Share

Chapter 48

Author: RGA.Write
last update Petsa ng paglalathala: 2025-09-12 23:00:56

“Bakit ba ayaw mo akong papasukin?” tanong ko, medyo nakataas ang kilay habang nakapamewang. Kita ko si Terrence, nakatalikod sa akin, nagbibihis na parang may biglang board meeting. Ang bilis ng kilos niya habang nagsusuot ng long sleeve polo, abala sa pagbutones pero ramdam kong pinipilit lang niyang umiwas sa tingin ko.

“Ang dami namang pwedeng tumulong sa akin sa office. Stay here na lang, o kaya puntahan mo si Mommy.” Seryoso ang boses niya, pero sa dulo, may lambing na parang ayaw akong m
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Status: Enemies with Benefits   Chapter 84

    WARNING!!! SPG!!!Pagkasara pa lang ng pinto ng silid namin, parang sabay-sabay na bumigay ang lahat ng lakas na pilit kong kinakapitan buong araw. Napahinto ako at napasandal sa likod ng pinto, sandaling ipinikit ang mga mata ko habang pilit kinokontrol ang paghinga. Ang bigat sa dibdib ko ay hindi basta nawawala, kahit alam kong nasa loob na kami ng bahay—sa lugar na dapat sana ay ligtas.Pero hindi na ganoon kasimple ngayon.Narinig ko ang marahang paglapit ni Terrence, at bago pa ako tuluyang makabawi, naramdaman ko na ang init ng katawan niya sa harapan ko.“Hey…” mahina niyang tawag, halos pabulong, na parang ayaw akong gulatin.Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata at tumingin sa kanya. Kita ko agad ang pag-aalala sa ekspresyon niya, ang paraan ng pagtitig niya sa akin na parang sinusubukan niyang basahin ang bawat iniisip ko.“Okay ka lang?” tanong niya, marahan ang boses pero puno ng sincerity.Napangiti ako nang bahagya, pero hindi ko rin kayang magsinungaling sa kanya.“Hi

  • Status: Enemies with Benefits   Chapter 83

    Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiiyak sa naging reaksyon ni Mommy matapos ang biro ni Terrence. Sa gitna ng takot at tensyon, nagawa pa rin niyang pagaanin ang sitwasyon, na para bang wala kami sa gitna ng isang delikadong sitwasyon. Nakita ko kung paano bahagyang nag-relax ang mukha ni Mommy, at kahit sandali lang iyon, sapat na para kumalma ang dibdib ko.Hinuli ni Terrence ang kamay ko matapos ko siyang hampasin, saka iyon marahang pinisil. Walang salita, pero malinaw ang mensahe—nandito siya, at hindi niya ako pababayaan.Napailing na lang ako, pero hindi ko maitatanggi na sa kabila ng lahat, mas lumalakas ang loob ko dahil sa kanya.Gayunpaman, hindi pwedeng manatili kami sa ganoong estado. Hindi pwedeng magpaka-komportable sa isang lugar na malinaw nang hindi ligtas.Muling bumalik ang seryosong ekspresyon sa mukha ko habang nakatingin kay Terrence. “We need to move her,” mahinahon kong sabi, pero may bigat ang bawat salita. “As soon as possible.”Hindi siya nag-atubiling

  • Status: Enemies with Benefits   Chapter 82

    Hindi ko gustong umalis.Kahit ilang araw na akong halos hindi natutulog, kahit paulit-ulit na akong kinakausap ni Terrence na magpahinga, may parte sa akin na tumatanggi. Parang may kung anong mali na naghihintay na mangyari sa sandaling iwan ko ang silid ni Mommy.Tahimik siyang natutulog nang mga oras na iyon, payapa ang mukha, malayo sa takot na nakita ko sa kanya ilang araw na ang nakalipas. Pero kahit ganon, hindi pa rin nawawala ang kaba sa dibdib ko.“Baby…”Marahan akong napalingon kay Terrence na nakatayo sa likod ko. Ramdam ko ang init ng kanyang kamay nang ipatong niya iyon sa balikat ko.“Kailangan mong magpahinga,” mahinahon niyang sabi. “Hindi ka na nakakabawi.”Hindi agad ako sumagot, napatingin lang ako ulit kay Mommy.“May mga tao sa labas,” dagdag niya. “Naka-brief na ang lahat. Walang makakalapit sa kanya.”Saglit akong napapikit.Dalawang bodyguard ang nakapwesto sa labas ng silid. May naka-assign din sa hallway. Alam kong hindi siya nagkulang sa pag-iingat.At hi

