LOGINSa sandaling pumasok si Mallory sa kanilang bahay, nakita niya ang kanyang tita Ruth na nakatulala sa sofa.
Ang mga mata nito ay pamumula, parang kagagaling sa pag-iyak. Tumingin-tingin si Mallory sa paligid at hindi napigilang magtanong. "What happened, Tita? Where is Daddy?" Si Ruth ang ikalawang asawa ng kanyang ina. Ngunit hindi ito ang isang tipikal na madrastang malupit, mabunganga ito ngunit maalaga. Nang marinig ang tanong na iyon ni Mallory, agad na tumayo si Tita Ruth at nagsimulang pumalatak. "Ang walang hiya mong ex! Napakawalang utang na loob! Ang sama-sama niya! Gigil na asik ng ginang, nakahawak pa ang isang palad sa beywang habang ang isa ay dumuro-duro na para bang nasa harapan nito ang kaaway. "Nandoon ka sa tabi niya noong mga panahong mahirap pa siya sa daga! Tapos ngayon at maayos na ang buhay niya, itatapon ka na lang ng basta-basta na para bang isang walang kwentang bagay?! Hindi pa nakuntento ang hayop, ipinakulong pa ang iyong ama!" Marahas niyang pinahid ang kanyang luha. "Naku, Mallory, noon pa man ay sinabihan na kita na hindi ka bagay sa engratong iyon, pero hindi ka nakinig! Patuloy ang palatak ni Tita Ruth. Napatigil si Mallory sandali, pagkatapos ay mahinahon siyang nagsalita. "Huwag kang mag-alala, Tita, kakausapin ko po si Kenneth." Kahit na wala na sila, mayroon pa rin naman silang pinagsamahan. Baka kapag kinausap niya si Kenneth ay magbago ang isip nito. Tinawagan niya ito at mabilis namang sinagot. Bumaba ang tingin ni Mallory. "Kenneth, ngayong tapos na tayo, pakiusap, huwag mong idamay si Daddy..." Umangat ang kilay ni Kenneth at mapang-asar na tumawa. "No, one has to face the consequences! Walang puso nitong sinabi. Subalit gusto pa ring subukan ni Mallory. Walang kasalanan ang kanyang ama. "Oh well, may iba pa namang paraan. Depende lang kung handa ka, my dear Mallory... As long as you stay by my side for years, I will set free uncle Manuel. Napatigil si Wen Man." Biglang pagpapalit ng usapan ni Kenneth. Nalaglag ang panga ni Mallory. Marahas na umangat-baba ang kanyang dibdib sa mabilis na paghahabol ng hininga. Hindi niya inakala na ganito kababoy ang ugali ni Kenneth. Gusto nitong sirain ang kinabukasan niya, gusto rin nitong paglaruan ang kanyang katawan! "Hayop ka, Kenneth! Napakahayop mo, nakakadiri ka!" Nanginginig sa galit niyang sinabi. Ngumisi lamang si Kenneth sa kabilang linya, "hindi mo ba kilala kung sino ako?" May bakas ng pagbabanta sa boses nito. Pinakiskis ni Mallory ang kanyang ngipin, mariing kumuyom ang kanyang kamao. "Hinding-hindi mo ako magiging kabit! Hinding-hindi!" Aniya. Mahinang tumawa si Kenneth. "Kung ganon, maghanda ka nang kumuha ng abogado para kay Uncle Manuel! Don't you dare blame me as if I did not remind you. Ang ganoong kalaking halaga ay magdudulot ng hindi bababa sa sampung taong pagkakakulong." "I will get the best lawyer!" Mariing sinabi ni Mallory. "Hm... You mean, Cameron Gavinson?" Tumawa na naman si Kenneth na para bang nakakatawa ang sinabing iyon ni Mallory. "Mallory dear, don't you remember that he is the brother of my fiancee? Do you think he'd help you? Kinilabutan si Mallory mula ulo hanggang paa! "Mallory, I will wait until you beg for me... Dahil walang-wala ka kapag wala ako." Sa sandaling ibaba ni Mallory ang telepono, sumigaw sa galit si Tita Ruth. "Hayop ka!" Aniya. "Huwag