Share

Chapter 4

Author: Ethaniel Rein
last update publish date: 2026-02-08 21:53:07

Tumango ang asawa ni Diana. "This is Mallory Sullivan, Diana's college friend. She's actually a piano teacher."

"Oh, hi teacher Sullivan!" Natatawang sambit ni Cameron.

Inilahad pa nito ang kanyang kamay na para bang isang mabait na nilalang.

Sa paligid, ang mga lalaki mula sa mayayamang pamilya ay may mga nakakaintrigang ekspresyon sa mukha, ang iba pa ay naiinggit! Lahat sila ay nakikita na ang magandang si Mallory na ito ay para kay Cameron lamang.

"How Lucky you are, Atty. Gavinson!" Pagbibiro pa ng isa.

Nahihiyang napayuko si Mallory, hindi siya sanay sa ganoong sitwasyon. Ngunit dahil marami ang nakatingin, baka naman sabihan siyang maaarte ay tinanggap na lamang nito ang pakikipagkamay.

Hinawakan ang kanyang malambot na kamay.

Saglit pang pinisil ni Cameron ang kamay ng dalaga bago niya ito marahang bitawan. "Teacher Sullivan, how about a game?" Gwapong-gwapo itong ngumisi.

Pagkatapos niya itong sabihin ay basta na lang itong naglakar patungo sa court, hindi na siya binibigyan ng pagkakataong tumanggi.

Wala nang nagawa si Mallory kundi sumunod.

Sa likuran niya, hawak ni Kenneth ang golf club, lukot ang mukha nito sa hindi maipintang galit.

Nang makalapit si Mallory at saka mahinang sinabi na hindi siya marunong mag-golf.

At dahil maganda ang mood ni Cameron sa mga sandaling iyon, hindi man lang nabakasan ng pagkainis ang kanyang mukha.

"Don't worry, I will teach you!"

Nang marinig iyon, naiintindihan ng mga taong nasa paligid ni Cameron ang ibig niyang sabihin, at lalong naging hindi maliwanag ang kanilang mga tingin.

Hindi ganoon katanga si Mallory. Ang pagiging malapit nito kay Cameron ay nangangahulugan lamang ng isang bagay, iyon ay wala na siyang gusto kay Kenneth!

Nakatayo si Mallory sa harap ni Cameron, hinayaan niya itong yakapin siya mula sa likuran. Ang kanyang athletic shorts ay nagpapakita ng malaking bahagi ng kanyang maputi at payat na mga binti na mahigpit na nakadikit sa katawan nito, at naramdaman pa niya ang init na katawan nito.

Pinamulahan ng mukha si Mallory.

"Concentrate, teacher Sullivan!" Bulong ni Cameron sa tainga ni Mallory, bahagya pa siyang napaigtad dahil mainit ang hininga nito. Kung titingnan sa malayo ay para bang magkasintahan silang naglalambingan.

Lihim na napangiwi si Mallory sa isiping iyon.

Hinawakan ni Cameron ang kamay ni Mallory at saka inalog ang club.

Napuno ng palakpakan ang loob ng court.

"Wow! Hindi namin akalain na sobrang ganda ng team work ninyo, Atty. Gavinson and teacher Sullivan!"

"Dahil iyon lahat kay Atty. Gavinson, because he has an excellent leadership!"

"Atty. Gavinson, one more swing and it's going to go in!"

...

Sanay na ang mga lalaki na magsalita ng ganito at hindi ito itinuturing na malaking bagay.

Bahagyang namula ang mukha ni Mallory.

Dumikit si Cameron sa kanyang malambot na tenga at tumawa. "Teacher Sullivan, shall we play another round?"

Magaling ito at talagang nakapag-hole-in-one.

Muling naglakasan ang palakpakan ng mga tao sa paligid. Mas lalong lumitaw ang kagwapuhan ng lalaking kasama sa tuwing ngumingiti ito.

Naramdaman ni Mallory na kumidlat ang kanyang katawan.

Ngayong araw, kahit na sadyang siya ang nagsisikap na akitin ito, siya pa rin ang kinokontrol nito nang basta-basta.

May kakaibang pakiramdam siya na kung gusto ni Cameron na ligawan ang isang babae, 95% ng mga babae ay hindi makakapagpigil. Ang lalaking ganoon na kataas ang status ay hindi basta-bastang bumaba para lang sa isang babae.

