Share

Chapter 3

Author: Ethaniel Rein
last update publish date: 2026-02-08 21:53:03

Natigilan si Mallory.

Agad na pinamulahan ng mukha si Mallory, wala sa sariling inangat niya ang dalang paper bag. "Ibinabalik ko lang ang coat mo, Atty, Gavinson.

Kinuha iyon ni Cameron. "Salamat sa abala." Isang beses pa itong tumango.

Pagkatapos ay naglakad ito patungo sa elevator.

Tumalima si Mallory at sinundan ang lalaki. "Atty. Gavinson, I just want to ask...

Pinindot ni Cameron ang button ng elevator, bumukas ang pinto, walang hiyang sumunod si Mallory papasok.

Sinulyapan siya ni Cameron sa gilid ng mata nito.

Inayos niya ang kanyang kamiseta sa harap ng salamin at walang emosyong sumagot. "Hindi ko kukunin ang kaso mo."

Nanginginig ng malamig ang mga kamay at paa ni Mallory.

Mukhang may alam na si Atty. Gavinson tungkol sa problema ng kanilang pamilya!

"K-Kinausap ka na ba ni Kenneth?" Mariing lunok niyang tanong.

Tumingin si Cameron kay Mallory sa repleksyon ng salamin at matipid na ngumiti. "He doesn't have that huge influence. Miss Sullivan, I just want to separate work from my personal affair."

Naiintindihan ni Mallory ang ibig niton sabihin. Tatanggapin nito ang anumang pagkakataong makasama siya, ngunit hindi kung kailangang kasangkot ang negosyo.

Nakaramdam siya ng hiya.

Ayaw pilitin ni Cameron si Mallory.

Bagama't ang itsura ni Mallory ay ayon sa kanyang mga tipo, hindi iyon sapat para gumawa siya ng eksepsiyon. Bukod pa rito, araw pa naman at wala rin siyang ganang gawin iyon.

Matapos ang ilang sandali, huminto ang elevator sa 29th floor.

Naghihintay ang sekretarya ni Cameron sa pintuan. Medyo pa nagulat ito nang makita si Mallory, ngunit dahil sa ilang taon ng nangyayari iyon, nasanay na lang siya at hindi na nagulat. Magalang siyang nagsalita: "Atty., dumating na po si Ms. Davis."

Inabot ni Cameron ang hawak na paper bag sa sekretarya. "Deliver it to the dry cleaner.

Tumango ang secretary at umalis.

Bumaba ang tingin ni Cameron sa kanyang telepono at nagbasa ng mga mensahe, saka walang balakid na nagsalita kay Mallory. "Find another lawyer for your case. Aside from that, a woman's belt shouldn't be too loose..."

Pagkatapos ay lumabas ito ng elevator.

Tinanggihan si Mallory ni Cameron, nag-aksaya pa siya ng oras at enerhiya para makita itong muli pero sa huli ay uuwi lang siyang nganga.

Mas lalo iyong nagpa-stress sa kanyang Tita Ruth nang marinig iyon. Panay na ang reklamo nito kaya napi-pressure pa lalo si Mallory. Masyado na siyang maraming iniisip kaya naman kinausap niya ang kanyang best friend na si Diana at nag-set ng oras ng kanilang pagkikita.

Agad na ikinasal si Diana pagkatapos ng graduation nila sa college. Maganda ang pamumuhay nito ngayon dahil nakapag-asawa ito ng tagapagmana.

Humingi ng tulong si Mallory kay Diana para makahanap ng paraan.

Inayos nilang magkita sa isang coffee shop, at doon sinabi ni Mallory ang sitwasyon.

Nang marinig ito, lahat ng mura at panunumpa ay sinabi na ni Diana. Pagkatapos ay may nakapukaw ng kanyang atensyon sa kwento ng kaibigan, "totoo bang muntik na kayong mag-sex ni Atty. Gavinson?!"

Napatanga si Mallory, sa lahat ng kinwento niya ay akala niya'y hindi na iyon maaalala pa ni Diana. Subalit nagkakamali siya, matalas ang pandinig ng kaibigan niya. Napa-inom tuloy siya ng kape dahil naramdaman niya ang panumula ng pisngi niya.

