LOGINDiretsahan ang tanong ni Cameron, pinamulahan ng mukha si Mallory sa kahihiyan.
Dahil sa totoo lang, hindi pa niya iyon ginagawa kasama si Kenneth! Noong sila pa ni Kenneth, ang pinakahigit na nabigay niya rito ay tanging mababaw na mga halik lang. Bukod doon, wala na! Matagal bago nagsalita si Mallory. Hindi na muling nagsalita pa si Cameron. Mabilis niyang tinapos ang kanyang sigarilyo, hindi nagtagal ay gumalaw na rin ang trapiko. Agad niyang pinaandar ang sasakyan at pinarada sa gilid ng daan. Bago pa man makapagsalita si Mallory kung bakit, narinig niya ang pagkakatanggal ng kanyang safety buckle. Pagkatapos ay basta na lamang siya nitong sinakop at inilagay paharap sa kandungan nito. Hinubad ni Cameron ang kanyang coat, nakalantad sa kanyang harapan ang malapad nitong dibdib, ang puti nitong damit panloob ay unti-unti ng nababasa dahilan upang maging malaswa iyong tingnan. Sa labas, malakas ang hangin at buhos ng ulan. Ang windshield wipers ay may ritmo na umiindayog pakanan at pakaliwa sa harap ng bintana ng kotse... ang eksena sa loob ng kotse ay minsang malinaw at minsang malabo. Napilitan si Mallory na halos humiga na padapa sa malapad at matigas na katawan ng binata. Napakahusay ng lalaki humalik, since si Kenneth lang naman ang lalaking pinayagan niyang pumasok sa buhay niya, malamang ay wala siyang ibang background kung gaano ba kagaling ang mga lalaking humalik. Naramdaman na lamang niya na naliliyo na siya sa mga halik nito at parang nahihipnotismong sumusunod na lang sa bawat kilos nito. Nakayakap si Cameron sa kanyang likuran, dinidiin siya sa katawan nito na para bang hindi pa sapat ang pagkakadikit ng katawan nila. Minsan ay binubuksan ni Mallory ang kanyang mga mata, para lamang makita ang sariling parang ibang tao kung kumilos. Hindi siya makapaniwala, talaga bang ginagawa niya iyon sa mga sandaling iyon? Napakalaswang tingnan! Hindi niya akalain na darating ang pagkakataon na mangyayari iyon! At sa isang estranghero pa! Nang mapansin ni Cameron na nagiging malalim na ang kanilang ginagawa, huminga siya ng malalim at unti-unting bumitaw sa halik. Hangga't maaari ay hindi niya iyon gagawin sa kanyang sasakyan. Tumigil ang halikan ngunit magkadikit pa rin ang kanilang labi, naghahabol ng hininga ang babae samantalang ang lalaki ay parang normal lamang. "May isang high-end na guesthouse sa malapit, do you want us to stay there for the night?" Napakurap-kurap si Mallory, parang bigla siyang binuhusan ng malamig na tubig. Bagama't nahihilo siya sa mga halik, malinaw pa rin ang kanyang isip. Sa puntong ito, ang gusto lang ni Cameron ay isang pansamantalang ligaya. Yakap-yakap niya ang leeg nito at nagsalita sa mahinang tinig, "Atty. Gavinson, sandali lang..." Nawalan ng gana si Cameron. Inabot niya ang isa pang sigarilyo, sinindihan ito, dahan-dahang humithit bago nagsalita. "If you can't handle it, don't dare to play. It's pointless.." anito sa malamig na boses. Muling humalik si Mallory. Ngunit hindi tumugon si Cameron, nakatitig lamang ang malalim nitong mata sa babae. Namula si Mallory sa pagkapahiya, hindi pa siya naging ganoon kailanman. Gayunpaman, ang ganoong kaunting pang-aakit kay Cameron ay hindi sapat para maapektuhan ito. Nangangalahati na si Cameron sa kanyang sigarilyo nang patayin niya ito, "I'm taking you home!" Hiyang-hiya si Mallory na manatili sa hita nito. Kaya naman dahan-dahan siyang umalis doon nang hindi tinitingnan sa mata si Cameron. Pagdating sa sekswal na bagay, alam ng lahat ng nakararanas niyon na kung biglang titigil sa kaligtnaan, walang sinuman ang matutuwa. Tumitig si Cameron sa mukha ng babae, mabilis pa rin ang paghinga at hindi pa nawawala ang init na nararamdaman. Nakaupo na si Mallory sa passenger seat, hindi siya makatingin kay Cameron dahil parang lalamunin siya nito ng buhay sa