Humilig si Mallory sa bisig ni Cameron, nakapuntos pa sila ng ilang beses.

Sa oras ng break, nakaupo si Mallory sa tabi ni Cameron. Hindi ito masyadong nakikipag-usap sa kanya, karamihan na pinag-uusapan nito ang mga negosyo kasama ng iba, paminsan-minsan ay tungkol sa mga bagay na legal.

Sinusubukan ni Mallory na mapansin siya nito. Binibigyan ng tubig, inaabutan ng face towel. Ngunit lahat ng iyon ay walang epekto kay Cameron dahil kaswal lamang niya itong tinatanggap.

Tahimik lamang iyong binabantayan ni Diana. Pakiramdam niya ay may tiyansa na talaga ang kaibigan niya!

Hinila niya si Mallory papunta sa banyo at bumulong "Hindi ko inakala na ganoon pala kagaling si Atty. Gavinson pagdating sa panliligaw! Ilang beses ko na itong nakita sa mga parties noon ngunit ibang-iba ang awra nito, palagi itong seryoso at halos hindi malapita. Pero ngayon ay ilang beses itong tumawa!"

Ngunit bahagya rin siyang nalungkot para sa kaibigan.

Natatakot si Diana na masaktan na naman si Mallory sa ganitong uri ng relasyon, dahil sa katayuan ni Cameron Gavinson. Dahil alam niyang hindi siya pakakasalan ng lalaki dahil puros lamang ito laro, at ang mas malala pa, may Kenneth Soriano sa pagitan nila!

Kagagaling lang ni Mallory sa heartbreak kaya fresh na fresh pa ang lahat. Alam niyang concern lang sa kanya si Diana kaya naman nginitian niya ito. "Don't worry, Diana... Alam ko ang ginagawa ko, and I know na ang klase ng lalaki ni Cameron ay hanggang laro lang. Kung may seseryosohin man iyon, malamang ay hindi kagaya ko. Nakikipaglapit lang ako para sa kaso ni Daddy, and it means giving my body to him, then so be it."

Nakahinga ng maluwag si Diana.

Nang sandaling handa na silang lumabas ay biglang bumukas ang pintuan ng ladies room, iniluwa roon si Kenneth. Sobrang bilis ng pangyayari, bigla na lang itinulak ng lalaki si Mallory sa pader, madilim ang mukha nito sa galit.

Nagpanic si Diana at inabot ang kamay ng lalaki. "H-Hoy! Kenneth, anong ginagawa mo rito?!" Akma na siyang lalabas nang hilahin pabalik ang kanyang kamay.

"Don't you dare ask for help or I will do something worst to your friend!" Pagbabanta ni Kenneth sabay tulak kay Diana, muntik pa siyang sumubsob sa lababo.

Tinulak ni Kenneth ang isang cubicle at doon dinala si Mallory, hysterical na kumatok si Diana at nagsisisigaw na sa galit.

"Kenneth! Hayop ka! Ilabas mo si Mallory riyan! Wala kang bayag! Bakla! Babae lang ang kaya mong patulan putangina mo!" Umiiyak na si Diana sa frustration.

Hindi man lang iyon pinansin ni Kenneth.

Kung hindi siya ganoon kalupit, paano niya kayang itapon na lang ng basta si Mallory pagkatapos niya itong sirain?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Spoil Me, Attorney Gavinson   Chapter 68

    Namula sa galit ang mukha ng mayamang binata.Nakakainis, kilala pala ng lalaking ito ang kanyang ama!Nang makitang tumahimik na ito, hindi na siya pinahirapan pa ni Cameron at lumabas na ng istasyon.Hinalikan ni Captain Castillo ang tseke at masiglang kumaway. "Attorney, hanggang sa muli po!"Hindi siya pinansin ni Cameron.Pumasok siya sa sasakyan at nagsindi ng sigarilyo, dahan-dahan itong hinithit.Lumapit si Kenneth."Sumakay ka." Kalmadong sinabi ni Cameron.Parang alam na ito ni Kenneth kanina pa. Bahagyang ngumiti, binuksan ang pinto, at sumakay.Pagkasakay pa lang, pinaandar na ni Cameron ang sasakyan. Napakaganda ng takbo ng mamahaling sasakyan at mabilis bumilis. Si Kenneth na uminom ng maraming alak ay nakaramdam ng pagkahilo at hinala niyang sadyang ginagawa ito ng lalaki.Napakabilis magmaneho ni Cameron, at naiiwan ang mga ilaw ng lansangan sa likuran.Tahimik sa loob ng sasakyan, walang nagsasalita.Makalipas ang kalahating oras, itinigil ni Cameron ang sasakyan sa t

