Ilang beses ng binulatlat ni Mallory ang kahon pero wala siyang nakitang contact information ni Cameron doon, well, maybe totoo talaga ang sinabi nito na ayaw na siya nitong makitang muli.Kaya pagkagaoos ng trabaho, nagpasya si Mallory na pumunta sa Gavinson Law Firm. Iniwan niya ang velvet box sa reception at nakiusap na ibigay iyon kay Atty., Gavinson.Nagtataka man ang receptionist, pumayag pa rin ito.Nang paalis na sana si Mallory, napansin niya si Cameron na kalalabas lang ng elevator, may kasama itong magandang babaeng nakikita lang niya noon sa magazine.Si Mitzie Gavinson, ang prinsesa ng nga Gavinson at ang kaisa-isang kapatid na babae ni Cameron Gavinson. Anim na buwan na ang nakalilipas nang umuwi ito galing ibang bansa, at mabilis na nahulog ang loob nito kay Kenneth Soriano. Sa oras na ito, nakakapit si Mitzie sa braso ng kuya niya at naglalambing, "Kuya, ilang beses ko na 'tong sinasabi sa'yo, pwede bang makipagkita ka na kay Kenneth?"Pinalabas lang iyon ni Cameron
Terakhir Diperbarui : 2026-05-01 Baca selengkapnya