ALYANA
"Meet my wife, her name is Alyana." Pagpapakilala ni Jeffrey sakanila.
Nawala ng tuluyan ang ngiti ng babae sakaniya at tiningnan siya ng may panghuhusga.
"Wife? I never heard of you getting married? Who the hell is she? I never attended your wedding!" Seryosong palahaw nito kay Jeffrey.
Kahit siya ay magiging ganito ang reaksyon kung ang pinsan niyang bilyonaryo ay ikinasal pero wala man lang pasabi at hindi siya nakatanggap ng invitation.
Jeffrey just smiled at his cousin, "I wanted her to be my wife the moment she said yes to me, so I made her sign the marriage contract right there and then." Pagpapalusot ni Jeffrey.
Nagpalipat-lipat ang tingin ng pinsan nito sakaniya at kay Jeffrey ng puno ng pagdududa sa mata.
"You're lying. Hindi mo ako makukumbinsi." Umiling-iling pa ito.
"It's okay, I don't have to convince you anyway." Diretsong sagot ni Jeffrey na ikinakunot ng noo ng babae.
Ngumiti si Alyana rito, "I know it's a sudden news, but he's telling the truth. I'm Alyana Lopez-Anderson, and you are?" Sabat niya sa dalawa at para matulungan na rin si Jeffrey.
Tiningnan lang siya ng babae hanggang sa bumuntong-hinga ito at ngumiti rin,"I'm Cassidy Fontana, Jeffrey's cousin." Sabi nito at nagkamayan sila.
Mabait naman pala ito. Ang akala niya ay hindi pa ito makukumbinsi sa akto nila.
"Anyway, wala naman akong magagawa kung kasal na kayo. Nagulat lang ako na may halong tampo dahil hindi man lang ako inimbita. But anyway, congrats, the star of the night is here, I shall go ahead now." Sabi nito at bineso pa siya at tinapik-tapik sa balikat si Jeffrey bago sila nito nilagpasan.
That went surprisingly simple, smooth, and easy.
Kapwa sinundan nila ng tingin ito at nagkatinginan sa isa't-isa nang makalayo na ito.
"Mabait naman pala pinsan mo." Kumento niya.
Ngumisi lang sakaniya ito, "Don't judge too soon."
Nag-umpisa na ang event, may nagsalita sa harapan kung saan may stage at podium. Hindi niya ito kilala pero ayon sa sinabi ay nanalo ito ng International Designer Awards. Pagkatapos ay kumain na sila. Siya ay tahimik lang ng nilalasap ang mga pagkaing banyaga sakaniya, samantalang si Jeffrey ay halos hindi na ito makakain dahil sa mga taong nakikiusap rito na mga ka-table nila.
Napadami siya ng inom kaya naman nakaramdam siya ng pagkaihi. Nagpaalam siya kay Jeffrey at nang tumango ito ay tumayo na siya at hinanap ang CR. Jeffrey was too busy chatting with a man on their table to bother offering a help, which she doesn't need anyway.
Tinanong niya ang isa sa mga receptionist at itinuro sakaniya ang daan.
Nang makapasok na siya sa CR ay bumungad kaagad sakaniya ang malaking salamin at nakita niya ang sarili.
Ang ganda pa rin ng make-up niya kahit na ilang oras na silang umikot-ikot sa malawak na function hall.
Umihi na siya at paglabas niya ng cubicle ay nagulat siya nang makita niya si Cassidy na nagsasalamin at naglalagay ng lipstick, may kasama rin itong babae na nakamaroon at kapwa ay tumingin ang dalawa sakaniya sa salamin.
She instantly smiled at them. Tumabi pa siya kay Cassidy at kinalkal ang purse niya para magretouch.
"You even dare to smile and do the things that we do?" Mataray ang boses na hinarap siya ni Cassidy.
Natigilan siya at gulat niya itong hinarap. Matalim ang tingin ng singkit niyong mata sakaniya na may halong pagkadisgusto sa mukha.
Hindi niya ito inasahan. Ang akala niya ay on friedly-terms sila.
Kapwa nakatingin na sakaniya ngayon ang dalawang babae.
Pinilit niyang ngumiti, "Excuse me?" Mahinahong aniya at itinuro ang sarili, kinukumpirma kung siya nga ang kinakausap nito kahit naman obvious na.
