Share

Kabanata 5

Author: Aera Brill
last update Last Updated: 2025-08-05 18:56:08

ALYANA

"May inihahandang sikretong proyekto si Jeffrey Anderson. Hanapin mo ang mga papeles sa lalong madaling panahon." 

Nakatitig siya sa hangin habang iniisip ang natanggap niyang mensahe kaninang umaga. May sikretong proyekto si Jeffrey at pinapahanap sakaniya ang mga papeles. Hindi pa rin siya nakahanap ng paraan kung paano maging mas mapalapit rito o kaya ay magsama sila sa opisina nito, o kaya ay masuri niya ang opisina ng siya lang mag-isa. Kailangan niyang gumawa ng paraan.

"May event akong pupuntahan ngayon gabi. Dadalo ang mga kaibigan ko dati sa states at iilan sa mga pinsan ko." Pagsasalita ni Jeffrey habang lulan sila ng sasakyan pabalik sa opisina. Kakagaling lang nila mula sa isang meeting.

"Nakikinig ka ba?"

Napabaling siya ng tingin kay Jeffrey nang lumakas ng bahagya ang boses nito at nagulat siya nang makita itong masamang nakatingin sakaniya. 

"A-Ah? Ano? Event?" Ulit niya dahil wala sa pokus ang isipan niya. 

Tinitigan siya ni Jeffrey. 

"Your mind's wandering to somewhere else." Sabi nito. 

Umiling siya at ngumiti.

"Napuyat lang ako kagabi kakanood ng chinese drama." Pagpapalusot niya. 

Nanatili ang titig sakaniya ni Jeffrey at muli ay napatitig siya sa itim nitong mata na may kislap ng asul.

Hindi niya ito kilala, hindi niya alam ang mga hangarin nito, ang tanging nagbubugtong lang sakanila ay ang pagpapanggap niya biglang sekretarya at asawa nito sa papel. Wala siyang pakialam kung ano pang mangyari rito, ang kailangan niyang gawin ay mapagtagumpayan ang misyon dahil kung hindi, alam niya ang nakaambang panganib na maaaring mangyari sakaniya kapag pumalpak siya. 

It's 10 million or nothing. 

"It's just your fifth day and you're already slacking off." Dismayado ang boses nito sakaniya. 

Umiling siya. 

"Ang aga ko ngang pumasok." Depensa niya. 

Kinunotan lang siya nito ng noo dahil sa pagsagot niya. 

"Anyway, ano ba iyong event?" Tanong niyang muli. Inirapan siya nito at ibinaling ang tingin sa labas ng bintana. 

"I hate repeating myself. Just take a half-day off and get ready for this evening. Charlie will take you to my designer friend to glam you up." Walang gana sabi nito. 

Tumango siya at muling natahimik. Nag-iisip siya ng paraan kung paano makuha iyong sinasabing mga maselang dokumento mula kay Jeffrey. 

"May tanong ako." Sabi niya at tumingin rito. 

"Better not ask anyhting personal." Malamig na sagot nito ng walang tingin. 

"Hanggang kailan tayo magpapanggap bilang mag-asawa? Hindi kasi nakasaad doon sa kontrata." Tanong niya. 

Bigla niya itong naisipang itanong dahil kapag nagtagumpay siya sa misyon niyang kunin ang mga gustong dokumento ng taong nag-utos sakaniya ay kailangan na rin niyang umalis. 

Lumingon sakaniya ito na may seryosong mukha. 

"Just a month, probably. But it can change depending on the circumstances." 

Napatango siya at umiwas na ng tingin. Sa pagkakataong ito, ramdam niya ang lalaki naman ang tumitig sakaniya. 

Isang buwan. Maikling panahon. Baka ay mas mauna pang matapos ang pagpapanggap nila bilang mag-asawa kaysa sakaniyang misyon. Mas maganda iyon. 

"Do you feel like escaping now? Hindi ka na pwedeng umatras, naipakilala na kita sa board at sa ibang tao. You need to stick with your words." Sabi nito kaya mabilis siyang napalingon rito at nginitian ito ng napakatamis. 

"Ofcourse not! Saan ako makakakita ng sampung milyon kapalit lang ng isang buwan kong pagpapanggap?" May ngising sabi niya rito. 

Tinitigan lang siya ni Jeffrey. 

"You really are into money, aren't you?" Kumento nito na may pagka-uyam. 

Tumango-tango siya. 

"Aba syempre, hindi ko naman gagawin ito kung hindi dahil sa pera ano." Pagpapakatotoo niya. 

Umiling-iling si Jeffrey saka na ito umiwas ng tingin. 

"I hate people who worships money." Mahina pero may kapaitan sa boses nito. 