sobrang iritasyon. Nakatingin na lamang siya sa labas ng bintana at parang tuod na tuwid na umupo. Naiintindihan niya na ang kanyang mga kilos ay walang epekto kay Cameron. Nakaramdam siya ng kalungkutan at kawalan ng pag-asa. Sa susunod na mga sandali, tahimik ang kotse; walang ni isang nagsalita. Inihatid ni Cameron si Mallory sa kanilang bahay, tumigil na rin ang ulan. Hindi ito lumabas ng kotse upang pagbuksan siya ng pintuan, tipid lamang na tango ang iginawad nito. Hindi pa rin sumuko si Mallory at sinabi, "Atty., Gavinson, pwede ba kitang i-add sa social media? Agad na tumanggi si Cameron, kapagkuwan ay mahinahon itong nagsalita. "Why don't you find Atty, Mendoza instead? He's also known in this industry." Matapos magsalita, yumuko ito at kumuha ng isang business card mula sa lalagyan. "Ito ang information card niya." Nagdikit ang kanilang kamay nang kunin ni Mallory ang card, muling umusbong ang init na pinipigilan. Wala sa sariling napatingala si Mallory sa lalaki.. Nakatitig siya sa gwapong mukha ng lalaki, sandali pa siyang natulala roon hanggang sa unti-unting nagbabago ang ekspresyon nito, ang pagiging kalmado ay naging iritasyon. Bumilis ang tibok ng dibdib ni Mallory nang bigla na lang dumaan sa harap niya si Cameron at binuksan ang pintuan. "Teacher Sullivan, I hope this is the last time we see each other." Kahit na makapal ang mukha niya, hindi na kayang manatili pa sa loob ng kotse si Mallory. Lumabas na ng kotse si Mallory, sa sandaling sumara ang pintuan ng kotse ay mabilis na humarurot si Cameron. Nakatayo si Mallory sa kadiliman, at isang nagyeyelong lamig ang tumagos sa kanyang buong katawan...Sa gitna ng kaguluhan, naramdaman ni Mallory ang pag-angat ng katawan niya sa ere. Sumandal siya sa dibdib ni Cameron—mainit ito, at may halong banayad at kaaya-ayang amoy ng pagkalalaki. Unti-unting lumayo at nawala sa kanyang paningin ang abandonadong bodega...Sa wakas ay kumalma ang punong-puno niyang kalooban. Dahan-dahan niyang ipinikit ang kanyang mga mata, ngunit bigla siyang nahilo.“Cameron...” mahina at hirap na tawag niya habang mahigpit na nakakapit sa damit nito.Tiningnan siya ni Cameron at napansin ang pamumutla ng kanyang mukha.Sumandal pa lalo si Mallory at mahinang sinabi, “May tumama sa likod ng ulo ko... baka nagkaroon ako ng concussion.”Hindi na nag-aksaya ng panahon si Cameron at agad siyang dinala sa ospital.Nakahiga si Mallory sa likod ng sasakyan habang dumanas ng sunod-sunod na panlalamig at panlalambot ng katawan. Pakiramdam niya ay masusuka siya anumang oras.Nagmaneho si Cameron gamit ang isang kamay habang may kausap sa telepono.“...the original addr
Nagmaneho nang mag-isa si Kenneth patungo sa napagkasunduang lugar. Bumaba siya ng sasakyan, hinila ang dalawampung milyon papasok sa bodega, at iginiit na palayain na ang mga bihag.Ang pinuno ng grupo, na tinatawag na "Little Monkey," ay may pilat sa mukha na nakakatakot tingnan. Kumuha siya ng ilang salansan ng pera upang suriin kung tunay nga ba ang mga ito, at lumiwanag ang kanyang mga mata nang makumpirmang totoo ang salapi."Mayaman at makapangyarihan talaga si President Soriano," sabi niya. "Kung naging masunurin lang agad si Miss Gavinson, hindi na sana siya nagdusa nang ganito."Sa isang senyas lang niya, agad na pinalaya ng kanyang mga tauhan si Mitzie.Nang makalaya, agad na tumakbo at yumakap si Mitzie kay Kenneth habang humahagulgol. "Kenneth, what took you so long? Pakiramdam ko nabali ang paa ko... sobrang sakit... sinabi nila na gagawin nila sa akin ang masama kung hindi ka dumating... huuuhuuu..."Niyakap siya ni Kenneth upang pakalmahin, ngunit ang kanyang mga mata
