LOGINChapter 5
“Sa dinami-rami ng lugar, bakit nagkita pa kayo ng babaeng ‘yon? Ang laki ng Pilipinas, pero heto pa rin…” Hindi ito tiningnan ni Sanford. Bahagya lang siyang umiling, at nakatingin sa labas ng bintana na tila ba mas mahalaga ang mga ilaw na nadadaanan nila. “Paano ka nga pala napunta doon?” malamig na tanong ni Sanford sa babae. Nag-hesitate si Violet sandali. “Nagtanong ako kay Logan. Sabi niya nandoon ka, kaya pumunta ako.” Lalong lumamig ang boses ni Sanford. “Huwag mong ipagsiksikan ang sarili mo sa circle ko. Kung hindi kita inimbita, huwag kang pupunta nang ganoon ulit.” Napahigpit ang kapit ni Violet sa manibela. “So, galit ka na n’yan sa akin? Sabihin mo nga nang tapat, pumunta ka ba doon dahil alam mong nandoon si Laurice?” Napapikit si Sanford, halatang iritadong-irita. Hindi siya sumagot. Muling sumulyap si Violet sa kanya, pinag-aaralan ang kaniyang mukha. Nang wala itong makuhang sagot, lalong tumalas ang boses nito. “Trinaydor ka ng babaeng ’yan, Sanford! Huwag mong sabihing iniisip mo pa rin siya. Wala ka namang balak makipagbalikan sa kanya, ’di ba?” Idinilat ni Sanford ang mga mata niya. “Walang kinalaman ang nangyari sa aming dalawa sa’yo,” flat niyang sabi. “At ayusin mo ang pananalita mo.” “Bakit mo pa siya pinagtatanggol?” Nag-alab ang galit ni Violet. “Pagkatapos ng lahat ng ginawa niya sa’yo noon, hanggang ngayon ba—” “Pwede bang tumahimik ka na lang?” singit ni Sanford. Mababa ang boses pero matalim. Natahimik si Violet. Naging tahimik ang loob ng kotse pagkatapos n’un. Pero ang utak niya, hindi tumitigil. Dahil naaalala pa niya. Lahat sila, naaalala ang lahat. Noon, nung iniwan siya ni Laurice… hindi lang basta tinanggap ni Sanford ang lahat. Nasira siya. Nag-makaawa siya. Hinabol niya si Laurice na tila ba wala nang ibang mahalaga sa mundo. Umiyak siya sa harap ng maraming tao, wala siyang pakialam kung sino ang nakakakita. Umabot pa sa puntong lumuhod siya sa paanan nito… Pero wala pa rin, naglakad pa rin palayo si Laurice at iniwan siya Noong October, nung ayaw tumigil ng ulan, pitong oras na tumayo si Sanford sa labas ng bahay ni Laurice. Basang-basa ang suot niya, nanginginig na ang buong katawan, pero ayaw niyang umalis. Pitong oras. Hanggang sa nag-collapse siya at kailangang isugod sa ospital. At kahit noon… hindi pa rin bumalik si Laurice. … Pagkatapos ng graduation, pinutol ni Laurice ang lahat. Bagong number. Bagong accounts. Bagong tirahan. Umalis siya ng siyudad at hindi na lumingon pa. Mula noon, hindi na nagkrus ang landas nila ni Sanford. Parang isang pinto na tuluyan nang isinara at sinelyuhan ang nakaraan. “Laurice, pakasal na tayo pagka-graduate.” Naaalala pa niya ang itsura ni Sanford noong sinabi nito ’yun. Seryoso pero sobrang lambot ng tingin. “Ang bilis naman?” natatawa niyang tanong, kahit medyo kabado siya. Hinila siya nito palapit. “Sa labas ng school, ang dami nang distractions. Ang daming tao. Masyado kang maganda… ayaw kong may ibang lalaking tumitingin sa’yo nang ganyan.” Napangiti siya at sumandal sa dibdib nito. “Wala kang dapat ipag-alala. Ikaw lang naman ang mamahalin ko.” “Kung mahal mo talaga ako,” bulong ni Sanford, “magpakasal ka sa akin. Para mapalagay ang loob ko.” Nag-hesitate si Laurice sandali. Tapos tumango siya. “Sige. Pagkatapos ng graduation… papakasalan kita.” Kuminang ang mga mata ni Sanford. “Saan mo gustong ganapin?” Nag-isip si Laurice at dahan-dahang ngumiti. “Yung malapit sa dagat. May buhangin… sikat ng araw… at hangin.” “Sige, ’yun ang gagawin natin,” walang pag-aalinlangang sagot ni Sanford. “Kung anong gusto mo, ’yun din ang gusto ko. Magpapakasal tayo sa beach.” Biglang tumunog nang malakas ang phone niya. Parang may sumabog sa loob ng alaala niya. Dahan-dahang nagising si Laurice, naninikip ang dibdib. Madilim pa ang kwarto, may manipis na sinag lang ng araw sa siwang ng kurtina. Ramdam niyang basa na naman ang kanyang mga mata. ‘Bakit ko ba napapanaginipan ’yun hanggang ngayon?’ Inabot niya ang phone, pilit na idinidilat ang mga mata. Marco Velasquez. Makita pa lang ang pangalan ng bwesit na lalaki, parang bumaligtad na ang sikmura niya. Umupo siya at sinagot ang tawag. “Ano na naman?” mahina niyang tanong. “Bayaran na ng bill,” diretsong sabi ni Marco, malamig ang boses. “Pumunta ka na rito sa ospital.” “Sige.” Pinatay niya agad ang tawag. Hinayaan niyang bumagsak ang phone sa tabi niya, saka humiga ulit, nakatitig sa kisame. Limang taon na ang nakalipas… Nabilanggo ang tatay niya. Pinagbintangan itong nambugbog sa tatay ni Marco na si Rodolfo Velasquez hanggang sa maging vegetative state ito. Laging sinasabi ng tatay niya na inosente siya. Na-frame up lang daw siya pero walang naniwala. May saksi. May ebidensya. At mas malala, nag-away ang tatay niya at si Rodolfo isang araw bago mangyari ang insidente. Sa sobrang galit, may nasigaw ang ama niya ng, “Papatayin kita bukas!” Sapat na ’yun para maging motibo. Dalawampu’t dalawang taon. At 80,million pesos na bayarin. Kasama ang lahat ng gastusin sa ospital. Napapikit si Laurice nang mariin. Alam niyang hindi ginawa ’yun ng kanyang ama. At hindi kailanman nagbago ang paniniwalang ’yun. Kaya siya nag-aral ng Law. Kaya siya pumasa sa Bar. Kaya taon ang ginugol niya sa paghahalungkat ng ebidensya, sa paghahanap ng kahit anong puwedeng bumaliktad sa kaso. … Sa ospital, tahimik na nagbayad si Laurice. Kinuha niya ang resibo at umalis agad. Ayaw na niyang manatili pa ro’n pero mabilis siyang nahabol ni Marco at hinablot ang braso niya. “Ano na yung sinabi ko sa’yo nung huli?” Pwersahan niyang binawi ang braso niya, at matalim na tiningnan ang lalaki. “Ano bang problema mo? Nag-iisip ka ba nang maayos?” Nagdilim ang mukha ni Marco. “Binibigyan na nga kita ng paraan para makawala, Laurice,” medyo pasigaw nitong sabi. “Kapag pinakasalan mo ako, kakalimutan ko na yung utang niyo. Hindi mo na kailangang bayaran ang ospital ng tatay ko. Matutulungan pa kitang makakuha ng 660,000 million pesos na dowry. Pumayag na ang nanay mo. Magiging maayos ang lahat. Papalagpasin ko na ang lahat.” Nakatitig lang si Laurice sa lalaki na puno ng pandidiri. Anong tingin ni Marco? Na kaya siyang bilhin kapalit ng utang? Hindi siya sumagot. Tumalikod siya bigla at mabilis na naglakad palayo. Sumunod naman agad si Marco, at hinablot ulit ang braso niya nang mas mahigpit. “Pumayag na ang nanay mo!” bulyaw nito. “Bakit ka pa nag-iinarte babae—” “Edi si Mama ang pakasalan mo!”Chapter 5 “Sa dinami-rami ng lugar, bakit nagkita pa kayo ng babaeng ‘yon? Ang laki ng Pilipinas, pero heto pa rin…”Hindi ito tiningnan ni Sanford. Bahagya lang siyang umiling, at nakatingin sa labas ng bintana na tila ba mas mahalaga ang mga ilaw na nadadaanan nila.“Paano ka nga pala napunta doon?” malamig na tanong ni Sanford sa babae.Nag-hesitate si Violet sandali.“Nagtanong ako kay Logan. Sabi niya nandoon ka, kaya pumunta ako.”Lalong lumamig ang boses ni Sanford. “Huwag mong ipagsiksikan ang sarili mo sa circle ko. Kung hindi kita inimbita, huwag kang pupunta nang ganoon ulit.”Napahigpit ang kapit ni Violet sa manibela. “So, galit ka na n’yan sa akin? Sabihin mo nga nang tapat, pumunta ka ba doon dahil alam mong nandoon si Laurice?”Napapikit si Sanford, halatang iritadong-irita. Hindi siya sumagot.Muling sumulyap si Violet sa kanya, pinag-aaralan ang kaniyang mukha. Nang wala itong makuhang sagot, lalong tumalas ang boses nito.“Trinaydor ka ng babaeng ’yan, Sanford! Huw
