Share

Chapter 6

last update Tanggal publikasi: 2026-07-22 16:32:32

The Missing Melody

Orion's POV

​Sanay ako sa ingay. Sa mundong ginagalawan ng Celestial, ang ingay ay katumbas ng tagumpay—ang tilian ng mga tagahanga, ang malakas na beat ng drums ni Rigel, at ang sabay-sabay na pagtibok ng puso ng mga taong nanonood sa amin. Ngunit dito sa loob ng Celestial Sanctuary, may isang uri ng katahimikan na hindi ko mawari. At sa gitna ng katahimikang iyon, napansin ko siya: si Spring.

​Mula noong unang araw na dumating siya, iba na ang pakiramdam ko. Hindi siya katulad ng ibang staff na nakasalamuha ko na. May kakaibang bigat sa bawat hakbang niya, isang anino na tila pilit na nagtatago kahit nasa harap na siya.

​Habang nag-aayos siya ng mga kagamitan sa music room, hindi nakatakas sa aking paningin ang panginginig ng kanyang mga kamay. Akala ko noong una ay dahil lang sa nerbiyos o dahil bago siya sa trabaho, ngunit habang tumatagal, nakikita ko ang pattern. May takot sa kanyang mga kilos—takot na hindi galing sa pagiging mahiyain, kundi sa isang bagay na pilit niyang pinipigil na lumabas.

​Tuwing hindi siya nakatingin, hinuhuli ko ang kanyang mga mata. May lalim ang kanyang kalungkutan na tila ba matagal na siyang nagdadala ng isang pasanin na hindi kayang abutin ng kahit anong musika. Parang isang piyesa ng musika na puno ng disonance; maganda sa labas, ngunit may mali sa ritmo sa loob.

​Madalas ko siyang makitang tumitigil sa paglilinis, nakatingin sa kawalan, na tila may iniisip na malayo sa mansyong ito. Gusto ko siyang lapitan, gusto kong itanong kung anong multo ang humahabol sa kanya, pero alam kong hindi siya handa. Ang mga mata niya ay parang nakabukas na libro na punong-puno ng mga pahinang pinunit, at hindi ko gustong pilitin siyang basahin ang mga ito.

Kagabi sa garden, nang dinalhan niya ako ng tsaa, mas malinaw ko itong nakita. Ang boses niya ay mahina, parang isang kuwerdas na malapit nang maputol. Sinubukan kong maging magaan sa kanya, sinubukan kong iparamdam na ligtas siya rito, pero imbes na gumaan ang loob niya, tila lalo lang siyang natakot—o marahil, mas lalong nahirapan.

​Hindi siya masamang tao. Ramdam ko iyon sa paraan ng kanyang pagtrato sa amin, lalo na sa paraan ng pagtingin niya kay Archer. Pero may lihim siya. May itinatago siyang lihim na tila unti-unting kumakain sa kanyang pagkatao.

​Bilang isang musikero, sanay akong magbasa ng emosyon sa bawat nota. At kay Spring, ang naririnig kong musika ay puno ng pag-aalinlangan. Gusto ko siyang tulungan, gusto ko siyang protektahan, ngunit hindi ko alam kung paano sisimulan.

​"Ano ka ba talaga, Spring?" mahina kong bulong sa sarili habang nakatingin sa kanyang pintuan. "Ano ang dahilan kung bakit tila lagi kang tumatakbo kahit nakatayo ka lang?"

​Sa mundong ito na puno ng mga maskara, siya ang tanging tao na ang maskara ay tila pilit na bumabagsak, at hindi ko alam kung ang makikita ko sa likod nito ay ang sagot na hinahanap ko—o ang dahilan ng aming pagbagsak.

Hindi nagtagal, narinig ko ang mahinang katok sa p***o ng aking music room. Pagbukas nito, bumungad sa akin si Spring, dala ang isang mainit na tasa ng kape na nakapatong sa isang maliit na tray.

