LOGINSakal-sakal ni Kenneth si Mallory, ang tanging ginawa lamang niya ay tingnan ito sa mga mata na puno ng galit at poot. Mula noon hanggang ngayon, wala siyang lakas na ipagtanggol ang kanyang sarili. Katulad na ng nasira nilang relasyon.
Pabato siyang binitawan ni Kenneth. Mapang-asar itong tumawa. "Ano? Gusto mong makipag-ugnayan kay Cameron? May kakayahan ka ba? Lahat sa industriya ay alam na pihikan siya sa mga babae, maganda, mayaman at professional ang mga tipo niya, Mallory. Eh, ikaw? Ano lang bang mayroon ka? Hahalikan ka na nga lang eh para ka ng tuod, ano pa kaya kapag hinubaran ka na? Edi namatay ka?" Nag-iwas ng tingin si Mallory, ayaw niyang tingnan ang mukha ng lalaki. "This is my private matter, you don't have the right to interfere!" Sinubukan niyang maging matapang. Tumingin pababa si Kenneth. "O baka naman hindi mo lang talaga ako makalimutan. Sinasadta mong lumapit kay Cameron para kunyari interesado ka sa kanya pero ang totoo ay pinagseselos mo lang ako." Tumango-tango ito na para bang kinukumbinsi ang sarili. "Sinabi ko naman sayo, hindi ba, pumayag ka na maging kabit ko..." Nandidiring nag-angat ng tingin si Mallory.. "Ang kapal ng mukha mo, Kenneth! Kahit kailan ay hindi ko pinangarap maging kabit! And I will never be one! Kung gusto mong sirain ang relasyon mo sa fiancee mo dahil hindi ka makunto sa isa, wala na akong pakialam sayo! Labas ako sa kahipokrituhan mo!" Tinitigan siya ni Kenneth sa mga mata na para bang isa siyang batang nagpasaway at idadaan lang sa paninitig upang maging masunurin ulit. Pero hindi siya ganoon, pagod na siya maging sunud-sunuran sa lalaking ito! Hindi katulad ng dati na yumuko lamang siya na parang kawawang tuta, ngayon ay nilabanan niya ng titig ang lalaki. Pinapakita rito na hindi na siya ang dating Mallory na nagpapaapi. Matapos ang mahabang katahimikan, ngumiti si Kenneth na may halong panunuya: "Mallory, one day you'll chose to be with me. Dahil walang ibang lalaking magtitiis sa isang katulad mo kundi ako lang. You'll see!" Pagkatapos niyon ay binuksan na nito ang pintuan at naunang lumabas. Lumikha ng ingay ang pagsarado ng pinto. Nang tuluyan ng makalabas ang lalaki, napahawak si Mallory sa kanyang leeg, nanginginig ang kanyang mga tuhod at unti-unti siyang napadausdos sa pader kasabay niyon ay ang pag-uunahang pagtuluan ng kanyang mga luha. Napakahayop talaga ng Kenneth na iyon! Hindi niya lubos naintindihan kung bakit ito pa ang lalaking minahal niya! Sa loob ng apat na taon, napakarami niyang ginawa at sinakripisyo. Ngunit sa huli ay iiwan pala siya nito sa ere at nalaman na lamang niyang ikakasal na ito sa ibang babae. Ngayon ay napagtanto na ni Mallory na kinasama lang siya ng lalaki para gamitin at paglaruan, dahil ang totoo ay umpisa pa pag ay wala na itong balak na pakasalan siya. Buong akala niya ay sa tuwing binabanggit niya ang kanilang kasal, palagi nitong sinasabi na nag-iipon pa. Hindi naman siya na-inform na kasal nito sa ibang babae ang pinag-iipunan nito! Para ng baliw si Mallory dahil tumatawa siya kahit na malakas na umagos ang kanyang mga luha. Nakakaawa pala talaga siya, habang nanaginip siya isang simple at intimate wedding nila at kalauna'y magiging anak kasama ang lalaking mahal, iba na pala ang tinatrabaho nito. Naabutan ni Diana sa ganoong ayos si Mallory. "Mallory..." Nahahabag na tawag ni Diana sa kaibigan. Pinunasan ni Mallory ang kanyang luha, nag-angat ng tingin at natigilan. Dahil sa labas ng