LOGINChapter 3
Eksakto namang pumasok si Stacey na punong-puno ng energy, at biglang nagbago ulit ang timpla ng buong kwarto. Bumalik ang tawanan. Lalong lumakas ang mga boses. May nanunukso na naman kay Logan, habang ang iba ay nagpalakpakan at naghihiyawan na parang walang mabigat na nangyari kanina. Mukhang normal ulit ang lahat. Habang si Laurice, nakaupo lang doon, tahimik at parang nasa ibang mundo siya. Parehong silid, parehong mga tao, pero pakiramdam niya ay napakalayo niya, nanonood lang sa likod ng isang makapal na salamin. Na habang nagtatawanan ang lahat, nakatitig lang siya sa kawalan. Napansin ’yun ni Stacey. Hindi muna ito nagsalita, pinanood lang siya nito nang ilang segundo bago dahan-dahang hinila nito ang braso niya. “Uy. Samahan mo muna ako saglit.” Hindi na pumalag si Laurice at sinamahan ang kaibigan. Tahimik sa loob ng banyo. Malamig. Ang tanging tunog lang ay ang agos ng tubig mula sa gripo. Tumayo si Laurice sa harap ng lababo, hinayaang dumaloy ang malamig na tubig sa mga kamay niya. Marahan niyang kinuskos ang mga palad, na tila ba may sinusubukan siyang hugasang dumi na ayaw matanggal. Nasa tabi lang niya si Stacey, naglalagay ng lipstick habang nakatingin sa salamin. Paminsan-minsan, sumusulyap ito sa repleksyon ni Laurice. “Kanina ka pa wala sa sarili,” mahinang sabi ni Stacey. “Ano bang problema mo ngayon? Mukha kang… ewan, parang lutang ka.” Yumuko lang si Laurice, hinahayaan pa ring mabasa ang kamay niya. “Siguro pagod lang ako. Hindi kasi ako masyadong nakakatulog nitong mga nakaraang araw.” Kumuha siya ng tissue at pinunasan ang dalawang kamay. Napabuntong-hinga naman si Stacey at biglang lumambot ang ekspresyon. “Matatapos na rin naman ’to. Pagkatapos nito, umuwi ka na agad at magpahinga, ha? Huwag mong masyadong i-push ang sarili mo. Lagi mo na lang ginagawa ’yan.” Tumango si Laurice. “Mm.” Nagkaroon ng maikling katahimikan. “Stacey… yung asawa mo at si Sanford… close ba sila?” Napatingin si Stacey sa kanya at tumango. “Oo, close talaga sila. Taga-Quezon City talaga ’yang si Sanford. Mga kalahating taon pa lang siyang nalilipat dito sa BGC.” Muling tiningnan ni Stacey si Laurice saka ngumisi. “Bakit? Interesado ka ba sa kanya?” Mabilis na umiling si Laurice. “Hindi, hindi sa ganoon. Ano lang—” “Naku, gets ko na!” singit ni Stacey habang nakangisi, “Sus, sino ba namang hindi makakapansin doon? Gwapo na, matangkad, maganda pa ang katawan, tapos graduate pa sa top university sa American. Aerospace propulsion engineer ’yan, Laurice. Yung trabaho niya? Siguradong-sigurado na ang kinabukasan n’un.” Huminga nang malalim si Laurice at hindi na nakipagtalo. Tinapon niya ang ginamit na tissue sa basurahan. Dahil walang alam si Stacey sa nakaraan nila, nagpatuloy lang ito sa pagkukwento. “Sa totoo lang, Laurice… maganda ka. Bagay kayo kung titingnan. Pero…” Nag-alangan ito sandali. “Magkaiba ang mundo niyo.” Hindi gumalaw si Laurice. “Naikwento sa akin ng asawa ko yung tungkol sa pamilya niya. Yung lolo niya, nasa military—yung tipong tinitingala talaga. Yung bahay nga nila sa QC, may plaque pa para sa first-class merit.” Lumapit si Stacey sa salamin para ayusin ang make-up, bago nagpatuloy. “Yung tatay niya, big time sa politika. Yung nanay niya, dating judge. At yung kuya niya, pulis na namatay habang nasa serbisyo.” Huminto siya sandali. “Hindi ko lang alam kung anong trabaho nung kapatid niyang babae.” Tahimik lang na nakikinig si Laurice. “Yung mga ganyang pamilya…” buntong-hininga ni Stacey habang umiiling. “Hindi basta-basta nakakapasok ang mga katulad