​"Sir Orion, kape niyo po," ani Spring. Ang kanyang mga labi ay nakakurba sa isang pamilyar na ngiti—ang ngiting ginagamit niya para magmukhang maayos ang lahat.

Ngunit nang itong lapag niya ang tasa sa mesa, hindi nakatakas sa aking paningin ang muling pagkurap ng kanyang mga mata. Sa kabila ng pagiging magiliw ng kanyang ngiti, ang kanyang mga mata ay nananatiling malungkot, tila isang salamin na nabasag at pinilit na pagdugtungin. May lalim ang lungkot na iyon na hindi kayang itago ng kahit anong simpleng pagngiti.

Alam kong may bumabagabag sa kanya. Gusto ko sanang tanungin, pero pinili kong manahimik. Alam ko kung gaano kahirap ang pilit na maging matapang kapag ang mundo mo ay unti-unting gumuho. Ayaw kong maging dahilan para mas lalo siyang magtago sa kanyang shell.

​Sa halip, sinalubong ko siya ng isang magiliw na tingin. "Salamat, Spring. Alam mo ba, tamang-tama ang dating mo? Minsan, ang kape ang tanging nagpapahupa sa magulong isipan ko tuwing nag-aayos ako ng mga piyesa."

Nakita ko ang bahagyang pag-angat ng kanyang balikat.

​"Gusto mo bang maupo sandali?" alok ko, kahit alam kong abala pa siya sa ibang gawain. "Kahit sandali lang, habang mainit pa ang kape. Ang ganda ng umaga ngayon, sayang naman kung hindi natin pagmamasdan ang sikat ng araw mula rito."

Tumanggi siya nang magalang, gaya ng inaasahan ko, ngunit ang paraan ng kanyang pagtingin sa akin ay hindi na kasing-lamig ng mga naunang araw. Bagaman naroon pa rin ang pader na itinayo niya sa pagitan namin, sa pagkakataong ito, parang may isang maliit na siwang na nagbukas—isang pahiwatig na kahit papaano, nagsisimula na siyang magtiwala, o marahil, ay nagsisimula na rin siyang mahirapan na itago ang kanyang tunay na nararamdaman.

​“Magiging maayos din ang lahat, Spring,” bulong ko sa aking isip habang pinapanood siyang lumabas ng kwarto. “Kahit hindi mo pa masabi sa akin, nandito lang ako.”

Hindi ako dinalaw ng antok. Ang mga nota ng piyesang ginagawa ko ay tila nagbuhol-buhol sa aking isipan, kaya nagpasya akong lumabas sa aking balkonahe para huminga ng malamig na hangin ng gabi. Ang liwanag ng buwan ay bumabalot sa buong mansyon, nagbibigay ng mistikong anyo sa bawat puno at halaman sa hardin.

​Habang nakasandal ako sa rehas ng balkonahe, may napansin akong anino sa ibaba. Mula sa aking kinatatayuan, tila sumasayaw ang isang pigura sa gitna ng mga ornamental plants. Dahil sa kuryosidad, yumuko ako nang bahagya upang masilip kung sino ang nasa hardin sa ganitong oras.

​Si Spring.

​Hindi siya sumasayaw na parang nasa isang ballroom. Ang bawat galaw niya ay mabagal, malungkot, at puno ng emosyon—tila isang pagtatanghal para sa sarili niya lamang. Ang kanyang mga braso ay tila yumayakap sa hangin, at ang kanyang mga paa ay bahagyang dumudulas sa damuhan, sumusunod sa isang ritmo na ako lang ang nakakarinig dahil sa katahimikan ng gabi.

Doon ko napagtanto—ang sayaw na iyon ay hindi saya. Isa itong paghinga. Ang mga balikat niya na tila laging tensyado sa harap namin ay malaya na ngayon. Sa ilalim ng liwanag ng buwan, wala ang maskara ng pagiging house aide. Ang nakikita ko ay isang dalagang pilit na naglalabas ng lahat ng sakit, kaba, at pagod na hindi niya maibahagi sa iba.

​“Spring,” bulong ko, halos hindi marinig ng hangin.