  • Spoil Me, Attorney Gavinson   Chapter 67

    Kakatapos lang gawin ni Cameron ang lahat kay Mallory nang tumunog ang telepono.Pagod na pagod si Mallory, pero hindi pa nakuntento si Cameron. Niyakap niya ang baywang nito at pabirong hinaplos nang dahan-dahan.Hindi na matiis ni Mallory at kinagat ang kanyang labi. "Ikaw... itigil mo na 'yan, gusto ko nang maligo!"Mabait naman talaga si Cameron.Bumulong siya nang malambing sa tainga nito, "Maghahanda ako ng maligamgam na tubig para sa'yo."Namumula nang bahagya ang tainga ni Mallory, at may maliliit na buhok dito na mukhang nakakatuwa. Hindi napigilan ni Cameron na haplusin ito nang dahan-dahan.Tinakpan ni Mallory ang kanyang mukha ng kumot ayaw na hawakan pa siya nito."Nahihiya ka ba? Sino ba 'yung kanina pang yakap nang yakap sa akin at ayaw bumitaw?" Mahigpit na niyakap siya ni Cameron pati na ang kumot, at hinila siya palabas.Gusto pa sana niya itong tuksuhin...Nagmamakaawa nang mahina si Mallory, "Hindi maganda ang pakiramdam ko, pakiusap, maliligo na ako..."Bahagyang

  • Spoil Me, Attorney Gavinson   Chapter 66

    Natigilan sandali si Kenneth.Oo nga!Hindi naman siya sanay na mag-alala sa mga babae. Kahit noong kasama pa niya si Mallory, hindi siya tumigil sa pakikipagrelasyon sa iba. Ibinibigay niya ang kanyang pagnanasa sa iba bago bumalik at mag-usap tungkol sa pag-ibig kay Mallory.Isang halik lang ay masaya na ito nang matagal.Yumuko si Kenneth at nagsindi ng sigarilyo.Dahan-dahan niyang ibinuga ang usok at nagtanong, "Kapag ba ang isang babae ay naging iyo, mas tapat ba ito? Mas magtatagal ba ang pagmamahal niya?"Ngumiti nang may pagkaunawa ang tagapamahala."President Soriano, anong panahon na ba ngayon? Saan pa makakahanap ng ganyan? Ang pagtatalik ay parang pagkain at pag-inom lang ng kape! Nasa nararamdaman lang 'yan. Kung naramdaman niyo, sige lang, hindi ba? Tulad ni Aloha, mukhang inosente at bata pa. Hindi ba kayo nasiyahan noong nakaraan? Patawarin niyo na po siya ngayon."Nakalimutan na sana ito ni Kenneth, ngunit nagtanong ang tagapamahala, "Nasaan na siya?"Naalala niyang

  • Spoil Me, Attorney Gavinson   Chapter 65

    Labis na naantig si Cameron, idinikit niya ang kanyang noo sa noo ni Mallory at paos na sinabi, "Magpapadala ako ng sasakyan kay Ginang Manolo para sunduin tayo."Bahagyang kinagat ni Mallory ang kanyang pang-ibabang labi.Nakainom si Cameron at para itong mabangis na hayop.Maaasahan naman si Josefa Manolo. Agad siyang nagpadala ng kanyang tapat na driver upang ihatid silang ligtas pabalik sa tirahan.Matagal nang nagpipigil si Cameron, kaya simula pa lang pumasok sila sa elevator ay hinalikan na niya si Mallory. Pagdating sa bahay, habang nagsusuot si Mallory ng panloob na tsinelas, niyakap siya nito sa baywang mula sa likuran at marahang kinagat ang kanyang talukap ng tainga. "Ayos na ang suot mong ito."Nagulat si Mallory.Akala niya ay kailangan muna niyang maligo at maging malinis at presko.Ngunit binuhat na siya ni Cameron, hinalikan habang pilit na tinatanggal ang kanyang matataas na sapatos. Kapag nanaig na ang pagnanasa, nagiging matapang at nakakaakit ito—at walang nagawa