kang pumayag, kahit na mamatay pa ang buong angkan natin, hinding-hindi ka namin ibibigay sa demonyong iyon!" Habang nagsasalita si Tita Ruth, tumulo ang luha sa kanyang mga mata: "Future brother-in-law na ng hayop na iyon si Atty. Cameron Gavinson, paano na natin siya makukuha ngayon? Mallory, kailangan nating umisip ng paraan." Nagbaba ng tingin si Mallory. Pagkatapos ng ilang sandali, mahinang nagsalita siya. "I have met Atty. Gavinson Tita, titingnan ko kung makakausap ko siya." Babae si Tita Ruth at sensitive. Naaamoy niya ang alak kay Mallory, at ang coat na suot nito ay malaki at maluwag. Malamang ay hindi iyon sa kanya. Ngunit ang napapansing iyon ni Tita Ruth ay hindi na lamang niya isinaboses. Hindi madali para kay Mallory na makita si Cameron. Sa lobby ng Gavinson Law Firm, nagtanong si Mallory kung sayang floor ang opisina ni Cameron, ngunit sinagot lamang siya ng isang receptionist. "I apologize, Miss... Hindi po kayo maaaring payagan umakyat. Kailangan ninyo po munang mag-book ng appointment." Nagsisisi na tuloy ngayon si Mallory na hindi niya tinanggap ang business card nito kagabi. "Kung magpapa-schedule ako ngayon, kailan ko po makikita si Atty. Gavinson?" Tanong niya kapagkuwan. Nicheck ng receptionist at sumagot. "Hindi bababa sa kalahating buwan po." Bumagsak ang balikat ni Mallory. Sa sandaling iyon, bumukas ang pinto ng elevator sa sulok ng lobby at lumabas ang isang lalaki at babae. Ang lalaki ay si Cameron Gavinson. Nakasuot ito ng puting suit, maayos ang hitsura, malakas ang charisma at bakas sa tindig ang pagiging elite. Makinis, matangkad at maganda ang babaeng kasama nito. Kitang-kita sa pangangatawan nito ang karangyaan. Nakita agad ni Cameron si Mallory nang lumabas siya ng elevator, ngunit parang hindi niya ito nakikilala at inalalayan ang kliyente hanggang sasakyan nito. Mahinahon siyang nagkipag-usap sa babae at marahang nagkipagkamay rito. Matamis ang boses ng babae at para bang nang-aakit ito. "Atty. Gavinson, I thank you so much for helping me with my divorce. If it weren't because of you, I can't get my properties and assets smoothly. Hindi mo lang alam kung paano ako pinerahan ng ex ko na iyon simula nang makahanap siya ng bago!" "That's what I work for, ma'am." Mahinang humalakhak si Cameron. "Atty, how about a drink tonight?" Alok pa ng babae. Ang tingin ni Mallory ay nakatutok sa babae, naramdaman niyang sa ganitong pangangatawan, mahirap iyong matanggihan ng kahit sinong lalaki. At hindi exception si Cameron doon. Sinulyapan niya ang kanyang relo at magalang na tumanggi, "unfortunately, I have a date later." Wika nito. Matalino ang babae, alam nitong tinatanggihan siya ng abogado. Hindi na ito nagpumilit pa at nakangiting nagpaalam umalis. Nang makaalis ang kliyente, sandali tumigil si Cameron sa front desk. Tumingin siya kay Mallory at nakangising sinabi, "have you changed your mind?Namula sa galit ang mukha ng mayamang binata.Nakakainis, kilala pala ng lalaking ito ang kanyang ama!Nang makitang tumahimik na ito, hindi na siya pinahirapan pa ni Cameron at lumabas na ng istasyon.Hinalikan ni Captain Castillo ang tseke at masiglang kumaway. "Attorney, hanggang sa muli po!"Hindi siya pinansin ni Cameron.Pumasok siya sa sasakyan at nagsindi ng sigarilyo, dahan-dahan itong hinithit.Lumapit si Kenneth."Sumakay ka." Kalmadong sinabi ni