pintuan, bukod sa asawa ni Diana ay naroon din si Cameron. Magkakrus ang mga braso nito sa dibdib, seryoso ang tingin sa kanyang gawi. Nakapagpalit na si Cameron ng damit, mula sa suot nitong dark blue top kanina at iron-gray na pantalon, isang pormal na damit na ngayon ang suot nito. Labis na nag-aalala si Diana kay Mallory ngunit hindi niya ito binanggit sa dalawa ang tunay na ginawa ni Kenneth. Sa halip ay pinaliwanag niya. "Biglang umulan, kaya hindi na muna tayo makakapaglaro ng bola." "Yes, yes! Ayusin na lang natin sa ibang araw... Atty. Gavinson, pwede mo bang ihatid si Mallory pauwi? May importante kasi kaming pupuntahan, biglaan din kasi..." Tumingin si Cameron kay Mallory at sa namumulang sulok ng mga mata nito. "Walang problema, ako na ang bahala sa kanya." Malamig nitong sinabi. Nakahinga ng maluwag si Diana, ngunit kasabay nito ay nalulungkot siya para kay Mallory. Malungkot siyang tumingin kay Mallory ngunit ang huli ay tipid lamang na ngumiti at tumango. Wala nang magawa si Mallory kung hindi ang umalis kasama si Cameron. Sa labas, malakas na humahampas ang hangin. Sinasabayan pa iyon ng malakas na kulog at kidlat. Nasa open area ang parking lot kaya tumakbo si Cameron sa kanyang sasakyan ay pinaandar ito patungo sa kanya. Ilang sandaling makalipas, isang gintong Continental ang dahan-dahang huminto sa harap ni Mallory. Wala siyang dalang payong, hindi niya tuloy mapigilang makiusap kay Cameron para lang pagbuksan siya nito, dahil kahit na halos nasa tapat niya tumigil ang sasakyan nito ngunit malakas ang buhos ng ulan, isang hakbang lang niya ay siguradong makakaligo siya. Pero kahit na nagpaawa na ang kanyang mga mata, matigas pa rin ang lalaki at hindi bumaba sa sasakyan nito. Sa kahihiyan ay napalunok si Mallory, Inumpisahan niyang maglakad at katulad ng nasa isip niya, nabasa nga siya. Nakaramdam siya ng kaba nang makapasok siya sa sasakyan, natatakot na baka mainis si Cameron. Sinulyapan lang siya ni Cameron ngunit walang ibang sinabi. Sinimulan na nitong paandarin ang sasakyan. Nasa kalagitnaan ng bundok ang club. Umiikot-ikot ang sasakyan ng ilang beses bago makarating sa ibaba. Naka-on ang aircon sa loob ng sasakyan, at hindi nagtagal ay nanginginig si Mallory sa lamig, nawalan ng kulay ang kanyang labi. Habang naghihintay sa pulang ilaw, inabot ni Cameron sa kanya ang isang coat at sinabi, "Suotin mo 'yan." Mahinang nagpasalamat si Mallory. Naramdaman niyang mas mainit na matapos suotin ang coat nito, ngunit hindi pinatay ni Cameron ang aircon; nakatutok pa rin ang kanyang mga mata sa kalsada sa harap. Dahil sa malakas na ulan, napakalakas ng trapiko, at hindi gumalaw ang sasakyan kahit na ilang beses nang naging berdeng ilaw. Kumuha si Cameron ng isang pakete ng sigarilyo mula sa locker, sinindihan ang isa, at dahan-dahang ibinuga ang usok. "Gaano ka na ba katagal na natitiis riyan kay Kenneth?" Walang prenong tanong nito. Hindi iyon inasahan ni Mallory. Ngunit sinabi niya pa rin ang totoo. "Apat na taon." Bahagyang nanlaki ang mata ni Cameron sa gulat. Ang kanyang tingin ay dumaan sa kanyang mahaba at maputing mga binti, at may bahid ng pagnanasa na lumitaw sa kanyang mga mata. "And how many times you've slept with him?" Malamig nitong tanong.Sa sandaling iyon, nakatanggap siya ng mensahe mula kay Cameron, isang maikling linya lamang ang nakalagay.[Teacher Sullivan, kumusta ang pakiramdam mo kagabi?]Namula nang husto si Mallory at kinagat ang kanyang labi bago sumagot.