​Dapat sana ay tumalikod na ako. Hindi tama na panoorin ang isang tao sa kanyang pinakamahina at pinakapribadong sandali. Ngunit hindi ko magawa. Ang bawat indayog ng kanyang katawan ay tila isang kwento ng pagdurusa na nakikipag-ugnayan sa kalungkutan na matagal ko na ring kinikimkim sa likod ng aking mga musika.

Habang pinapanood ko siyang umikot sa ilalim ng buwan, isang katanungan ang pumasok sa isip ko: Ilang gabi pa kaya niya kayang itago ang bigat ng mundong dala niya, bago tuluyang maglaho ang dalagang nakikita ko ngayon?

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tila may sariling isip ang aking mga paa, dahan-dahang bumababa ng hagdan at tinatahak ang damuhan patungo sa hardin. Ang bawat hakbang ko ay maingat, hindi ko gustong gulatin ang sandali, ngunit nang maramdaman ni Spring ang aking presensya, bigla siyang natigilan.

​Ang kanyang mga mata—na dati ay puno ng pagod—ay nanlaki sa gulat. Agad siyang umatras, tila babalik sa kanyang pagiging anino.

​"S-Sir Orion? Patawad po, hindi ko po sinasadya—"

​"Hindi mo kailangang humingi ng tawad," putol ko sa kanya, bago pa man siya tuluyang makatalikod. Lumapit ako nang dahan-dahan, ang aking mga kamay ay nakataas bilang tanda ng kapayapaan. "Ang sayaw mo... ito ang unang beses na nakita kitang malaya. Bakit ka huminto?"

​Tiningnan niya ako, naghahanap ng pangungutya sa aking mga mata, ngunit wala siyang nakita kundi ang parehong pagod na nararamdaman ko rin.

​"Hindi ko po alam ang ginagawa ko," bulong niya, pilit na ibinababa ang kanyang mga kamay na kanina ay nakataas sa ere. "Sumusunod lang po ako sa kung ano ang nararamdaman ko."

​"Walang maling ritmo sa nararamdaman mo," sagot ko. Lumapit pa ako nang bahagya, at nang hindi siya umilag, dahan-dahan kong inabot ang kanyang mga kamay. "Ang sayaw ay parang musika. Minsan, hindi sapat na maramdaman mo lang; kailangan mo ring hayaan ang ritmo na dumaloy sa iyong mga daliri."

​Ramdam ko ang pagkabigla niya nang hawakan ko ang kanyang mga palad. Nanginginig pa rin siya, ngunit sa pagkakataong ito, hindi dahil sa takot, kundi dahil sa pagkagulat. Dahan-dahan kong itinuro ang tamang kumpas—ang pag-ikot ng kanyang pulso, ang tamang pag-indayog ng mga braso na tila humahati sa hangin.

​"Dito," mahina kong giya sa kanya, ang aking mga kamay ay gumagabay sa kanyang mga galaw. "Huwag mong pigilan. Hayaan mong ang musika sa loob mo ang magdikta ng susunod na hakbang."

​Sa bawat galaw na ginagawa namin, naramdaman ko ang paglambot ng kanyang tindig. Nawala ang tensyon sa kanyang mga balikat. Sa ilalim ng liwanag ng buwan, habang ginagabayan ko siya sa sayaw na walang tugtog kundi ang aming mga hininga, nakita ko ang isang Spring na hindi ko kailanman nakita sa loob ng mansyon: isang dalagang puno ng pangarap, isang kaluluwang matagal nang gustong lumipad, ngunit nakakulong sa mga tanikalang hindi ko pa lubos na naiintindihan.

