LOGINHarmony is a teenage girl living in Taguig, her family is wealthy and she can get everything that she asks for. But also because of that, she didn't have anyone. Her parents are always away and no one tries to befriend her. She’s basically a loner. Not until she got dragged into a fight that rather changed her life. She got something that she never wanted to have. A disease. A fight between life and death. Hoping to survive, she met a few people that accompanied her through her journey. Violet Hayes, the girl who hated her during middle school. Page Crawford, the nerd transfer that everyone dislikes. Magnus Grey, a strange boy who always looks at her from afar. But the question is, how can they help someone who’s losing hope as the day goes by? How will Harmony cope with her daily life trying to live normally?
View MoreZANAYA ARRIOLA. Married.
Proud ako lagi na isulat iyon sa status entry ng anumang official document. Masasabi kong isa ako sa mga nag-asawa na hindi nagsisi sa naging desisyon ko kahit tutol dati ang mga magulang ko sa lalaking pinili kong pakasalan. Nakulangan kasi sila sa pundasyon ng pagmamahal sa akin ng asawa ko. Masyado raw mabilis. Three months lang kaming mag-on tapos kasal agad. Wala raw akong pagkakataong kilalanin muna si Gavin.
"All done, Ma'am, thank you for giving me your personal info. I will settle this right away and give you updates afterwards," sabi ng agent na kausap ko online.
Nag-apply ako ng life insurance. Medyo maganda na kasi ang kita ng pastry business ko. Banana cookies, cupcakes at macaroons. Kaninang umaga nakabinta ako ng 50 pieces na banana cake, 50 boxes ng macaroons at 50 boxes na cupcake. Tatlong beses sa isang lingo ako nagluluto, sobrang nakapapagod kasi kung aaraw-arawin ko.
Nagtungo ako sa sala at tinawagan si Mama Minda. May problema siyang idinulog kahapon pero sandali lang kaming nagkausap dahil kailangan kong asikasuhin si Gavin.
"Kumusta na si Maricel, Ma?" tanong kong nag-alala.
Kinakapatid ko si Maricel. Inaanak siya ng mga magulang ko sa binyag. Battered wife siya at kahapon ay pinagbuhatan na naman ng kamay ng asawa niya. Hindi makaalis sa poder ng lalaki dahil ginagamit na rason ang dalawang anak.
"Sinamahan namin ni Papa mo sa barangay kanina, ni-refer kami sa women's desk."
"Ilang beses na po ba iyan? Sana magawan na ng action."
"Tutulungan kami ni kapitan."
"Mabuti naman po."
Madalas kong marinig mula sa mga matatanda na ang pag-aasawa ay hindi kaning mainit na pwedeng iluwa kapag napaso ang dila. Ang pag-aasawa, kahit iluwa mo pa ay mag-iiwan ng sugat na maaring hindi maghihilom kahit sa paglipas ng maraming taon.
"Sige na, Anak, tatawag ulit ako bukas. Mag-iingat ka riyan at maraming salamat sa pera. Umiyak si Maricel nang i-abot ko sa kaniya ang padala mo." Nagpaalam si Mama.
"Walang anuman po, update n'yo ko bukas ha? Bye, ingat din kayo ni Papa."
Dalawa lang kaming magkapatid, puro babae. Noong dalaga pa ako, takot akong mag-asawa lalo na at hinulaan ng kapitbahay naming na hindi magiging successful ang married life ko. Magtataksil daw ang mapapangasawa ko. Halos maniwala ako sa hula na iyon kaya umabot ako sa edad na twenty-five bago nagkaroon ng boyfriend.
Si Gavin Arriola, first boyfriend ko at ngayon ay asawa na. Engineer siya at head officer ng City Planning and Development Office ng LGU-Juan Luna City. Four years na kaming kasal at hindi pa rin biniyayaang magkaanak pero hindi naman iyon naging issue sa pagsasama namin. Mas madalas ang ugat ng pagtatalo namin ay tungkol sa kagustuhan kong bumalik sa pagtuturo.
Licensyadong guro ako ng public school noong nagkakilala kami. Matapos naming magpakasal ay pinahihinto niya ako. Pinagbigyan ko na rin, gusto kong mag-focus sa pag-aalaga sa kaniya at sa magiging anak namin. Pero dahil mahal ko ang pagtuturo, may mga sandaling sumasagi sa isip kong bumalik kahit sa day care center man lang.