【Mabuti naman.】Kakatapos lang niyang ipadala nang mag-vibrate muli ang kanyang telepono; nagpadala ulit ng mensahe si Cameron.[That's good to hear! May reunion tayo sa sabado, uuwi na ba tayo nang maaga?]Hindi alam ni Mallory kung paano mag-reply. Sinambot ni Diana ang telepono niya, at talaga namang hindi nakayanan ni Diana ang nabasa! Hindi niya aakalaing bulgar pala ang lalaking iyon! Ang sexy!Matapos ang mahabang katahimikan, nakapagsalita rin sa wakas si Diana. "Attorney Gavinson's quiet playful, huh?" Nakangisi niyang komento.Medyo mahinhin si Mallory kaya namula ito habang binabawi ang kanyang telepono.Kahit anong pangungulit ni Diana, wala itong makuhang tiyak na sagot.Masyadong nahihiya si Mallory na aminin iyon. Ginawa na nila iyon kagabi
Nagising si Mallory ng madaling-araw.Nagtatali ng kurbata si Cameron sa tabi ng kama at nang makita nitong gising na siya, yumuko ito at hinalikan siya bilang pagbati sa umaga.Sumagot si Mallory nang may pag-aatubili.Pagkatapos ng halik, medyo namula ang kanyang mukha; hindi pa siya nakakapagsipilyo.Mahinahong sinabi ni Cameron, "I have early meeting. Sleep some more. Anyway, walang pasok si Aling Linda ngayong araw."Gusto sanang bumangon ni Mallory para maghanda ng almusal para rito.Marahan siyang itinulak pababa ni Cameron, malalim ang kanyang tingin. "Ipapabili ko na lang kay Zeno."Tumugon si Mallory nang mahina, "O-Okay."Pagkatapos ng nangyari kagabi, pareho pa rin silang hindi lubos na nasiyahan at naghalikan nang matagal.Napagtanto ni Mallory na suot nito ang damit na ibinigay niya.Nakasuot ito ng kulay kape na kasuotan na kapares ng kulay abong pantalon.Manipis na kurbatang kulay ube na may guhit.Mas mukha itong bata, gwapo at maamong tignan!Sa ganoong kagwapuhan,
Gawing magaan ang pakiramdam niya?Sobrang hiya ni Mallory na aminin na wala siyang karanasan at hindi pa talaga naging ganoon kay Cameron.Hindi ito pinansin ni Diana at mariing sinabi, "Lory, makinig ka: kailangan mong makuha ang loob ni Cameron!"Namula si Mallory nang marinig ito.Kahit ilang panahon na silang magkasama ni Cameron, nakakaramdam pa rin siya ng hiya at kaba sa tuwing kailangan siyang mauna sa mga bagay na may kinalaman sa damdamin.Bukod pa rito, wala naman itong oras umuwi.Hindi naman niya ito basta-basta maipapadala...Sa pag-iisip pa lang ay labis na nahihiya na si Mallory.Totoo ngang abala si Cameron kaya tatlong araw na itong hindi umuuwi sa apartment nila.Paano niya ito aabalahin pa sa kanyang sariling mga gusot?Ang ginagawa na lang niya ay maghatid ng almusal at pamalit na damit araw-araw, at wala naman itong sinasabi!...Noong Miyerkules, buong araw na kasama ni Mallory ang ama.Nang gabing iyon, gumawa siya ng home made siomai sa bahay nila, balak niya
"Tingnan mo naman si Mallory, nakatira na sa bahay ng lalaki. Masisira lang ang pangalan niyan sa huli. Paano tatanggapin ng pamilya Soriano ang ganyang manugang?"Mabibigat ang mga salita ni Mrs. Soriano.Nakakunot ang noo na malamig na sumagot si Kenneth, "Hindi naman siya ang naghahangad na makasama ako." Pagkasabi nito, kinuha niya ang kanyang amerikana na tila aalis na.Sinundan siya ng ina at sumigaw, "Saan ka pupunta?""Babalik sa kumpanya."Sumakay si Kenneth sa kanyang Lotus sports car, ngunit hindi agad pinaandar ito.Ipinikit niya ang kanyang mga mata at pinag-isipan ang mga sinabi ng ina, lalo na ang linyang 'nakatira na ngayon si Mallory sa bahay ng lalaki' mas masakit pa kaysa namatayan.IMay parte sa kanya na sinisisi ang sarili, kung hindi lang sana niya ito itinaboy noon, hindi sana magkukrus ang landas nila ni Cameron.Hindi sana ito makakasama kay Cameron!Umuwi si Mallory sa apartment bago mag-alas-singko.Karaniwang umuuwi si Cameron ng alas-siyete, at dahil alam