Tinaasan siya ng kilay ni Cassidy.
"I heard from my friend that my cousin is already married. Ang akala ko ay biro lang, pero totoo pala, at totoo din pala na isang dukha ang pinangangalandakan niyang asawa niya. Enjoying my cousin's riches? You gold digger!"
Nanlaki ang mata niya nang bigla siyang sabunutan nito. Napangiwi siya dahil magugulo ang buhok niyang naka-bridal bun ang style.
"A-Anong- w-wait!" Pumiglas niya pero halos mawalan siya ng balanse dahil sa heels niya.
Imbes na pigilan ay itinulak pa siya ng kasama nitong babae papasok sa cubicle. Pinagutlungan siya at wala man siyang kalaban-laban sa dalawa.
Napa-aray siya nang tumama ang balakang niya sa inidoro nang pabagsak siyang binitawan.
Putcha. Mura niya sa kaniyang isipan.
Dinuro siya ni Cassidy, "I will tell the world how a terible person you are! Gold digger!" Sigaw nito at isinarado na ang pintuan.
Nakangiwi siyang iniinda ang balakang habang nahihirapang tumayo at sinubukang lumabas pero nagulat siya nang tila naka-lock ang pintuan sa loob.
"H-Hoy!" Sigaw niya at kumatok-katok pero hindi ito bumukas.
Hindi na niya pinilit pa at umupo nalang siya sa bowl habang hinihimas ang balakang.
That happened too fast! Grabeng ugali 'yan, nagawa talaga siyang saktan at ikulong sa CR. Pero wala naman siyang magawa, wala rin naman siyang ipaglalaban, totoo naman ang sinasabi nitong dukha siya, medyo gold-digger din, pero ang kaibahan lang, hindi naman niya inaakit si Jeffrey para sa pera nito, nagtatrabaho siya para rito, at kasama na siguro sa 10 million ang paminsan-minsang pang-aapi sakaniya katulad nito.
Nanahimik siya at pumikit habang nakaupo sa bowl at kawawang nakakulong sa CR. Ayaw niyang lumikha ng eksena na ikakasira ng pangalan ni Jeffrey, mabuti pang manahimik nalang siya sa loob, tutal ay sira na rin naman ang ayos niya.
"Hay buhay, mga mayayaman nga naman." Bulong niya sa sarili.
Mabuti nalang at hindi siya totoong asawa dahil labis siyang masasaktan kung sakali. Alam niyang hindi matatanggap ang isang tulad niyang dukha sa malaprinsipeng buhay ni Jeffrey Anderson bilang asawa nito.
Akala niya ay magtatagal siya sa loob dahil alam niyang hindi nman siya hahanapin ni Jeffrey kagad, hindi naman ito mag-aalala sakaniya, pero napamulat siya nang makarinig siya ng mga yabag.
"Alyana?!"
Napatayo siya pero napahawak rin sa balakang.
"Alyana?!"
Boses iyon ni Jeffrey at pasigaw na iyon.
"Nandito ako."Sambit niya at ilang saglit lang ay sunod-sunod itong kumatok sa cubicle.
"Alyana, is that you?!"
"Oo nga!" Sigaw niya at mabilis naman nabuksan ang pintuan at bumungad ang tila humahangos na si Jeffrey.
Natigilan ito nang makita ang kabuuan niya. Kunot ang noo, halata ang paghangos at may butil pa ng pawis sa noo nito.
Did he really search for her? This desperately?
"What the hell?" Matigas na bulong nito at kaagd siyang hinawakan sa braso pero itinaas niya ang kamay rito bilang senyales na magdahan-dahan ito. Natigilan naman ito mula sa tangkang paghawak sakaniya.
"Wait, masakit." Nakangiwing sabi niya at hinimas-himas ang balakang.
The anger she saw in Jeffrey's face was confusing. Because for her, that anger doesn't have anything to root from. He's not worried of her, is he?
May pag-iingat siyang inalalayan ni Jeffrey na makalabas ng cubicle.
"Anong nangyari? Bakit nagkaganyan ang itsura mo? Why were you locked up here?" sunod-sunod na tanong nito.
She met his eyes. He is mad, and she doesn't know what for. She don't want to think that he's concern with her.
Ngumiti lang siya rito.