  • Spoil Me, Attorney Gavinson   Chapter 64

    Hindi sumagot si CameronAyaw palampasin ni Charlene ang pagkakataong ito at gustong-gusto niyang magpasikat. Sa pamilyar na tono ay sinabi niya sa mga head teachers, "Kilala ko po ang manager ng restawrang ito, at pumayag silang bigyan ako ng five percent discount."Pinuri siya ng ilang punong-guro dahil sa kanyang kakayahan.Muli na namang tumingin si Charlene kay Cameron at idinagdag. "Sa ganitong five star hotel, hindi nagbibigay ng disount maliban na lang kung napakalakas ng inyong mga koneksyon."Sa gitna ng mga nagulat na tingin, naramdaman ni Charlene na nagsisimula nang magbago ang tingin sa kanya ni Cameron..Hindi niya maiwasang maging mapagmalaki.Ha! Bukod sa kagandahan, ano pa ba ang maipagmamalaki ni Mallory na maihahambing sa kanya?Sa sandaling iyon, isang malalim na boses ang narinig mula sa pinto ng bulwagan. "Cameron, narito ka pala!"Ang pumasok ay si Josefa Manolo, ang general manager ng hotel na ito.Masiglang inabot ni Ginang Josefa ang kamay ni Cameron, at mas

  • Spoil Me, Attorney Gavinson   Chapter 63

    Pinisil ni Cameron ang kanyang pisngi, na parang patawad na sa kanya. Pagkatapos, tumayo pa talaga ito at magalang na sinabi kay Charlene. "Miss Charlene, tatanggapin ko ang inuming ito." Ah... Nagulat ang lahat. Masyado bang mababa ang panlasa ni Attorney Gavinson? Ngumiti nang nakakaakit si Cameron at ibinaling ang usapan. "Ngunit nagmamaneho ako at ihahatid ko si Mallory pauwi mamaya! Kenneth... may dala kang driver, hindi ba? Ikaw na lang ang uminom nito para sa akin at kay Miss Charlene." Matapos magsalita ni Cameron, biglang tumahimik ang buong silid. Siguradong alam ni Atty. Gavinson ang ugnayan nina Kenneth at Charlene, hindi ba? Malinaw na ginagamit nito ang kanyang kapangyarihan para ipahiya ang huli! O! Tunay ngang nararapat siyang tawaging Hari sa larangan ng batas! Sa ilalim ng tingin ng lahat, tumayo si Kenneth. Kahit hindi siya magiging manugang ng pamilya Gavinson, kayang-kaya lang ni Cameron na pabagsakin ang pamilya Soriano sa isang salita lamang, kaya kail

  • Spoil Me, Attorney Gavinson   Chapter 7

    Nakauwi na si Mallory.Nagsisindi ng insenso si Tita Ruth nang makita itong dumating, at muling sumigla ang pag-asa sa kanyang mga mata.Umiling si Mallory, namumutla ang mukha.Nadismaya si Tita Ruth at gusto sana itong pagalitan, pero sa huli ay lumambot din ang kanyang puso at sinabi na lang, "B

  • Spoil Me, Attorney Gavinson   Chapter 6

    Diretsahan ang tanong ni Cameron, pinamulahan ng mukha si Mallory sa kahihiyan.Dahil sa totoo lang, hindi pa niya iyon ginagawa kasama si Kenneth!Noong sila pa ni Kenneth, ang pinakahigit na nabigay niya rito ay tanging mababaw na mga halik lang. Bukod doon, wala na!Matagal bago nagsalita si Mal

  • Spoil Me, Attorney Gavinson   Chapter 2

    Sa sandaling pumasok si Mallory sa kanilang bahay, nakita niya ang kanyang tita Ruth na nakatulala sa sofa. Ang mga mata nito ay pamumula, parang kagagaling sa pag-iyak. Tumingin-tingin si Mallory sa paligid at hindi napigilang magtanong. "What happened, Tita? Where is Daddy?" Si Ruth ang ikalaw

  • Spoil Me, Attorney Gavinson   Chapter 1

    Nagpakalunod sa alak si Mallory Sullivan noong gabi ng engagement party ng kanyang ex-boyfriend na si Kenneth Soriano. First time niyang uminom ng ganoon kalala kaya basta na lang niyang hinigit ang isang gwapong lalaki at saka ito mainit at mapusok na hinalikan. Tiningnan ng lalaki ang babaeng n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status