Nawala ang ngiti sa labi niya habang nakatingin sa side profile ni Jeffrey Anderson. 

Magara, mapera, makapagyarihan, maraming koneksyon, in-short, bilyonaryo.

Umiwas siya ng tingin rito. 

"Hindi mo maiitindihan at kailanman ay hindi mo maiitindihan ang isang katulad kong lumaki sa hirap kumpara sa kagaya mong nasa sinapupunan palang ay sinasamba na ng mga taong silaw sa pera ng pamilya niyo." Mahinang sabi niya habang nakatingin rin sa labas ng bintana. 

Nag-iba ang atmospera sa pagitan nila na tila may kabigatan. Ito ang unang beses na nagkausap sila ng ganito dahil magpahanggang-ngayon, kung tutuusin ay wala pa rin silang alam ng kahit ano tungkol sa isa't-isa. 

Jeffrey Anderson will never Anderson the hardship the she's been through, never, and not in this lifetime.

Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. 

"Not that I will ever care." Malamig na sagot nito sakaniya. 

Hindi niya ito nilingon pero napangiti nalang siya ng may pagkapait habang pinagmamasdan ang daan sa labas ng bintana. 

Not that I want you to care. Ani Alyana sa kaniyang isipan. Alam niyang kailanman ay hindi magtatagpo ang perceptions nila sa buhay. They're totally living in a different world. 

Ibinaba na siya sakaniyang apartment at hindi na dumiretso sa kumpanya. Iiwan niya ang mga gamit niya at susunduin siya ni Charlie, ang driver ni Jeffrey pagkatapos nitong inihatid si Jeffrey sa kumpanya nito. 

Papasok palang siya sa screen door ng inuupahan niyang apartment ay natigilan siya sa parcel na nakalagay sa tapat ng pintuan niya. Wala naman siyang inorder online pero may parcel. Pinulot niya at binasa ang pangalan dahil baka sa kabilang unit pala ito pero naka address sa apartment niya. 

Napalinga-linga siya sa paligid pero walang tao. Bitbit ang parcel ay pumasok na siya sa loob ng bahay at umupo sa sofa saka binuksan ang nilalaman ng box. 

Napapatitig siya sa mga gamit na nakita niya. Maliit ang mga itim na gamit na alam niyang mga usb, micro recorder at earpiece. 

Nakita palang niya ang mga gamit ay alam na niya kung saan ito nanggaling. Mula doon sa taong nag-utos sakaniya para mag-espiya. 

Binasa niya ang sulat. “Ilagay mo ang flashdrive sa computer ni Jeffrey Anderson kahit 30 seconds lang tapos ay itapon mo na. Maglagay ka rin ng microchip recorder sa opisina niya.” Sabi ng sulat. 

Nilukot niya ang papel saka dumiretso sa may stove at sinunog ang papel. 

Kailangan niyang maging maingat. 

Tinago niya ang mga gamit sa cabinet niya. Mabuti nalang at naisipan ng mga ito ng padalhan siya ng gamit dahil nahihirapan siyang kumpletuhin ang misyon niya ng mano-mano. 

Isang oras ang lumipas nang businahan ng driver ni Charlie ang apartment niya kaya naman lumabas na siya at sumakay sa sasakyan. 

“Saan ako aayusan?” Tanong niya kay Charlie na seryosong nagmamaneho. Pansin niyang halos malapit lang ito sa edad niya o ni Jeffrey pero hindi niya pa ito nakitaan ng emosyon sa mukha. 

Walang buhay ang mga matang sinulyapan lang siya nito mula sa rear-view mirror at pagkatapos ay hindi naman siya sinagot. 

Hinayaan nalang niya iyon saka na sumandal sa kinauupuan. 

Maging ang driver ay medyo kaugali ng boss. Ani Alyana sakaniyang isipan. 

Napadpad sila sa kalye ng sentro ng siyudad kung saan pumapalibot ang mga commercial establishments. Mamahalin ang mga taong napapadpad sa dakong ito kaya’t ito palang ang unang beses niyang makapunta sa lugar na ito. 

Lumabas na siya ng pagbuksan siya ng pintuan ni Charlie.

“Pasok ka nalang sa loob.” Malamig na sabi ni Charlie at itinuro ang mamahaling botique na nasa harapan nila. 

Tumango siya rito habang si Charlie ay muling sumakay sa sasakyan. 

“Wait, iiwan mo ba ak- Wait!” Sigaw niya pero pinasibad na ni Charlie ang sasakyan. 

Nangunot ang noo niya at inirapan ang direksyon ni Charlie na ngayon ay malayo na. 

Pumasok na siya sa botique at sinalubong naman siya ng mga tao. Mukhang na-inform na ang mga ito at hindi na siya tinanong-tanong pa. 