"Maybe because I'm the poor wife, and you're the billionaire husband." May sarkasmo sa boses niya at inalis na ang pgkakahwak rito.
Umiika siyang lumapit sa sink at kinuha ang purse niyang naiwang nakabukas.
"Let's get you home, and don't you dare deny who did this to you. I will find out anyway." Pinal na sabi ito at ang boses ay may halong pagbabanta.
Everyday, she gets to see every version of Jeffrey Anderson, and it's not sitting too well for her. He's just too perfect in every way of his existence, and sometimes, she wonders if it's envy. Envious, that Jeffrey has everything that this world could offer to be so perfect the way he is now.
Nagulat siya at halos napasigaw siya nang bigla siyang lumutang mula sa sahig at napahawak sa balikat ni Jeffrey. Bigla siya nitong binuhat at wala siyang nagawa kung hindi ang ikawit ang braso sa leeg nito at magsalubong ang mga mata nila.
Hindi siya nakaimik habang nakatingin sa mga mata nitong galit ang nangingibabaw na emosyon.
Galit ba ito para sakaniya?
Pero bakit?
Hindi naman siya nito totoong asawa.
Hindi siya nakaimik at pumikit nalang saka itinago ang mukha sa leeg nito kaysa sa isipin ang lahat ng bagay na nangyayari na wala naman siyang karapatan para makaramdam ng sakit o galit.
"Hindi mo naman kailangan abalahin ang sarili mo. Iisipin ko nalang na kasama ang pang-aaping ito sa sampung milyong ibabayad mo saakin." sabi niya nang mag-umpisa itong maglakad.
"You will really accept and do anything for money, don't you?" Matigas na sambit nito pero tila may bahid ng paghanga sa paninindigan niya sa prinsipyo at goal niya.
She will, with a heartbeat.
Alyana was texting on her seat, and she's texting the person who made her spy on Jeffrey. "Jeffrey Anderson is gay!" Sent. Napahinga siya ng malalim. Finally! She was able to get a very important information and relay it to the other person. Natikom niya ng bibig at nasulyap sa direksyon ni Jeffrey na abala sa trabaho. Transparent ang dingding at hindi iyon itim na marmol. Hindi lang niya alam kung bakit hindi iyon inactivate ni Jeffrey. One again, she gazed at him with squinty and suspiscious eyes. Grabe! Kapoging lalaki! Pogi rin pala ang nais! Jeffrey suddenly looked at her direction. Biglang nagunot ang noo nito pero siya ay mabilis na napaiwas ng tingin at muling binalik ang tingin sa phone niya, nang makita niyang may message siyang natanggap. "Pinagloloko mo ba ako? Anong sa tingin mo ang trabahong ibinigay ko sa'yo?! Huwag mong laruin ang trabahong ito dahil alam mo ang kahihinatnan mo!" Napangiwi siya sa nabasa. "It's real! It's important, kasi walang magmamana sa ka
Puting marmol na dingding. Malawak na sala na may pa-square na sofa at coffee table sa gitna. Malaking chandelier na kumikinang. Kulay puti at dark-brown na kahoy ang style na sahig, malaking glasswall at bar counter sa kalayuan ang sumalubong sa paningin niya. Minimalist lamang ang design pero sobrang ganda nito sa mata.Namangha si Alyana nang makapasok sa penthouse nito. Hindi lang simpleng condo, kung hindi ay isang penthouse!Nakasunod siya sa likod ni Jeffrey pero ang tingin niya ay nasa mawalak na sala. May isang hallway na puro mga pintuan ang dadaanan sa gilid ng dingding na bar counter, at katapos ng unang pintuan at ikalawang pintuan at binuksan ito ni Jeffrey. "Dito ka tutuloy." Baling nito sakaniya. Lumapit siya at sinulyapan ang magiging kwarto niya. "Wow! Ang laki!" Namamanghang sabi niya at malapad ang ngiting tumingin kay Jeffrey na nasa gilid niya. Ang tangkad talaga nito kahit na matangkad rin siya kumpara sa average height ng mga babae rito sa pilipinas ay mas