"Ate, tapos ko na po ligpitin ang mga sinampay. Bukas ko na lang po titiklupin." Sumilip sa akin roon sa sala si April. Stay-out maid naming siya at working student. Nagtatrabaho sa araw at nag-aaral sa gabi.
"Okay na iyan, April. Ako na ang magtutupi mamaya. Aalis ka na ba?" tanong ko.
"Opo, mag-re-review pa ako roon sa library. Prelims na kasi namin ngayong week na ito."
Inabot ko ang wallet na nasa ibabaw ng divider. Binuksan at kumuha ng five hundred pesos na papel.
"Idagdag mo na ito sa allowance mo at may banana cake roon sa ref, kumuha ka ng isa para may snacks ka mamaya."
"Pwede po ba akong kumain na rin ng hapunan, Ate? I-uulam ko po 'yong tira na ham at corned beef kaninang umaga."
"Bakit iyon ang iuulam mo? May marinated chicken diyan sa ref, magluto tayo. Mabilis lang naman, halika."
Nag-prito ako ng mabilisan ng manok at si April ay nagsaing sa rice cooker.
Napansin kong panay ang sulyap niya sa akin na para bang may gustong sabihin pero nag-aalangan.
"May problema ka ba sa school? Huwag kang mag-atubiling sabihin sa akin lalo na kung sa financial, okay?"
"Okay lang naman po ang pag-aaral ko, Ate. Ano lang kasi, may sasabihin ako pero huwag po kayong magalit ha?" Nilingon niya ako, nasa mga mata ang pagkabalisa.
"Bakit naman ako magagalit? Ano ba iyon?" Bahagya pa akong natawa at lumayo ng kunti sa kawali para makaiwas sa tilamsik ng mantika.
"Ah...noong Sunday nagpunta kami ng classmate ko sa National Book Store, tapos paglabas namin nakita ko si Kuya, pumasok sa McDo, may kasama po siyang babae. Inaakbayan niya tapos hinalikan sa sentido. Gusto ko po sana silang sundan kaya lang nagmamadali na 'yong classmate ko at hindi ko pa po kabisado kung paano sumakay ng bus doon sa siyudad."
Tumawa lang ako. Marami na akong naririnig na ganoon tungkol kay Gavin mula sa mga kaibigan kong guro. Pero may tiwala ako sa asawa ko. Hindi niya ako lolokohin.
"Baka pinsan niya iyon. Close si Gavin sa mga pinsan niyang babae at sobrang lambing. Hindi mo pa nakita ang iba niyang pinsan, no?"
"Hindi pa po. Pero namukhaan ko po 'yong babae, Ate. Nurse po iyon diyan sa City Health Office, si Mildred Las Peñas. Kaya pamilyar sa akin kasi dalawang beses na siyang dinala ni Kuya rito noong nag-deliver ka ng paninda mo."
Bumigat ang tibok ng puso ko. Ayaw kong isipin na kaya akong lokohin ni Gavin. Pero wala namang dahilan para magsinungaling si April. Ako ba ang nagkamali? Masyado ba akong nagtiwala sa asawa ko kaya nagbubulag-bulagan ako sa sinasabi ng mga kaibigan ko? Gayunpaman, gusto ko pa ring bigyan ng benefit of the doubt si Gavin.
"Ate, sorry po ha, ngayon ko lang sinabi. Ayaw ko kasing sumama ang pakiramdam mo. Anniversary n'yo pa naman bukas ni Kuya."
"Okay lang," matamlay kong sagot.
Tuluyan akong nawala sa focus at nasunog ang piniritong manok. Biglang sumakit ang ulo ko sa kaiisip kung paano kakausapin si Gavin pag-uwi niya. Siguradong hindi niya magugustuhan kung ang ibubungad ko sa wedding anniversay namin ay ang tungkol sa posibilidad ng pagtataksil niya.
Pero noong gabing iyon ay hindi umuwi sa akin ang asawa ko. Nakatulugan ko na ang paghihintay sa kaniya buong magdamag. Lalo tuloy naghimagsik ang emosyon ko kahit gusto kong bigyan siya ng pagkakataong isalba ang sarili sa pagdududang kumakain sa akin.