​Nang tumigil kami, pareho kaming hingal. Tiningnan niya ako nang matagal, at sa mga sandaling iyon, ang pader na itinayo niya ay tila bumagsak nang tuluyan. Hindi ko kailangan ng salita para malaman na ang sandaling ito ay hindi na lang basta pagtuturo ng sayaw—ito ay simula ng isang bagay na mas malalim, at mas mapanganib, kaysa sa aking mga piyesa.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Spring in the midst of Winter - CELESTIAL 02   Chapter 8

    THE PROTECTOR’S VOWOrion’s POVHindi ko maialis ang paningin ko sa screen sa sala kanina. Ang bawat imaheng lumilitaw—ang mga larawan ni Spring sa loob ng club, ang malalaswang karatula, at ang kanyang mga mata na punong-puno ng takot—ay tila mga saksak sa dibdib ko. Bilang lead guitarist ng Celestial, sanay ako sa ingay, sa spotlight, at sa panghuhusga ng publiko. Pero ang makita ang isang inosenteng kaluluwang gaya ni Spring na dinudurog sa harap namin? Ibang klase ang poot na nararamdaman ko. Nang dalhin siya ni Zoe sa silid, hindi ako mapakali. Alam kong papasok si Haven. Alam ko kung paano mag-interoga ang Shadow Reaper—malamig, diretsahan, at walang pakundangan sa emosyon. Tumayo ako sa labas ng pinto, nakasandal habang pilit na pinakikinggan ang usapan sa loob. Ang bawat hikbi ni Spring ay tila kuko na kumakalmot sa aking sikmura. Ang aking kamay, na sanay humawak ng gitara nang may lambing, ay unti-unting nakuyom nang mahigpit hanggang sa pumuti ang aking mga buko. Anong silb

  • Spring in the midst of Winter - CELESTIAL 02   Chapter 7

    Shattered MasksSpring POVIlang araw na rin ang nakalipas simula nang huli akong makatanggap ng tawag o text mula kay Mr. Chua. Sa bawat araw na lumilipas, unti-unti kong pinapaniwala ang sarili ko na baka napagod na rin siya, o baka nakahanap na siya ng ibang "espiya" na mas madaling utusan kaysa sa akin. Sa wakas, ang tensyon sa aking dibdib ay nagsimula nang humupa. Nakahinga ako nang maluwag, naisip ko na baka, sa gitna ng lahat ng ito, may pag-asa pa pala akong mabuhay nang payapa sa tabi ng Celestial.​Ngunit ang katahimikang iyon ay hindi pala isang paglaya—isa pala itong paghahanda para sa isang malaking pasabog.Sa hapunan ng gabing iyon, ang mesa ay hindi lamang puno ng masusustansyang pagkain ni Zoe Bree, kundi puno rin ng tensyong halos kasing-init ng nilutong sabaw. Nakaupo ang lahat: si Sirius na seryoso katabi si Haven, si Archer at Orion na tahimik, si Rigel na masaganang kumakain at sina Neptune at Zoe na nagbabangayan tungkol sa gulay.Nakahain ang organic herb-crus

  • Spring in the midst of Winter - CELESTIAL 02   Chapter 6

    The Missing MelodyOrion's POV​Sanay ako sa ingay. Sa mundong ginagalawan ng Celestial, ang ingay ay katumbas ng tagumpay—ang tilian ng mga tagahanga, ang malakas na beat ng drums ni Rigel, at ang sabay-sabay na pagtibok ng puso ng mga taong nanonood sa amin. Ngunit dito sa loob ng Celestial Sanctuary, may isang uri ng katahimikan na hindi ko mawari. At sa gitna ng katahimikang iyon, napansin ko siya: si Spring.​Mula noong unang araw na dumating siya, iba na ang pakiramdam ko. Hindi siya katulad ng ibang staff na nakasalamuha ko na. May kakaibang bigat sa bawat hakbang niya, isang anino na tila pilit na nagtatago kahit nasa harap na siya.​Habang nag-aayos siya ng mga kagamitan sa music room, hindi nakatakas sa aking paningin ang panginginig ng kanyang mga kamay. Akala ko noong una ay dahil lang sa nerbiyos o dahil bago siya sa trabaho, ngunit habang tumatagal, nakikita ko ang pattern. May takot sa kanyang mga kilos—takot na hindi galing sa pagiging mahiyain, kundi sa isang bagay na