"Mallory, alam mo bang ang galing mo? Kilala si Cameron Gavinson bilang isang pihikan sa mga babae! Bihira rin itong nasasangkot sa kahit anong gulo dahil pinangangalagaan nito ang pangalan at reputasyon, tapos ikaw, makikipalampungan ka lang sa gitna ng corridor?! Iba ka, best friend! Iba ka!" Mahabang litanya ni Diana sa mababang boses pagkatapos ay humagikhik ito.

"Wala na akong ibang pagpipilian pa, Diana. Ikaw na lang ang pag-asa ko..." Nakangusong sinabi ni Mallory.

Malakas ang impluwensya ni Cameron sa kanilang grupo, alam niyang mas mabilis kapag humingi siya ng tulong kay Diana.

Mabait naman si Diana at ginamit niya ang kanyang mga koneksyon para makuha ang schedule ni Cameron.

Sa sabado, alas tres ng hapon ay may appointment si Cameron Gavinson na maglalaro sa isang golf club.

Sumama si Mallory kay Diana at sa asawa nito. Ang hindi nila in-expect ay nandoon din pala si Kenneth.

Napatigil si Mallory, bigla ay gusto niyang umatras at umuwi na lang.

Hinawakan ng mahigpit ni Diana ang braso ng kanyang asawa. "Akala ko ba ay chineck mo ng maayos ang mga dadalo? Bakit kasama iyang h*******k na 'yan? Alam mo naman ang mayroon sa kanilang dalawa ni Mallory! Magiging uncomfortable pa tuloy ang kaibigan ko!" Reklamo niya.

Agad namang humingi ng paumanhin ang asawa ni Diana. "I'm sorry, Mallory, hindi ko nasigurado ng maayos..." Napakamot pa ito sa kanyang ulo.

Bago pa makapagsalita si Mallory, nakita na sila ni Cameron.

Nakasuot ito ng kaswal na puting damit. Matangkad, mukhang mabango. S tindig pa lamang nito ay alam mo na agad na ito ang magiging sentro ng pansin.

Katulad ng nangyari sa law firm, parang hindi kilala ni Cameron si Mallory at tanging asawa lang ni Diana ang kanyang binati.

Lubos na ikinatuwa ng asawa ni Diana iyon, abot tainga ang kanyang ngiting nakipagkamay rito.

Pagkatapos ng batian ay saka pa lamang sumulyap si Cameron sa banda ni Mallory, para bang doon lamang nito napansin na naroon siya.

Maganda naman talaga si Mallory, hindi rin gaanong katangkaran, bagay lamang sa balingkinitan nitong pangangatawan.

Puting maluwag na t-shirt at light gray na athletic shorts lang ang kanyang suot.

Ang kanyang mahaba at bahagyang kuloy na kulay light brown na buhok ay naka-ponytail dahilan upang mas makita ang maliit nitong mukha, mahaba at maputing leeg. Kahit na wala itong ginagawa ay para itong nang-aakit.

Bumaba ang tingin ni Cameron sa maputing binti ni Mallory at saka walang prenong nagsalita. "I've never seen this person before..."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Spoil Me, Attorney Gavinson   Chapter 68

    Namula sa galit ang mukha ng mayamang binata.Nakakainis, kilala pala ng lalaking ito ang kanyang ama!Nang makitang tumahimik na ito, hindi na siya pinahirapan pa ni Cameron at lumabas na ng istasyon.Hinalikan ni Captain Castillo ang tseke at masiglang kumaway. "Attorney, hanggang sa muli po!"Hindi siya pinansin ni Cameron.Pumasok siya sa sasakyan at nagsindi ng sigarilyo, dahan-dahan itong hinithit.Lumapit si Kenneth."Sumakay ka." Kalmadong sinabi ni Cameron.Parang alam na ito ni Kenneth kanina pa. Bahagyang ngumiti, binuksan ang pinto, at sumakay.Pagkasakay pa lang, pinaandar na ni Cameron ang sasakyan. Napakaganda ng takbo ng mamahaling sasakyan at mabilis bumilis. Si Kenneth na uminom ng maraming alak ay nakaramdam ng pagkahilo at hinala niyang sadyang ginagawa ito ng lalaki.Napakabilis magmaneho ni Cameron, at naiiwan ang mga ilaw ng lansangan sa likuran.Tahimik sa loob ng sasakyan, walang nagsasalita.Makalipas ang kalahating oras, itinigil ni Cameron ang sasakyan sa t