Ipinagkanulo siya ni Kenneth, malapit nang makulong ang kanyang ama, at pilit siyang ginagawang kabit ng lalaking ito.Ngunit wala ni isa man sa mga ito ang alam ni Mitzie; patuloy pa rin ito sa pag-uutos at paghahangad ng pansin na parang wala itong ginagawang masama.Ang bagay na iyon ay nagdulot ng kakaibang sakit at pighati sa puso ni Mallory.Humugot ng malalim na hininga si Mallory upang pakalmahin ang sarili. Sinabi niya kay Mitzie, “Huwag mo na akong hahanapin pa. Hindi lahat ay kailangang maging bahagi ng kuwento ng pag-ibig ninyo.”Sanay na sanay si Mitzie na laging sinusunod at pinahahalagahan, kaya’t hindi pa siya nakaranas ng ganoong klaseng rejection. Patuloy pa rin siya sa pangungulit determinadong alamin kung bakit ayaw nito sa kanya.Magkasunod silang pumasok sa isang makipot na eskenita. Pakiramdam ni Mallory ay hindi niya matatakasan si Mitzie, kaya’t lumingon siya upang suyuin at paalisin ito. Ngunit sa sumunod na sandali, nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita.Bi
Nagulat si Cameron.Naintindihan niya ang ibig sabihin nito; ayaw ng dalaga na makipaglaro sa kanya pagdating sa bagay na iyon.Hindi matitinag ng pera si Mallory!Hindi naman lubos na nahuhumaling si Cameron kay Mallory; medyo ginalaw lamang siya ng damdamin nang makita ang paraan ng pagtugtog ng dalaga sa piyano. Bukod pa rito, likas na kahinaan ng mga lalaki ang bagay na ito—kapag hindi pa lubusang nakuha o napasakanila ang isang bagay o tao, lalo nila itong iniisip at hinahangad.Iniligpit ni Cameron ang kanyang kard at ipinakita ang kanyang pagiging maginoo sa pamamagitan ng hindi pagsasalita ng kung ano sa babae.Mahinang nagpasalamat si Mallory habang nananatiling mababa ang kanyang tingin at mapagkumbaba ang kilos.Habang nasa ganitong mailap na sitwasyon, dumating si Rowan kasama ang isang dalagang tila nasa edad 17 o 16.“Kuya Cam!”Masiglang tinawag sila ni Rowan nang walang anumang bakas ng alitan o pag-aalinlangan, bagay na madalas makita kapag nagkikita ang magkasalunga
Tila nag-aalinlangan si Cameron. “Isn't she Rowan's woman? Then it's not appropriate for us to...”"She already got into a taxi!" Bulalas ni Mitzie na para bang nalungkot pa dahil nakasakay na ang dalaga.Lumingon si Cameron sa pwesto nito.Tama nga ang sinabi ng kapatid. May dumaan na asul na taksi na lumihis patungo sa pwesto ni Mallory at nakalampas mismo sa harap ng kanilang sasakyan.Hinanap ni Mitzie ang numero ni Rowan sa kanyang telepono at tinawagan ito.[Rowan, anong klaseng kasintahan ka? I just saw her! It's already late at night, bakit hindi mo siya sinusundo?]Tumawa na lamang si Rowan bilang sagot. “Ah… kasalanan ko na hindi ako mabuting kasintahan!”Bahagyang napangisi si Cameron nang marinig ito.Talagang walang pakialam ang taong ito!Nag-usap pa sandali si Mitzie at si Rowan bago pinatay ang tawag.Hinawakan niya ang braso ng kapatid at malambing na sinabi, “Kuya, paano kung anyayahan ko si Mallory na tumugtog ng piano sa birthday party ko? Alam kong nahihirapan sil
Napakalupit at walang-awang kumilos si Kenneth. Sa loob lamang ng dalawang araw, ang lahat ng ari-arian ng pamilya Sullivan ay ipinagbawal nang gamitin o ilipat. Kasama rito ang dalawang bahay, pati na ang mga bahagi ng negosyo na nakapangalan sa ama ni Mallory.Sigurado si Kenneth na hindi na magtatagal at mapipilitan na ring sumuko si Mallory.Nang dumating ang hukuman upang bawiin ang mga ari-arian, labis ang galit ni Tita Ruth na dahilan upang siya ay magkasakit at maipasok sa ospital kung saan kailangan pa siyang lagyan ng suero. Nang magkamalay siya, hindi pa rin siya tumigil sa paglaban at dumiretso sa tanggapan ni Kenneth upang gumawa ng gulo.Ngunit ibang-iba na si Kenneth noon at ngayon. Matapos ang mahabang pagpapaliwanagan at paghahanap, hindi pa rin niya ito nakita at muntik pa siyang makulong dahil sa ginawa.Pilit na hinikayat at pinabalik ni Mallory sa ospital si Tita Ruth.Habang nakahiga sa kama, bakas ang pag-aalala sa mukha ng matanda. “Hindi mahalaga kung mawalan