Cameron.Parang alam na ito ni Kenneth kanina pa. Bahagyang ngumiti, binuksan ang pinto, at sumakay.Pagkasakay pa lang, pinaandar na ni Cameron ang sasakyan. Napakaganda ng takbo ng mamahaling sasakyan at mabilis bumilis. Si Kenneth na uminom ng maraming alak ay nakaramdam ng pagkahilo at hinala niyang sadyang ginagawa ito ng lalaki.Napakabilis magmaneho ni Cameron, at naiiwan ang mga ilaw ng lansangan sa likuran.Tahimik sa loob ng sasakyan, walang nagsasalita.Makalipas ang kalahating oras, itinigil ni Cameron ang sasakyan sa t
Kakatapos lang gawin ni Cameron ang lahat kay Mallory nang tumunog ang telepono.Pagod na pagod si Mallory, pero hindi pa nakuntento si Cameron. Niyakap niya ang baywang nito at pabirong hinaplos nang dahan-dahan.Hindi na matiis ni Mallory at kinagat ang kanyang labi. "Ikaw... itigil mo na 'yan, gusto ko nang maligo!"Mabait naman talaga si Cameron.Bumulong siya nang malambing sa tainga nito, "Maghahanda ako ng maligamgam na tubig para sa'yo."Namumula nang bahagya ang tainga ni Mallory, at may maliliit na buhok dito na mukhang nakakatuwa. Hindi napigilan ni Cameron na haplusin ito nang dahan-dahan.Tinakpan ni Mallory ang kanyang mukha ng kumot ayaw na hawakan pa siya nito."Nahihiya ka ba? Sino ba 'yung kanina pang yakap nang yakap sa akin at ayaw bumitaw?" Mahigpit na niyakap siya ni Cameron pati na ang kumot, at hinila siya palabas.Gusto pa sana niya itong tuksuhin...Nagmamakaawa nang mahina si Mallory, "Hindi maganda ang pakiramdam ko, pakiusap, maliligo na ako..."Bahagyang
Natigilan sandali si Kenneth.Oo nga!Hindi naman siya sanay na mag-alala sa mga babae. Kahit noong kasama pa niya si Mallory, hindi siya tumigil sa pakikipagrelasyon sa iba. Ibinibigay niya ang kanyang pagnanasa sa iba bago bumalik at mag-usap tungkol sa pag-ibig kay Mallory.Isang halik lang ay masaya na ito nang matagal.Yumuko si Kenneth at nagsindi ng sigarilyo.Dahan-dahan niyang ibinuga ang usok at nagtanong, "Kapag ba ang isang babae ay naging iyo, mas tapat ba ito? Mas magtatagal ba ang pagmamahal niya?"Ngumiti nang may pagkaunawa ang tagapamahala."President Soriano, anong panahon na ba ngayon? Saan pa makakahanap ng ganyan? Ang pagtatalik ay parang pagkain at pag-inom lang ng kape! Nasa nararamdaman lang 'yan. Kung naramdaman niyo, sige lang, hindi ba? Tulad ni Aloha, mukhang inosente at bata pa. Hindi ba kayo nasiyahan noong nakaraan? Patawarin niyo na po siya ngayon."Nakalimutan na sana ito ni Kenneth, ngunit nagtanong ang tagapamahala, "Nasaan na siya?"Naalala niyang
Labis na naantig si Cameron, idinikit niya ang kanyang noo sa noo ni Mallory at paos na sinabi, "Magpapadala ako ng sasakyan kay Ginang Manolo para sunduin tayo."Bahagyang kinagat ni Mallory ang kanyang pang-ibabang labi.Nakainom si Cameron at para itong mabangis na hayop.Maaasahan naman si Josefa Manolo. Agad siyang nagpadala ng kanyang tapat na driver upang ihatid silang ligtas pabalik sa tirahan.Matagal nang nagpipigil si Cameron, kaya simula pa lang pumasok sila sa elevator ay hinalikan na niya si Mallory. Pagdating sa bahay, habang nagsusuot si Mallory ng panloob na tsinelas, niyakap siya nito sa baywang mula sa likuran at marahang kinagat ang kanyang talukap ng tainga. "Ayos na ang suot mong ito."Nagulat si Mallory.Akala niya ay kailangan muna niyang maligo at maging malinis at presko.Ngunit binuhat na siya ni Cameron, hinalikan habang pilit na tinatanggal ang kanyang matataas na sapatos. Kapag nanaig na ang pagnanasa, nagiging matapang at nakakaakit ito—at walang nagawa