"Pasensya ka na, nag-overtime ako kagabi." Nasa kusina ako at naghahanda ng breakfast nang dumating siya. First time na hindi ko siya sinalubong.
"Hindi ka man lang tumawag?" sita kong hindi siya sinulyapan. Baka sumabog na lang ako sa sobrang poot at takot na nadarama.
Niyakap niya ako mula sa likod. "Sobrang busy lang talaga. May inasikaso kaming madaliang upgrading para sa CLUP ng LGU. Kailangan na kasing maipasa iyon sa province ngayong week na ito."
Bulong ng isip ko kasinungalingan iyon pero gusto kong maniwala dahil takot akong harapin ang totoo.
"Upgrading ng CLUP o ng secret affair mo kay Mildred sa city health?" Umikot ako paharap sa kaniya at itinulak siya. "Are you cheating on me, Gavin? Umamin ka!" Sadya kong nilangkapan ng tapang ang tono kahit umuuga ang mga tuhod.
Rumehistro sa mukha niya ang gulat at ang mabilis na pagdaan ng guilt sa mga mata ay indikasyon na tama nga ang sinabi ni April. Nagtaksil sa akin ang asawa ko. Para akong inabandona ng katinuan.
"Anniversary natin ngayon, tapos ito ang ireregalo mo sa akin? Kapal ng mukha mo! Gaano katagal na ha? Gaano katagal mo na akong niloloko?" Sinampal ko siya pero sinalo niya ang kamay ko at itinulak ako.
Bumuga siya ng hangin at bagsak ang mga balikat na binuksan ang sling bag na nakabitin pa rin sa katawan. May kinuha siyang brown envelope sa loob. Nilapag iyon sa kalapit na mesa.
"Annulment papers ang laman nito, pirmahan mo. Matagal ko nang balak na makipaghiwalay sa iyo, Zanaya. Last year pa noong nanganak si Mildred sa baby namin. Hindi ko lang magawa dahil naaawa ako sa iyo. Pero intindihin mo sanang hindi na kita kayang mahalin pa."
Tigagal akong humawak sa edge ng kitchen counter. Kinapos ako ng hangin. Pakiramdam ko ay umurong ang aking utak. Kumirot ang ulo ko at ang dibdib ko ay parang sasabog sa hindi ko maipaliwanag na sakit.
HarmonyI was sitting in my seat while ignoring the sound of my classmates being so loud. Looking around again, I noticed that Page was spacing out. She’s just playing with her pen andlike me, she’s also looking around.Is she all right?I wanted to ask what was wrong, but I couldn’t bring myself to talk to her.What was it?What’s with her?What’s inside that notebook and what happened yesterday?I have a hunch that she was bullied. But I think there’s more. It wasn’t just because of that. But why am I being curious? It’s not like me to try and put my nose in someone else’s business.But somehow, I think that I see myself in her. My whole life, I was a loner and an outcast everywhere I went. It seems like she’s like that too.She has a choice. If she wants to go to another school again, she could leave. I wouldn't be surprised if one day
HarmonyI was trying to prevent myself from shaking while I was staring at my laptop. I don’t know what to feel about a post on Friendbook related to me. While I was trying to calm down, I continued to stare at a photo posted with a mocking caption.It was me, standing on a stage while in the midst of holding back my tears. The caption says, "Wow, look at your dumb rich girl stuttering through a debate. Is that all you can do? "The photo was taken back inmy elementary school while we were having a debate contest. I was selected as one of the speakers by my classmates, but by force because no one volunteered to be a speaker besides the two geniuses of our class.Knowing me, I’m shy in front of many people and I always get mental blocks every time I have to argue about something.It’s not that I’m not smart. I’m just really afraid that people will laugh or I may think that my answer is right, but






Welcome to GoodNovel world of fiction. If you like this novel, or you are an idealist hoping to explore a perfect world, and also want to become an original novel author online to increase income, you can join our family to read or create various types of books, such as romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel and so on. If you are a reader, high quality novels can be selected here. If you are an author, you can obtain more inspiration from others to create more brilliant works, what's more, your works on our platform will catch more attention and win more admiration from readers.