Kaagad kinuha ang sukat niya sa katawan at pagkatapos ay pinaupo na siya sa harapan ng salamin. 

Mukhang engrande ang event na pupuntahan nila ni Jeffrey dahil puro ball gowns ang mga nakapalibot sakaniya. 

Inumpisahan na siyang ayusan habang siya ay nakatitig lang sa sarili sa salamin. 

Ilang oras ang lumipas at natapos na siyang ayusan. Pinasuot sakaniya ay isang silver off shoulder-gown na makinang, mermaid style ang hem na hanggang talampakan. Hapit din sa kurba ng katawan niya ang gown at dahil may katangkaran siya ay bumagay sakaniya. 

Ngayon ay nakatingin siya sa kabuuan sa isang full-length mirror. 

Napahinga siya ng malalim dahil sobrang layo ng htisura niya at hindi niya makilala ang sariling mukha dahil sa galing ng pagkakamake-up. Jet-black ang buhok niya na bumagay sa kulay ng gown na makintab. Para siyang walking diamond. 

“You look so great!” Pagtili ng baklang nagpili ng dress niya. 

Ngumiti siya pero may kakaiba sa ngiti niyang tila may pag-aalangan. 

The person she’s staring at the mirror is not her, and will never be her. It’s the suitable look as the wife of Jeffrey Anderson, and she’s not a real wife. Hindi siya pwedeng ma engganyo sa mga gantong bagay. 

“Is she done?” 

Natigilan siya nang marinig niya ang pamilyar na boses na iyon.

“Yes Sir! Your wife’s so beautiful! Get yourself ready because I swear, men will stare at her-

“Thanks for your help.” Malamig na sagot lang ni Jeffrey sa kalagitnaan ng masiglang bati sakaniya ng may-ari ng botique kaya natigilan ito. Maybe for these people around them, they think that’s just Jeffrey’s personality, but for Alyana, she knows too well, Jeffrey don’t give a damn thing about her look. 

Unti-unti naman siyang humarap nang maramdaman niya ang presensiya nito sa likod. 

Their eyes met. 

Jeffrey is wearing a black coat and bow. He never fails to look really good. 

Ngumiti siya rito ng malapad. Ang ngiting kailangan niya palaging ipakita dahil ganito ang gusto niyang pagpapakilala sakaniya. The happy-go-lucky secretary that he will never think is spying on him. 

But her facade of smile slowly faded when Jeffrey kept staring at her, not even batting an eye. 

Kahit gusto niyang isipin na disappointed ito sa nakitang pigura niya, hindi maiwasan ni Alyanang mapalunok sa klase ng tinging iginagawad sakaniya nito. May halong gulat, admirasyon, at tila may kislap ng paghanga sa mga mata nitong may bahid ng kulay na asul. 

Ito ang kauna-unahang beses na nakita niya ang ganitong emosyon sa mga mata ng lalaki. 

Aera Brill

Hello! I'm a new writer here at Goodnovel! Please subscribe and support my story! Thanks a lot!

| Like
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Spying my Billionaire Husband   Kabanata 5

    ALYANA"May inihahandang sikretong proyekto si Jeffrey Anderson. Hanapin mo ang mga papeles sa lalong madaling panahon." Nakatitig siya sa hangin habang iniisip ang natanggap niyang mensahe kaninang umaga. May sikretong proyekto si Jeffrey at pinapahanap sakaniya ang mga papeles. Hindi pa rin siya nakahanap ng paraan kung paano maging mas mapalapit rito o kaya ay magsama sila sa opisina nito, o kaya ay masuri niya ang opisina ng siya lang mag-isa. Kailangan niyang gumawa ng paraan."May event akong pupuntahan ngayon gabi. Dadalo ang mga kaibigan ko dati sa states at iilan sa mga pinsan ko." Pagsasalita ni Jeffrey habang lulan sila ng sasakyan pabalik sa opisina. Kakagaling lang nila mula sa isang meeting."Nakikinig ka ba?"Napabaling siya ng tingin kay Jeffrey nang lumakas ng bahagya ang boses nito at nagulat siya nang makita itong masamang nakatingin sakaniya. "A-Ah? Ano? Event?" Ulit niya dahil wala sa pokus ang isipan niya. Tinitigan siya ni Jeffrey. "Your mind's wandering to