natin diyan sa pamamagitan ng kasal. Hindi ganoon kadali ’yun. At saka, nandiyan naman na si Violet sa tabi niya.” Humarap ito sa kanya. “Huwag mong isiping pinipigilan kita sa kanya, ha? Ayaw ko lang na masaktan ka sa huli.” Walang naging reaksyon si Laurice. Nanatili siyang kalmado sa labas. Kasi sa totoo lang, wala naman nang bago sa mga narinig niya. Limang taon na niyang alam ang lahat ng ’yan. Apat na taong magkasama. Tatlong taong nakatira sa ilalim ng iisang bubong. Pinag-uusapan na nila ang kasal noon. Madalas siyang dinadala ni Sanford sa bahay nito Ang pamilya nito… totoo ang lahat ng sinasabi ng mga tao, at higit pa roon. Mababait sila. Desente. May init na nagpaparamdam sa’yong ligtas ka. Maayos ang naging turing nila sa kanya, higit pa sa inaasahan niya. Sa loob ng maikling panahon, parang naramdaman niyang kabilang siya roon. Muntik na. Pero hindi talaga. Sa huli, wala siyang kapalaran na maging bahagi ng pamilyang ’yun. Ang isang lalaking tulad ni Sanford… yung ganoong kakinang, kasinglinis, at kasing-perpekto… Para talaga si Sanford sa isang katulad ni Violet. Noong nasa university pa lang sila, si Sanford na ang tinitingala ng lahat. Matalino, may talento, at sobrang gwapo na parang unfair na nga sa iba. Palagi itong pinag-uusapan ng mga babae na parang isang malayong bituin at mahirap abutin. Kaya bakit ba minahal siya nito nang ganoon? Sa loob ng apat na taon? Bahagyang ibinaba ni Laurice ang paningin niya. Ano bang nagawa ko para makuha ang ganoong pagmamahal? “Tara? Balik na tayo bago pa nila isiping naglaho na tayo rito.” Bigla siyang hinila ni Stacey. Tumango si Laurice. Sabay silang lumabas ng banyo at naglakad sa hallway. Unti-unting bumabalik ang ingay mula sa private room. Palakas ifo nang palakas sa bawat hakbang. At bigla naramdaman na naman ni Laurice ang muling pagtibok ng kanyang dibdib. Lumabas si Laurice sa hallway, at hindi niya sinasadyang mapalingon sa smoking area. Nandoon ito Si Sanford. Nakasandal sa pader na parang walang pakialam sa mundo, nakatungo, at may hawak na sigarilyo. Sa mga sandaling iyon, nakalimutan ni Laurice kung paano huminga.Chapter 5 “Sa dinami-rami ng lugar, bakit nagkita pa kayo ng babaeng ‘yon? Ang laki ng Pilipinas, pero heto pa rin…”Hindi ito tiningnan ni Sanford. Bahagya lang siyang umiling, at nakatingin sa labas ng bintana na tila ba mas mahalaga ang mga ilaw na nadadaanan nila.“Paano ka nga pala napunta doon?” malamig na tanong ni Sanford sa babae.Nag-hesitate si Violet sandali.“Nagtanong ako kay Logan. Sabi niya nandoon ka, kaya pumunta ako.”Lalong lumamig ang boses ni Sanford. “Huwag mong ipagsiksikan ang sarili mo sa circle ko. Kung hindi kita inimbita, huwag kang pupunta nang ganoon ulit.”Napahigpit ang kapit ni Violet sa manibela. “So, galit ka na n’yan sa akin? Sabihin mo nga nang tapat, pumunta ka ba doon dahil alam mong nandoon si Laurice?”Napapikit si Sanford, halatang iritadong-irita. Hindi siya sumagot.Muling sumulyap si Violet sa kanya, pinag-aaralan ang kaniyang mukha. Nang wala itong makuhang sagot, lalong tumalas ang boses nito.“Trinaydor ka ng babaeng ’yan, Sanford! Huw