Pinisil niya ang kanyang pisngi, pagkatapos ay isinuot ang kanyang mamahaling relo: "Gaano kalaki ang magagastos mo sa mga damit? Para kang asawang nag-uulat sa asawang empleyado... Oo nga pala, kulang pa ako ng ilang damit. Maaari ka bang mamili ng ilan para sa akin?"Alam ni Mallory na dahilan lamang iyon; daan-daan ang damit nito sa walk-in closet!Ngunit ang mga babae ay likas na mahilig mamili ng damit.Mahinang nagpasalamat si Mallory.Yumuko si Cameron at hinalikan sa labi. "Masyado kang magalang, Teacher Sullivan."Gustong-gusto talaga ni Mallory na mapasaya ito.Niyakap niya ang leeg nito at malambing na tumawag ng "Daddy."Sa una ay nagulat si Cameron.Ngunit pagkatapos, may kakaibang damdaming gumising sa kanyang puso.Ang positibong damdaming iyon ay dala niya hanggang sa opisina; pati ang sekretaryang si Zeno ay napansin na pambihira ang magandang mood ni attorney Gavinson, at mas lalo pa itong gumwapo.Alas-diyes ng umaga, kumatok si Zeno at pumasok.Ngumiti ito at nagsa
Sa tingin ni Mallory ay naroon siya upang maglingkod dito, kaya kusa siyang naghanda ng mangkok ng sabaw at inilagay ito sa harapan ng lalaki.Tumingala si Cameron.Bumulong si Mallory, "Mukhang masarap naman."Hindi agad hinigop ni Cameron ang sabaw, sa halip ay may malalim na sinabi, "I'll be more happier if you give that dedication when we're kissing."Biglang naging nakakailang ang paligid, at pareho nilang naalala ang nangyaring halik sa loob ng sasakyan.Hindi lang iyon basta halik.Namula nang husto si Mallory. Bakit ba pati sa pagkain ay nagpapahiwatig pa ito ng ganyan!Pagkatapos kumain, nilinis ni Mallory ang mga pinagkainan at binuksan ang kanyang telepono upang tingnan ang naitalang usapan.Ngayong malinaw na ang kanyang isip, napagtanto niyang mahihirapan siyang magsampa ng kaso laban kay Charlene. Napakaingat na kumilos nito, at marami itong ginamit na mga salitang nagtatanong sa kanyang mga sinabi—hindi ito maituturing na krimen.Nakakagalit!Namutla si Mallory; hindi p
Nakauwi na si Mallory.Nagsisindi ng insenso si Tita Ruth nang makita itong dumating, at muling sumigla ang pag-asa sa kanyang mga mata.Umiling si Mallory, namumutla ang mukha.Nadismaya si Tita Ruth at gusto sana itong pagalitan, pero sa huli ay lumambot din ang kanyang puso at sinabi na lang, "B
Diretsahan ang tanong ni Cameron, pinamulahan ng mukha si Mallory sa kahihiyan.Dahil sa totoo lang, hindi pa niya iyon ginagawa kasama si Kenneth!Noong sila pa ni Kenneth, ang pinakahigit na nabigay niya rito ay tanging mababaw na mga halik lang. Bukod doon, wala na!Matagal bago nagsalita si Mal
Tumango ang asawa ni Diana. "This is Mallory Sullivan, Diana's college friend. She's actually a piano teacher." "Oh, hi teacher Sullivan!" Natatawang sambit ni Cameron. Inilahad pa nito ang kanyang kamay na para bang isang mabait na nilalang. Sa paligid, ang mga lalaki mula sa mayayamang pamil
Natigilan si Mallory. Agad na pinamulahan ng mukha si Mallory, wala sa sariling inangat niya ang dalang paper bag. "Ibinabalik ko lang ang coat mo, Atty, Gavinson.Kinuha iyon ni Cameron. "Salamat sa abala." Isang beses pa itong tumango. Pagkatapos ay naglakad ito patungo sa elevator.Tumalima si