  • Spying my Billionaire Husband   Kabanata 4

    ALYANANakatulala siya ngayon habang nakahiga at nakatulala sa lampshade sa gilid ng kama niya. Nakatira siya sa isang simpleng apartment at ngayon ay hindi siya makatulog, hindi pa rin mawala sa isipan niya iyong nangyari sa meeting kanina. Nakatitig siya sa singsing na nasa daliri niya. Ano ba itong pinasok niya? Iyan ang ulit-ulit niyang iniisip. Bakit ba gano'n ang naging reaksyon ng katawan niya kanina? Napahinga siya ng marahas at umiling-uling bago muling nagmulat. No, Alyana! Nagulat ka lang sa ipinakita niya sa unang beses ng kasunduan niyo para sa pagpapanggap niyo bilang mag-asawa! Asahan mong may kasunod pa iyon at marami pa ang maari niyang ipakita sa harapan mo! Hindi ka pwedeng madala! Remember the rules, remember the contract! Para sa 20 milyon! Focus sa misyon, focus sa kontrata!Bumangon siya at nagsend siya ng text sa taong nagbigay sakaniya ng trabaho bilang espiya. Sinabi niya ang lahat ng detalyeng nakuha niya kanina sa meeting, project proposal and partnershi

  • Spying my Billionaire Husband   Kabanata 3

    ALYANAAng problema niya ngayon ay kung bakit meron siyang sarili niyang opisina! May secretary office, connecting room sa opisina ng boss at para sakaniya ay hindi ito maganda para sa misyon niya, kailangan niyang maging malapit sa boss niya!Kasalukuyan siya ngayon nasa opisina ng secretary habang kasama niya si Ms. Nica na siyang akala niya ay masama ang ugali pero mabait naman pala, wala lang talaga itong ekspresyon sa mukha at matalim palagi ang tingin. Kasama niya ito sa table nitong malaki at katabi ito habang tinuturan siya paano kalikutan ang mga files sa computer nito. Wala siya sa focus, ang naiisip niya ay kung paano makapasok sa opisina ng boss. Ang dami pala ng trabaho bilang sekretarya, hindi lang nagsasangkap ng kape at alalay sa boss, ang dami niyang kailangan matutunan! Panay ang sulyap niya sa marmol na dingding na alam niyang nagiging transparent sa kagustuhan ng boss. Hindi pa niya ito nakikita simula kahapon na natanggap siya at naging asawa nito ng biglaan! Sa

  • Spying my Billionaire Husband   Kabanata 2

    ALYANAKumurap-kurap siya habang nakatingin sa itim na may pagka-asul nitong mata. Trenta anyos na ito sa pagkakaalam niya, hindi naman siguro ito nakukulangan sa babae at lalo na sa estado nito sa buhay. Napatawa ng bahagya si Alyana pagkatapos ng mahabang katahimikan. Habang si Jeffrey Anderson ay nanatiling seryoso ang mukha na siyang lihim na nakapagpakabog ng puso niya dahil sa isipang baka hindi ito nagbibiro."Palabiro pala kayo Sir 'no?" Kaswal na sambit niya. Umiling ito at napamulsa. "I'm serious. Be my contract wife, just in name, I'll give you 10 million." Napanganga siya. 10 million? Anong meron sa sampung milyon na 'yan at iyan kaagad ang offer sakaniya ng lahat? Pero tila naghugis PESO ang mata niya nang icompute niya sa utak niya ang matatanggap niya kung tatanggapin niya ang offer ni Jeffrey Anderson. 10 plus 10 equals 20 million! Napangiti siya. "Okay, I'm in." Sagot niya. Basta pera, wala siyang uurungan, at isa pa, mas tataaas ang tyansa niyang makalapit rit

  • Spying my Billionaire Husband   Kabanata 1

    ALYANASampung milyon kapalit ng pag-eespiya sa opisina ng isang kilalang bilyonaryo. Bakit siya? Dahil wala siyang alam sa papasukan niya, hindi siya madaling pagbintangan, ang goal lang niya ay makuha ang mga impormasyon na naglalaman ng susunod na hakbang ng kumpanya sa loob ng anim na buwan, pagkatapos niyang mag-espiya at makakuha ng sapat na impormasyon, okay na, may sampung milyon na siya. Para sakaniya, hindi lang iyon simpleng sampung milyon, para sakaniya hindi lang iyon kayamanan, para sakaniya na nagmula sa kahirapan ng buhay, lahat ng pagsubok at pagkabigo sa buhay ay naranasan niya, para sakaniya ang sampung milyong iyon ay katumbas ng kalayaan. Kalayaan mula sa nakaraan, mga panahong wala siyang malapitan, wala siyang mahingan ng tulong sa kabila ng pag-aagaw buhay ng Nanay niya hanggang sa namatay ito. Para sakaniya, ang sampung milyong iyon ay magiging tulay sa kalayaan niya mula sa masalimuot na kahirapang naranasan niya. Sapat iyon para makaalis sa lugar kung saan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status