Chapter 4 Itinaas ni Sanford ang sigarilyo sa labi nito at humithit nang dahan-dahan. Bigla, sumikip ang dibdib ni Laurice.Hindi naman ito naninigarilyo dati. Kahit kailan. Dati, maayos ang buhay nito at kontrolado lahat.Dahil ba sa kanya kaya ito naging ganon?Bumagal ang lakad niya nang hindi niya namamalayan. Hindi niya maalis ang tingin dito.Nang papalapit na sila ni Stacey, pinatay ni Sanford ang sigarilyo sa ashtray sa tabi ng basurahan.Nagkasalubong sila sa daan at biglang hinablot nito ang braso niya.Napasinghap si Stacey, nanlalaki ang mga mata, patingin-tingin sa kanilang dalawa.“Teka, kayong dalawa? Ano ’to? Ganun ba kabilis naging close?”Nanigas si Laurice. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya at tiningnan si Sanford.“Mag-usap tayo,” sabi ni Sanford na puno ng diin ang boses. Litong-lito naman si Stacey. “Ah, sige, oo! Mag-usap kayo. Una na muna ako sa loob.”Hindi na ito naghintay. Tumalikod si Stacey at nagmadaling umalis, halatang ayaw madamay sa kung ano mang-e
Chapter 3 Eksakto namang pumasok si Stacey na punong-puno ng energy, at biglang nagbago ulit ang timpla ng buong kwarto.Bumalik ang tawanan. Lalong lumakas ang mga boses. May nanunukso na naman kay Logan, habang ang iba ay nagpalakpakan at naghihiyawan na parang walang mabigat na nangyari kanina.Mukhang normal ulit ang lahat.Habang si Laurice, nakaupo lang doon, tahimik at parang nasa ibang mundo siya. Parehong silid, parehong mga tao, pero pakiramdam niya ay napakalayo niya, nanonood lang sa likod ng isang makapal na salamin. Na habang nagtatawanan ang lahat, nakatitig lang siya sa kawalan.Napansin ’yun ni Stacey. Hindi muna ito nagsalita, pinanood lang siya nito nang ilang segundo bago dahan-dahang hinila nito ang braso niya.“Uy. Samahan mo muna ako saglit.”Hindi na pumalag si Laurice at sinamahan ang kaibigan. Tahimik sa loob ng banyo. Malamig. Ang tanging tunog lang ay ang agos ng tubig mula sa gripo.Tumayo si Laurice sa harap ng lababo, hinayaang dumaloy ang malamig na t
Chapter 2 Walang pag-aalinlangan na sabi nito.At doon na tuluyang may nabasag sa loob ni Laurice. Parang sinuntok siya sa dibdib at nawalan ng hangin. Hindi siya nito kilala?Sumikip ang kanyang lalamunan habang nanginginig ang mga kamay niya.Nagtagpo ang mga mata nila saglit pero wala siyang makita roon na kahit anong kislap man lang.Mabilis siyang umiwas ng tingin.‘Huwag kang iiyak. Huwag dito. Huwag.’Pero ang sakit.Yung dibdib niya, parang muling pinupunit… yung bagay na pilit niyang pinagdikit sa loob ng maraming taon.Gusto niyang tumayo, umalis at maglaho na parang bula.Saka biglang tumikhim si Logan.“Okay, okay! Huwag na nating gawing weird ’tong meet up natin. Kaya nga natin pinagsama-sama ang mga bridesmaids at groomsmen para maging close tayong lahat, ’di ba? Chill muna tayo bago kumain.”Walang kumontra.’Yun na ang pinakamadaling paraan para magkunwaring walang nangyari.“Para sa mga magaganda at gwapong tulad natin,” pagpapatuloy ni Logan, “wala pa ring tatalo
Chapter 1 Sa loob ng apat na taon nila ni Sanford, isang beses lang umiyak nang ganoon si Laurice. Ito ay ‘yung may nangyari sa kanilang dalawa bilang magkasintahan."Laurice, promise, dahan-dahan lang ako," sabi nito.Pero hindi naman tungkol sa pagiging maingat ’yun. Si Sanford ang first time niya at masyado lang talagang masakit. Higit pa sa akala niyang kayang tiisin ng katawan niya, higit sa kaya niyang ipaliwanag. Tinulak niya ito, kinalmot, para lang tumigil ito. Pagkatapos n’un, puro kalmot ang balat ni Sanford. Puro malalim at mapulang marka na dapat sana ay ikinagalit nito.Pero sa halip, tiningnan lang siya nito na para bang isa siyang mamahaling bagay na sa wakas ay hinayaan siyang hawakan. Mukhang masaya si Sanford. Para bang hawak na nito ang buong mundo nung oras na ’yun.Nanatiling malinaw ang gabing ’yun sa isip niya sa kakaibang paraan. Halo-halong sakit at tawanan pagkatapos, habol na hininga, at mga halik na sinusubukang ayusin ang lahat.Tapos, bigla na lang nata