Hindi sumagot si CameronAyaw palampasin ni Charlene ang pagkakataong ito at gustong-gusto niyang magpasikat. Sa pamilyar na tono ay sinabi niya sa mga head teachers, "Kilala ko po ang manager ng restawrang ito, at pumayag silang bigyan ako ng five percent discount."Pinuri siya ng ilang punong-guro dahil sa kanyang kakayahan.Muli na namang tumingin si Charlene kay Cameron at idinagdag. "Sa ganitong five star hotel, hindi nagbibigay ng disount maliban na lang kung napakalakas ng inyong mga koneksyon."Sa gitna ng mga nagulat na tingin, naramdaman ni Charlene na nagsisimula nang magbago ang tingin sa kanya ni Cameron..Hindi niya maiwasang maging mapagmalaki.Ha! Bukod sa kagandahan, ano pa ba ang maipagmamalaki ni Mallory na maihahambing sa kanya?Sa sandaling iyon, isang malalim na boses ang narinig mula sa pinto ng bulwagan. "Cameron, narito ka pala!"Ang pumasok ay si Josefa Manolo, ang general manager ng hotel na ito.Masiglang inabot ni Ginang Josefa ang kamay ni Cameron, at mas
Pinisil ni Cameron ang kanyang pisngi, na parang patawad na sa kanya. Pagkatapos, tumayo pa talaga ito at magalang na sinabi kay Charlene. "Miss Charlene, tatanggapin ko ang inuming ito." Ah... Nagulat ang lahat. Masyado bang mababa ang panlasa ni Attorney Gavinson? Ngumiti nang nakakaakit si Cameron at ibinaling ang usapan. "Ngunit nagmamaneho ako at ihahatid ko si Mallory pauwi mamaya! Kenneth... may dala kang driver, hindi ba? Ikaw na lang ang uminom nito para sa akin at kay Miss Charlene." Matapos magsalita ni Cameron, biglang tumahimik ang buong silid. Siguradong alam ni Atty. Gavinson ang ugnayan nina Kenneth at Charlene, hindi ba? Malinaw na ginagamit nito ang kanyang kapangyarihan para ipahiya ang huli! O! Tunay ngang nararapat siyang tawaging Hari sa larangan ng batas! Sa ilalim ng tingin ng lahat, tumayo si Kenneth. Kahit hindi siya magiging manugang ng pamilya Gavinson, kayang-kaya lang ni Cameron na pabagsakin ang pamilya Soriano sa isang salita lamang, kaya kail
Natigilan si Mallory. Agad na pinamulahan ng mukha si Mallory, wala sa sariling inangat niya ang dalang paper bag. "Ibinabalik ko lang ang coat mo, Atty, Gavinson.Kinuha iyon ni Cameron. "Salamat sa abala." Isang beses pa itong tumango. Pagkatapos ay naglakad ito patungo sa elevator.Tumalima si
Diretsahan ang tanong ni Cameron, pinamulahan ng mukha si Mallory sa kahihiyan.Dahil sa totoo lang, hindi pa niya iyon ginagawa kasama si Kenneth!Noong sila pa ni Kenneth, ang pinakahigit na nabigay niya rito ay tanging mababaw na mga halik lang. Bukod doon, wala na!Matagal bago nagsalita si Mal
Nakauwi na si Mallory.Nagsisindi ng insenso si Tita Ruth nang makita itong dumating, at muling sumigla ang pag-asa sa kanyang mga mata.Umiling si Mallory, namumutla ang mukha.Nadismaya si Tita Ruth at gusto sana itong pagalitan, pero sa huli ay lumambot din ang kanyang puso at sinabi na lang, "B
Nagpakalunod sa alak si Mallory Sullivan noong gabi ng engagement party ng kanyang ex-boyfriend na si Kenneth Soriano. First time niyang uminom ng ganoon kalala kaya basta na lang niyang hinigit ang isang gwapong lalaki at saka ito mainit at mapusok na hinalikan. Tiningnan ng lalaki ang babaeng n