  • Spoil Me, Attorney Gavinson   Chapter 67

    Kakatapos lang gawin ni Cameron ang lahat kay Mallory nang tumunog ang telepono.Pagod na pagod si Mallory, pero hindi pa nakuntento si Cameron. Niyakap niya ang baywang nito at pabirong hinaplos nang dahan-dahan.Hindi na matiis ni Mallory at kinagat ang kanyang labi. "Ikaw... itigil mo na 'yan, gusto ko nang maligo!"Mabait naman talaga si Cameron.Bumulong siya nang malambing sa tainga nito, "Maghahanda ako ng maligamgam na tubig para sa'yo."Namumula nang bahagya ang tainga ni Mallory, at may maliliit na buhok dito na mukhang nakakatuwa. Hindi napigilan ni Cameron na haplusin ito nang dahan-dahan.Tinakpan ni Mallory ang kanyang mukha ng kumot ayaw na hawakan pa siya nito."Nahihiya ka ba? Sino ba 'yung kanina pang yakap nang yakap sa akin at ayaw bumitaw?" Mahigpit na niyakap siya ni Cameron pati na ang kumot, at hinila siya palabas.Gusto pa sana niya itong tuksuhin...Nagmamakaawa nang mahina si Mallory, "Hindi maganda ang pakiramdam ko, pakiusap, maliligo na ako..."Bahagyang

  • Spoil Me, Attorney Gavinson   Chapter 66

    Natigilan sandali si Kenneth.Oo nga!Hindi naman siya sanay na mag-alala sa mga babae. Kahit noong kasama pa niya si Mallory, hindi siya tumigil sa pakikipagrelasyon sa iba. Ibinibigay niya ang kanyang pagnanasa sa iba bago bumalik at mag-usap tungkol sa pag-ibig kay Mallory.Isang halik lang ay masaya na ito nang matagal.Yumuko si Kenneth at nagsindi ng sigarilyo.Dahan-dahan niyang ibinuga ang usok at nagtanong, "Kapag ba ang isang babae ay naging iyo, mas tapat ba ito? Mas magtatagal ba ang pagmamahal niya?"Ngumiti nang may pagkaunawa ang tagapamahala."President Soriano, anong panahon na ba ngayon? Saan pa makakahanap ng ganyan? Ang pagtatalik ay parang pagkain at pag-inom lang ng kape! Nasa nararamdaman lang 'yan. Kung naramdaman niyo, sige lang, hindi ba? Tulad ni Aloha, mukhang inosente at bata pa. Hindi ba kayo nasiyahan noong nakaraan? Patawarin niyo na po siya ngayon."Nakalimutan na sana ito ni Kenneth, ngunit nagtanong ang tagapamahala, "Nasaan na siya?"Naalala niyang

  • Spoil Me, Attorney Gavinson   Chapter 65

    Labis na naantig si Cameron, idinikit niya ang kanyang noo sa noo ni Mallory at paos na sinabi, "Magpapadala ako ng sasakyan kay Ginang Manolo para sunduin tayo."Bahagyang kinagat ni Mallory ang kanyang pang-ibabang labi.Nakainom si Cameron at para itong mabangis na hayop.Maaasahan naman si Josefa Manolo. Agad siyang nagpadala ng kanyang tapat na driver upang ihatid silang ligtas pabalik sa tirahan.Matagal nang nagpipigil si Cameron, kaya simula pa lang pumasok sila sa elevator ay hinalikan na niya si Mallory. Pagdating sa bahay, habang nagsusuot si Mallory ng panloob na tsinelas, niyakap siya nito sa baywang mula sa likuran at marahang kinagat ang kanyang talukap ng tainga. "Ayos na ang suot mong ito."Nagulat si Mallory.Akala niya ay kailangan muna niyang maligo at maging malinis at presko.Ngunit binuhat na siya ni Cameron, hinalikan habang pilit na tinatanggal ang kanyang matataas na sapatos. Kapag nanaig na ang pagnanasa, nagiging matapang at nakakaakit ito—at walang nagawa

