Syempre nadatnan nila kayong magkasama eh...
“Hindi mo alam kung anong mga bagay na ginawa ko, lahat ng tiniis ko… para lang makilala ka,” tugon niya na halos pabulong pero matalim ang dating.Natigilan ako. Hindi ko in-expect na iyon ang isasagot niya. Parang bigla akong kinilabutan, kasi may bigat sa bawat salitang binitawan niya. Bahagya niyang pinisil ang pisngi ko—hindi marahas, pero sapat para magpahinto sa akin. Nanatili akong nakatitig sa mga mata niya, naghahanap ng kasinungalingan, pero ang nakita ko lang ay pagod at desperasyon.Huminga siya ng malalim, parang sinusubukang pigilan ang sarili niyang emosyon. Pagkatapos ay kinuha niya ang kamay ko, marahang dinadala sa labi niya, bago niya hinalikan ang likod ng palad ko. Doon ako tuluyang napatigil. Na-touch ako, sobra—kasi sino pa ba ang gumagawa ng ganito ngayon? Sa mundong puro bilis at pakitang-tao, may isang lalaki pang ganito ka-old school.“Pwede bang magtiwala ka sa akin? Gusto ko lang… magsama
“Umayos ka, Terrence. Baka dumating na ang mag-ina at makita pa tayo,” bulong ko habang bahagyang tinutulak ang dibdib niya. Ramdam ko ang init ng palad niya sa bewang ko, parang ayaw niya talagang bumitaw.Huminga siya nang malalim bago nagsalita, mababa at seryoso ang boses. “I bring you here for our honeymoon, Evie.” May diin sa salitang honeymoon na parang pinapaalala niya kung bakit kami narito.“I know,” sagot ko agad, pilit na kalmado ang tono. “Pero alam mo na may ibang tao na pwedeng makakita sa atin.” Malumanay ang pagkakasabi ko, halos pabulong, dahil ayaw kong isipin niya na umiiwas ako. Ayaw kong magmukhang malamig lalo na at alam kong ayaw na ayaw niya ng ganon. We had a deal, and kailangan kong tuparin ‘yon. Wala akong karapatang umatras, lalo na at nagawa na rin niya ang parte niya.“Fine, anong gusto mo munang gawin natin?” Tanong niya, pero hindi ito tunog sarkastiko. Sa akin lan
Nagpaalam din si Aling Derla nang nasa tapat na kami ng silid. Pagkapasok ko, literal na napanganga ako. Ang laki ng kwarto, parang mas maluwag pa kaysa sa buong apartment na tinirhan namin ni Casey. Ang wall ay warm at neutral tones na creamy ivory, at may venetian plaster na may texture na parang painting. May depth at rustic charm ito na hindi mo makikita sa mga ordinaryong kwarto.Mataas ang kisame, halos ma-strain ang leeg ko sa kakatingala. Doon ko napansin ang wooden exposed beams na gawa sa dark mahogany kaya ang dramatic ng dating, pero at the same time cozy. Para bang mixture ng luxury at comfort na hindi ko akalaing mararamdaman ko.“Maganda ba?” bumulong si Terrence mula sa likuran ko, mababa ang boses na parang may kasamang ngiti. Naisara na pala niya ang pinto at, gaya ng inaasahan, naramdaman ko agad ang mga braso niyang nakapulupot sa bewang ko.Napapikit ako nang maramdaman kong hinila na naman niya ako palapit, hanggang sa sumandal ang likod ko
“How do you like the place?” tanong ni Terrence pagkababa pa lang namin ng sasakyan. Nakapamewang pa siya, halatang excited na parang bata na may bagong laruan na pinagmamalaki.Napailing na lang ako. Hindi ko na talaga siya napigilan sa honeymoon na gusto niyang mangyari, parang wala nang ibang nakakarating sa utak niya. Hindi lang basta honeymoon, ha. Agad-agad talaga. Kahapon lang niya binanggit sa akin, tapos heto na nga kami ngayon, parang biglaang road trip lang pero pang-long term plan ang dating.Hindi nga lang abroad tulad ng sinabi niya dahil inayawan ko 'yon. Kung sakali kasi ay dalawang linggo kaming mawawala. Ayaw kong lumayo dahil alam ko ang kalagayan ng aking ina. Gusto ko na kahit papaano, kapag tinawagan ako ng hospital ay madali akong makakapunta. I explained it to him at sa gulat ko, naintindihan niya. But he made me promise na kapag okay na si Mommy ay itutuloy na namin ang out of the country trip.Kaya heto at sa isang private resort na lang sa Batangas ang napili
Hinila niya nang kaunti ang mukha ko paharap gamit lang ang dulo ng mga daliri niya, at pakiramdam ko, para akong nahulog sa bitag na hindi ko namalayan na tinakpan pala. Hindi ko na alam kung dahil sa lapit namin o sa paraan ng pagtitig niya, pero parang may kuryenteng gumapang mula sa batok ko pababa sa likod.“Evie…” ulit niya, mas mababa na ngayon, halos pabulong, pero bawat letra ramdam ko sa loob ng dibdib ko. “Look at me.”Dahan-dahan akong tumingin, at sa mismong sandaling magtagpo ang mga mata namin, parang tumigil ang paligid. Wala na ‘yung ingay sa labas, wala na rin ‘yung mabilis kong pag-iisip kung tama ba ‘to o mali. Ang naiwan lang… siya. At ako.Napasinghap ako nang bigla niyang haplusin ang panga ko gamit ang hinlalaki niya. “You’re holding back,” bulong niya, na para bang hindi siya nagtatanong, kundi nagsasabi ng totoo.“Hindi—” putol kong sagot, pero naputol din ako nang mas lalong bumaba ang boses niya at dumikit pa nang bahagya ang noo niya sa noo ko.“You are,” m
Naging maayos ang pagbisita namin sa mga magulang ni Terrence at aaminin ko, hindi ko in-expect na magiging gano’n sila ka-light kasama. Chill lang ang kwentuhan, walang pilitan, at hindi ko talaga naramdaman na parang “outsider” ako sa bahay nila. Mabait sila, sobrang warm. Hindi ko alam kung dahil ba sa natural lang talaga silang gano’n o dahil kasama ko si Terrence… pero either way, ang gaan sa feeling.Hindi malinaw kung kailan eksaktong darating si Audrey, pero ewan… may kutob ako na kailangan ko talagang maghanda. Hindi ko rin naman kasi alam ang ugali niya. Mabait man sa tingin ko ang mga magulang nila, malay mo kay Terrence siya nagmana.Kilala ko lang siya bilang kapatid ni Terrence other than that ay wala na. At kahit pareho kami ng high school noon, halos hindi kami nagkakabanggaan sa hallway. At lalo nang hindi kami nagkakausap. Minsan nagkakasalubong pero ‘yung tipong dedma mode, parang hindi kilala ang isa’t isa. Ay, hindi pala talaga.Pagkatapos naming bumisita kina Mr.