  • Spring in the midst of Winter - CELESTIAL 02   Chapter 5

    The Bonds of BetrayalAng hangin sa loob ng Celestial Sanctuary ay tila mas magaan kaysa sa nakaraang mga araw. Sa music room, itinuturo ni Orion kay Spring ang mga simpleng chords sa gitara. Ang bawat nota ay tila isang payapang daloy ng tubig na nagtatanggal ng mga tinik sa puso ng dalaga. Sa loob ng ilang sandali, nakalimutan ni Spring ang kanyang pagiging espiya; nakalimutan niya ang banta ng sniper, ang takot kay Haven, at ang dumi ng nakaraan sa Club de Oro.​"Ang galing mo, Spring. Mabilis kang matuto," nakangiting sabi ni Orion, ang mga mata ay puno ng paghanga.​Ngunit ang masayang sandaling iyon ay biglang naputol nang tumunog ang cellphone sa bulsa ni Spring. Isang encrypted message ang lumabas sa screen. Dahil sa pag-aakalang isa na naman itong utos na paglilinis, agad niya itong binuksan habang nakatalikod nang bahagya kay Orion.​Ngunit hindi ito text. Isang voice call mula kay Mr. Chua.​Sa matinding kaba, lumabas siya ng silid at nagtungo sa pasilyo. "Mr. Chua? Ano po

  • Spring in the midst of Winter - CELESTIAL 02   Chapter 4

    SHADOWS OF DOUBT​Ang unang umaga sa Celestial Sanctuary ay hindi sinalubong ng sikat ng araw para kay Spring, kundi ng isang mabigat na pakiramdam na tila may nakadagan sa kanyang dibdib. Sa loob ng marangyang mansyong ito, bawat sulok ay may lihim, at bawat anino ay tila may mata. Habang naglilinis, hindi siya mapakali. Pakiramdam niya, kahit saan siya lumingon, naroon ang malamig na titig ni Haven Diamond Fortaleza—ang babaeng tila binabasa ang bawat tibok ng kanyang puso.​Habang bitbit ang isang tambak ng mga bagong labang tuwalya patungo sa pool area, narinig niya ang ritmo ng mga yabag na naging dahilan ng kanyang pagkatigil. Pababa ng hagdan si Haven, ang bawat galaw ay disiplinado at matalim.​"Spring," tawag ni Haven.​Napatigil ang dalaga, halos malaglag ang mga tuwalya sa kanyang mga kamay. Ang boses ni Haven ay hindi lang basta pagtawag; ito ay isang pag-utos na kayang magpatigil sa kanyang mundo.​"Bakit nanginginig ang mga kamay mo?" tanong ni Haven, lumalapit nang daha

  • Spring in the midst of Winter - CELESTIAL 02   Chapter 3

    The Gap Between Loyalty and BetrayalAng gabi sa Antipolo ay balot ng malamig na simoy ng hangin, ngunit sa loob ng Celestial Sanctuary, tila nagliliyab ang konsensya ni Spring. Ang bawat paghinga niya ay may kasamang bigat na tila tinatabunan ng mga pader ng mansyong ito. Nakaupo siya sa gilid ng kanyang kama sa servant’s quarters, ang maliit na silid na naging pansamantalang santuwaryo niya, ngunit sa halip na kapayapaan, tila ito ay naging isang malamig na bilangguan.Sa kanyang palad, mahigpit niyang hawak ang isang maliit na device na kasingliit lamang ng butones—isang signal jammer at transmitter na ibinigay ni Mr. Chua bago siya pumasok sa mansyon. Ang plastik na gilid nito ay bumaon sa kanyang balat, isang paalala ng kanyang maruming misyon."Kailangan mo lang itong idikit sa ilalim ng main console sa command center," boses ni Chua ang tila bumubulong sa dilim, isang boses na kailanman ay hindi niya makakalimutan. "Isang beses lang, Spring. Pagkatapos noon, malaya na ang nanay

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status