  • Status: Enemies with Benefits   Chapter 81

    Isang linggo ang lumipas.Sa unang pagkakataon matapos ang napakaraming araw ng kaba at paghihintay, unti-unti nang bumabalik ang sigla ni Mommy.Hindi pa rin siya ganap na malakas, pero kitang-kita ang malaking pagbabago sa kanyang kalagayan. Mas malinaw na ang kanyang mga mata, mas maayos na ang kanyang paghinga, at nagagawa na niyang makipag-usap nang hindi agad napapagod.Sa mga nakaraang araw, sinigurado ni Terrence na hindi kami mawawalan ng proteksyon.May dalawang bodyguards na palaging nakapwesto sa labas ng silid. May isa pang nakabantay sa dulo ng hallway. At ayon kay Terrence, may isa pang team na palihim na nagmo-monitor sa paligid ng hospital.Hindi niya sinasabi nang detalyado ang lahat, pero alam kong ginagawa niya ang lahat para sa kaligtasan naming mag-ina.Ngayong gabi, tahimik ang hospital room.Ako ay nakaupo sa tabi ng kama ni Mommy habang hawak ang kanyang kamay. Sa kabilang side naman ng kama ay nakaupo si Terrence, nakasandal nang bahagya sa upuan habang pinag

  • Status: Enemies with Benefits   Chapter 80

    Lumipas ang ilang araw na halos pare-pareho ang takbo.Tahimik. Maingat. At puno ng paghihintay.Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong napatingin sa pintuan ng hospital room, parang may inaasahang biglang papasok na hindi ko naman alam kung sino.Simula nang sabihin ni Terrence na may posibilidad na may taong gustong patahimikin si Mommy, hindi na nawala sa isip ko ang posibilidad na may nagmamasid sa amin.Kaya naman kahit hindi ko nakikita, alam kong may mga tao sa labas ng silid.Mga bodyguard na ipinadala ni Terrence.Hindi niya iyon ipinagmamalaki, pero nararamdaman ko ang pag-aalala niya sa bawat maliit na detalye. Mula sa pag-check ng CCTV sa hallway hanggang sa pagtiyak na iisa lang ang nurse na papasok sa room ni Mommy.At higit sa lahat, patuloy niyang pinapanatili ang lihim na nagising na si Mommy.Sa lahat ng tao sa hospital, tanging si Dr. Guerrero at ang dalawang nurse na pinagkakatiwalaan nito ang may alam ng totoo.Sa paningin ng lahat ay nasa coma pa rin ang aki

  • Status: Enemies with Benefits   Chapter 79

    Hindi pa rin tumitigil ang panginginig ng mga kamay ko kahit makalipas ang ilang minuto mula nang muling mawalan ng malay si Mommy.Tahimik ang silid, pero pakiramdam ko ang lakas ng ingay sa loob ng ulo ko na parang may sirang speaker na paulit-ulit ang tugtog.Your step-uncle.Paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip ko ang mga salitang iyon. Kahit pilitin kong huwag isipin, kusang bumabalik.Hindi puwede, hindi tama, at mas lalong hindi kapani-paniwala.Pero ang sarili ko ng ina ang may sabi. At kumpara sa iba ang salita niya ang talagang may bigat sa akin at higit sa lahat ang tangi kong papaniwalaan.“Baby… breathe.”Napansin kong hawak na pala ni Terrence ang magkabilang balikat ko. Hindi ko man lang namalayang lumalalim na pala ang paghinga ko at parang nahihilo na ako sa dami ng iniisip.Marahan niya akong inupo sa couch sa gilid ng silid habang pinipilit kong kumalma.“Hinga ka muna,” bulong niya, marahang hinahaplos ang likod ko. “One step at a time. Nandito lang ako.”Pinikit

  • Status: Enemies with Benefits   Chapter 23

    “Marry you?”Inulit ko ang sinabi niya habang nananatili siyang nakatitig sa akin, walang kibô, walang kurap. Para akong kinuryente sa tanong niya. Literal na nag-freeze ang utak ko.Saan galing ‘to? Sinong pumasok sa katawan niya? Siya ba talaga ang kaharap ko? Si Terrence Montemayor?Ang huli kong

  • Status: Enemies with Benefits   Chapter 22

    “What are you doing there?” Matalim ang boses ni Terrence pagkabukas pa lang ng pinto sa condo. Halos kaladkarin niya ako pauwi at kahit sina Orion at Casey, hindi na lang kumibo. Masyadong tensyonado ang hangin para makisawsaw pa sila kanina sa labas ng Pink Club.“Wala.” Kalmado ang tinig ko pero

  • Status: Enemies with Benefits   Chapter 21

    Hindi ko alam kung blessing in disguise ba ang nangyari dahil nauna ng umalis si Terrence kasama si “babe” kuno.Hmp! Malamang sa milagro ang punta ng mga ‘yon.Dahil wala na nga ang hambog, natural, pack up na rin ako ng matapos ang oras ng trabaho. Ano ‘yon, nagpapasarap na siya habang ako ay kayo

  • Status: Enemies with Benefits   Chapter 20

    Tinanguan lang ako ni Terrence, tapos tuluyan na akong iniwan sa may pinto ng opisina niya.Napakunot ang noo ko habang sinusundan ko siya ng tingin. Wala naman akong alam na appointment niya ngayon, lalo na sa ganitong oras, may meeting siya mamayang konti with the IT department. Kaya saan siya pup

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status