningnan lang siya nito na para bang isa siyang mamahaling bagay na sa wakas ay hinayaan siyang hawakan. Mukhang masaya si Sanford. Para bang hawak na nito ang buong mundo nung oras na ’yun.Nanatiling malinaw ang gabing ’yun sa isip niya sa kakaibang paraan. Halo-halong sakit at tawanan pagkatapos, habol na hininga, at mga halik na sinusubukang ayusin ang lahat.Tapos, bigla na lang nata







