Mag-log inItutuloy na sana niya ang pagpipinta ng tumunog ang kanyang cellphone.Nawala bigla ang gana sana niyang gumuhit at tapusin iyon agad ng makita niya kung sino ang tumatawag."Isabella, tapos na ba ang ipinapaguhit ko sayo?" tanong sa kanya ni Cathy. Nilambingan pa talaga nito ang boses kaya mas lalo siyang naasar dito.Ngunit hindi naman niya iyon mailabas ng tuluyan.Nagpakawala siya ng malalim na paghinga saka siya napatingin sa kanyang canvas."I'm still doing it," walang kagana gana niyang sagot kay Cathy. "Huwag kang mag alala, ipapadala ko agad sayo kung tapos ko ng iguhit.""Really, maaasahan ka talaga, Isabella." hindi maitago sa boses ni Cathy ang katuwaan sa sinabi niya. "It's on me today, ipinagdidiwang namin ngayon ang birthday ko dito sa Imperial Hotel. They asked you to come too, para makilala ka naman ng ibang tao.""Oh, talaga. Gusto nila akong imbitahan sa party mo? Okay, huwag kang mag alala, sister. Darating ako." sagot niya na may peke pang ngiti sa kanyang mga lab
Lihim na napangiti si Marcus, ngunit nagpanggap pa rin itong nanghihina.Wala naman itong natamong sugat kanina sa paglaban sa mga tauhan ni Cardo Mansano. Ngunit gusto lang naman niyang makitang mag alala si Isabella.."Marcus, anong nangyari sayo? Sino ang may gawa nito sayo?" tanong ni Isabella kay Marcus saka niya masusing tinignan ang mga pasa nito sa mukha.Umiling si Marcus saka may kinuha ito sa kaliwa nito.Doon lang niya napansin ang pamilyar na paper bag sa bakery kung saan siya laging bumibili ng puff na paborito niyang kainin."Binili mo iyan? Pero bakit may mga pasa ka?" tanong pa ni Isabella.Tumango si Marcus saka iyon binigay sa kanya."Lumabas ako para bumili iyan kanina, pero tinambangan ako ng mga tauhan ng mga Mansano. Sinabi ko sa kanila na hindi ako lalaban basta hindi nila iyan gagalawin at sisirain," mahinang sagot ni Marcus."Mas mahalaga pa ba ang buhay mo kaysa sa mga puff na ito? Pwede ka pa namang bumili ng iba kung nasira ito."Sumimangot si Marcus. Ang
Agad na nakatulog si Isabella dahil sa pagod ng gabing iyon sa dami ng nangyari.Hindi siya namahay. Komportable siya sa kamang kinahihigan kaya nahimbing na siya sa pagkakatulog.Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto ng silid kung saan natutulog si Isabella.Si Marcus ang pumasok.Magaan ang bawat hakbang na lumapit sa kama. Maingat na naupo sa gilid ng kama at pinagmasdan si Isabella sa payapa nitong pagkakapikit.Ngumiti si Marcus. Umangat ang kamay niya at pinasadahan ng daliri nito ang ilong ni Isabella."Hindi ka pa rin nagbabago, aking Issay. Agad ka parin nakakatulog kahit sa kung kaninong bahay." mahinang usal ni Marcus na hindi mapigilan ang pagkaaliw na pagmasdan ang maamong mukha ni Isabella."Hmm, sleep tight, Issay." bulong ni Marcus.Dahan dahan siya nitong niyuko at magaan na hinalikan sa mga labi.Nanatili ng ilan pang minuto si Marcus na pagmasdan si Isabella bago siya nagpasyang lumabas para hindi na maistorbo ang tulog niya.Maingat na isinara ni Marcus ang pinto.
Kunot ang noo niya."Magkano naman iyon? Hindi mo naman siguro ako ilulubog sa utang dahil wala akong maraming pera." sabi niya kay Marcus.Marcus just snorted. Itinaas ang kamay nito at saka ibinuka ang palad."Limang daang libo? Napakamahal naman." nanlaki ang mga mata niya sa kabayaran ng singsing nito.Alam naman ni Isabella na hindi iyon basta ordinaryong singsing kaya alam niyang mahal ang halaga nun, ngunit hindi naman niya akalain na ganun kalaki ang hihingin na kabayaran ni Marcus sa kanya."Ano? Hindi mo kayang bayaran? Okay, kung ganun ay magiging asawa na lang kita," may ngisi sa labing sabi ni Marcus sa kanya.Mas lumalim ang gitla ng noo ni Isabella at hindi maiwasang hindi siya maasar lalo dito."In your dreams. Mas pipiliin kong ibalik sayo ang bayad ng singsing mo kaysa ang maging asawa mo," sagot ni Isabella na pinigil pa ang sarili na huwag itong tignan ng may talim sa mga mata. "Pero wala akong malaking pera sa ngayon. Pwede bang hulugan ko na lang?" Mas napangsi
Bumaba agad si Isabella ng makarating sila sa villa ni Marcus.Pagkababa rin ni Marcus ay agad na umikot si Isabella sa driver side para sumakay na ulit at umalis ngunit paghawak niya sa hawakan ng pinto ay mabilis na hinawakan ni Marcus ang kamay niya saka siya nito pinaharap at isinandal sa pinto.Hindi pa man siya nakakahuma sa pagpigil nito sa kanya ay niyuko siya nito at siniil agad ng halik sa mga labi.Napahawak siya sa jacket nito ng mahigpit dahil para na naman siyang kakapusin ng hininga sa pamusok nitong paghalik sa kanya. Nakakaramdam siya ng pangangatog ng kanyang tuhod sa tuwing hahalikan siya nito.Inipon niya ang natitirang lakas para maitulak ito at huwag siyang papadala sa galing nitong humalik."Uhm," nagtagumpay naman siya ngunit sa naging pagtulak niiya dito ay nadiinan pa niya ang labi sa labi nito kaya napapiksi din si Marcus na agad dinama ng daliri nito ang labi ngunit wala naman iyong dugo."How can you be so fierce, don't you know how to stick your tongue wh
"Hindi ko naman pwedeng bawiin ang pinag usapan namin," paliwanag ni Isabella. "Naibigay na niya ang pera sa akin para lang ihatid ko siya, at hindi ko na pwedeng ibalik ang perang iyon," patuloy lang siya sa pagpapaliwanag.Kunot lang ang noo ni Marcus na hindi nagustuhan na ihahatid pa talaga ni Isabella ang walang kwentang lalaking iyon.Dahil hindi nawala ang tila pagmamaktol ni Marcus ay naisipan ni Isabella na suyuin ito. Marahan niyang hinawakan ang kamay nito at inalog iyon."Bakit hindi mo kausapin ang driver mo at ihatid na lang siya.""At gusto mo pang ang driver ko ang maghatid sa inyo?" mas lumalim ang gitla ng noo ni Marcus."May sinabi ba akong KAMI? Ang sabi ko SIYA." pagtatama ni Isabella. "Para ako na mismo ang maghatid sayo," nilangkapan ng lambing ang boses ni Isabella para wala ang pagkakakunot ng noo nito saka niya inilagay sa palad nito ang susi ng kotse niya. "Okay lang ba sayo?"Taas ang isang kilay ni Marcus na unti unting nawala ang pagkakakunot ng noo nito







