Maayos ang naging takbo ng trabaho namin ni Terrence. May mga usap-usapan akong naririnig tungkol sa lalaki at sa mga babaeng nauugnay dito, puro bulung-bulungan na sigurado akong nagmula pa sa mga empleyado ng MHI. Wala namang chika noong nakahiwalay pa ang Nylerret, kaya obvious na sa opisina ng family business nila nagsimula ‘yang mga yan.Pinagkibit-balikat ko na lang. Pinanghawakan ko pa rin ang salita ni Terrence; alam kong hindi niya ako lolokohin. May weird na kapanatagan sa dibdib ko tuwing naiisip ko ’yun, parang may maliit na apoy sa ilalim ng paniniwala na hindi basta-basta mawawala dahil sinabi naman niya sa akin na hindi niya ako lolokohin.“Ang pogi talaga ni Sir, ang swerte ni Miss Evelyn dahil magkasama sila sa office…” usal ng isa sa mga secretary habang kumakain sa pantry. Si Terrence, yeah. Hindi naman pangkaraniwan, pero hindi rin ako nahuhulog sa tipo niyang popularidad. Still, nakakapanibago.“Ano bang swerte?” mataray na sabat ni Carmie, bakas sa tinig niya ang
Monday, back to work na ulit ako. Kagaya ng sinabi ni Terrence, magkasama nga kami sa opisina niya. Like, legit magkatabi lang ang mga table namin. Honestly, first time ko lang makakita ng personal assistant na nakaupo sa office ng boss mismo. Usually kasi nasa labas, diba? Pero ano pa nga ba ang magagawa ko. Asawa ko na siya ngayon, so technically, wala nang issue. Medyo weird lang sa simula pero fine, carry lang.Ang iniisip ko lang, paano kaya ’yung ibang empleyado? For sure, magtataka sila kung bakit ganito ang set-up. Eh alam mo naman, mabilis kumalat ang chismis sa office. Hmp! Ewan. Bahala na si Terrence mag-handle niyan. Siya naman ang boss dito.Sa labas ng office namin, nandoon sina Warren at Carmie kasama ang ibang secretaries. Kita ko nga mula sa one way glass wall, busy sila. Anytime na may kailangan si Terrence, mabilis lang silang matawag. Mukhang gusto talaga niya ng mabilis na access sa lahat, parang no room for delays. Very Terrence.By the way, ’yung meeting with th
“Terrence, gusto ko lang na matuto itong anak ko sa hanapbuhay. Naniniwala ako na sa ilalim ng iyong guidance ay marami siyang malalaman tungkol sa pasikot-sikot sa negosyo. Sana ay hindi mo masamain ito.”Napansin kong bahagyang naningkit ang mga mata ni Terrence, at nang sulyapan ko siya, para bang pinipigilan niya lang ang sarili na huwag mapairap. Ako naman, automatic na napailing. Seriously? Guidance? Akala ba ni Mr. Nicanor may oras pa ang asawa ko para maging mentor-slash-yaya?“I am currently managing my own business at ang MHI,” malamig na sagot ni Terrence, bawat salita may diin. “Paano mong naisip na kailangan ko pa sa tabi ko ngayon ng assistant na kailangan pang turuan? At hindi mo ba alam na ang magsimula sa pinakamababang posisyon ang pinakamagandang tuntungan upang magtagumpay? Walang napapala sa pagmamadali gamit ang backer, Mr. Nicanor.”Ang linya niya parang martilyo, diretso, walang paligoy.Napatiim
“What about your daughter?” tanong ni Terrence, diretso ang tingin kay Mr. Nicanor.“Allysa just came back from the States at gusto niyang magtrabaho din sa MHI.”Wow. Aba, at mukhang gusto pang ibugaw ng matandang ito ang anak niya sa asawa ko ah. Napataas ang kilay ko, pero pinilit kong hindi magsalita.“She can apply; no one is stopping her.” Kalma pa rin ang tono ni Terrence, pero halata ang tigas ng panga niya.She can apply? Talaga ba? Pinapa-apply pa niya? Halos mapailing ako.“Do I still need to go through the process?” malambing na tanong ni Allysa, sabay tilt ng ulo na parang nagchi-charming act lang.“If you want to work in MHI or in any company, hindi ba dapat lang na mag-apply ka?” balik tanong ni Terrence. Ang timing ng tono niya ay sakto lang para maging sampal. Muntik ko nang hindi mapigilan ang ngiti ko nang makita kong nawala ang pino at confident na ngiti sa labi ng babae.“Terrence, she’s my daughter,” diin ni Mr. Nicanor, medyo mahigpit na ang boses.“So?” simpleng
Nasa isang classy na restaurant na kami para sa meeting kasama raw ng isa sa mga shareholder ng MHI. Honestly, ayaw ko sanang pumunta, pero pinilit ko pa rin si Terrence dahil ayaw kong mapagbuntunan ako ng galit ni Carmie kapag hindi ito natuloy. Halata naman sa itsura ng babaeng ‘yon, baka sabihin pa ng bruhang ‘yon na ako ang dahilan kung bakit hindi nagpunta ang asawa ko. Hindi ko kakayanin ang toxic na drama niya.“Kamusta, Terrence.” Nakangiti ang may edad na lalaki pero halata pa rin ang tikas at kisig nito. May aura siyang hindi basta naluluma ng panahon. Tumayo siya mula sa upuan at inilahad ang kamay, malinaw ang intensyon ng isang magalang na handshake.“Mr. Nicanor,” malamig na sagot ni Terrence, na parang nakikipag-usap lang sa isang estranghero. Wala man lang bakas ng ngiti sa labi niya, at kung titingnan mo, para bang mas matanda pa siya kaysa sa kaharap sa paraan ng pang-i-intimidate niya. Ang mas nakakainis pa, ni hindi man lang niya pinansin ang nakalahad na kamay ng
Naiinis talaga ako kasi kanina ko pa gustong itanong kay Terrence kung sino ba talaga si Allysa, pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin magawa. Ang daming pumapasok sa utak ko, baka kung ano ang isipin niya sakin. Baka mamaya sabihin niyang masyado akong pakialamera, na wala naman akong karapatan dahil bayad lang naman ako para maging asawa niya. Ang sakit lang isipin pero totoo.“Anong iniisip mo?” biglang tanong niya, dahilan para mapalingon ako agad sa kanya. Nakatayo siya sa harap ng table niya, busy sa pagliligpit ng gamit, habang ako naman ay parang estatwa lang na nakaupo sa upuan na nasa tapat, pinapanood siya.“W-Wala,” mabilis kong deny, pero halata yata sa mukha ko ang kasinungalingan dahil napansin ko agad ang pagkunot ng noo niya.“Ang sabi mo, may dinner meeting ako with one of the shareholders, tama ba sabi ni Carmie?” tanong niya ulit. Tumango lang ako, trying so hard na maging kalmado kahit kumakabog na yung dibdib ko.Bigla siyang ngumisi at mahinang nagmura bago nags