Mabilis siyang nag-empake ng mga gamit niya pagkatapos ng tawag nila ni Jeffrey. It's too uncomfortable to live all alone now after she became famous out of being the 'Mrs. Anderson' of the billionaire family. Baka sa susunod ay hindi lamang mga reporter ang tatambay sa harapan ng apartment niya. Isa pa ay nakakaabala na siya sa ibang mga tenant at nahihiya siya. It's late at night and she's waiting for Charlie to arrive. The reporters are now gone, but there's one black van that remains infront of her apartment. Wala naman siyang mahagilap na tao roon kaya medyo nakahinga siya ng maluwag. She's not quite sure if the van is part of the paparrazzi or not. Tumunog ang cellphone niya at tumawag ay ang number ni Charlie. "Labas."Gulat niyang tiningnan ang phone nang sabihin iyon ni Charlie gamit ang malamig na boses sa kabilang linya. Tinalo pa ang boss sa sobrang kalamigan nitong makitungo sakaniya. Hindi niya alam kung bakit ito ganito makitungo sakaniya pero ang iniisip nalamang n
Dali-dali niyang tinawid ang connecting door papunta sa mesa ni Jeffrey at inilapag ang tablet niya sa harapan nito. Napatingin naman ito sakaniya ng may gulat at pagtatakha. Kunot rin ang noong tiningnan nito ang naka-flash sa screen. "Look!" May panic na sabi niya. Pinulot nito ang tablet at iniscroll ang screen ng salubong ang kilay. Siya naman ay hindi maipaliwanag ang mararamdaman. May halong kaba at takot, pero natigilan siya nang wala sa interest ni Jeffrey na inilapag nito pabalik ang tablet at walang gana siyang tinignan. "I already anticipated that. Ano bang inasahan mo noong nagpicture tayo sa red carpet sa nakaraang event? Press were there, ofcourse we'll be on media nationwide." Naiiling na sabi nito at muling itinutok ang mata sa screen ng laptop nito. Hindi makapaniwalang nakatingin naman siya sa mukha nito. "Gano'n-gano'n lang 'yon sa'yo? Reporters are outside! Gusto nila akong ikapanayam! 'Yung private life ko masisira!" Palahaw niya. Napakrus ang mga bras
Kasalukuyan siyang nakatingin ngayon sa mga sangay-sangay na negosyo, buildings, at koneksyon ni Jeffrey at ng Anderson Holdings. Nalulula siya sa sobrang dami at laki at sa sobrang yaman nito. Naisipan niyang tingnan ang mga pagmamay-aring lupa nito dahil sa mga trabahong nakapatong sa desk niya na hindi naman siya pamilyar. Gusto niyang pag-aralan ito kahit pa ang hawak niya ay mga executive task. Gaya ng permit sa metropolis, at permit ng mga buildings sa iba't-ibang siyudad rito sa bansa, halos may pangalan na Anderson ang nagmamay-ari. Gusto niya kasing ayusin ang lahat ng pwede niyang ayusin in advance, lalo na iyong mga schedule ni Jeffrey sa loob ng isang buwan. Maging iyong mga ka-meetings nito na kailangan niyang himayin mula sa pinaka-importanteng isyu hanggang sa least-important ay gusto niyang tapusin, pero sobrang dami. "Kaya mo'to Alyana." Mahinang bulong niya at nag-umpisa siyang magtype ng mabilis sa computer niya. Send ng email doon, send ng email rito. Iyon ang
Sa wakas at dumating na ang day-off niya. It's just been a week since she started working as Jeffrey Anderson's secretary slash contract wife, at sa loob ng isang linggong iyon ay ang daming nang naganap.Deserve niya ang pahinga, malayo sa magulong mundong pinasukan niya, malayo sa mga taong nagmamasid sakaniya para sa misyon niya, at malayo kay Jeffrey Anderson. Sa araw na ito, siya lang si Alyana Lopez, ang totoong Alyana. Hindi ang spy na si Alyana, hindi rin si Alyana Lopez- Anderson, kung hindi ang nag-iisang Alyana na mahal na mahal ang Nanay niya. Nakaupo siya sa tapat ng lapida ng Nanay niya. Naksindi ang kandilang dala niya ang simpleng mga bulaklak. Naalala niya noong namatay ang Nanay niya, wala silang pera, ni wala siyang mapaglilbing sa Nanay niya at hindi sapat ang nalikom nilang pera sa burol nito. Thankfully, the priest on the church beside her mother's now tomb was kind to them. Hinayaan siyang ilibing ang Nanay niya sa gilid ng simabahan. Ang simbahan kasi ay mat