Chapter 4 Itinaas ni Sanford ang sigarilyo sa labi nito at humithit nang dahan-dahan. Bigla, sumikip ang dibdib ni Laurice.Hindi naman ito naninigarilyo dati. Kahit kailan. Dati, maayos ang buhay nito at kontrolado lahat.Dahil ba sa kanya kaya ito naging ganon?Bumagal ang lakad niya nang hindi niya namamalayan. Hindi niya maalis ang tingin dito.Nang papalapit na sila ni Stacey, pinatay ni Sanford ang sigarilyo sa ashtray sa tabi ng basurahan.Nagkasalubong sila sa daan at biglang hinablot nito ang braso niya.Napasinghap si Stacey, nanlalaki ang mga mata, patingin-tingin sa kanilang dalawa.“Teka, kayong dalawa? Ano ’to? Ganun ba kabilis naging close?”Nanigas si Laurice. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya at tiningnan si Sanford.“Mag-usap tayo,” sabi ni Sanford na puno ng diin ang boses. Litong-lito naman si Stacey. “Ah, sige, oo! Mag-usap kayo. Una na muna ako sa loob.”Hindi na ito naghintay. Tumalikod si Stacey at nagmadaling umalis, halatang ayaw madamay sa kung ano mang-e
Chapter 3 Eksakto namang pumasok si Stacey na punong-puno ng energy, at biglang nagbago ulit ang timpla ng buong kwarto.Bumalik ang tawanan. Lalong lumakas ang mga boses. May nanunukso na naman kay Logan, habang ang iba ay nagpalakpakan at naghihiyawan na parang walang mabigat na nangyari kanina.Mukhang normal ulit ang lahat.Habang si Laurice, nakaupo lang doon, tahimik at parang nasa ibang mundo siya. Parehong silid, parehong mga tao, pero pakiramdam niya ay napakalayo niya, nanonood lang sa likod ng isang makapal na salamin. Na habang nagtatawanan ang lahat, nakatitig lang siya sa kawalan.Napansin ’yun ni Stacey. Hindi muna ito nagsalita, pinanood lang siya nito nang ilang segundo bago dahan-dahang hinila nito ang braso niya.“Uy. Samahan mo muna ako saglit.”Hindi na pumalag si Laurice at sinamahan ang kaibigan. Tahimik sa loob ng banyo. Malamig. Ang tanging tunog lang ay ang agos ng tubig mula sa gripo.Tumayo si Laurice sa harap ng lababo, hinayaang dumaloy ang malamig na t
Chapter 2 Walang pag-aalinlangan na sabi nito.At doon na tuluyang may nabasag sa loob ni Laurice. Parang sinuntok siya sa dibdib at nawalan ng hangin. Hindi siya nito kilala?Sumikip ang kanyang lalamunan habang nanginginig ang mga kamay niya.Nagtagpo ang mga mata nila saglit pero wala siyang makita roon na kahit anong kislap man lang.Mabilis siyang umiwas ng tingin.‘Huwag kang iiyak. Huwag dito. Huwag.’Pero ang sakit.Yung dibdib niya, parang muling pinupunit… yung bagay na pilit niyang pinagdikit sa loob ng maraming taon.Gusto niyang tumayo, umalis at maglaho na parang bula.Saka biglang tumikhim si Logan.“Okay, okay! Huwag na nating gawing weird ’tong meet up natin. Kaya nga natin pinagsama-sama ang mga bridesmaids at groomsmen para maging close tayong lahat, ’di ba? Chill muna tayo bago kumain.”Walang kumontra.’Yun na ang pinakamadaling paraan para magkunwaring walang nangyari.“Para sa mga magaganda at gwapong tulad natin,” pagpapatuloy ni Logan, “wala pa ring tatalo
Chapter 1 Sa loob ng apat na taon nila ni Sanford, isang beses lang umiyak nang ganoon si Laurice. Ito ay ‘yung may nangyari sa kanilang dalawa bilang magkasintahan."Laurice, promise, dahan-dahan lang ako," sabi nito.Pero hindi naman tungkol sa pagiging maingat ’yun. Si Sanford ang first time niya at masyado lang talagang masakit. Higit pa sa akala niyang kayang tiisin ng katawan niya, higit sa kaya niyang ipaliwanag. Tinulak niya ito, kinalmot, para lang tumigil ito. Pagkatapos n’un, puro kalmot ang balat ni Sanford. Puro malalim at mapulang marka na dapat sana ay ikinagalit nito.Pero sa halip, tiningnan lang siya nito na para bang isa siyang mamahaling bagay na sa wakas ay hinayaan siyang hawakan. Mukhang masaya si Sanford. Para bang hawak na nito ang buong mundo nung oras na ’yun.Nanatiling malinaw ang gabing ’yun sa isip niya sa kakaibang paraan. Halo-halong sakit at tawanan pagkatapos, habol na hininga, at mga halik na sinusubukang ayusin ang lahat.Tapos, bigla na lang nata