  • Spoil Me, Attorney Gavinson   Chapter 64

    Hindi sumagot si CameronAyaw palampasin ni Charlene ang pagkakataong ito at gustong-gusto niyang magpasikat. Sa pamilyar na tono ay sinabi niya sa mga head teachers, "Kilala ko po ang manager ng restawrang ito, at pumayag silang bigyan ako ng five percent discount."Pinuri siya ng ilang punong-guro dahil sa kanyang kakayahan.Muli na namang tumingin si Charlene kay Cameron at idinagdag. "Sa ganitong five star hotel, hindi nagbibigay ng disount maliban na lang kung napakalakas ng inyong mga koneksyon."Sa gitna ng mga nagulat na tingin, naramdaman ni Charlene na nagsisimula nang magbago ang tingin sa kanya ni Cameron..Hindi niya maiwasang maging mapagmalaki.Ha! Bukod sa kagandahan, ano pa ba ang maipagmamalaki ni Mallory na maihahambing sa kanya?Sa sandaling iyon, isang malalim na boses ang narinig mula sa pinto ng bulwagan. "Cameron, narito ka pala!"Ang pumasok ay si Josefa Manolo, ang general manager ng hotel na ito.Masiglang inabot ni Ginang Josefa ang kamay ni Cameron, at mas

  • Spoil Me, Attorney Gavinson   Chapter 63

    Pinisil ni Cameron ang kanyang pisngi, na parang patawad na sa kanya. Pagkatapos, tumayo pa talaga ito at magalang na sinabi kay Charlene. "Miss Charlene, tatanggapin ko ang inuming ito." Ah... Nagulat ang lahat. Masyado bang mababa ang panlasa ni Attorney Gavinson? Ngumiti nang nakakaakit si Cameron at ibinaling ang usapan. "Ngunit nagmamaneho ako at ihahatid ko si Mallory pauwi mamaya! Kenneth... may dala kang driver, hindi ba? Ikaw na lang ang uminom nito para sa akin at kay Miss Charlene." Matapos magsalita ni Cameron, biglang tumahimik ang buong silid. Siguradong alam ni Atty. Gavinson ang ugnayan nina Kenneth at Charlene, hindi ba? Malinaw na ginagamit nito ang kanyang kapangyarihan para ipahiya ang huli! O! Tunay ngang nararapat siyang tawaging Hari sa larangan ng batas! Sa ilalim ng tingin ng lahat, tumayo si Kenneth. Kahit hindi siya magiging manugang ng pamilya Gavinson, kayang-kaya lang ni Cameron na pabagsakin ang pamilya Soriano sa isang salita lamang, kaya kail

  • Spoil Me, Attorney Gavinson   Chapter 5

    Sakal-sakal ni Kenneth si Mallory, ang tanging ginawa lamang niya ay tingnan ito sa mga mata na puno ng galit at poot. Mula noon hanggang ngayon, wala siyang lakas na ipagtanggol ang kanyang sarili. Katulad na ng nasira nilang relasyon. Pabato siyang binitawan ni Kenneth. Mapang-asar itong tumawa.

  • Spoil Me, Attorney Gavinson   Chapter 4

    Tumango ang asawa ni Diana. "This is Mallory Sullivan, Diana's college friend. She's actually a piano teacher." "Oh, hi teacher Sullivan!" Natatawang sambit ni Cameron. Inilahad pa nito ang kanyang kamay na para bang isang mabait na nilalang. Sa paligid, ang mga lalaki mula sa mayayamang pamil

  • Spoil Me, Attorney Gavinson   Chapter 1

    Nagpakalunod sa alak si Mallory Sullivan noong gabi ng engagement party ng kanyang ex-boyfriend na si Kenneth Soriano. First time niyang uminom ng ganoon kalala kaya basta na lang niyang hinigit ang isang gwapong lalaki at saka ito mainit at mapusok na hinalikan. Tiningnan ng lalaki ang babaeng n

  • Spoil Me, Attorney Gavinson   Chapter 2

    Sa sandaling pumasok si Mallory sa kanilang bahay, nakita niya ang kanyang tita Ruth na nakatulala sa sofa. Ang mga mata nito ay pamumula, parang kagagaling sa pag-iyak. Tumingin-tingin si Mallory sa paligid at hindi napigilang magtanong. "What happened, Tita? Where is Daddy?" Si Ruth ang ikalaw

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status